Chapter 35

Nagluto na ako ng almusal dahil maaga rin naman akong nagising ngayon. Kahit na sinasabihan ako ng mga kasambahay na sila na ang maghahanda ng mesa, nakiusap ako sa kanila na hayaan na lang ako dahil nitong mga nakaraan ay ang mga ito lang ang naghahanda ng makakain naming lahat.

Ako na rin ang nag-ayos ng mesa at nagdala ng pagkain roon. I smiled a little when I looked at our table. Sa aming lahat, ako at si Jahann lang ang madalas na nagluluto at ako naman ang nag-aayos ng mesa kaya natutuwa talaga akong nakikita ang dining room namin na maayos.

“Creep? What are you doing?”

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Jahann na pumasok ng dining room. Ngumiti naman ako sa kanya. “Good morning…” bati ko sa kanya. “What do you think?” tanong ko habang nakatingin sa lamesa. Naglagay ako ng mga bulaklak doon at gumawa rin ako ng strawberry cupcakes para sa dessert.

Mommy and Alyanna love eating those cupcakes in the morning. Madalas na inirereklamo sa akin ni Alyanna iyon dahil tataba raw siya sa mga pinaglululuto ko at mga ginagawa kong cupcakes.

He smiled at me and walked towards me. Hinawakan niya ang kamay ko at pinsil iyon. “It’s beautiful…” ani Jahann sa akin.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti sa kanya. Kagabi, sinamahan niya akong maglakad-lakad, hawak niya lang din ang kamay ko, nagtatanong siya sa napag-usapan namin ni… ni Mr. Alcantara, pero hindi ito nagpumilit nang sabihin ko na hindi ko na muna gustong sabihin sa kanya ang nangyari.

Mr. Alcantara wants to get me and he wants me to live with them. Hindi naman nakakapagtaka dahil gusto nila akong makasama. Sigurado naman din ako na gustong makasama nila Mommy si Airi, gusto rin nila Daddy na makilala ang babae, gusto ng mga ito na makabawi sa babae at naiintindihan ko naman iyon.

It’s the same with Mr. Alcantara.

Hindi ko naman din magawang magalit sa kahit na sino sa kanila, kahit na kay Airi. Wala naman din siyang kasalanan dahil biktima lang naman siya sa galit na mayroon ang tiyahin ko…

“You cooked? Dapat ginising mo ako para natulungan kita,” sabi nito sa akin bago hinawi ang buhok kong tumakip sa mukha ko dahil na rin sa maluwag na pagkakatali nito. I smiled at him and shrugged. “Kaya ko naman, eh…”

“I’ll make you your hot chocolate, wait here,” he kissed my forehead before he walked towards the kitchen. Napalingon na lang ako sa kanya at napangiti.

I will miss that…

Huminga na lang ako ng malalim bago muling bumaling sa lamesa para tignan kung may nakalimutan pa ba ako.

Narinig ko naman ang boses ni Alyanna na papalapit sa dining room. Marahan akong humakbang paatras habang hinihintay siya.

Kumunot ang noo ko nang makita ko na kasama nito si Airi. They looked at me and I saw Airi smiled at me. “Hi, Cherinna…” sabi nito sa akin bago lumapit at niyakap ako.

Hindi ako kaagad nakakibo nang yakapin niya ako. Hindi ko alam na hindi pala ito umuwi kagabi at dito nanatili sa bahay…

“I didn’t see you last night,” sabi nito bago napalingon sa lamesa. “Wow! You cooked all of this?” muli itong lumingon sa akin at ngumiti. “Tama talaga sila Jahann at Alyanna, mahilig kang magluto,” lumingon ito kay Alyanna. “Aly, tara? Sabi mo kanina nagugutom ka na, diba? Buti naramdaman ni Cherinna iyon,” ngumiti ito bago muling lumingon sa akin.

I smiled a little.

Alam kong naninibago rin si Airi sa sitwasyon pero sa nakikita ko, sinusubukan niya. Sinusubukan niyang makipaglapit kina Alyanna bilang kapatid nito.

