Chapter 40

Nakatingin lang ako sa kina Mommy Hannah at Daddy Hugh habang nakikipaglaro ang mga ito kay Nikolai. Nagyaya sila na magpunta kami sa park na naroon kaya naman naisipan ko na rin na magdala ng mga makakain kaya nagmimistulang nagpipicnic kami roon.

Naglagay lang kami ng sapin upang maupuan at pasalamat na lang din ako sa mga naglalakihang mga puno kaya naman nakakasilong kami at hindi naaarawan ng husto.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing tumatawa si Nikolai habang nakikipaglaro sa mga magulang ko. It was a good thing that he felt at ease with them. Hindi ito naiilang sa kanila kahit pa kung minsan ay sinusumpong ito at sa palagay ko ay hinahanap sina Mommy at Daddy dahil na rin ang mga ito naman talaga ang nakasanayan nito na kasama.

Inabutan ako ni Ate Mildred ng sandwich na tinanggap ko naman matapos akong magpasalamat sa babae. Ngumiti ito sa akin at hindi pa rin nagbabago ang tila nangyayari rito na mas masiyahin na kumpara noong unang dumating kami roon.

Malapit ko na ngang isipin na may nagugustuhan ito dahil ilang beses ko na rin itong nakitang may kausap sa phone nito sa likod-bahay. Hindi ko na lang din sinita dahil hindi naman nito napapabayaan si Nikolai. Isa pa ay para ko na rin namang pamilya si Ate Mildred kaya walang kaso sa akin ang bagay na iyon.

“Where’s Jahann?” Daddy Hugh asked me as he handed Mommy Hannah the bottled water he opened. Natutuwa ako sa tuwing nakikita sila na ganoon.

I admit, Daddy Hugh is kind of similar to Daddy. Hindi ko ibig na ikumpara silang dalawa pero minsan ay nakikita ko ang pagkakatulad nilang dalawa. Lalo na kapag tahimik ito at kapag inaalagaan nito si Mommy Hannah.

I miss mommy…

I smiled a little before I looked at Daddy Hugh. “May inaasikaso po, eh. Pero baka po mamaya magpunta siya,” sagot ko naman rito. Tumawag si Jahann sa akin kaninang umaga at nagpaalam na may aayusin sa Ai’s kaya hindi ito nakapunta ngayon. Sinabihan ko naman ito na wala namang problema dahil mas dapat niyang unahin iyon. Hindi naman nagmimintis ng pagtawag sa akin sa araw-araw.

Kung minsan ay sa mga tawag ni Jahann ako nagigising. Kapag hindi siya nakakapunta sa bahay namin ay tumatawag ito kaagad sa akin ng umaga pa lang para magpaalam at bilinan ako na kumain at alagaan ang sarili.

Jahann told me Daddy Hugh told him his plans. Sinabi nito sa lalaki na may plano ang mga ito na mangibang bansa at isasama ako at ang anak namin ni Jahann, at sinabi ni Jahann sa akin na pwede akong magdesisyon sa bagay na iyon.

Wala akong balak na umalis.

Pero at some point, naiisip ko rin naman na baka mas magiging maayos ang lahat kung aalis ako, baka mas maging maayos ang sitwasyon kung mapapalayo ako sa kanila, lalo kay Alyanna at Mommy…

Hindi ko sila masasaktan ulit.

I really miss them.

When Jahann asked me to marry him, I wasn’t able to say yes immediately. Instead, he hugged me and kissed my forehead and told me he will marry me, not now but at the right time…

At wala akong mapagsabihan ng tungkol sa bagay na iyon. Wala akong makausap tungkol sa nangyari, para maibahagi ko ‘yung nararamdaman kong saya… takot… kaba…

I miss Alyanna… I miss her so much and it pains me to know she’s okay without me. I know she’s mad at me, she feels bad, and I understand that…

Nasasaktan lang din talaga ako na okay siya na wala ako.

Dahil hindi ako okay...

I heaved a sigh and blinked my eyes to stop my eyes from clouding up with tears. Muli na lang akong yumuko at kumain at pilit na inaalis sa isip ko ang sitwasyon namin ni Alyanna. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na magiging maayos kaming dalawa.

Hindi lang siguro ngayon, pero balang araw…

“Cherinna,” untag sa akin ni Mommy Hannah na naupo sa tabi ko. Si Daddy Hugh naman ay karga si Nikolai at naglalakad-lakad. Nilingon ko si Mommy Hannah na tila may gustong sabihin sa akin.

