Chapter 39

Mabilis lang lumipas ang mga araw at halos isang buwan na rin akong nasa bahay nila Mommy Hannah at Daddy Hugh. I still feel a little awkward whenever I am calling them that but I saw the joy in Mommy Hannah’s eyes when I called her that so I just continued doing it. Hindi ko naman pwedeng bawiin pa dahil masasaktan ito.

Isa pa, sila naman din talaga ang tunay na magulang ko. Dapat lang naman na maging ganoon na rin ang tawag ko sa kanilang dalawa.

Kahit papaano ay nasasanay naman na ako sa bahay nila--namin. They always tell me to feel at home and treat the house as if it’s mine, too. Ayaw nila na mailang ako at nakikita ko naman ang efforts nila para hindi ako mailang, para hindi ako mahiya sa kanila.

Kay Airi nila ipapamana ang bahay na ito at wala naman ding kaso sa akin ang bagay na iyon dahil mas deserve naman ito ni Airi kumpara sa akin. Mas matagal nitong nakasama sila Daddy Hugh.

I looked at my phone at the table when it rang. I saw Daddy’s name on the screen, I immediately smiled and answered it. Daddy and I, we’ve been talking again the past weeks. Humuhupa na kahit papaano ang nangyari pero hindi ko pa rin magawang magpunta sa bahay para dalawin sina Mommy.

I just feel like it’s still not the right time yet.

“Hi, Dad, good morning,” bati ko sa kanya habang nakaupo sa kama. Katatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit ko sa loob ng kwarto dahil namili kami noong isang araw nila Mommy Hannah. She bought me dresses and tops and skirts and shorts. Halos mapuno na rin ang lagayan ko ng damit sa dami ng pinamili niya.

Gustuhin ko man itong awatin noon, sinabihan ako ni Daddy Hugh na hayaan ko na lang dahil gusto raw talaga nito na i-spoiled ako dahil matagal akong nawalay sa piling nilang dalawa.

“Good morning, Cherinna,” he greeted me back. Dalawang beses sa isang linggo kami kung magkita ni Daddy dahil lagi itong nagbibigay sa akin ng ulam na niluluto nito sa bahay. Sabi ni Daddy ay namimiss na rin nila akong kasama sa bahay kaya naman kahit man lang daw sana pareho ang ulam namin sa hapag-kainan ay ayos na rito.

“I’m already on my way there,” he said after a few seconds. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. Hindi naman kami kadalasan na nagkikita rito sa bahay dahil madalas na sa may coffee shop kami sa may labas ng subdivision nagkikita.

At alam naman din ni Jahann ang bagay na iyon. Minsan ay kasama pa namin si Jahann at halatang masaya ito na may progress na rin kahit papaano ang mga nangyayari.

I just hope things between me and mommy will be okay, too.

“Bakit ka po pupunta rito?” tanong ko sa kanya na tumayo na rin para lumabas ng kwarto. Kanina pa nasa may sala si Nikolai at naglalaro ng mga laruang pinamili ni Jahann para rito. Kung si Mommy Hannah ay iniispoiled ako, ganoon din si Jahann sa anak naming dalawa.

“I have a meeting later, that’s why,” sagot naman nito sa akin. Hindi naman na ako nagtanong pa dahil normal naman na kay Daddy na may meeting ito ng maaga. Matapos akong magpaalam sa kanya ay nagtungo na rin ako sa sala kung saan naroon si Nikolai.

Nagulat naman akong hindi nag-iisa si Nikolai sa sala. “You’re here?” tanong ko kay Jahann na nakaupo na rin sa carpet at nakikipaglaro sa anak naming dalawa.

“Good morning, Creep,” he smiled before he carried Nikolai and made him sit on his lap. He held his small hand and waved it to me. “Good morning, Mommy…” he said while smiling. Maging ang bata ay humagikgik habang nakatingin sa amin.

“Ma… ma…”

“Good morning, baby,” lumapit ako sa anak namin at hinalikan ang ulo nito. I looked at Jahann who’s looking at me, too.

He smirked.

“What about my kiss?” he asked when I didn’t move.

Napairap na lang ako habang nangingiti at mabilis na hinalikan siya sa mga labi. Tinakpan naman nito ang mga mata ni Nikolai nang hinalikan ko siya sa mga labi. “Good morning din,” bati ko sa kanya, ngumiti naman siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

“Have you eaten? Dadaan daw si Daddy ngayon, magdadala ng food,” tinabihan ko silang dalawa ni Nikolai habang nilalaro-laro ang kamay ng anak namin.