Sabay-sabay naman kaming napalingon nang bumaba na sila Mommy at Daddy at pumasok na rin sa komedor. Halatang nabigla si Mommy nang makita ako roon.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. “Good morning po…”

“Morning, Mom, Dad,” bati ni Alyanna bago humalik sa pisngi ng mga ito. Mom just made a small nod to her, she looked at me and for a fleeting moment, I saw sadness in her eyes while she’s looking at me.

“Good morning po…” bati rin ni Airi sa dalawa. “Cherinna cooked,” sabi ni Airi bago hinawakan ang braso ko at niyakap iyon at ngumiti kay Mommy. She looked at me again and nodded her head.

Hinila naman na ni Daddy ang upuan nito at hinawakan ang likod ni Mommy para igiya ito paupo. Hindi nagsalita si Mommy na hindi man lang tumitingin kay Daddy. I know they’re still not okay.

Hindi naman din talaga mabilis na maayos ang mga bagay-bagay.

Naupo na rin ito at si Alyanna. Airi smiled at me before taking a seat as well.

Hindi ko alam na naroon si Airi kaya sakto para sa amin lang ang naihanda kong mga plato sa lamesa. Napayuko naman ako bago lumingon sa kanila.

“Aren’t you going to eat with us, Cherinna?” tanong ni Airi sa akin. Ngumiti naman ako ng tipid sa babae.

“Kumain na ako kanina…” sabi ko na lang sa kanila. I don’t want to ruin the moment for them. Hindi ko alam kung nakakain ba sila ng sabay-sabay kagabi pero kung sakali, it will be the first time they will eat together as a family. “Excuse me po,” paalam ko sa kanila bago naglakad papunta sa kusina.

Naabutan ko naman si Jahann na may dalang hot chocolate, kumunot ang noo niya nang makita akong nasa loob ng kusina.

“What are you doing here?” he asked as he walked towards me while holding the mug. I smiled at him as I held the mug and got it from him. “Labas ka na ‘dun…” sabi ko sa kanya habang nakangiti.

“Why? Come on, let’s eat…” hinawakan niya ang kamay ko at umiling naman ako. “No, I cooked those for you and for them…” sabi ko naman sa kanya bago humakbang palayo. “It will be your first family meal together…”

“Cherinna,” napasimangot si Jahann dahil hindi nito gusto sa tuwing sinasabi ko na hindi ako parte ng pamilya nila o di kaya ay ampon ako.

Ano ba ang magagaw ko? Iyon naman ang totoo…

“I’m good, really. Sasabayan ko si Ate Mildred kumain kasi may mga ibibilin ako sa kanya,” sagot ko sa kanya bago naglakad papunta sa labas. “Go na, okay? Labas ka na ‘dun,” sabi ko sa kanya bago tuluyan na akong lumabas at nagpunta sa likod ng bahay habang hawak ang mug na pinagtimplahan ni Jahann ng chocolate.

I heaved a sigh and looked down. I smiled a little.

Naupo na lang ako sa isang bench na naroon at sumandal habang sumisimsim sa itinimpla ni Jahann para sa akin.

I know Mommy is still sad about what happened, I am not used to seeing them like that. Silang dalawa ni Daddy. Lagi kasi na nilalambing ni Mommy si Daddy kahit na sinusungitan siya nito, ngayon, halos hindi na sila nag-uusap at nalulungkot ako dahil doon.

Alam kong may kinalaman din ako roon.

Mahal na mahal ko sila at hindi ko gustong nakikita silang ganoon, kahit si Alyanna. She used to be so bubbly, now, she doesn’t talk much.

Alam kong labis silang naaapektuhan ngayon pero sa kabilang banda, natutuwa pa rin ako para sa kanila.

At least now, kasama na nila si Airi.

I looked at my phone when I heard it ring. Mr. Alcantara’s name appeared on my phone’s screen. Tumikhim muna ako bago sinagot ang tawag nito.

“H-hello…?” sagot ko habang nakasandal at nakatingin sa mga tanim na halaman ni Mommy. Napansin ko ang pamumulaklak na ng mga bagong tanim niya noong nakaraan.

