Chapter 38

“Are you okay, baby?” Jahann held my hand while walking. We’re both holding the cart and pushing it as we’re checking what else we should get for our stocks. Nagsabi kanina si Mrs. Alcantara na mamimili ito kaya naman nagprisinta akong sumama. May kasama rin naman kaming kasambahay pero ito at si Mrs. Alcantara ang magkasama habang si Jahann naman ang kasama ko.

Hindi ako masyadong naglalagay sa cart at panay si Jahann ang kumukuha ng mga bibilhin dahil na rin wala naman akong pambayad sa mga ito. Kung sakali man na ayos na ang cards ko, ayaw ko namang gamitin iyon dahil hindi naman iyon para sa akin.

“Creep, what’s the problem?” He stopped the cart and looked at me. Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang hinaplos iyon. “What’s bothering you?” he asked again. Kung tutuusin ay wala namang problema sa mag-asawang Alcantara na nakikita nila kami ni Jahann na magkasama. Hindi ko naman din inilihim sa kanila na anak namin ni Jahann si Nikolai kaya naman sigurado akong naiisip naman na nila na may relasyon kaming dalawa.

Maybe they’re just trying to be okay with it since they just got me… I really don’t know.

Tinignan ko si Jahann at ngumiti ako ng tipid sa kanya. I even tiptoed and pecked on his lips. “I’m just happy to be here with you,” I softly said. I saw him smile before pulling me to a hug. Naramdaman ko ang paghalik ni Jahann sa ulo ko. “You have no idea how happy I am, Creep…” bulong niya sa akin.

Hindi namin masyadong napapag-usapan ang tungkol kina Mommy at Daddy, maging kay Alyanna. Sa palagay ko ay naiisip ni Jahann na baka masasaktan lang ako lalo kung pag-uusapan namin pero sa totoo lang, namimiss ko na rin naman sila… hindi ko lang alam kung paano ko ba sila makakausap… alam kong nasasaktan pa sila.

Alam kong galit pa sila sa akin.

“And don’t be shy, baby. Get what you and Nikolai need. I’ll pay for it,” Jahann chuckled as he cupped my cheeks. “You’re worrying about that, right? Don’t be. I’ll provide for you and Nikolai.”

Muli akong ngumiti sa kanya. “You’re really a good father, you know?” muli akong bumaling sa cart na nasa harap ko at itinulak na itong muli para magtingin ng mga kailangan ni Nikolai. Sumunod naman si Jahann sa akin at hinawakan ang bewang ko.

Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang alok sa akin ni Mr. Alcantara. Sinabi nito sa akin na ipinapaasikaso na nito sa mga lawyers nito ang tungkol sa mga papeles ko, maging ang kay Nikolai. Hindi magtatagal ay magiging legal na Alcantara na rin ako.

Sila Mrs. Alcantara ang kumuha ng mga para sa bahay habang ang laman naman ng cart na tulak namin ni Jahann ay para kay Nikolai at sa akin. Hindi ako kumukuha ng para sa akin kaya si Jahann na ang kumuha ng mga ito, lagi naman kaming magkakasama noon kapag namimili kami ng mga gamit namin kaya hindi nakakapagtaka na alam ni Jahann ang mga ginagamit ko.

“Mommy!” sabay kaming napalingon ni Jahann nang marinig ang boses ni Airi. Lumapit ito sa amin at niyakap si Mrs. Alcantara. “Hindi ako nakauwi kagabi, sorry…” sabi nito habang yakap ang babae.

Mrs. Alcantara smiled at Airi. “Namiss ka namin ng daddy mo, “ sabi niya rito bago nilingon ang kasama ni Airi.

I saw Alyanna looking at me. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Mukhang magkasama sila ni Airi ngayon na namimili… something we used to do before…

But that’s all in the past. Natural lang naman na si Airi na ang kasama ni Alyanna. Nagbabago na ang buhay naming lahat dahil sa katotohanan. Dapat ay sinisimulan ko ng tanggapin iyon.

