Chapter 37

Kinabukasan ay maaga pa rin naman akong nagising kahit na halos alas dos na ako ng gabi nakatulog. Marahil ay namamahay pa ako kaya hindi ako mabilis nakatulog sa kabila ng pagod. Tinawagan din ako ni Jahann kagabi hanggang sa bago ako makatulog kagabi.

Nakapagsimula naman na akong mag-ayos ng gamit na dala ko. May mga damit na naroon na sa may closet na nasa loob ng kwarto na binigay nila sa akin. Nang nagpunta si Mrs. Alcantara kagabi sa kwarto ay sinabihan niya ako na ang mga iyon ay para sa akin lahat. Sinabihan niya na rin ako na huwag akong mahihiya kung may kailangan ako o may gusto ako, magsabi lang ako sa kanila. Pero hindi ko naman kayang gawin ang bagay na iyon.

Tumayo na muna ako at inayos ang kama bago kinuha ang damit ko at mabilis na naligo para na rin macheck si Nikolai at makatulong sa mga nakatira roon sa gawaing bahay.

Simpleng t-shirt at shorts lang ang isinuot ko bago ako lumabas ng kwartong inookupa ko. Katabi lang ng kwarto ko ang kwarto ni Nikolai at Ate Mildred. Marahan naman akong kumatok at binuksan ang pinto at sumilip sa loob.

Natutulog pa rin si Nikolai nang tignan ko ito. Si Ate Mildred ay gising na at inaayos ang mga gamit ng anak ko. Lumapit naman ako rito at naupo sa gilid ng kama.

“Gutom ka na ba? Maghahanap ako ng makakain mo sa ibaba,” ani Ate Mildred sa akin na agad kong sinagot ng iling. “I’m good, Ate…” nilingon ko si Nikolai na mahimbing ang tulog. Yakap-yakap nito ang unan na ibinigay ni Jahann dito.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan si Nikolai.

I am happy that they accepted Nikolai with open arms and without any judgements. Tinanggap nila Mr. Alcantara ang anak ko kahit na alam kong pwede silang magalit dahil naging iresponsable ako.

I am sure Nikolai will miss Mommy and Daddy… tuwing gumigising ito, sina Mommy ang laging nakikipaglaro rito bago ito umalis at magpunta sa Blooms.

“Why did you go with us?” tanong ko sa babae habang nakatingin sa anak ko. Mula nang halos isang buwan pa lang si Nikolai ay nakasama na namin ito at ito talaga ang tumitingin sa bata lalo kapag pumapasok ako o kaya ay umaalis kami.

Ngumiti siya sa akin bago nilingon si Nikolai. “Napamahal na kayo sa akin ng anak mo, eh…” Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. “Alam ko na naiisip mo paano mo ako babayaran,” pinisil niya ito ng marahan. “Huwag mo na munang isipin iyon, Cherinna. Hindi naman ako naniningil pa. May tinutuluyan naman akong bahay dahil sa inyo, nakakakain pa rin naman ako, huwag mo na dagdagan pa ang mga iniisip mo.”

Tinignan ko ito at nginitian ng maliit. Hindi ko alam kung paano ba ako magpapasalamat sa kanya sa pag-aalaga niya kay Nikolai at sa akin na rin.

“Salamat, Ate Mildred…”

“Wala ‘yun,” ngumiti naman ito sa akin bago muling tumayo at ipinagpatuloy ang ginagawa nito.

Huminga na lang ako ng malalim bago pinagmasdan pang muli si Nikolai na payapang natutulog. Minsan ay nakakainggit na lang din ito. Gusto ko na lang ding maging bata na walang iniisip na problema… pero kailangan ko pa rin namang harapin ang katotohanan.

Ang realidad. Marahan kong iniling ang ulo upang palisin ang mga bagay na naiisip ko ngayon. Mas mainam pang abalahin ko ang sarili ko ngayon.

Nilingon ko si Ate Mildred at nagbilin na lang ako sa kanya na kung sakaling magising si Nikolai ay tawagin ako para mapadede ko na muna siya. Alam kong nasasanay na si Nikolai na dumedede sa bote gamit ang gatas ko pero hangga’t maaari, gusto kong ako rin mismo ang nagpapadede rito.

Maingat akong lumabas ng kwarto ng mga ito para bumaba at makatulong na sa pagluluto ng almusal namin. Ayokong wala akong gagawin doon dahil kakainin ako ng hiya kung iyon ang mangyayari.

