Nakatingin ako kay Alyanna habang nakaupo kaming dalawa sa may bench sa park malapit sa bahay. Hindi ko rin alam kung bakit ba siya naroon pero kanina, nang makita ko siya ay nakaramdam ako ng tuwa, pero gusto ko ring mainis sa sarili kong nakaramdam ako ng takot sa kanya…
I just know that I caused her pain too much and I hate seeing her crying… I was scared that I did something again that made her upset.
Simula kanina ay hindi ito nagsasalita habang nakatingin lang sa bakanteng parke kung saan kami naroon. Matapos niya akong yakapin kanina habang umiiyak, sinabihan ko na lang ito na lumabas na lang muna kami para naman makahinga ito at makapag-isip isip na rin.
Hindi ko na rin nabalikan pa si Jahann para sabihan ito na kasama ko ngayon si Alyanna, sa tingin ko naman ay maghihintay si Jahann sa bahay, kung hindi man, malamang ay tawagan nito si Kol upang itanong kung nasaan ako.
“Are you mad at me…?”basag ni Alyanna sa katahimikan. Nakayuko ito at magkasaklop ang dalawang kamay. Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya sa akin. I am surprised that she thought I was mad at her.
Nag-angat ito ng tingin sa akin at nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Alyanna. Growing up, she’s really the bubbly one. Kasundo nito si Keij at Theon dahil puro sila energetic. Habang tumatagal, si Lean naman ang nakakasundo ni Alyanna dahil nagiging pasaway na sina Keij. She’s always the happy one.
Kaya naman masakit sa akin makita si Alyanna na nasasaktan, umiiyak… lalo pa at ako ang naging dahilan.
“I was never mad at you,” mahinang sabi ko sa kanya. Nag-aalangan man ay inabot ko ang kamay ni Alyanna at marahan iyong pinisil. “Kailanman ay hindi ako nagalit saýo, Alyanna,” muling sabi ko sa kanya. Ngumiti ako ng maliit.
“I know what I did was wrong, nasaktan kita at naiintindihan ko iyon,” tinignan ko siya na tahimik lang na nakatingin din sa akin. Gaya ko ay nag-uulap ang luha sa mga mata ni Alyanna.
I missed her…
I missed my twin…
“Hindi ko alam kung… kung ano ba ang pwede kong gawin para mapatawad mo ako, kaya… pinili ko na lang din na lumayo, kasi baka iyon ang kailangan nating lahat…” pinilit kong labanan na huwag mabasag ang boses ko habang nagsasalita ngunit hindi ko rin mapigilan ang mga luhang pilit na kumakawala sa mga mata ko.
“When I found out that I was adopted… inisip ko agad, ikaw… paano ka?” pinisil ko ng marahil ang kamay ni Alyanna at nagyuko. “Growing up, I am always with you, growing up, ikaw ang alam ko na kakambal ko… pero alam ko na mas mahirap ang sitwasyon para sa iyo…” I moved my hand and wiped my cheeks.
“I was selfish…” mahinang sabi ni Alyanna sa akin. Muli naman akong nag-angat ng tingin sa kanya. I saw her tears roll down on her cheeks. “I was so selfish, Cherinna…” she started sobbing.
“Alyanna…” hinawakan ko ang kamay niya at lumapit sa kanya para yakapin siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit niya naiisip ang bagay na iyon dahil kailanman ay hindi ko naisip na makasarili si Alyanna.
“I was so selfish, I just thought about the pain I felt, hindi ko naisip ang pinagdadaanan mo. I added to it, instead of understanding you, making you feel that I am still here for you, I pushed you away…” hindi tumitigil sa paghagulgol si Alyanna habang yakap-yakap ko siya.
I bit my lip hard and closed my eyes as I felt my own tears on my cheeks.
I was hurt, but I tried my best to understand her, because all she felt were valid. Her pain, her anger, everything. Kasalanan ko naman din talaga ang lahat kaya hindi ako kailanman nagtanin ng sama ng loob sa kanya o sa kahit na sino sa kanila.
“Shh… it’s okay, Alyanna…” pag-aalo ko sa kanya. Huminga ako ng malalim upang pigilan din ang sarili ko na mapahagulgol.
“I am so sorry…” mas humigpit ang yakap niya sa akin habang patuloy ang paghagulgol niya. I opted to just remain silent and hug her back. Hinayaan ko na lang na muna siyang umiyak at ilabas ang saloobin niya.