All the memories I had with the Andersons, those are just memories. Hindi naman na maibabalik…

“I missed you, too!” ngumiti si Airi sa babae bago bumaling sa amin. “Hi, Jahann, Cherinna,” sabi nito bago niyakap ako. “Are they treating you well? Masyadong clingy itong si Mommy, eh,” natatawang sabi ni Airi bago nilingon si Mrs. Alcantara.

I smiled at her. “They are…” and I know Mommy is treating Airi well, too.

“Tamang-tama, let’s have dinner at home. Sumama ka na sa amin, Alyanna,” aya ni Mrs. Alcantara sa babae. Halatang nabigla naman ito sa paanyaya ng ginang. Tumingin ito kay Airi na ngumiti sa kanya. “Okay po, I’ll call… Tita Mika and Tito Kerko to tell them we’ll have dinner together…”

Napatingin ako kay Airi. Maging ito ay hindi pa siguro nakakapag-adjust na tumawag ng Mommy at Daddy sa ibang tao. Good thing was, she got the chance to know Mommy and Daddy before we found out the truth. Kahit papaano ay hindi siya nahihirapang i-address ang mga ito.

“Okay po,” sabi na lang ni Alyanna bago muling tumingin sa akin. I tried smiling a little but she looked away.

Hindi na lang na ako kumibo hanggang sa makalabas kami ng grocery. Sa sasakyan ako ni Jahann sumakay matapos nitong mailagay sa loob ang mga pinamili namin. Si Mrs. Alcantara naman ay lumulan na sa sasakyan nito habang si sumabay naman si Airi kay Alyanna.

“She misses you, too, baby,” ani Jahann habang nagmamaneho ito. Lumingon ako sa kanya. Marahil ay napansin nito ang malalim na iniisip ko habang nakatingin sa labas habang nasa daan kami.

“She’s mad and I understand. Her emotions are valid. She’s mad, she’s sad, she feels betrayed…” I smiled sadly. “I’m just hoping that one day, I will be able to see her smiles again. Alyanna is really bubbly, right? Makulit, masiyahin… ngayon…” huminga ako ng malalim at napasandal sa kinauupuan ko. Kung pwede lang na mas ilubog ko pa ang sarili ko roon para mas makapag-isip ako ay ginawa ko na.

“What about your smiles?” Jahann asked me. He reaches for my hand and gently squeezes it. “You’re smiling but it’s not genuine, baby. I want to see those smiles again, too. You’re always thinking about them, how about you?”

Hindi ako nakakibo sa sinabi ni Jahann sa akin. Malayo sa isip ko ang tungkol sa sarili ko dahil alam ko naman na ang pinagdadaanan ng mga tao sa paligid ko ay dahil sa akin. Responsable ako sa nangyayari sa aming lahat.

“We will fix this, okay? Huwag mong kimkimin lahat, Cherinna. I am here. Stop blaming yourself, it wasn’t your fault…” lumingon ako sa kanya. “It wasn’t just your fault,” dagdag niya nang maisip marahil na ipagpipilitan kong kasalanan ko naman talaga ito.

“I love you, and that will never change, baby. Never,” he said before bringing my hand to his lips. He kissed my hand and looked at me. “You’ll always have me, and Nikolai,” he smiled at me, cheering me up.

It must be hard for him, too. Hindi naman din sila okay ni Mommy pero kahit na ganoon, nagpupunta pa rin sa amin si Jahann para i-check kung maayos ba kami ni Nikolai.

Wala sigurong ideya si Jahann kung gaano ko siya kamahal…

I looked at his face and smiled a little. Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti rin siya at yumukod para halikan ang mga labi ko.

Hindi naman din nagtagal ay nakarating na kami sa bahay nila Mrs. Alcantara. Pinauna ni Jahann sila Airi sa pagpark ng sasakyan bago nito ipinarada ang sariling sasakyan.

Tinulungan naman kami ng mga kasambahay na naroon na ipasok ang mga pinamili. Maging si Jahann ay binitbit ang ibang boxes na naroon.

Naunang pumasok sa loob sina Airi at Alyanna, sumunod naman na ako sa kanila. Airi and Alyanna were on the couch while Mrs. Alcantara is talking to them.

