Chapter 36

“Cherinna…”

Nag-angat ako ng tingin kay Daddy habang sukbit ang bag ko. Nilingon ko si Ate Mildred na nasa may pinto at akmang lalabas na. Karga nito si Nikolai at nang sabihin ko rito na aalis na kami ni Nikolai, hindi ito nag-atubili na sabihin sa akin na sasama siya sa aming dalawa.

Sinabi ko sa kanya na hindi naman kailangan at isa pa ay hindi ko naman na siya kayang bayaran. Putol naman na rin ang mga cards ko kaya hindi ko alam kung paano ko ba siya suswelduhan.

Naisip ko na rin ang bagay na iyon habang nag-iisip ako na sumama na sa tunay na pamilya ko. Kailangan kong magtrabaho kaya baka huminto na lang muna ako ulit sa pag-aaral para masuportahan ko rin si Nikolai.

“Mauna na kayo, Ate Mildred,” sabi ko sa babae bago ibinabang muli ang bag ko.

Si Jahann naman ang naglalagay ng gamit ko sa sasakyan nito dahil ihahatid niya kami ngayon. Alam kong hindi niya gusto ang nangyayari pero hindi naman na rin siya nagprotesta pa lalo nang sabihin ko sa kanya na alam kong iyon ang makakatulong sa aming dalawa.

Kailangan ko rin namang makilala sila Mr. Alcantara, kailangan din ni Nikolai na makilala sila… makasama sila.

Tumingin ako kay Daddy at ngumiti ng tipid. “I’m sorry, Daddy…” mahinang sabi ko sa kanya. “I know that you and mom are still not okay and I know it’s my fault and--”

“It’s not your fault, Cherinna. It’s mine,” naglakad ito at hinawakan ang pisngi ko. “I should be the one saying sorry to you. I am the one who put you in this situation and I know you’re having a hard time dealing with it…” huminga ito ng malalim. “You don’t have to leave, you know that, right?” he asked me again.

Ngumiti naman ako ng tipid sa kanya. Kung tutuusin ay wala naman talaga sa kanila ang nagsabi na umalis ako. Ako ang nagdesisyon sa bagay na iyon dahil sa palagay ko ay iyon naman talaga ang tamang gawin.

Airi won’t be able to move freely, she’ll feel uncomfortable with me around here, too. Ganoon din naman ako dahil alam naman na namin ang totoo.

Ako na lang na ang nag-initiate na umalis at makasama sina Mr. Alcantara…

“I’m not blaming you, Daddy…” I cleared my throat. “Alam ko na ginawa mo po ‘yun kasi mahal na mahal mo si Mommy at hindi mo gusto na masaktan siya…” hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko nang makita ko ang pangingilid din ng luha sa mga mata ni Daddy. “You’ve been through a lot, too. You were alone in finding Airi, you kept it to yourself and I know it tortured you, too…”

Umiling ito at tumingin sa akin. “I deserve those things because of what I did, but you? You don’t deserve to feel this pain, Cherinna. I am so sorry,” sabi niiya sa akin bago ako niyakap ng mahigpit. “I’m sorry…”

I hugged him tight as I let myself cry again. “I’m not mad, Daddy… I am actually really thankful…” lumayo ako ng kaunti at tinignan ito. Ngumiti ako sa kanya sa kabila ng pag-iyak ko. Alam ko naman na nahihirapan din siya sa nangyayari at ayoko na ring makadagdag pa roon. Ayoko na mas maging dahilan pa ako para mag-away sila ni Mommy…

“I am thankful to you, Dad… growing up, I felt the love… naramdaman ko na minahal niyo ako at hindi naging iba ang turing niyo sa akin…”

“Cherinna…”

“And I’m sorry, too… Alam ko na hindi kayo naging masaya sa mga ginawa ko, sa mga naging desisyon ko, pero tinanggap niyo pa rin ako. I’m really sorry, Dad…”

“Shh…” muli itong umiling at niyakap ako ng mahigpit. “You don’t have to say sorry, okay? It’s okay… it’s fine…” basag ang boses na sabi ni Daddy habang yakap ako ng mahigpit. “I don’t want you to leave, Cherinna, but I know you deserve to know them… your real family…”

Tumango ako habang patuloy ang paghikbi. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

I’m really going to miss them all.