Makalipas ang ilang minuto ay gumalaw ito at bahagyang lumayo sa akin. Pinagmasdan ko siya na umiiyak pa rin. Pinunasan nito ang mga pisngi at tumingin sa akin. Natawa ito sa kabila ng pag-iyak. “Why are you staring?” tanong nito habang sumisinghot at natatawa kasabay ng pag-iyak nito.
“I missed you…” sabi ko naman sa kanya. Tila mas naiyak naman si Alyanna sa sinabi ko at muling nag-unahan ang mga luha sa mga pisngi nito. I smiled as I wiped my own tears. I moved closer to her and hugged her tight. “I missed you so much…” mahinang bulong ko sa kanya.
Ginantihan naman ako ni Alyanna ng yakap. “I missed you, too…” sabi niya sa akin na nagpangiti sa akin. “It feels so different without you at the house…”
I looked at her and smiled. “I know how it feels… but, this is our lives now…” sabi ko sa kanya. Ako na mismo ang nagpunas sa mga pisngi ni Alyanna. “You have Airi now, Alyanna…” sabi ko sa kanya habang nananatiling nakatingin sa kanya. “She’s nice and I know you will get along well…”
Hindi naman kumibo si Alyanna sa akin habang nagsasalita ako. “I know you will treat her well, because Alyanna, you are the sweetest person I know,” pinisil ko ang kamay niya. “And I am just so glad that we are okay now… we are okay now, right?” alanganin akong ngumiti sa kanya dahil hindi ko naman talaga tiyak kung ayos na ba kaming dalawa.
“Namiss kita talaga,” sa halip ay sabi ni Alyanna sa akin bago ako muling niyakap ng mahigpit. “I am sorry for all the things I did that hurt you, Cherinna…” bulong niya sa akin. “And I am thankful that you came into our lives…”
I smiled as I hugged her back. Kahit papaano ay masaya akong naging maayos ang sitwasyon namin ni Alyanna. Alam ko na marami pa kaming dapat na pag-usapan tungkol sa mga nangyari pero masaya pa rin ako na nagkaroon ng progress ang sa aming dalawa.
“I missed Nikolai, too…” ani Alyanna sa akin kaya hindi ko napigilang matawa. “Namimiss na rin kayo ni Nikolai, eh… lalo si Mommy…” ngumiti ako ng tipid matapos sabihin iyon.
“Si Mommy…? I thought you two are--”
“Cherinna.”
Sabay naman kaming napalingon ni Alyanna nang tawagin ako ni Jahann. He was wearing his blue polo shirt and black jeans, he partnered it with his favorite white sneakers.
Nilingon ko si Alyanna dahil baka kung ano ang isipin nito na naroon si Jahann sa amin. Kahit na naging maayos kami ni Alyanna ngayon, iniisip ko na hindi pa rin naman madaling tanggapin ang relasyon naming dalawa ni Jahann.
Lalo na para kina Alyanna.
Lumapit si Jahann sa akin at tumabi sa akin. He looked at Alyanna and cocked his head on the side. “You okay now?” he asked her.
Alyanna rolled her eyes and crossed her arms against her chest. “You said I can talk to Cherinna all day long, why are you here, then?” tanong nito kay Jahann na nakasimangot.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. Ibig sabihin ba ay alam ni Jahann na magpupunta si Alyanna dito sa bahay ngayon? Is that the reason why he told me not to leave earlier and wait for him instead? Para makausap ako ni Alyanna?
“I changed my mind,” he chuckled and put his arm on my shoulder, he looked at me and smiled. “Are you okay now?” he asked.
“Okay naman na kami kanina, bigla ka namang sumingit. Lagi mo na lang inaagaw atensyon ni Cherinna sa akin,” sabi ni Alyanna kay Jahann. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti.
We were like this before, too. Madalas na naiinis si Alyanna kapag habang magkasama kami ay aayain ako ni Jahann o di kaya ay magpapatulong si Jahann na magluto.
We stayed there for a couple more minutes before Jahann told me we’re going somewhere else. Kahit pa nagtataka ay sumama naman na ako sa kanya. Si Alyanna naman ay sumakay na rin sa sasakyan nito at sinabi na magkita na lang kami roon.
Kung saan man ang tinutukoy nito ay hindi ko alam at wala akong ideya dahil hindi naman nagsasalita si Jahann habang nasa sasakyan kami.
“How was it?” he asked while driving. His eyes were on the road while he’s holding my hand. I looked at him and smiled a little. “I was scared, actually…” pag-amin ko sa kanya. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Jahann nang lingunin niya ako.
“Why? What did she do?” tanong nito sa akin. By the looks of it, may naisip na agad ito na posibleng nagawa ni Alyanna sa akin. I could remember the time Alyanna slapped me, Jahann got mad at her, but like what I told him, what she did was okay.