Ilang beses ko na rin naman siyang nakitang nakatitig sa akin na tila may iniisip na kung ano.

“Po?” sagot ko sa kanya.

“I told Hugh that we’re not going to leave the country,” she smiled at me and reached for my hand. “Actually, ako ‘yung nagsabi sa kanya noon na umalis na lang tayo kasi nakikita ko naman na hindi ka okay… na baka mas makakabuti sa ating lahat kung lalayo na lang tayo?” she smiled sadly. “But, I was observing you since the day he told you the plan and I could see the sadness in your eyes. Alam ko naman na ayaw mong umalis, at alam ko na mahal na mahal mo sina Kerko at Mika…”

Pinagmasdan ko siya at nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. May kung anong lumukob sa dibdib ko dahil doon.

“I know you love them and I understand that…” she continued. I stayed silent while looking at her, I squeezed her hand gently. Kahit papaano ay nakakaramdam ako ng guilt na nakakaramdam sila ng lungkot dahil sa akin. “Pero sana… sana bigyan mo rin kami ng Daddy mo ng chance na maparamdam sa’yo na mahal ka namin at… at anak ka namin…” tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata nito. “We also regret the lost times, Cherinna…”

I bit my lip. Hindi ko alam na hindi ko man intensyon, nasasaktan at nahihirapan din pala sila dahil sa mga ginagawa ko.

“I… I’m sorry, Mommy Hannah…” napayuko ako. Naninibago pa rin ako simula nang napunta ako sa poder nila. Nakikibagay, nakikisama…

Hindi ko alam kung ano ba ang lugar ko roon dahil alam ko naman din na mahalaga si Airi sa mga ito at wala naman akong balak na makipagkumpetensya sa babae dahil matagal nila itong nakasama. Naisip ko lang din na hindi magiging maayos kung bibiglain namin ang sarili namin sa bagay na ito dahil na rin lahat kami ay iba ang nakasanayan.

“You don’t have to say sorry, sweetie,” she smiled despite the tears rolling on her cheeks. “Gusto ko lang na maging pamilya tayo, open yourself to us, too. Hayaan mong makilala ka namin, makilala mo kami…” hinawakan nito ang pisngi ko at marahan akong tumango sa babae.

She hugged me tight and kissed my head. “You don’t have to feel you have no one else aside from Jahann and your son. I am here, we are here…” she muttered as he hugged me tight again.

Niyakap ko naman siya ng mahigpit bago tumango sa kanya. Nagpapasalamat na lang din ako na sila ang mga magulang ko dahil nakikita ko kung gaano sila ka-understanding sa akin. Nahihirapan sila sa sitwasyon pero iniintindi nila ang nararamdaman ko, iniintindi nila kami ng anak ko. Malaking bagay na iyon sa akin.

We stayed there until almost lunch time. Tinawagan ni Mommy Hannah ang kasambahay namin para makapagpaluto na kami ng lunch at makakain pagkauwi. Naisip namin na roon na lang din sana mananghalian ngunit inaantok na si Nikolai kaya naman nagdesisyon na kaming umuwi na lang.

“What’s your plan for your studies?” Daddy Hugh asked me while we were walking back to the house. Karga ni Mommy Hannah si Nikolai na nakatulog na habang bitbit naman namin nila Ate Mikdred ang mga ginamit namin kanina roon sa park.

Nilingon ko ito at ngumiti ng maliit. “I have to look for a job first po,” sagot ko naman sa kanya. Kol told me I can just take an exam so I can pass this semester but I am not really sure about that. Kahit naman maipasa ko, wala naman pa akong naipon para makapagpatuloy ng pag-aaral ko. Siguro ay mag-eexam na lang ako para tapos ko na rin talaga ang semester at hindi ako uulit. Nahinto na ako noong nabuntis ako, pero mukhang kailangan ko ulit gawin iyon.

Sinasagot na ni Jahann at nila Daddy Hugh ang kailangan ni Nikolai, that’s more than enough for me already. Kailangan ko na rin magtrabaho para sa amin ng anak ko.

“Silly, why are you going to work?” sumimangot ito sa akin at napailing. “You should go back to school Cherinna. You said you wanted to have a pre-school, right? I will support you in that dream. Huwag mong iniisip ang bagay na hindi pa dapat dahil kargo kita, anak kita. Pag-aaralin kita,” dagdag pa nito habang naglalakad kami at nakasunod kina Mommy Hannah.