Mas napangiti si Jahann nang sabihin ko ang pakay ni Daddy sa pagpunta ngayon dito sa bahay. “Just enjoy the food he’s bringing, okay? Pinaghirapan ‘yun.” sabi nitong muli na kinakunot ko naman ng noo. Lagi naman sinasabi sa kanya na masarap ang inihahatid ni Daddy na pagkain, marunong naman din talaga si Daddy na magluto at alam naming lahat iyon.

“Anyway, Creep… Have you decided about Tito Hugh’s offer?” sabi nito maya-maya sa akin. Tungkol pa rin iyon sa pagpunta namin sa New York na alok sa akin ni Daddy Hugh. Matagal ko naman ng sinabi sa lalaki na wala akong planong umalis pero alam kong naiisip pa rin ni Jahann na pwedeng magbago ang isip ko.

Malapit na ring maayos ng mga abogado nila ang tungkol sa papeles ko at ni Airi. May mga kausap na rin si Daddy Hugh para sa mga ID’s ko na kailangan i-update.

“You can always visit us there,” pabiro kong sabi sa kanya na sinundan iyon ng pagtawa.

“Why visit you when I can just go there with you instead?” seryosong sabi nito kaya naman nilingon ko itong muli. Walang bakas ng ngiti na makikita sa mukha ni Jahann. Wala sa mga labi, wala sa mga mata.

Seryoso ito sa sinabi nito.

I sighed and smiled a little. I reached for his cheek and caressed it gently. “You know I won’t leave, right?” I smiled at him. “Kung aalis man kami, not for good. I want Nikolai to grow up here…”

Tumango naman sa akin si Jahann at hindi na kumibo. Natawa naman ako sa kanya kaya umiling na lang ako at tumayo na para maghanda ng makakain. Wala sina Mommy Hannah at Daddy Hugh ngayon dahil may pinuntahan itong birthday ng kaibigan ni Daddy Hugh. If I am not mistaken, the name was Adrian Ventura, Daddy Hugh said he was one of his band mates before.

Isasama dapat nila kaming dalawa ni Nikolai pero ako na lang din ang tumanggi na muna na sumama sa kanila. Hindi naman nila ako pinilit pa kaya walang naging problema o ano pa man.

“Cherinna, nandyan na ang daddy mo,” sabi ni Ate Mildred sa akin na nakangiti. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay tila mas magaan ang aura ni Ate Mildred at laging masaya, na sa tingin ko naman ay mabuti para mas maging masaya rin si Nikolai.

Ibinulsa naman na rin nito ang cellphone na hawak kaya hinayaan ko na lang din ito, napapansin ko rin kasi na may madalas na kausap si Ate Mildred at wala namang kaso iyon dahil hindi naman nito pinababayaan si Nikolai.

“Okay po, balikan ko na lang ito,” sabi ko sa kanya na sinulyapan ang sandwich na ginagawa ko at tinakpan na lang na muna ito.

“Ako na diyan,” presinta naman nito. Maluwag ang oras nito ngayon dahil naroon si Jahann para bantayan si Nikolai. Tumango ako sa kanya bago lumabas ng kusina at nagpunta sa living room.

Naabutan ko na karga ni Daddy si Nikolai na halatang naglalambing rito. “How are you, little guy?” Dad asked Nikolai and my son giggled while making sounds.

“Daddy,” tawag ko rito. Lumingon naman ito sa akin at ngumiti. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Hinalikan naman ako nito sa ulo. “I won’t stay long,” sabi nito sa akin. “I just really dropped by to give you that,” he pointed at the paper bag on the table. Nilingon ko naman ito at ngintian.

“Hindi na dapat kayo nag-abala pero thank you, Daddy,” ngumiti akong muli sa kanya. Inaya ko ito na magkape pero tumanggi na rin ito dahil na rin sa may meeting pa itong pupuntahan.

Matapos itong saglit na nakipaglaro kay Nikolai ay nagpaalam na rin ito na aalis na kaya naman hinatid ko na lang ito sa may sasakyan nito habang nasa likod ko naman si Jahann na karga-karga si Nikolai.

Alam naman nila Daddy na madalas na narito si Jahann sa bahay namin at wala naman itong ibang pinupuntahan pa kaya hindi naman na ito nagtanong pa kay Jahann.

We stayed there for a while and I leaned on Jahann’s chest when I saw two familiar cars heading towards our house.

Kumunot ang noo ko at napatingin kay Jahann. Did he invite them?

“I have no idea, baby,” he said while looking at Kol and Theon’s car.

Anong ginagawa nila rito?

Ipinarada ni Kol ang sasakyan nito sa tapat ng gate namin at sinundan naman iyon ng sasakyan ni Theon. Pagkahinto ng sasakyan ay agad na lumabas si Keij mula sa sasakyan ni Theon at lumapit sa amin.