Nakababa na ako at nagpunta sa may kusina nang may marinig akong nag-uusap doon. Naabutan ko si Mrs. Alcantara na nagluluto ng pagkain.

“You think she’ll like this…?” tanong nito sa kausap habang nagsasangag ito ng kanin. May mga pagkain ng nasa lamesa. Mukhang maaga rin ito nagising para maghanda ng pagkain.

“Good morning po…” bati ko sa babae bago tuluyang pumasok sa kusina. “Sorry po, hindi ako nakatulong sa pagluluto at--”

“Cherinna, it’s okay. Maaga talaga akong gumising para mapaghandaan ka ng almusal,” nakangiting sabi nito sa akin. She’s really nice. Simula kagabi ay naramdaman ko na ang pag-aalaga niya sa akin at maging kay Nikolai.

Hindi naman sila mahirap pakisamahan base sa nararamdaman ko ngayon pero hindi pa rin ako tuluyang kumportable dahil ito pa lang naman ang unang araw na kasama ko sila.

“Airi said you like to bake,” nilingon siya nito habang hinahalo ang sinasangag nito sa kawali na naroon. Ngumiti naman siya ng tipid dito. “Yes po…” sagot ko naman sa kanya bago tumayo at tulungan na rin siya sa ginagawa.

“Sorry, I’m really not the cook in the house. Daddy mo ang laging nagluluto rito, eh,” natatawang sabi niya bago hinawi ang buhok na nalaglag mula sa pagkakatali ng buhok ko. “I think sa kanya mo namana ‘yung cooking skills mo. Sa akin ‘yung ganda, of course,” natawa naman ito kaya hindi ko rin napigilan na mapangiti.

Hindi ko naman inexpect na ganito ang magiging pakikitungo niya sa akin pero masaya ako kahit na papaano na nakikita kong tinatanggap nila ako.

Sinusubukan nilang hindi ako mailang sa kanila kaya naman ayokong balewalain iyon at maging pahirap sa kanila pagdating sa bagay na iyon. Ipinagpatuloy ko na ang pagluluto na ginagawa nito habang pinapanuod naman niya ako.

Hindi ko pa rin siya matawag na Mommy at si Mr. Alcantara ng Daddy. Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan iyon, hindi naman kasi ganoon kasimple ang mga bagay na nangyayari sa amin. I don’t usually address them just to be safe.

I am sure Airi feels the same. Nabanggit sa akin ni Mrs. Alcantara na uuwi mamaya si Airi kaya naman makakasama namin ang babae. Naisip ko rin ang mararamdaman nila Mommy at Alyanna. Alam ko na nagiging close na sila ngayon kay Airi pero alam ko naman na hindi selfish si Mommy at naiintindihan niya rin ang sitwasyon ni Airi.

“This is okay na po,” ngumiti ako kay Mrs. Alcantara bago pinatay ang apoy. Inabutan naman ako ng kasambahay nila ng paglalagyan ng almusal at napalingon kaming dalawa ng ginang nang magsalita ang asawa nito.

“That’s a perfect scene right there. My wife and my daughter,” he smiled before walking towards us. He pecked on Mrs. Alcantara’s lips before kissing my head. “Good morning,” he greeted us while smiling.

“Morning, hon. Cherinna helped me cooked,” sabi nito habang nakatingin sa akin. Mukha namang natuwa si Mr. Alcantara sa sinabi nito kaya bumaling sa akin at ngumiti. “Really?’ he asked.

“Just the fried rice,” pagtatama ko. “The rest, si…” natigilan ako dahil alam ko naman na masasaktan ito kung tatawagin ko itong ganoon. “Si Mommy po ang nagluto…” mahinang sabi ko. Nakita ko naman ang pagngiti ng babae dahil sa pagtawag ko rito.

Tila nabawasan ang bigat sa dibdib ko nang makita ko ang pagngiti nito. Nilingon niya si Mr. Alcantara at niyakap ito.

Tumulong na ako sa paglalagay ng pagkain sa mesa at maging ang mga plato para sa amin. Ipinatawag na rin ni Mrs. Alcantara sina Ate Mildred para makasabay namin itong kumain.

“Good morning, Nikolai…” ngumiti ito bago nagprisinta na kargahin ang bata. Mabuti na lang din at walang sumpong ang anak ko at nakikipaglaro ito sa ginang. Maging si Mr. Alcantara ay nakikipaglaro sa bata habang kumakain.