She was mad.
Pero sabi ni Jahann noon ay wala naman itong karapatan na saktan ako.
“I got scared that I did something again, that made her upset again, and made her cry again…” sabi ko sa kanya na tila mas nagpakunot pa sa noo ni Jahann. Ngumiti ako at mabilis na hinalikan ang ilong nito. “She didn’t hurt me, okay?” muli akong ngumiti sa kanya. “I was surprised when she said sorry, of course… but, you know what? I am actually really happy…”
“Hmm?” he said while driving. Hindi ko pa rin alam kung saan kami papuntang dalawa pero hinayaan ko na lang din si Jahann. May tiwala naman ako rito kaya alam kong hindi ako mapapahamak.
“I am happy because we’re okay… hindi man sobrang okay katulad noon, pero diba? At least, kahit papaano ay maayos na kaming dalawa ni Alyanna…” pinisil ko ang kamay niya ng marahan. “And thank you for making that possible,” dagdag ko pa. Alam ko naman na may kinalaman din si Jahann kung bakit ganoon. Marahil ay kinausap nito si Alyann sa bahay, iniisip kong tanungin na lang si Jahann sa ibang araw.
“You know I will do everything to make you happy, Creep,” sabi ni Jahann nang muling sumulyap sa akin. Tumango naman ako sa kanya dahil alam ko namang iyon ang totoo. “I did wrong things, bad decisions, but baby, I will never give you up again. I will never leave you again, and I promise you, this time, it will be you and me…”
Tumango ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Alam ko naman na may mga problema pa rin kaming dapat na ayusin na dalawa pero alam ko rin naman na hindi ako pabaayaan ni Jahann. Alam ko na hindi niya bibitawan ang mga kamay ko at dahil doon, nangako ako sa sarili ko na ilalaban ko rin si Jahann.
“You know that I love you, right?” nakangiting tanong ko sa kanya habang nasa daan pa rin kami.
Jahann looked at me and a smile started to show on his face. Napansin ko rin na namula ang tainga nito kaya naman hindi ko napigilang mapangiti. “I realized I never got the chance to make you feel kilig,” I chuckled as I played with his fingers.
“You always do, I just don’t show it,” he said, smiling.
“Talaga ba?” tudyo ko sa kanya. Napapailing na lang si Jahann at nagpatuloy sa pagmamaneho. Naging pamilyar na sa akin ang daan na tinatahak namin. Papunta kami sa Sweet Desire.
Nang magtanong ako kung naroon din ba ang ibang kaibigan namin, tumango si Jahann kaya naman hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Kahit pa bumisita sila sa amin noong nakaraan, masaya akong makakasama ko ulit sila ngayon.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Sweet Desire. Napansin kong naroon na ang sasakyan ni Theon at Enzo. Naroon din ang sasakyan ni Dean.
Matapos iparada ni Alyanna ang sasakyan sa tabi ng sasakyan ni Enzo, mahusay namang naitabi ni Jahann ang sa kanya rito. Nauna na akong bumaba at hinintay si Jahann.
Magkahawak kamay kaming dalawa na naglakad papunta sa mga kasama namin na naroon sa labas at nagkanya-kanya na ng upo.
“Cherinna!” tawag sa akin ni Airi na nakaupo sa tabi ni Dean. Kumaway ito sa akin kaya naman ngumiti ako.
“Sa wakas, nakalabas ka rin!” natatawa namang sabi ni Keij nang makalapit ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at tinapik ni Jahann ang balikat nito. “OA mo, aagawin ko?” nakasimangot na sabi ni Keij na ikinatawa kong muli.
Nakaupo naman na rin sina Lean sa tabi ni Theon, si Enzo ay katabi si Kol at si Alyanna ay tumabi kay Airi. Hinila naman ni Jahann ang upuan ko at tumabi na rin sa akin.
“It’s nice to have you back!” nakangiting sabi ni Lean sa kanya. “Buti bati na kayo ni Alyanna,” pang-aasar nito kay Alyanna. I looked at her and she smiled. Tumango naman ako kay Lean bilang sagot sa kanya.
Good thing was, they’re all sensitive enough to not talk about some matters about us. Ayoko rin na mailang muli si Alyanna at ayoko naman din na mailang sila sa amin ni Jahann.
Si Dean at Airi na ang tumayo para umorder ng pagkain namin. Sumunod naman si Keij sa kanila dahil gusto raw nito ng brownies kaya naman naiwan kami roon sa labas.