“Cherinna!” masayang bati nito sa akin bago ako niyakap. “Musta? Walang paramdam, ah?” sabi nito na animo’y nagtatampo sa akin. Napangiti naman ako dahil sa inasal nito. Keij is actually sweet.

Nabigla ako na naroon sila pero masaya ako dahil hindi ko naman inaasahan na pupunta sila rito para bisitahin ako.

Namiss ko naman na din talaga sila.

Lumabas na rin si Lean na nasa sasakyan ni Theon at si Enzo ay kasama naman ni Kol.

“Nikolai!” lumapit naman si Lean sa anak namin ni Jahann at kinarga ito. “I missed you!” malaki ang ngiti ni Lean habang pinupugpog ng halik sa pisngi si Nikolai na nakikiliti kaya humahagikgik.

“Buti talaga hindi kay Jahann nagmana si Nikolai, kung hindi iirapan ka niyan, Lean,” komento ni Keij habang nakatingin sa anak namin.

Napailing na lang ako sa sinabi nito dahil tumahimik ito nang tignan ni Jahann ng masama.

“How are you here?” Lean asked me while carrying Nikolai. I smiled at her and told her I was okay. Iyon naman din talaga ang totoo. Okay lang naman ako rito, nakakapanibago pa rin pero nasasanay na ako.

Unti-unti ko ng natatanggap ang sitwasyon naming lahat.

Wala naman din akong choice kundi tanggapin ang nangyayari.

“Let’s go inside?” aya ko na lang sa kanila para makaupo na rin sila. Hindi naman ako pinagbabawalan nila Daddy Hugh na tumanggap ng bisita, sadyang ako lang ang hindi nagpapapunta sa kanila rito dahil nahihiya ako.

Hindi ko naman din alam kung pupunta ba sila.

“You want juice? Water?” I asked them when they settled down on the couch already. Jahann smiled at me.

Lumapit naman si Ate Mildred sa akin at sinabi na ito na ang maghahanda ng maiinom at makakain ng mga bisita namin kaya naupo na lang na ako sa tabi ni Jahann.

“We really miss you, you know?” Lean said while looking at me. “Si Alyanna, bukod kasi kay Airi, ‘yung crush niya ang lagi niyang kausap, eh…” sumimangot ang babae.

“Napapariwara na buhay ni Alyanna,” natatawang dugtong naman ni Keij sa sinabi ng pinsan nito. Lumingon ito sa akin at ngumiti. “Magiging maayos din kayo ‘nun. Alam mo naman ‘yung si Alyanna, eh.”

Tinignan ko siya at nginitian. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na magiging okay kaming dalawa ni Alyanna. Masaya naman din ako na nagiging maayos silang dalawa ni Airi dahil alam kong deserve naman nilang dalawa na maging malapit.

“Are they treating you well here?” Kol asked me. Katabi ito ni Enzo na kanina pa nakakunot ang noo na tila may malalim na iniisip.

Tumango ako sa kanya. “Yes, they’re treating me well. I don’t think Jahann will let me stay here if they don’t…” nilingon ko si Jahann na inakbay sa akin ang braso nito.

“Gusto niyo bang kumain ng lunch? May dala kasi si Daddy kanina na ulam. Let’s eat that instead?” aya ko naman sa kanila. Malapit naman na rin magtanghalian kaya mabilis kong sinabihan si Ate Mildred na huwag na gumawa ng meryenda at kakain na lang kami ng tanghalian.

Tinulungan naman niya akong ayusin ang hapag-kainan. Bukod sa dalang beef steak ni Daddy, nagluto na rin kanina sila Ate Mildred ng iba pang ulam kaya inihanda na lang din namin iyon.

Tinawag ko na rin sila para magpunta sa dining room at kahit na tumatanggi pa sila ay napilit ko rin silang kumain doon.

“Beef steak? Parang pamilyar ‘to, ah? Tumawag kasi kagabi si Tita--aray!”

Napalingon ako kay Keij na hawak ang braso na kinurot ni Lean.

“Inaano ka?” tanong nito habang nakasimangot.

Inirapan naman ito ni Lean bago naupo sa tabi ko. Nasa tabi nito si Theon at tumabi naman si Keij kay Kol na nagsusumbong pa rin pero hindi ito pinansin ng kakambal nito.

Hindi ko mapigilan na hindi matawa habang kumakain kami dahil sa pag-aasaran ni Theon at Keij. Namiss ko talaga silang kasama. Lumaki akong sila ang madalas na kasama kaya naman nakakatuwa na makalipas ang ilang linggo ay kasama ko na silang muli.