Hindi ako nakakibo habang nakatingin lang sa kanya. Ngayon lang namin napag-usapan ang bagay na iyon dahil nahihiya akong magsabi sa kanila ng tungkol doon kaya inisip ko na magtrabaho na lang para sa amin.

“Your Mommy Mika will kill me if she finds out you dropped out because I didn’t support you in your studies,” he looked at me and smiled a little. “Don’t think about that, Cherinna, okay? You’re an Alcantara, I will give you everything you need. Sa inyo ng anak mo,” ngumiti siyang muli sa akin.

Natigilan ako sa paglalakad at tila napansin naman ito ni Daddy Hugh dahil huminto rin ito ay tumingin sa akin. Nagpatuloy naman na sina Mommy Hannah sa paglalakad pauwi ng bahay namin.

“What’s wrong?” he asked while looking at me. “What happened?” he added.

Nag-iinit ang mga mata ko kaya pinili kong yumuko na lang. Hindi ko alam kung bakit ba nagiging iyakin na naman ako nitong nakaraan. Akala ko ay wala na akong iiiyak matapos ang nangyari noon at nalaman namin ang totoo, mayroon pa rin pala.

“Cherinna…”

“Aren’t you disappointed in me?” I asked him while still bowing my head. Alam ko naman na nakakabigla na malalaman nila na iba pala ang anak nila at ang anak nilang iyon ay may anak na rin. It’s not very ideal.

“Disappointed? Why would I be?” He reached for my hand and squeezed it a little. “You think we’re disappointed in you?” he asked before chuckling. “When we found out that Airi was not our daughter, I was fuming mad. I was mad at Camilla, but it happened already. I can’t do anything about that anymore…”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ngumiti siya ng maliit sa akin.

“I just thought, I hope you’re okay, and I promised I will give you everything. Babawi kami sa iyo,” huminga ito ng malalim bago niyakap ako ng mahigpit. “I am happy to have Nikolai, too. Unexpected but it was okay, that kid is like you, so you don’t have to worry about anything, okay? Huwag kang mamroblema sa panggastos niyo dahil nandito kami ng Mommy Hannah mo. Hindi ka namin papabayaan.”

I closed my eyes and hugged him tight. I know I was being unfair to them, too, because I am not letting them know me… maybe that’s what I should do first in order to have my life in order again.

I should start with my family…

“We love you, Cherinna. We really do…” he whispered as he kissed my head. Ngumiti naman ako sa kabila ng pag-iyak ko at tumingin sa kanya.

“Mahal ko rin po kayo…” hindi naman sila mahirap mahalin at sa totoo lang ay may ilang man akong nararamdaman sa kanila, nararamdaman ko pa rin ang koneksyon ko sa kanila… lalo kay Mommy Hannah.

“Let’s go, your mommy will be envious again because we’re always talking,” he chuckled as he got the things I was carrying and walked towards the house. Napangin naman ako rito at napangiti na lang bago sumunod.

“You want to be a teacher?” tanong sa akin ni Mommy Hannah habang kumakain kami. Tumango naman ako sa kanya. “I pictured myself having my own school po. Pre-school… kasi gusto kong magturo sa mga bata, gusto kong matulungan sila na magsimulang mag-aral…” noon pa man ay sinasabi ko na iyon kina Mommy at Daddy at wala naman silang tutol sa bagay na iyon.

Nabanggit pa nga nila na magiging magaling akong teacher dahil na rin mahaba ang pasensya ko sa mga bata.

“You should start going back to school, Cherinna. marami ka ng namimissed na lectures mo,” sabi pa nito sa akin na tinanguan ko naman. “Nagkausap na po kami ni Daddy Hugh tungkol doon…” sagot ko naman. Mommy Hannah smiled sweetly at Daddy Hugh.

Naging maayos naman ang pananghalian namin at napag-usapan na rin namin na hindi na kami aalis ng Pilipinas. Naintindihan naman nila ako kung bakit ayaw kong mangibang bansa ng tuluyan pero hindi ko naman sinarado ang pinto ko sa pag-alis kung pagbabakasyon lang ang gagawin.

Matapos kaming kumain ay umakyat na muna ako sa kwarto ko para maligo at makapagbihis na rin dahil plano kong puntahan si Kol para matulungan ako sa pag-aayos ng mga kailangan kong requirements. Totoo naman ang sinabi nila Daddy Hugh, marami na akong namimissed na class kaya naman kailangan kong ihabol ang mga iyon.