Hindi ko alam kung paano ba ako gigising bukas na alam kong nasa estrangherong bahay ako at hindi ko man din masigurado kung magiging maayos ba ang sitwasyon namin ni Nikolai roon.

Alam kong mabuti silang tao pero alam ko na napakalaking pagbabago nito sa buhay ko. Malaking adjustments.

Tumingin akong muli kay Daddy at ngumiti ng tipid. Pinunasan ko ang pisngi ko at huminga ng malalim. “I will pray that you and mom will be okay again, Dad. Alam kong maiintindihan ka rin ni Mommy. Alam ko na marerealize niya na kinailangan mo lang gawin iyon at mahal na mahal mo siya…”

I sniffed and looked away. Alam ko na sa bawat sandali na mananatili pa ako roon, mas magiging mahirap sa akin ang pag-alis.

I looked around the house and I couldn’t stop myself from crying.

Sobrang mamimiss ko ang lugar na ito. Sobrang mamimiss ko silang lahat…

I looked at Daddy again and smiled. Alam ko naman na magkikita pa kami dahil may mga aayusin silang papeles para sa amin ni Airi. Isa pa, dahil na rin kay Jahann.

Lumapit sa akin si Jahann at hinawakan ang braso ko. He looked at Dad and nodded at him. Kinuha na nito mula sa akin ang bag ko at inaya na akong lumabas.

Tumango naman ako sa kanya at mabigat ang hakbang na lumabas na rin ako ng bahay namin. I tried so hard not to look back. Alam kong magiging mas masakit lang sa akin na lingunin ang bahay na iyon na kumupkup sa akin ng napakaraming taon.

Binuksan ni Jahann ang pinto ng sasakyan kaya naman sumakay na ako. Inilagay naman nito ang bag na dala ko sa likod bago sumakay na rin sa sasakyan nito. Nilingon ako ng lalaki habang ang kamay ay nakapatong sa manibela.

“Are you sure you want to do this, Creep?” he asked as he reached for my hand and gave it a soft squeeze. Bumaling ako sa kanya at tumango ng marahan kahit na hindi ko sigurado kung iyon ba talaga ang gusto ko.

Ang alam ko lang, iyon ang tamang gawin.

Nilingon ko si Ate Mildred at si Nikolai na nasa likod. Ngumiti lang din ako ng tipid sa kanila at sumandal na lang nang magsimula na si Jahann na magmaneho.

I saw Dad standing outside our house while looking at us. I just closed my eyes and heaved a sigh.

Hindi ako kumikibo habang nasa biyahe kami ni Jahann. Alam naman nito ang bahay nila Mr. Alcantara dahil ilang beses na nitong inihatid si Airi noon. Gusto ko na lang din na magpasalamat na inirespeto nila ang katahimikan na gusto ko dahil maging si Jahann ay hindi nagsalita sa buong biyahe nito.

It was as if we all didn't know what we’re going to say…

Iniisip ko pa rin kung anong mangyayari sa pagdating namin doon sa bahay nila Mr. Alcantara. I still can’t call him Dad…

I know I should not call him Mr. Alcantara but maybe soon, I will be able to call him my dad. Sa ngayon ay hindi ko pa talaga kaya siguro.

Nilingon ko si Jahann na ang mga mata ay nasa daan lang nakatingin. Inabot ko ang kamay niya at pinisil din iyon ng marahan. “Thank you…” mahinang sabi ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at napailing.

“Don’t thank me, I don’t like what I am doing right now,” sumimangot ito sa akin kaya hindi ko pa rin napigilan na mapangiti.

Sa tingin ko ay hindi rin magiging sapat ang pasasalamat kay Jahann dahil sa lahat ng ginagawa nito para sa akin, sa amin ni Nikolai. Alam kong ayaw niyang mawalay rin kay Nikolai, at wala naman akong balak na ilayo sa kanya ang bata, o sa kahit na sino sa kanila.