“You’re so cute…” sabing muli ng ginang sa anak ko habang nilalaro ito. Panay naman ang hagikgik ni Nikolai habang tila nakikipag-usap sa mag-asawa.

Pumasok naman ang isang kasambahay nila at lumapit kay Mr. Alcantara matapos mag-excuse sa amin. “Sir, nasa labas po si Sir Jahann, papasukin ko po ba?” sabi nito na ikinalingon ko rito. Tumingin naman din sa akin ang lalaki.

“Of course, let him in.”

I smiled a little.

Hindi ko alam na pupunta si Jahann ng maaga ngayon dahil wala naman kaming usapan na dalawa. Nagpakuha na lang din si Mr. Alcantara ng isa pang plato para kay Jahann.

“Good morning, Tito, Tita…” bati ni Jahann nang makapasok sa loob ng komedor. May dala itong boxes ng doughnuts kaya naman hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

“Hi, Jahann,” bati naman ni Mrs. Alcantara bago iniharap si Nikolai rito. “Look who’s here, Nikolai…” She held his small hand and made it wave at Jahann.

“Hi, baby. Missed me?” ngumiti si Jahann sa bata na sinagot nito ng paghagikgik. Sinabihan naman ito ni Mr. Alcantara na maupo na kaya inokupa nito ang upuan sa tabi ko.

“I brought you doughnuts since you said last night you want it, right?” ani Jahann sa akin bago hinaplos ang buhok ko. Ngumiti naman ako sa kanya.

“Thank you…” mahinang sabi ko sa kanya.

Payapa naman kaming nakapag-almusal at si Nikolai ang naging sentro ng atensyon dahil panay ang hagikgik nito habang tila nakikipag-usap sa mag-asawang Alcantara. Nang matapos kaming kumain ay tumulong na muna si Ate Mildred sa mga kasambahay nila para na rin linisin ang gamit ni Nikolai.

Napatingin ako kay Mrs. Alcantara na halatang giliw na giliw sa pag-aalaga sa anak ko. Naiisip kong marahil ay naiisip niya rin kung paano ba kami magkakalapit na dalawa, kaming tatlo ng asawa niya.

Hindi ko naman sinasara ang pinto ko sa kanila, wala naman din silang kasalanan sa nangyari kaya wala akong sinisisi sa kanila. Siguro may mga bagay lang talaga na kailangan ng panahon para maging maayos.

Katulad ng sa amin nila Mommy at Alyanna…

Napalingon ako kay Jahann nang hawakan nito ang kamay ko at pinisil iyon. “You’re spacing out again, are you okay?” he asked, I replied with a small nod. “I am…” I said softly when I saw that he’s not convinced.

Hindi ko lang talaga maiwasang hindi isipin sila Mommy at Alyanna. Naiisip ko kung nakakain na ba sila, kung okay ba sila… pero marahil ay oo.

Isa pa, kasama naman na nila si Airi.

Jahann stayed with us until afternoon. Tinawagan lang ito ni Mommy kaya nagdesisyon na itong umuwi. Nakatingin lang ako kay Jahann habang kausap nito si Mommy.

I really miss them…

Pinilit ko na lang na ngumiti rito nang lingunin niya ako. Nagpaalam na ito sa mag-asawang Alcantara bago lumabas ng bahay. Sinamahan ko naman na siya sa may gate para ihatid.

Huminga ako ng malalim nang nasa harap na kami ng sasakyan niya. Pinagmasdan ko si Jahann na nakangiti habang nakatingin sa akin.

“Fuck, you’re so cute right now, baby,” he said before walking towards me and cupped my face. “Why are you frowning?” tanong niya sa akin habang nakangiti.

I rolled my eyes and shook my head. “Umuwi ka na nga,” sabi ko naman sa kanya na tinawanan niya lang bago marahang idinampi ang mga labi sa labi ko.

Hinawakan niya ang bewang ko at hinapit ako papalapit sa kanya bago mas pinalalim ang halik. I stopped him by putting my palm on his chest and gently pushed him away.

“Jahann…” pinamulahan ako ng pisngi nang makita kong nakatitig siya sa akin. Ngumiti naman siya at marahang tumango. “Fine…” humakbang na rin ito papalayo at patungo sa sasakyan nito. “I’ll call you later, okay?” sabi nito bago buksan ang pinto ng sasakyan. “Do you want anything? I’ll visit you and Nikolai tomorrow,” sabi pa nitong muli.