Napalingon ako sa lamesa ko nang magring ang phone ko at makita ko ang pangalan ni Jahann sa screen ng cellphone ko. Agad ko namang sinagot ang tawag nito at naupo sa kama.

“Jahann,” I called his name.

“Why are you meeting Kol?” he asked immediately and I almost laughed because he sounded jealous. Napailing na lang ako sa kanya bago sumandal sa head board ng kama ko. “Magpapasama ako sa school sa kanya para ayusin ang papers ko para makapag-exam ako at makapasa ako, hindi mo kailangan magselos kay Kol, alam mo namang may ibang gusto ‘yun, at ikaw ang mahal ko,” sabi ko sa kanya.

“Oo nga,” ani Jahann sa kabilang linya. I rolled my eyes at his conceitedness. Kung minsan ay naiisip ko na lang talaga na nahahawa na si Jahann kay Theon at Keij kapag hindi nito nakakasama ng matagal sina Enzo at Kol.

“I’ll pick you up,” sabing muli ni Jahann kahit na hindi pa man ako nakakasagot sa kanya. Napailing na lang ako. “You’re still busy, right? Unahin mo na muna ‘yan. Daanan na lang kita sa Ai’s mamaya?” tanong ko sa kanya.

Matagal na rin naman akong hindi nakakadalaw sa Ai’s at matagal ko na ring hindi nakikita sina Dean.

“No, baby. I’ll just pick you up,” tutol ni Jahann na ikakunot ko ng noo. Dati naman ay walang kaso rito kung pumupunta ako sa Ai’s.

“Hmm?” I asked him, waiting for him to explain his reason why.

“I’ll just pick you up, okay? Wag matigas ulo mo. Papakasalan pa kita,” sabi niya sa akin na ikina-pula ng mukha ko.

“Jahann!” saway ko rito kaya naman narinig ko ang mahinang pagtawa nito. Kahit papaano ay masaya ako na maayos ang relasyon namin ni Jahann ngayon at nagagawa naming makapag-usap ng ganito.

I am just really hoping things will be okay, too, between me and Alyanna and Mommy.

“I am serious, Creep. Wait for me, okay? I love you,” he said before hanging up the phone. Napailing na lang ako kaya nagpadala na lang ako ng message kay Kol na hihintayin ko muna si Jahann at magkita na lang kami sa Sweet Desire mamaya.

Hindi naman sumagot si Kol sa message ko kaya nag-ayos na lang ako. Simpleng shorts na itim na tinernuhan ko ng sleeveless na puti ang kinuha ko at isinuot. Inabot ko na rin ang jacket ni Jahann para dalhin.

I was ready to go down when Ate Mildred knocked on my door and go inside my room. I looked at her when she called my name.

“What is it?” tanong ko sa kanya bago kinuha ang bag ako at lumapit sa babae.

“May bisita ka,” sabi niya sa akin na tila hindi sigurado sa sasabihin nito sa akin. Mas lumalim naman ang kunot sa noo ko nang hindi nito agad sabihin sa akin kung sino iyon.

Bumaba na lang ako dala ang gamit ko, sinuot ko na rin ang jacket ni Jahann para kung sakaling darating ito ay hindi ako pagagalitan sa suot ko.

Natigilan ako sa paghakbang nang makita ko ang babaeng nakatalikod sa akin na tila naghihintay sa pakay nitong kausapin.

Humigpit ang hawak ko sa bag ko bago tumikhim.

Hindi ko alam na pupunta siya rito ngayon, at hindi ko rin alam kung bakit. Tila may tambol na naghahabulan ngayon sa dibdib ko.

“Alyanna…” I called her name.

Lumingon naman ito sa akin at pinagmasdan ako. Hindi ko alam kung bakit siya naroon pero sa kabila ng kaba na nararamdaman ko, masaya ako…

“Hi, Cherinna…” she said. “Can we talk?” she said before walking towards me.

My eyes were on her but my foot immediately took a step back. Hindi ko alam kung dahil ba naisip ko na sasampalin niya akong muli.

Pero hindi niya ginawa.

Sa halip ay niyakap niya ako ng mahigpit.

“I am sorry…” she whispered while hugging me.

Napalingon ako sa kanya. She’s sorry?

But why?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.