“Turuan mo na kasi akong mag-drive,” sabi ko kay Jahann habang lulan ako ng sasakyan niya at tinatahak ang daan papunta sa school kung saan aayusin namin nila Kol ang records ko para makapag-special exam ako at makapag-enroll para sa sunod na sem.
“No,” sabing muli ni Jahann sa akin bago lumingon sa akin. He’s wearing his shades while driving and it honestly made him look good. Simpleng white t-shirt at jeans ang suot nito at kahit na ganoon ay hindi ko naman maitatanggi na ang gwapo talaga ng lalaking ito.
“You’re being unfair. Si Alyanna nga hinayaan mo na matuto, eh,” sabi ko naman sa kanya na inirapan siya. Lumingon ako sa labas at sa tingin ko ay matatagalan pa kami dahil na rin sa traffic.
“In case you missed it, once we’re married and you’re mad at me, you will leave if you know how to drive. Hindi ka marunong kaya magkukulong ka lang sa kwarto mo, that’s the plan,” he said before looking at me again and smirked.
“I can call a cab, you know?” I rolled my eyes again and looked outside. I tried my best not to smile when he mentioned the word once we’re married.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi iyon nagpalundag sa puso ko pero ayoko namang din ipahalata ang bagay na iyon kay Jahann kaya pinili ko na lang na sa labas tumingin.
“You invited Alyanna to sleep at your house?” Jahann asked me after a couple of minutes. Nilingon ko naman ito at tinanguan. Hindi lang naman si Alyanna ang kasama, kasama rin namin si Airi, Lean at si Ate Caryl. Naisipan lang namin na magsama-sama at pumayag naman din sina Daddy Hugh sa akin.
“Why am I not allowed to sleep over and she can?” Jahann asked me and frowned a little. “Nevermind, once we’re married, I will have you by my side forever,” he shrugged and continued driving.
Hindi ko napigilang matawa sa reaksyon nito. Hindi ko rin naman maunawaan kung bakit panay ang banggit ni Jahann na kapag mag-asawa na kami ay ganito o kaya ay ganyan. Napailing na lang din ako.
“Don’t be jealous of Alyann, Jahann,” sabi ko sa kanya. Hindi naman ito sumagot sa akin kaya muli ko itong nilingon, mas lalo naman akong napangiti nang makita kong nakasimangot pa rin siya.
“Once we’re married, I will prohibit you from frowning…”
He looked at me and he slowly showed me his smile. I chuckled and shook my head. “Matagal pa ba tayo? Nagugutom na ako,” sabi ko na lang sa halip na pansinin pa ang ngiti ni Jahann dahil sa sinabi ko.
Kanina pa naman siya sabi nang sabi ng ganoon, ginaya ko lang siya. Hindi ko naman akalain na ganyan siyang ngingiti. Animo ay isang bata na nabilihan ng laruan na gustong-gusto niya.
Kaya talaga namang iniisip ko na ang itsura ni Nikolai paglaki, eh. Kamukha ni Jahann at kaugali at iyon naman din ang gusto ko dahil napaka-responsable ni Jahann.
I fished out my phone from my bag and sent Alyanna a message. Nauna na sila sa school kaya naman hinihintay na lang nila kami ni Jahann. Sinabihan ko naman din kasi ang lalaki kanina na ako na lang mag-isa ang pupunta sa school pero nag-insist pa rin ito na susunduin ako.
I looked at him and I creased my forehead when I saw he’s driving towards a fast food chain. “What are we going to do here?” I asked him. Hindi naman ito sumagot at dumiretso na lang sa drive thru at binuksan ang bintana ng sasakyan nito.
“What do you want, baby?” he asked me instead. Napasimangot naman ako sa kanya. Wala naman akong sinabing bumili siya ng pagkain, nagsabi lang ako na nagugutom ako.
Kung minsan talaga ay mahirap magsabi kay Jahann ng isang bagay dahil agad nitong sinusulusyunan ang problema ko.
“Cheeseburger, fries… hmmm…” I looked at the menu from the screen outside. Jahann was just looking at me, waiting to decide what to eat.
“Nuggets…” dagdag ko pa bago ngumiti sa kanya.
“Anything else, baby? Drinks?” he asked again.
“Just diet coke and double the order,” sabi ko naman sa kanya bago sumandal at tumingin sa kanya. Nagtataka man si Jahann ay ginawa naman nito ang sinabi ko at muling nagmaneho para magbayad at kunin ang inorder niya.