Karapatan pa rin naman nila iyon at hindi ko iyon ipapagdamot sa kanila.

Nasabihan ko na rin naman sina Mr. Alcantara sa plano ko at nais pa nga nito na sunduin ako, nagsabi na lang ako sa kanila na ihahatid naman ako ni Jahann kaya hindi na ito tumutol. May tiwala ito kay Jahann dahil na rin sa pag-aalaga nito kay Airi.

Nang mapansin kong papalapit na kami sa bahay nila Mr. Alcantara, hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Pinanlalamigan ako ng kamay at kahit na malakas naman ang aircon sa sasakyan ni Jahann, pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako.

Nakita ko ang lalaki na nakaabang sa labas ng gate ng bahay ng mga ito, may kasama itong babae na sa tingin ko ay ang asawa niya…

They’re my parents…

Inihinto naman ni Jahann ang sasakyan bago lumingon sa akin. “Are you sure about this, Creep?” tanong niya sa akin bago tumingin sa mag-asawang nasa labas ng gate. Tinignan ko silang dalawa habang nakatingin sila sa sasakyan ni Jahann.

Tinted ang sasakyan nito kaya alam ko na hindi nila kami nakikita. Naghihintay silang dalawa na bumaba kami ng sasakyan.

Huminga ako ng malalim bago tumango sa kanya at inalis ang seat belt ko. Nilingon ko naman din sina Ate Mildred na nasa likod at karga si Nikolai. “Tara na po?” aya ko sa kanila bago binuksan ang pinto ng sasakyan ni Jahann.

Nang makalabas ako ay napatingin ako kina Mr. Alcantara. Hinawakan nito ang kamay ng babaeng kasama at iginiya papunta sa akin.

“Cherinna…” Mr. Alcantara smiled at me. Para bang nabunutan ito ng tinik sa pagkakangiti nito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka iniisip nito na hindi ako tutuloy sa pagpunta sa kanila.

“Cherinna…?” she looked at Mr. Alcantara before walking towards me and hugged me tight. “Finally…” niyakap ako ng mahigpit nito bago lumayo ng kaunti.

Hindi naman ako kaagad nakakibo habang nakatingin dito.

“I’m sorry, when Hugh told me you’re coming over, I got so excited…” paliwanag nito sa kanya. “I’m Hannah… I’m your mom…” sabi nito habang patuloy rin ang pagpatak ng luha sa mga mata nito. “I’m sorry, but can I hug you again…?” paalam nito sa akin.

I looked at Mr. Alcantara and back to her before I gave her a small nod.

Umaliwalas ang mukha nito bago ako niyakap ng mahigpit. “Thank you… thank you for coming back to us…”

Hindi ko alam kung bakit pero nangilid na rin ang luha ko habang patuloy ang paghagulgol nito habang yakap-yakap ako. She said she’s my mom and I actually don’t know how I am going to react.

Hindi pa naman malinaw ang lahat sa akin. I just took a step to know them… pero hindi ko pa rin naiaalis sa isip ko na si Mikaela Michelle Anderson, siya ang nanay ko…

I saw Jahann and Mr. Alcantara talk while Mrs. Alcantara’s still hugging me. Hinawakan lang ito ng asawa nito kaya bumitiw sa pagkakayakap sa akin. “I’m sorry. I’m just really so happy to see you. To finally meet you…”

I sniffed and wiped my cheeks. “It’s okay po…” nilingon ko naman si Jahann na nakatayo sa tabi ko. “This is Jahann… you probably know him already,” napayuko na lang ako bago tumikhim at nilingon si Nikolai.

Ngumiti ako sa bata habang nakatingin ito sa mag-asawang nasa harap namin. Tila naninibago ito sa nakikita.

“This… this is Nikolai…” pakilala ko sa anak ko sa kanila. “Anak namin ni Jahann…” sabi ko bago nilingon si Jahann na nakatingin sa akin.