“I’ll just get you juice…” paalam ko sa kanila ngunit mabilis akong pinigilan ni Mrs. Alcantara. “Cherinna, no. Stay here. They’ll bring us drinks here,” sabi nito sa akin.

“Yes, Cherinna,” sabi naman ni Airi habang nakangiti sa akin kaya hindi na ako nakatanggi at naupo na rin ako.

Nakatingin ako kay Alyanna at nahahalata ko sa babae na hindi ito kumportable. Hindi ko matiyak kung dahil ba naroon ito sa bahay nila Mrs. Alcantara o dahil sa akin.

“How is she in your house? I am hoping she’s not giving you a hard time…” hinawakan ni Mrs. Alcantara ang kamay ni Airi at nginitian ito. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Despite the fact that Airi is not her real daughter, she still loves her. She cares for her…

Hindi madali para sa lahat ang nangyayari pero kahit papaano ay nakakatuwang makita na maayos naman ang lagay nilang dalawa… maayos pa rin ang relasyon ni Airi sa mga kinilala nitong magulang…

“She’s not po. She’s actually very nice and we get along so well,” sagot naman ni Alyanna bago lumingon sa akin.

Napayuko ako nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. I can see that. I can see that they’re really getting along well and I am happy for them…

I just can’t help feeling jealous. Envious.

Namimiss ko lang talaga siguro si Alyanna.

I just watched them while they’re talking. Nakatingin lang ako kay Airi habang masaya itong nagkukwento sa mga naeexperience niya sa mga Anderson.

Naupo si Jahann sa tabi ko habang karga nito si Nikolai na kasalukuyang nakatingin kay Alyanna. He’s making sounds, as if he’s talking to Alyanna. He’s even raising his arms, reaching for her.

Jahann smiled at Alyanna. “He misses you, brat,” sabi nito bago umahon mula sa kinauupuan at lumapit kay Alyanna at iabot ang anak namin dito.

Napatingin naman si Alyanna sa akin bago inabot si Nikolai at kinarga ito. Humagikgik ang anak ko habang inaabot ang pisngi ng babae.

I am sure that Nikolai misses her, too…

Narinig ko ang pagtawa ni Mrs. Alcantara habang nakatingin kay Alyanna at Nikolai na mistulang nag-uusap. “That kid, he really loves being around people…” komento nito habang ang mga mata ay na kay Nikolai. Hindi naman talaga mahirap patawanin si Nikolai.

Iniisip ko na buti na lang hindi ito nagmana sa tatay nito.

“You missed me?” tanong ni Alyanna kay Nikolai. Gumagawa naman ng mga tunog si Nikolai habang nakatingin sa babae. He’s like having a conversation with Alyanna and the latter couldn’t stop herself from laughing while Nikolai is reaching for her.

Masaya pa rin ako na makitang maayos ang relasyon ni Alyanna kay Nikolai. I don’t want her to hate him, either. Hindi naman kasalanan ni Nikolai ang mga nagawa ko na nakasakit sa kanya.

After a few minutes, I excused myself to help them cook in the kitchen. Hinayaan naman na ako ni Mrs. Alcantara kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtulong sa kanila.

“Hindi ka pa rin ba kinakausap ni Alyanna?” tanong sa akin ni Ate Mildred. Since Jahann was outside, Ate Mildren opted to just help me in here.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti. “I understand her pain, Ate Mildred. I am just hoping one day, she’ll be able to forgive me…” malalim akong huminga habang iniiisip kung paano ba kami magkakaayos.

Natapos na akong mag-ayos ng mesa nang dumating si Mr. Alcantara. Kinamusta nito si Alyanna at maging si Mommy.

Napansin ko naman na nailang si Alyanna sa tanong nito tungkol kay Mommy. She probably doesn’t want to talk about it. Hindi nito gustong pag-usapan dahil kung tutuusin naman ay hindi maayos ang relasyon ng pamilya naming dalawa dahil sa ginawa ng kapatid ni Mr. Alcantara.

“Let’s eat?” aya ko na lang sa kanila habang nakatingin kay Alyanna. “I cooked your favorite…” sabi ko habang nakatingin kay Alyanna. She loves my version of sinigang so that’s what I prepared.