“Hi, Cherinna, good morning. Sorry, did I disturb you?” sagot naman nito sa kabilang linya. Mas masigla ang boses nito ngayon.

“Hindi naman po,” sagot ko na lang sa kanya. Hindi ko rin mapigilan na hindi humanga sa lalaki sa pag-intindi sa nangyayari sa pamilya nito. Airi, the one he thought his daughter is finally reunited with her real family… and me… I am still away from him…

“Sorry, your mom wants to talk to you, that's why I called…” para namang may kung anong kumabog sa dibdib ko nang sabihin nito iyon. Yes, I never got the chance to meet them even before…

“Okay lang naman naman po…” halos pabulong kong sabi. Kahit papaano ay naiisip ko rin kung anong klaseng magulang kaya ang mga ito…

“That’s great. Can we have lunch together? Or dinner? Which one do you prefer?” he asked me, giving me options to choose from.

I smiled a little. “Dinner na lang po…” sagot ko naman sa kanya. Sumang-ayon naman ito sa akin at nagkasundo kami na magkikita na lang kami sa restaurant na pagmamay-ari nila.

Makalipas ang ilang minuto matapos kaming mag-usap ay pumasok na rin ako sa loob at hinugasan ang tasa na dala ko. Naglakad ako para magpunta sa kwarto ko nang makita ko silang lima na magkakasama.

I smiled a little. May kung anong kumurot sa puso ko ngunit pinili ko na lang na ignorahin iyon at huwag na palawigin pa. Umikot na lang ako sa labas para makapunta sa front door namin at nagpunta sa kwarto ko.

Maaga akong nagising dahil halos hindi naman ako nakatulog. Iniisip ko ang desisyon na gagawin ko. Napangiti ako ng malungkot habang nakatingin sa picture namin sa gilid ng kama ko.

I closed my eyes hard as I felt my tears escaping from my eyes again. I sniffed and wiped my cheeks.

Iniisip ko noon na hindi ko naman siguro kailangan na umalis pero sa nakikita ko, tingin ko iyon ang kailangan kong gawin. Para sa akin, para sa kanila. Para mas maging maayos ang sitwasyon naming lahat.

Mariin kong kinagat ang labi ko para pigilan ang sarili ko sa muling pag-iyak. Kahit kay Jahann ay hindi ko sinabi ang desisyon ko dahil alam kong hindi siya papayag pero kailangan kong gawin ito.

Kailangan naming tanggapin na hindi naman talaga ako parte ng pamilya nila at ngayon na kasama na nila si Airi, mas magiging maayos na ang lahat.

I also have to find ways to say sorry to Mommy… gusto ko pa rin na mapatawad niya ako sa ginawa ko, sa binigay ko sa kanya na sama ng loob.

Sa kanilang dalawa ni Alyanna.

Huminga ako ng malalim bago tumayo at tahimik na inayos ang gamit ko. Kinuha ko ang maleta na lagi kong gamit kapag umaalis kami at sinalansan na roon ang gamit ko. Nakaayos naman ang gamit ni Nikolai kaya mabilis na lang na maililigpit ko ang gamit niya.

“What are you doing?”

Napalingon ako nang pumasok si Jahann sa kwarto ko. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa mga damit na nasa kama ko at maging sa mga maleta na naroon. Muli siyang bumaling sa akin. “What’s this? Aalis ka?” tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo.

“Jahann…”

“No, Cherinna. You’re not going to leave, right?” he asked again. Napailing ito bago tumingin sa akin. “You don’t have to leave. We will fix it, things will be okay. Hindi mo naman kailangan na umalis…” hinawakan niya ang kamay ko.