“Really?” namilog ang mata ni Mrs. Alcantara habang nakatingin sa anak ko. Lumingon ito sa asawa. “He’s so cute…”

“Let’s all go inside. We prepared food, we can all have dinner together,” sabi ni Mr. Alcantara bago nagpatinuna na sa pagpasok sa loob ng bahay nito. Ang asawa naman nito ay nagpaalam kung pwede nitong kargahin si Nikolai at hindi naman ako tumutol. Sumunod na si Ate Mildred sa mga ito dahil na rin inaya na ito ni Mr. Alcantara.

Sinabihan naman kami ng mga ito na sumunod na lang at tumango ako sa mga ito ng marahan.

Nilingon ko si Jahann at hinawakan ang kamay nito. “Thank you…” mahinang sabi ko sa kanya. Sumandal naman ito sa sasakyan nito bago ako hinila at niyakap ng mahigpit. Isinandal nito ang pisngi sa sentido ko habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit.

“Why…?” mahinang tanong ko sa kanya habang nakasandal ako sa dibdib niya. Laking pasasalamat ko talaga na naroon si Jahann sa tabi ko at hindi niya ako iniiwan.

Hindi ko pa nakakausap ang iba tungkol sa naging desisyon ko kaya alam ko na magtataka ang mga iyon pero alam ko naman namiintindihan din nila ako. Alam ko na maiintindihan nila ang sitwasyon.

“I just want to hug you, baby…” he whispered as he kissed my head. “I want to take all the pain you’re feeling, I want to get it,” he planted soft kisses on my head and breathed heavily. “You’re taking it all, baby, and I’ve never seen someone as strong as you, and I love you, Cherinna. So much…”

I smiled a little and hugged him tighter.

“I’m not strong…” mahinang sabi ko bago ipinikit ang mga mata. “I’m not strong…” ulit ko at tuluyan ko ng naramdaman ang mga luha sa pisngi ko. “Wala naman akong choice kundi tanggapin ‘yung nangyayari…”

Ayokong umalis pero kailangan.

Hindi mawala sa isip ko kung paanong nasaktan ko si Alyanna, si Mommy… alam ko na hangga’t naroon ako patuloy ko lang silang masasaktan. Kailangan kong palipasin muna ang nangyayari para magkaayos kami pero hindi ko naman din alam kung saan ba ako magsisimula…

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hinawakan niya naman ang magkabilang pisngi ko at pinalis ang mga luhang naroon.

“You’ve been crying a lot lately, baby,” idinampi nito ang labi sa noo ko. “Things will be okay…” sabi nito na pinapalakas ang loob ko. Tumango naman ako ng marahan sa kanya.

“Let’s go inside? It’s getting cold in here…” aya niya sa akin bago ako hinawakan at sinabayan sa paglalakad papasok sa bahay nila Mr. Alcantara.

Nang makapasok kami sa malaking gate ay hindi ko napigilang mapatingin sa paligid. Malaki ang bahay ng mga ito at may tatlong sasakyan din na nakaparada sa garahe ng mga ito. Hindi ako nagsasalita habang hawak ni Jahann ang kamay ko.

Karamihan sa kulay na nakikita ko roon ay puti at ang mga gamit ay karamihan na kayo na alam kong mamahalin dahil na rin sa klase nito. Maaliwalas tignan ang bahay ng mga ito.

“Cherinna, let’s eat?” aya ng asawa ni Mr. Alcantara sa amin. Tumango naman ako sa kanya at naglakad kami ni Jahann papunta sa kusina.

Iisa ang interior design ng bahay nito kaya maaliwalas sa mata. Nakita ko ang mga pagkain sa lamesa at napakunot ang noo ko.

“May bisita po ba kayo…?” tanong ko sa kanila dahil napansin ko na napakarami ng pagkain na naroon.

“Uh, that…” Mr. Alcantara smiled a little. “I have no idea what food you’ll like so I tried to cook. We have chicken, pork, beef, fish… I don’t know what you’ll like…” paliwanag nito sa kanya.

“Alam mo ba, natataranta pa ang Daddy mo kanina sa pag-iisip kung magugustuhan mo ba ang mga niluto niya,” natatawang sabi nito tumingin sa lalaki. “Diba, hon?”