“Kain na tayo,” aya ni Airi sa kanila at sabay-sabay naman kaming nagpunta sa dining room. Kinuha na rin na muna ni Ate Mildred si Nikolai para malinisan na rin at mamaya ay matutulog na ito.

“You really love cooking, no?” sabi ni Airi bago tinikman ang luto ko. “Hmm… masarap!” Lumingon ito kay Alyanna. “You should eat, too,” sabi nito sa babae. Marahan namang tumango si Alyanna bago nagsimulang kumain.

Alam kong gusto ni Jahann na lagyan ng pagkain ang plato ko ngunit inunahan ko na lang ito dahil alam kong mas magiging hindi kumportable si Alyanna kung makikita niya kami ni Jahann na ganoon.

Oo, kung tutuusin ay pwede naman na talaga kaming dalawa ni Jahann ngayon pero gusto ko pa ring irespeto ang nararamdaman nila Alyanna. Hindi pa nito matanggap ang nangyari at ayokong dagdagan pa ang nararamdaman nito.

“When are you going to visit Tita Mika, Che?” tanong ni Airi sa akin. Napahinto naman ako at napatingin sa kanya.

“Uhm…” I cleared my throat. Alyanna’s eyes were on me, probably waiting for me to speak. I smiled a little. “I’ll visit them soon,” sabi ko na lang bago ipinagpatuloy ang pagkain.

“We’ll visit them, Airi. Our families are connected because of Nikolai, too, and of course, I want to make sure that Kerko will take care of you,” sabi naman ni Mr. Alcantara.

“Of course they will take care of Airi,” sabi naman ni Alyanna.

“Oh, I didn't mean anything offensive, Alyanna. Kerko and I need to talk about Cherinna, too. We have a lot of things to do to make things right,” paliwanag nito sa babae na sinagot naman ni Alyanna ng marahang tango.

“Like what I said, Tito, rest assured that my parents will take care of Airi. Things are all new to us, we’re all adjusting and I am sure, they’ll be happy to know that you’re taking care of Cherinna, too…” sabi naman ni Jahann bago inabot ang kamay ko. “There's time for that talk, though. Let’s not spoil the night, right, Alyanna?” sabi nito bago nilingon ang babae.

Hindi naman nagsalita si Alyanna at nagpatuloy na lang sa pagkain. Sumang-ayon naman si Mr. Alcantara kay Jahann.

Matapos kaming kumain ay nagpaalam na si Airi sa mag-asawa. Nagsabi ito na bukas ay roon na talaga ito matutulog muna at magpapaalam ito. She could’ve stayed and just called Mommy and Daddy, but she didn’t. They really raised her well, too.

Nagpaiwan naman si Jahann at sinabihan ang dalawa na uuwi rin ito maya-maya. Sinamahan ko si Mrs. Alcantara na ihatid ang dalawa hanggang sa sasakyan ni Alyanna. Niyakap ng mahigpit ni Airi ang ginang bago ako niyakap.

“Take care of them, too. I promise, I will look after Tita Mika and Tito Kerko…” sabi ni Airi sa akin habang yakap-yakap ako. Tumango naman ako ng marahan dito.

“We’ll go ahead po,” paalam ni Alyanna bago sumakay ng sasakyan nito nang hindi man lang tumingin sa akin. Napangiti ako ng malungkot habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan ni Alyanna.

Tinapik naman ni Mrs. Alcantara ang balikat ko at ngumiti sa akin. “You and Alyanna will be okay, too…” sabi nito sa akin. Hindi naman ako nagkukuwento pa sa kanila kaya malamang ay napansin lang nito iyon sa aming dalawa. Tumango na lang ako ng marahan.

“Hindi ka pa ba papasok?” tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya bago nagsalita. “I’ll stay here po muna. Magpapahangin.”

“Okay, just go inside after,” she kissed my head and walked towards the house. Niyakap ko naman ang sarili bago ako naglakad papunta sa bench na naroon at naupo. Isa ito sa mga napansin ko nang dumating ako sa bahay nila.