Napalingon ako roon at ang kanina ko pa pinipigilan na paghikbi ay tuluyan ng kumawala. Tumingin ako kay Jahann. “Kailangan, eh…”

“Baby, no…” umiling ito sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at pinahid ang mga luha ko. “You don’t have to leave…”

Hinawakan ko naman ang kamay niiyang nasa pinsgi ko. “Kailangan ko, Jahann…” sabi ko sa kanya bago pilit na ngumiti. “I can’t see them like that, I don’t want to see them like that. Nasasaktan sila dahil sa akin…”

“Cherinna…” ramdam ko ang lungkot sa boses ni Jahann habang nakatingin sa akin. He’s against this. Ayaw niyang umalis ako, ayaw niyang kuhanin nila ako...

“We’ll be fine. Pupunta ako sa… sa pamilya ko. Magiging maayos naman din ang lahat…” hinawakan ko rin ang pisngi niya at pinalis ang luha na naroon. “Maybe one day, they’ll be able to forgive me… accept me…” I tried to smile but I ended up sobbing again.

Jahann pulled me and wrapped his arms around me.

“Baby…”

I bit my lip as I buried my face on his chest and continued crying. I hugged him tight.

Alam kong hindi magiging madali ang lahat pero gusto kong iparamdam kay Jahann na hindi ko siya iiwan at hahawakan ko siya ng mahigpit kahit na ano ang mangyari.

“Fuck. I fucking hate this,” inis na sabi ni Jahann bago ito huminga ng malalim. Alam ko naman na gusto niya akong pigilan pero alam ko rin na irerespeto ni Jahann kung ano ang gusto kong mangyari.

Ito iyon.

Kahit na masama ang loob niya ay tinulungan niya akong mag-ayos ng gamit ko. Hindi siya kumikibo habang inilalagay ang damit ko sa maletang naroon. I looked at him and smiled sadly. “You can always visit us, you know?” I told him before getting up.

Huminga ako ng malalim at inipon ang lahat ng lakas na mayroon ako ngayon bago tinungo ang pinto.

“Where are you going?” tanong niya sa akin na kunot ang noo. Nilingon ko naman ito at ngumiti ng tipid.

“Kay Mommy…” iyon lang at pinihit ko na ang pinto gamit ang nanlalamig kong kamay at lumabas ng kwarto ko. Tinahak ko ang daan papunta sa kwarto nito at ni Daddy.

Nakatingin lang ako sa pinto ng kwarto nito at tila ako naestatwa dahil hindi ko alam paano ko ba sisimulan ang gagawin ko.

It was all of a sudden.

Biglaan pero alam kong alam naman nilang lahat na mangyayari. Ayoko na lang din sigurong patagalin pa dahil alam kong mas mahihirapan sila kung naroon pa rin ako.

Huminga ako ng malalim bago kumatok at marahang binuksan ang pinto. Nakita ko si Mommy na nakaupo sa couch na naroon at nakatingin sa akin.

Hindi ito nagsalita nang makita ako. Pumasok na ako sa loob ng kwarto nila at naglakad papunta kay Mommy kahit na mabilis ang tibok ng puso ko at mabigat ang paghinga ko.

“Mommy…” tawag ko sa kanya habang nakatingin siya sa akin.

I could still see the pain in her eyes. The sadness. The disappointment.

Napayuko ako dahil hindi ko alam kung kaya ko bang harapin ang tingin niya sa akin. “I…” huminga ako muli ng malalim. “Mag… magpapaalam lang po sana ako…” kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko pero mukhang imposible iyon dahil nag-unahan na ang mga ito kahit na hindi ko pa nasasabi kay Mommy ang pakay ko.

Hindi ito nagsalita pero nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko ang pagpalis ni Mommy sa luha nito sa pisngi nito.

“I just want to say sorry for everything I did that… that caused you pain, sadness, disappointment…” hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. “Alam ko na… na hindi kayo masaya sa mga ginawa ko…” muli akong napayuko. “And I am so thankful to have you… sobrang nagpapasalamat po ako na inalaagan niyo ako. Kayo ni Daddy…” sunod-sunod na ang pagpatak sa mga luha ko at hindi ko na magawang tumingin sa kanya dahil na rin sa bigat ng nararamdaman ko ngayon.