“Why did you order two? You’ll give it to Alyanna?” he asked as he placed the order between us. I looked at him and chuckled. “I know you won’t order for yourself,” sabi ko sa kanya bago binuksan ang lalagyan ng nuggets at sinubuan si Jahann. “So I ordered for us,” I shrugged and took a bite from the same nugget he took a bite with.
Ngumiti naman siya sa akin at nagsimula na muling magmaneho. Ako lang ang halos na kumakain dahil hindi makakain ng maayos si Jahann kaya naman sinusubuan ko na lang siya ng fries at nuggets.
Nakita ko naman din agad sina Alyanna nang makarating kami sa school. I collected the trash and took it out so I could throw it in the garbage bag. Nakapagtapon naman na ako bago ako lumapit sa kanila.
“Ang tagal, akala ko sinundan niyo na si Nikolai, eh,” kumento ni Theon na agad na kinurot ni Lean. “Ikaw talaga!” saway nito sa kasintahan.
“Gago,” sabi naman ni Jahann dito bago tumingin sa akin. “I’ll go with you to the admin office and--”
“Ako na sasama sa kanya, snob,” ani Alyanna na kumapit na sa braso ko. “We will just see you guys later,” dagdag pa nito bago inaya na rin si Airi para maglakad papunta sa admin office.
Hindi naman naging mahirap ang pag-aayos ng papers dahil wala naman din akong naibagsak na subjects ko. Kumuha na lang din ako ng schedule ng exam ko para makuha ko ang grades ko at makapag-enroll ako sa sunod na sem ng maayos.
I am hoping this time, things will be really better.
Maging ang mga papel ko ay inayos ko na rin at napalitan na ng Alcantara ang mga iyon. Nakakalungkot pa ring isipin na sa isang iglap lang, nagbago ang lahat ng alam ko tungkol sa pagkatao ko.
I was an Anderson before, and now… I am an Alcantara.
Naisip ko na rin noon ang sasabihin ng iba tungkol sa amin ni Jahann pero wala namang alam ang mga iyon sa buhay namin ni Jahann, maaari nilang isipin ang gusto nilang isipin tungkol sa aming dalawa pero ang mahalaga pa rin naman para sa akin at para kay Jahann ay ang sasabihin ng mga pamilya namin…
I am just hoping Mommy and I will be okay, too.
Nakaupo lang ako habang nakatingin kay Airi na may kausap sa phone nito. She smiled and looked at Alyanna. “Are we going to Ai’s later, Aly?” she asked and looked at me. Tila naman natigilan ito at binawi ang sinabi. “Or not?”
Kumunot naman ang noo ko dahil sa inasal ng babae. Hindi naman ako nagsalita at napalingon na lang ako kay Alyanna nang sagutin nito ang tawag.
“Hello, Leo?” she said as she answered her phone. Tumingin siya sa akin at nagpaalam bago lumayo sa amin. Nagtataka man ay hinayaan ko na lang din si Alyanna sa kung anong gusto niya.
We just waited for others while Airi sat beside me. I looked at her and smiled a little.
“Airi,” I called her and she looked at me.
“Hmm?”
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “I just want to say sorry…” panimula ko na halatang hindi maunawaan ni Airi kung bakit ako humihingi ng tawad sa kanya. “Why are you saying sorry to me?” tanong niya sa akin habang nakatingin.
I chuckled softly. “I just think I had to apologize because… I got jealous of you before… I thought you like Jahann and I kind of said a few bad things in my head about you…”
Natawa naman si Airi dahil sa sinabi ko at niyakap ako ng mahigpit. “You don’t have to apologize, okay? Ikaw ang laging kinukuwento sa akin ni Jahann noon kaya kahit hindi pa kita nakikilala, alam kong mabait kang tao at mahal na mahal ka ni Jahann…” she said again while smiling.
Masaya ako na maayos naman din ang relasyon namin ni Airi kahit pa kaming dalawa ang naging biktima ng tadhana. What happened to us made us who we are now, it shaped us to what we are now.
“Baby, are you done?” lumapit sa akin si Jahann at naupo sa tabi ko. He looked at Airi and creased her forehead. “Why is Dean messaging me about your whereabouts?” he asked Airi, too.