May garden din sila kaya naman nakakamiss lalo ang garden ni Mommy sa bahay. Naalala ko ang tanong ni Airi kung kailan ko sila dadalawin… kung ako lang ay gusto kong araw-araw… pero alam ko naman na hindi puwede dahil na rin sa sitwasyon naming lahat ngayon.

Kumunot ang noo ko nang lumapit sa akin si Jahann at naupo sa tabi ko, maya-maya lang ay humiga ito at ang ulo nito at nasa kandungan ko. Nakayuko ako sa kanya habang nakakunot pa rin ang noo.

“Hmm?” hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan iyon. “Alyanna’s on your mind?” he asked while playing with my fingers. I smiled a little. “I missed her,” sagot ko naman kay Jahann.

Marahan kong hinaplos ang buhok ni Jahann habang nakatingin dito. “Sa tingin mo, magiging maayos ang lahat sa atin?” tanong ko sa kanya. Isa iyon sa iniisip ko na konektado sa naging alok sa akin ni Mr. Alcantara na pagpunta sa New York.

Maybe it will help?

Pero paano kami ni Jahann? Aalis siya para sundan ako? Mas magagalit sila Mommy…

Jahann smiled a little. “You know what I thought before? When I was really hurt and I was consumed by my jealousy? I thought I’ll just leave you. Maybe you and Ian are meant to be…”

Mas kumunot ang noo ko sa kanya. “Ano?”

Jahann then chuckled and looked at me. “I was like, maybe I should not give a fuck about you anymore, Cherinna. But damn it. Tangina lang talaga. Isang ngiti mo lang, natatalo na naman ako.”

“Thank you…” mahinang sabi ko sa kanya.

“I confessed that and you’ll say thank you?” tila napapantasikuhan na tanong niya sa akin. Hindi ko rin napigilan na hindi matawa nang bumangon si Jahann at tignan ako. Nakasimangot ito sa akin.

“No. I just want to say thank you for coming back for me, and for Nikolai…” hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon ng marahan.

“Cherinna, I really love you, that’s why. I will fight for you. Always keep that in your mind, okay?” sabi nito bago hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “Mahal na mahal ko kayo ng anak natin.”

Hindi naman ako kumibo at niyakap siya ng mahigpit. Ibinaon ko ang mukha sa dibdib ni Jahann kaya naman amoy na amoy ko ang pabango nito na talagang gusto ko na lagi niyang ginagamit.

Simula naman din nang malaman ni Jahann na iyon ang gusto kong ginagamit niya ay hindi na siya nagsubok pa ng ibang pabango.

“I love you, okay?” marahang sabi ni Jahann habang hinahalikan ako. “I love you, too,” sagot ko naman bago hinigpitan ang yakap sa kanya. Hindi ko pa rin alam paano ko ba sasabihin ang tungkol sa sinabi ni Mr. Alcantara.

Ilang minuto kaming magkayakap nang muling magsalita si Jahann. “I know his plan, Creep.”

Natigilan ako at lumingon sa lalaki ng nagtataka. Alam niya? “What…?” wala pa naman akong sinasabi sa kanya, paano niyang nalaman ang bagay na iyon?

“Tito Hugh told me and he’s asking me to convince you…” he said while looking at me. I am still confused about what’s happening. Bakit niya sinabi iyon kay Jahann?

“Wala naman akong planong sumama at--”

“You know that wherever you are, I will follow you, right?” he asked while smiling at me. Marahan akong tumango sa kanya.

“But I won’t do what he’s asking me to do. I will let you decide, baby…” masuyong sabi ni Jahann sa akin bago hinalikan ang noo ko. “I love you, that’s what you need to know.”

Tumango ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“I won’t leave you…” I whispered while hugging him.

He hugged me tighter and kissed my head again. Alam kong ayaw niya rin na umalis ako, kaming dalawa ni Nikolai at wala naman talaga akong plano na gawin iyon.

He’s fighting for us and I will do the same…

I will do the same.

I looked at his face and he smiled at me. “Hmm?” he said. Mas lalo akong napangiti dahil hindi ko rin maintindihan bakit ang sexy sa pandinig ko kapag gumaganon si Jahann.

“I love you, Jahann Nikolai Anderson,” I said before kissing his lips.

I felt him smile against my lips and kissed me deeper.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.