Napalingon naman ako rito at ngumiti ng tipid. “Hindi na po sana kayo nag-abala masyado. Hindi naman ako mapili sa pagkain… salamat po…” sabi ko naman sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

Hinila naman ni Jahann ang upuan at iginiya ako paupo. Ito na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Umusal naman ako ng pasasalamat sa kanya bago nagsimula na ring kumain.

“Is it good?” tanong ni Mr. Alcantara sa akin na tila kinakabahan sa sasabihin ko tungkol sa luto nito. Ngumiti ako ng tipid at tumango. “This is good po,” sabi ko sa kanya kaya naman napangiti ito.

Mrs. Alcantara was telling stories about what happened that day while we were eating. She’s talkative and she’s really bubbly, too.

Nang matapos naman na kaming kumain ay nagprisinta akong tutulong sa paglilinis ngunit hindi nila ako pinayagan. Pinasamahan na lang ako ni Mrs. Alcantara sa kasambahay para puntahan ang magiging kwarto ko at tinulungan naman nito si Jahann na kunin ang mga gamit ko.

Si Nikolai at si Ate Mildred ay sa guest room pinatuloy nila Mr. Alcantara. Naupo ako sa kamang naroon habang pinagmamasdan ang paligid. Kung hindi ako nagkakamali, scandinavian ang style ng interior ng kwarto na ito kaya katulad ng sa living room at dining room, maaliwalas ang kwartong iyon.

Napalingon ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Jahann na dala ang mga gamit ko. Inilapag nito iyon sa paanan ng kama at saka lumapit sa akin.

“Are you okay?” tanong niya sa akin bago hawakan ang pisngi ko. Ngumiti naman ako ng tipid bago tumango. Lumapit naman ito at hinakgan na muli ang noo ko.

Napatingin ako sa lalaki nang magring ang phone nito at nakita ko ang pangalan ni Alyanna sa screen ng phone nito. Napalingon ako sa cellphone kong ni hindi man lang na nakakatanggap ng tawag mula sa babae.

“Maybe they’re looking for you already…” sabi ko sa kanya bago tumayo.

“Baby…” Jahann followed me and hugged me from behind. “I love you…”

I looked at him and smiled a little. “I love you, too…” hinawakan ko ang kamay nito bago marahang pinisil, ako na rin ang nag-alis nito para makaharap sa kanya.

“I’ll be fine here…” sabi ko sa kanya na kahit ako ay hindi ko alam kung iyon ba ang mangyayari. So far, maayos naman ang nangyayari. Tinanggap nila si Nikolai, tinanggap nila ako… alam kong nag-aadjust din sila kaya naman ayoko rin na maging pahirap sa kanila at balewalain ang efforts nila…

“I’ll be here tomorrow…” sabi ni Jahann habang nakasimangot. Natawa naman ako sa kanya bago tumango. “Okay…”

Huminga ito ng malalim bago ako muling hinapit at niyakap ng mahigpit. “I miss you already…” he whispered in my ear. Alam ko na hindi ko masyadong kino-consider ang feelings ni Jahann sa mga nagiging desisyon ko kaya talagang napaka swerte ko kay Jahann.

“Ako naman din, namimiss na kita agad…” sabi ko sa kanya bago marahang bumitaw sa kanya nang muling tumunog ang phone nito. “You should go home, Jahann. They’re lookin for you already…” sabi ko sa kanya bago ngumiti. “Magiging okay kami ni Nikolai dito…”

Napipilitan naman itong tumango sa akin bago hinalikan ang noo ko at nagpaalam na. Hindi ko na ito hinatid dahil na rin sa sinabi nito na baka hindi ito lalong umuwi.

Pinagmasdan ko na lang siya sa bintana habang papaalis siya.

Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng lungkot nang tuluyan nang mawala ang sasakyan ni Jahann sa paningin ko at ilibot ang mga mata ko sa kabuuan ng kwartong iyon.

Ito ang naging desisyon ko… kailangan kong panindigan.

I just hope that now that I am with my real family, things will get better soon.

Huminga ako ng malalim bago nagpadala ng mensahe kay Jahann.

“Take care, Jahann. Nikolai and I love you.”

I heaved a sigh and smiled a little.

Namimiss ko na agad sila…

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.