“Okay ba si Tito Hugh sa relasyon niyo?” tanong ni Lean sa akin nang tinulungan nito akong magligpit ng pinagkainan namin. Nasa labas naman ang mga kasama namin at nag-uusap.

I looked at Lean and smiled a little. “We haven’t really talked about it…” sagot ko sa kanya. Alam naman nila Daddy Hugh na may relasyon kami ni Jahann pero hindi pa namin napapag-usapan ang mga bagay na iyon.

Lean smiled at me. “I hope things will be okay. You both deserved it…” sabi pa nito habang pinupunasan ang mga platong nahugasan ko na. “When they were against me and Theon? I thought we’re not gonna end up together… pero pinaglaban ako ni Theon. Kahit gago pa siya,” sinundan iyon ni Lean ng pagtawa.

I remember those times… they survived it.

“Kaya I am rooting for you and Jahann, too. And trust me, Alyanna misses you, too. Hindi niya lang alam kung paano ka niya kakausapin…” hinawakan nito ang kamay ko at pinisil iyon. “Kaya be strong, ha?” muli itong ngumiti sa akin.

Tumango naman ako sa kanya.

Iyon naman talaga ang magagawa ko.

Maging matatag.

Napalingon ako nang pumasok si Theon at Jahann sa may kusina. Niyakap ni Theon si Lean mula sa likuran at hinalikan ang pisngi nito. “Mommy texted me, she’s inviting you and your family to dinner,” sabi nito sa nobya.

Napangiti naman ako at nag-excuse sa kanila at naglakad papunta kay Jahann. Napailing na lang ito bago ako hinawakan sa bewang at iginiya papalabas ng kusina.

Nakipagkwentuhan naman ako kay Keij dahil tahimik lang si Kol, Enzo at Jahann. As usual. Nabanggit nito sa akin na hindi pa rin daw maayos ang relasyon nila Mommy at ng mga Daddy nito.

What she went through was not easy, so I understand.

Halos alas-kwatro na rin ng hapon nang umuwi ang mga ito at naiwan kami ni Jahann. Matapos namin silang ihatid ay naupo na lang na ako sa tabi niya at sumandal sa kanya.

He’s tracing my arm with his fingers while resting head on mine. Nakayakap naman din ako sa kanya.

“I miss Mommy…” mahinang bulong ko sa kanya. “I miss her so much…”

Jahann kissed my head and hugged me tight. “She misses you, too, Creep. That’s for sure…”

Marahan naman akong tumango sa kanya, hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya pero ramdam ko na nakatitig siya sa akin.

“Creep…” he called me. Kumunot ang noo ko dahil tila may halong kaba ang pagtawag ni Jahann sa akin.

Nilingon ko naman siya at nakita kong titig na titig siya sa akin.

“Why…?” tanong ko sa kanya.

Jahann heaved a sigh before he cleared his throat. Hindi ko naman napigilang matawa ng marahan dahil sa inakto nito. Hindi naman ito ang tipo ng tao na biglang kinakabahan o kung ano pa man.

“What’s wrong?” I asked him again. It seemed like he’s thinking something.

Something serious.

“Jahann?” I asked him again when he didn’t respond. “Are you okay?” I added.

He looked at me and reached for my hand, he looked at it and heaved a sigh again.

“What’s wrong, baby?” dinala ko ang libreng kamay ko papunta sa pisngi nito at marahan iyong hinaplos. “What is it, hmm?” I asked him, urging him to tell me what’s bothering him.

Nag-angat ng tingin sa akin si Jahann, seryoso ang mukha nito kaya naman hindi ako kumibo at hinintay ang sasabihin nito sa akin.

He’s still holding my hand.

“You know I love you so much, right?” he asked me, I didn’t say anything, I just nodded my head to answer him.

“I love you so much and I don’t want to lose you again, baby…”

“Jahann… What's wrong?” hindi ko napigilang itanong sa lalaki dahil sa kinikilos nito. Hindi ko alam kung may problema ba o kung may nangyari ba…

Umiling ito bilang sagot sa akin. Huminga itong muli ng malalim bago tumingin sa mga mata ko at ngumiti.

“You’re scaring me. What’s happening?” I frowned. I don’t like it when he’s like that, he’s not saying anything and he looks bothered by something.

He chuckled and it made me fret.

“Bahala ka nga diyan,” I rolled my eyes and got up but Jahann held my hand tight and pulled me closer to him.

Halos magkadikit na ang mukha namin nang magsalita siyang muli.

“Marry me, Creep…” he whispered and before I could say anything, he pressed his lips on mine.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.