“Sobrang thankful ako, Mommy… Sobrang masaya ako na kayo yung nagpalaki sa akin at wag niyo pong iiispin na nagkulang kayo kaya nangyari sa akin ang mga bagay na iyon. It was on me… hindi kayo nagkulang. Binigay niyo lahat sa akin, pinaramdam niyo na mahal niyo ako at anak niyo ako…”

Humakbang ako papalapit sa kanya at lakas loob kong hinawakan ang kamay ni Mommy. Pilit akong ngumiti sa kanya pero alam ko na hindi ko iyon nagawa. Nagtuloy lang ang paghagulgol ko habang nakatingin kay Mommy.

“Alam ko po na nasasaktan kayo na nakikita niyo ako. It will remind you of the painful things she did…” mariin kong kinagat ang labi ko. Naaalala ko kung gaano nagalit si Mommmy nang mabanggit ang pangalan ni Camilla noon.

She caused their accident.

She’s the reason why Mommy’s dad died…

She’s the reason why Jahann almost died, too…

“I’m sorry…” I told her as I sobbed. “A… aalis na po ako. Sasama ako sa kanila…” sabi ko sa kanya bago tumingin sa kanya. “I’m going to miss you, Mommy…” I smiled a little and hugged her tight. “I’m really sorry… I’m sorry for everything I did… I’m sorry…” patuloy ang paghingi ko ng tawad sa kanya habang nakayakap ako sa kanya.

I know she’s crying, too. Alam ko na nahihirapan si Mommy dahil sa nangyayari.

I moved away a little and looked at her. “I am hoping one day, you’ll be able to forgive me…” marahan akong humakbang papalayo sa kanya. “Thank you, Mommy… and I love you…” yumuko na ako bago tumalikod at nagpaalam sa kanya. Nang makalabas ako ay hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko kaya naman napaupo na lang ako habang yakap ko ang mga tuhod ko.

I don’t want to leave… ayokong umalis pero nakikita ko silang nahihirapan na naroon ako…

Huminga ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili ko. I still need to talk to Alyanna and tell her I am leaving.

Alam kong galit pa rin siya sa akin pero kailangan kong magpaalam sa kanya, at humingi ng tawad.

Kahit na hilam na sa pag-iyak ay pinili kong tumayo at naglakad papunta sa kwarto ni Alyanna. Sakto naman ang paglabas nito nang huminto ako sa tapat ng pinto nito.

“Alyanna…” I called her name.

Napatitig siya sa akin bago napaiwas ng tingin. “What do you need?” malamig na sabi nito sa akin.

I was expecting that treatment but I wasn’t expecting it to be painful like this. I cleared my throat before looking at him. “Can we… can we talk? May gusto lang akong sabihin at--”

“I don’t want to talk to you,” sabi nito bago isinara ang pinto.

“Alyanna…” napayuko na lang ako at huminga ng malalim. “I don’t know if you’ll hear me or not…” sabi ko habang nananatiling nakatayo sa labas ng pinto ni Alyanna.

“I just want to say sorry for everything…” sabi ko sa kanya. “And thank you, for being the best sister…” hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin pero alam ko kailangan kong sabihin iyon dahil iyon naman ang totoo.

“I love you, Alyanna… and I’m sorry… I’m sorry for everything, and I am hoping in time… maging maayos ulit tayo…” I wiped my tears as I walked back to my room.

Pagpasok ko pa lang ay agad naman na akong sinalubong ni Jahann at niyakap ako ng mahigpit.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata habang patuloy ang paghagulgol ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Stop crying, baby…” he softly whispered. He cupped my face and wiped my tears. “You may not be a part of this family now, but I promise you, I will make you one. I will make you and Nikolai an Anderson…”

He pulled me again and hugged me tight.

“I promise you that, Cherinna…”

He tightened his hug and I nodded my head and hugged him tight.

I will hold on to that…

I will hold on to us, Jahann.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya. Sinubukan kong ngumiti sa kabila ng pag-iyak at sakit na nararamdaman ko ngayon.

“Mahal na mahal kita…” masuyong sabi ko sa kanya.

Marahan siyang tumango at hinalikan ang mga labi ko.

This time, I will never let you go...

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.