Umiling ako sa kanya. “Just you,” tipid kong sabi sa kanya na nagpangiti ng malaki sa lalaki. Tuluyan na itong pumasok sa loob ng sasakyan at pinagmasdan ko ang sasakyan nitong papalayo bago ako pumasok sa loob ng bahay.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Naabutan ko naman na nandoon si Mr. Alcantara sa may living room.

“He left already?” he asked, pertaining to Jahann. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. I was about to go upstairs to check on Nikolai when he called me again. Nilingon ko naman siya.

“I just want to talk to you,” sabi nito sa kanya. Tinignan ko ito at hindi ko alam kung kakabahan ba ako sa sasabihin nito o ano pero tumango na lang ako at lumapit dito. Naupo na ako sa sofa na naroon at tumingin sa lalaki.

“May… may problema po ba?” tanong ko sa kanya habang nasa mga hita ang kamay. Ngumiti naman ito bago umiling. “I just want to talk to you about our plans…” panimula niya. Hindi naman ako nagsalita habang hinahayaan lang itong sabihin ang nais nito.

“Maybe you’re wondering where Camilla is…” he said as he clenched his fist. Napatuwid ang likod ko nang banggitin niya ang pangalan na iyon. Aaminin ko na noong nagpunta ako roon, isa ito sa mga naisip ko. Paano kung naroon ang babae? Ano ang gagawin nito?

“I sent her to an institution,” I could feel the sadness in his voice. He heaved a sigh before looking at me again. “I should’ve done that before, but I thought she’ll get better if she’s around people that love her. But, I was wrong…” bakas ang guilt sa mata ng lalaki. Sa tingin ko ay sinisisi nito ang sarili dahil sa mga nangyari sa kanila.

“It wasn’t your fault…” hindi ko napigilan na hindi sabihin. Ayokong isipin niya na kasalanan niya dahil hindi naman talaga.

He smiled a little as he stared at me. “They raised you well, Cherinna…” sabi nito sa akin. Nag-init naman ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaki. “And I’m really thankful to Mika and Kerko for taking care of you…” dagdag nitong sabi.

Totoo naman talaga ang sinabi nito. Inalagaan ako nila Mommy at Daddy. Ako lang naman talaga ang gumawa ng mga bagay na alam kong ikakadisappoint nila.

“Kerko and I, we’re talking about you and Airi already…” muling sabi ng lalaki sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

“You’ll be an Alcantara soon,” sabi nito na tila iyon na ang sagot sa tanong na nasa isipan ko. “Inaayos na namin ang mga papeles niyo ni Airi…” sumandal ito sa kinauupuan at ngumiti ng malungkot. “I know Airi is sad as well, but like you, she’s very understanding. She’s very loving and she’s capable of putting everyone first than her…”

“You raised her well, too…” nakangiting sabi ko sa kanya. Alam kong mabuting tao si Airi at alam kong hindi mahihirapan sila Mommy sa kanya.

“Now, I want to raise you, too. Gusto kong bumawi sa mga panahon na hindi ka namin naalagaan ng Mommy mo…” inabot niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil. “Allow us to make it up for the lost times…” ramdam ko ang lungkot sa boses niya habang nakikiusap sa akin.

When I made the decision to be here, I also made the decision to know them. It’s still awkward, yes, but I know, eventually we will all be okay. Magiging maayos rin ang relasyon ko sa kanilang dalawa.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Hindi ko pwedeng ipagdamot ang sarili ko sa kanila dahil sila naman talaga ang mga magulang ko. Dapat lang na kaming dalawa ni Nikolai, makilala namin silang dalawa.

“Go with us to New York,” sabi nito sa akin. Natigilan naman ako sa sinabi nito at tinitigan ito.

New York? Aalis kami?

“What…?” kunot ang noong tanong ko. Wala sa plano ko ang pag-alis ng bansa. Hindi kasama iyon sa naisip ko nang sumama ako sa kanila.

“Let’s go to New York. Let’s live there for good.”

I pulled my hand back from his.

“I… I’m sorry…” mahinang sabi ko sa kanya. I cleared my throat and filled my lungs with air.

“I’m sorry, but I don’t want to leave. Excuse me…” tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ni Nikolai. Huminga ako ng malalim bago sumandal sa labas ng pader ng kwarto ni Nikolai. I closed my eyes hard and bit my lip.

No…

I don’t want to go.

I don’t want to leave...

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.