Napalingon naman ako kay Airi at napangiti. “Is Dean courting you?” diretsong tanong ko na ikinapula ng pisngi ni Airi. “What? No. We’re just friends,” she looked away so I chuckled.
Kung sakali naman na iyon ang nangyayari, alam ko na mabuting tao naman si Dean at kaibigan din ito ni Jahann.
Hindi ko naman na kinulit pa si Airi tungkol sa kanila ni Dean at kinausap ko na lang si Jahann tungkol sa pag-aaya nila Mommy Hannah na magbakasyon sa Canada sa sunod na buwan. Alam naman na ni Jahann ang tungkol sa bagay na iyon at hindi naman na ito kumontra pa dahil inisip din nito na makakatulong iyon para magkasama-sama kami at mas makilala namin ang isa’t isa.
“I have to go to Ai’s, baby,” paalam ni Jahann sa akin nang makarating na sina Enzo sa kinaroroonan namin.
“Can I go?” I asked him and I looked at Airi when she said no. Kumunot naman ang noo ko dahil naalala ko rin ang inasal nito kanina.
What’s with Ai that they don’t want me to go there?
“Some other time, baby. We’re fixing the studio, that’s why,” he said instead and looked at Enzo. “Can you drive her home?” tanong nito kay Enzo na tinanguan lang ng lalaki. Hindi ko naman na ito kinontra at hinayaan ko na lang na umalis si Jahann.
Nakaupo lang ako at katabi si Enzo. Sumama si Airi kay Jahann kaya naman hinihintay na lang namin ang ibang kaibigan namin na dumating. I looked at Enzo who’s busy reading a book.
I bit my lower lip while looking at him.
Marahil ay napansin nito na nakatitig ako sa kanya kaya naman nag-angat ito ng tingin at inayos ang suot na salamin. “What is it, Cherinna?” he asked as he closed his book and put it inside his bag.
I heaved a sigh before meeting his eyes. He had the same eyes as his father. Kapag tumitingin sila ay parang pati kaluluwa mo ay kinakastigo nila.
“Uhm… I … I just want to know if you can drop me to our house…” napakamot ako sa batok ko nang sabihin ko iyon kay Enzo. Iniisip ko talaga na magpunta sa bahay pero ang plano ko ay hindi pa ngayon…
Naisip ko lang na silipin si Mommy…
Kahit makita ko man lang siya ngayon…
“Your house? Jahann just told me that, didn’t he?” he asked me, confused. Napayuko naman ako dahil mali naman din talaga ang nasabi ko na bahay namin.
I no longer live there…
“Silly, of course.”
Napa-angat ako ng tingin nang tumayo si Enzo at tumingin sa akin. “Let’s go, I hate it in here, too,” he said before walking towards the parking lot. Hindi naman na ako nag-usisa sa sinabi ni Enzo at sumunod na lang ako sa kanya para makasabay sa sasakyan nito.
Habang nasa sasakyan niya kami ay hindi naman ako kumikibo. Iniisip ko kung paano kung makita ko si Mommy.
Walang ideya si Jahann sa plano ko kaya agad kong nilingon si Enzo. “Hindi mo naman sinabi kay Jahann na papunta tayo sa bahay, diba?” tanong ko sa lalaki na nilingon ako at umiling.
“Sure? Wala kayong brother’s code?” I asked him again.
Sumimangot naman si Enzo. “Fuck that brother’s code,” he said as he looked at the road again. Ako naman ang napasimangot dahil sa sinabi nito. Kung animo kambal si Keij at Theon, para naman kasing triplets sina Jahann, Enzo at Kol.
Habang papalapit kami sa bahay ay hindi ko na mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. May mga minutong gusto kong hawakan ang braso ni Enzo at sabihan ito na bumalik na lang kami ay huwag ng tumuloy dahil hindi ko naman alam kung ano ba ang sasabihin ko kay Mommy kung sakali na magkita kami.
Siguro ay hindi na lang ako lalabas ng sasakyan at hihintayin ko na lang na lumabas si Mommy at makita siya kahit sa malayo?
“Hey, it’s okay. It will be okay,” ani Enzo sa akin matapos nitong iparada ang sasakyan malapit sa bahay namin. Nilingon ko siya at ngumiti siya ng maliit sa akin.