“You’re not surprised about their relationship, why?” tanong ni Alyanna kay Kol na lumingon sa aming dalawa ni Jahann.
“Alyanna,” saway ni Jahann sa kapatid dahil marahil naisip din nito na baka may kung anong maungkat na naman at maapektuhan ito.
“Hmm? You might be surprised that I know a lot of things. Right, Enzo?” he tapped Enzo’s shoulder. Enzo glared at him. “Shut up, dela Cruz,” he scoffed.
Kol just shrugged and checked on his phone again.
Alyanna looked at us and I tried to smile at her. “It is weird, but… I am happy to see you both happy…” sabi nito sa amin ni Jahann. Napalingon naman ako kay Jahann na nakatingin sa kapatid.
“Thank you, Alyanna, thank you for being understanding of us, and thank you for being open. I know this isn’t very ideal and you have lots of questions in mind, but I am thankful for accepting us,” sabi nito sa kapatid. Ngumiti naman ito ng tipid sa amin bago nagpaalam na susunod kina Airi dahil baka raw nagpapapansin si Dean sa kakambal nito.
It was also weird hearing that. That Airi is her twin sister, but it was the truth and I have to make peace with that. Nakikita ko naman na mabuting tao si Airi kaya walang problema sa akin ang bagay na iyon.
Magkakasama silang lumabas at bitbit ang tray na naglalaman ng mga orders namin at may mga cheesecake pang naroon. Masaya akong nakasama ko silang muli ngayon gaya noon.
Maybe I am an Alcantara now, but it feels like nothing has changed and I am okay with that. I am happy with that.
Sana nga lang, maging maayos na rin kaming dalawa ni Mommy.
Sa nangyari sa amin ni Alyanna, mas hindi ako nawawalan ng pag-asa na magiging okay kaming dalawa ni Mommy balang araw…
I walked around SD while they’re still talking. I saw the well Mommy and Daddy were talking about before. Dito raw nag-wish noon si Mommy na kinontra ni Daddy.
Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi nito sa akin na effective talaga mag-wish doon pero naisip ko rin na wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko.
“What are you planning, baby?” Jahann asked as he hugged me from the back. I smiled a little and looked at him. “Make a wish?” sabi ko sa kanya habang nakatingin doon.
He chuckled and kissed my head. “Silly.”
I frowned and faced him. I looked at our table and our friends were still talking. Kahit papaano ay magaan sa pakiramdam na makasama silang muli ngayon.
“Bakit kinokontra mo ako?” tanong ko sa kanya na nakasimangot. Ngumiti naman si Jahann at hinalikan ang noo ko. “I am not, I just said it was silly, baby,” he explained, I rolled my eyes.
“What are you gonna wish for?” he asked, curiously. I looked at him and looked at the well. I stared at it for a moment before I looked at Jahann.
“I wish that… Mommy and Daddy will be okay again…” I sighed heavily. Hindi ko alam kung kumusta na ba sila Mommy at Daddy dahil hindi naman nagsasabi si Daddy sa akin kapag nagdadala ito ng pagkain sa bahay. Naisip ko rin na hindi naman magiging madali ang lahat para sa kanila. “I hope that Alyanna and Airi will really get along well… like Alyanna and I before, because they’re the real twins…”
Hindi naman nagsasalita si Jahann habang nakatingin lang sa akin.
“I wish that Nikolai will always be healthy and he’ll be like you, less the snobby side, though?” I looked at him and smiled a little. “And of course, I wish you happiness. I always want to see you smile and happy, because you deserved it, Jahann. I can’t imagine the pain you felt when you thought you were adopted. You’re all alone at that time and I am sorry, I wasn’t able to cheer you up, hold your hand…”
Inabot ni Jahann ang kamay ko at hinalikan iyon. Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Why are all your wishes for others? How about you? You don’t want anything for yourself?” he asked while playing with my fingers.
I looked at him and smiled a little. I shook my head and took a step closer to him. “You’re what I prayed for before…” I told him. “I have you now, Jahann…”
Kumunot ang noo ni Jahann habang nakatingin sa akin.
I chuckled and hugged him tight.
“My wish for myself is… to have a long and happy life with you and Nikolai…” mahinang bulong ko habang nakasandal ang pisngi ko sa dibdib niya.
“I love you, you know?” nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakangiti si Jahann sa akin. Hindi ko mapigilang matawa at ikawit ang braso sa leeg nito.
“Damn, I love you most, you know?” he whispered before pulling me for a kiss.
I smiled against his lips.
I will never let you go, baby.
And I know, I will say yes.