“You can just stay here and wait, you will be able to see her here…” sabi ni Enzo at itinuro sa akin ang ang bahay namin. Tama nga ang sinabi nito na makikita agad kung sino ang nasa labas.
Huminga ako muli ng malalim habang nakatingin sa bahay. I used to live there… I grew up there and I actually missed it… so much…
So many things can happen in one day.
Yung akala mo na masaya, okay, walang problema na pamilya, pwedeng sa isang iglap maging katulad ng sa amin. Nagkagulo, nagkasakitan…
I am just hoping we will all be able to fix things…
Iyon naman talaga ang gusto ko.
Maging okay kami nila Mommy, maging okay sila ni Daddy, maging okay ang mga pamilya namin…
Lumabas ako ng sasakyan ni Enzo at naglakad papunta sa bahay. Naisip kong sumilip lang kung sakali na makita ko si Mommy na naroon.
It sounds pathetic but I just want to see her… even from a distance…
I stayed there for a couple of minutes but I didn’t see her. Naisip ko na marahil ay wala siya roon at nasa Blooms, hindi ko alam. Hindi ko naman din talaga alam kung nasa bahay ba siya, nagbaka sakali lang ako.
I filled my lungs with air as I walked back towards Enzo’s car. Kumunot naman ang noo ko nang hindi ko makita ang sasakyan ni Enzo.
“What the?” I looked around to find his car. Umalis siya ng wala ako? Iniwan ako ni Enzo? Napakamot ako ng batok habang lumilinga-linga. I don’t have anything with me. I left my bag in his car.
Naroon ang phone ko, wallet ko, lahat! Paano ako makakauwi nito?
Nakakainis naman ‘tong si Enzo, eh. Wala man lang pasabi na aalis, sana ay dinala ko na lang ang bag ko!
I frowned and looked around. I looked at the house and bit my lip. If Mommy’s not inside, maybe I can ask someone to get the phone so I can call Enzo? Or Jahann…?
Nakakainis! Parang gusto ko tuloy pitikin ang salamin ni Enzo hannggang sa mabasag.
“Ah, bahala na!” I bit my lower lip as I stepped away from the house. Iniisip ko na lang na maglakad hanggang sa labasan at mag-cab hanggang makauwi ako at doon ko na lang bayaran.
Hindi pa ako hustong nakakalayo sa bahay nang may humintong sasakyan sa tapat ko kaya naman napahinto rin ako sa paglalakad at hinintay itong makalagpas sa akin. Kumunot ang noo ko nang hindi ito umandar at dahil tinted ang sasakyan ay hindi ko makita ang nasa loob.
I just bowed my head and walked again. May kalayuan din kami sa may gate ng subdivision kaya naman alam kong mahabang lakaran ang gagawin ko.
“Cherinna?”
I froze when I heard someone call me.
I looked back and saw Mommy looking at me. I bit my lip hard. Ito pala ang lulan ng sasakyan kanina.
“Uhm…” napayuko ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang idadahilan ko sa kanya kung bakit ako naroon. Alam ko na magagalit siya sa akin dahil sa ginawa ko.
“I am sorry po, I--” nabigla ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.
Awtomatikong tumulo ang luha sa mga mata ko nang maramdaman ko ang higpit ng yakap niya sa akin.
Mommy…
“I missed you,” she whispered as she hugged me tight.
I bit my lip and hugged her back. “Mommy…” I started sobbing. I never thought I would be able to hug her like this again.
“I missed you, too…” I said between my sobs. “I am sorry…” mahinang sabi ko sa kanya habang yakap pa rin siya.
“Shh… it’s okay… I am not mad anymore…” she replied as she looked at me. “I missed you, you know?” she added as she wiped my cheeks.
I looked at her and sniffed. “Namiss ko po kayo…” mahinang sabi kong muli sa kanya.
She smiled at me and hugged me tight. “I missed you, too… and I am sorry, too, Cherinna…” she added as she looked at me.
“I am sorry…” she said again before looking at me.
I shook my head and wiped my tears.
“I am just happy to see you again, Mommy…” sabi ko sa kanya na ikinangiti niya rin. Inaya niya akong pauwi sa bahay na pinaunlakan ko naman dahil namimiss ko na rin ang mga kasambahay namin at ang bahay namin.
I don’t know how it happened but I am glad that somehow… things are getting better. I am hoping this will last and they will be able to accept me and Jahann this time. I hope that’s not too much to ask now.