Chapter 43

I was just looking at them and I actually don’t have any idea what I should say. Kanina pa ako nasa loob ng bahay at si Mommy naman ay nagpunta lang sa kwarto nila ni Daddy para makapagpalit ito ng damit dahil kagagaling lang nito sa Blooms sa tingin ko.

Luminga ako sa kabahayan at hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Lahat ng naroon ay pareho pa rin. Kung paano ang pagkakaayos ng mga gamit doon, kung paano namin inayos ito noon nila Mommy, Alyanna at Tita Zyline.

Napako naman ang mata ko sa dalawang portrait na naroon. Ang isa ay ang portrait namin nila Mommy at Daddy kasama si Alyanna at si Jahann, ang pangalawa ay sila rin pero si Airi na ang kasama. I smiled a little.

They look expensive.

They look elegant.

I am honestly happy for them because Mommy deserves to be with her own child. Ganoon din naman si Airi at tiyak ko na ganoon din naman sina Daddy Hugh, kaya naman kahit na nagkaroon ng mga problema, sa palagay ko naman ay nangyari ang lahat ng iyon dahil may dahilan.

We all learned our lessons.

It made us all stronger and tougher.

“Is Jahann with you?” tanong ni Daddy sa akin na may dalang isang tray na may merienda. Agad naman akong tumayo para kunin dito ang dala at ako na ang naglagay nito sa lamesa bago ako sumagot sa kanya.

“He’s at Ai’s po. I came here with Enzo, but… he left me…” napakamot ako sa batok ko. Iniisip ko pa rin na isumbong si Enzo kay Jahann pero iniisip ko rin na baka mag-away pa ang dalawa kaya baka ako na lang din ang kumausap kay Enzo talaga.

“He did?” Dad asked again as he looked at me. Tumango naman ako rito bago tumingin sa cake na dinala nito. It was a strawberry cheesecake and I couldn’t stop myself from smiling. Si Mommy at si Alyanna talaga ang mahilig sa strawberries at ngayon, nasasanay na lang din talaga si Daddy rito.

“I am sorry if I came here unannounced, Dad…” maya-maya ay sabi ko bago nag-angat ng tingin sa kasama ko sa may sala. Bago pa man makasagot si Daddy ay narinig na naming dalawa ang boses ni Mommy.

“Alyanna, we’ll all have dinner here tonight, okay? Call your brother and Airi, they’re both not answering their phones!” nakasimangot na sabi nito bago lumingon sa amin ni Daddy. Daddy chuckled as he looked at Mommy.

“Okay, see you later, bye,” paalam nito bago naglakad papunta sa amin at tumabi kay Daddy. “Why are you laughing? Is it funny?” she rolled her eyes and leaned on Daddy before looking at me. Agad namang ngumiti si Mommy nang magtama ang tingin naming dalawa.

Hindi ko tuloy malaman kung ano ba ang maaari kong gawin dahil na rin nahihiya pa rin naman talaga ako na humarap sa kanya. Kung hindi lang ako iniwan ni Enzo, malamang ay hindi pa rin mangyayari ang bagay na ito.

“Uhm…” I cleared my throat as I looked at them. “Like what I told Daddy, I am sorry if I came here unannounced. Wala naman po talaga sa plano ko iyon ngayong araw, I just… I just missed you so much, Mommy…” napayuko ako nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. As much as possible, I don’t want to show her that I am crying because I know she will feel bad. She might think it’s her fault again when it’s not.

Napaangat ako ng tingin ng hawakan niya ang kamay ko at pisilin iyon. “We actually went to your house to see you, baby,” inangat din nito ang isang kamay at pinunasan ang pisngi ko. “Because your dad is being so unfair, siya lang ang laging nakakakita sa iyo,” tinignan naman nito ng masama si Daddy na ngumiti lang ng maliit.

“What…? Sa bahay po…?” tanong ko sa kanya. Wala namang message sa akin sina Daddy Hugh at Mommy Hannah na nagpunta sina Mommy at Daddy roon. Or maybe because I never got the chance to check on my phone again while we’re on our way here.

I looked at Mommy and I noticed she lost a little weight. Bahagyang lumiit ang pisngi nito dahil na rin marahil sa stress na naranasan nito dahil sa nangyari sa amin nitong nakaraan. Nakatingin siya sa akin at hindi ko alam kung ano ba ang mga tumatakbo sa isip nito.

“Mommy…”

“I want to say sorry, Cherinna…” panimula ni Mommy bago ko pa madugtungan ang sasabihin ko sa kanya kanina. Hindi naman na ako muna nagsalita at hinayaan lang ito. Ngumiti ito ng malungkot at huminga ng malalim.

“I was so hurt, I was so disappointed, I even blamed myself for what happened…” She closed her eyes and reminisced about what she went through. Hindi ko naman nagawang magsalita higit lalo nang makita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Mommy.

“When you said you and Jahann are in love with each other, I was so mad… I wanted to just shut people out, because I think it’s my fault. I am your mother and I let that happen. They were right, ano nga bang pagpapalaki ang ginawa ko at nangyari iyon, diba?” she sniffed and heaved a sigh again.

“Mommy it’s not your fault. You’re a good mom, it just so happened that things are out of your control and I am so sorry for all the pain I've caused you and Daddy…” I looked at Daddy who’s looking at Mommy. He reached for her hand and squeezed it gently.

“I told you, Ai, it wasn’t your fault. It was mine, I started it when I did that, and I know you still feel bad about it, but I am willing to seek your forgiveness until the end…” he said softly.

Umiling si Mommy at tumingin kay Daddy bago lumingon sa akin. “What you both went through was enough already. I don’t want to add up to the pain you felt, the guilt you felt because I know I am hurting you both, and I am so sorry for that…” she started crying again. “Alam ko nasaktan kita, Cherinna. I made you feel like you’re an outcast, like you don’t belong here, I was just in so much pain and anger that time, but my love for you stayed with me.”

“Mommy…” hindi ko na rin napigilan na hindi mapaiyak ng tuluyan. Tumayo ako at mabilis na niyakap si Mommy ng mahigpit.

I really missed her and I am happy that somehow we are okay now. Kahit papaano ay nagiging progress at nagkakaroon ng pag-asa na magiging okay na talaga kaming dalawa.

I am also happy that Mommy and Daddy are okay now. Hindi ko alam kung ano ba ang pinagdaanan ni Daddy sa panunuyo kay Mommy pero kilala ko naman ito na persistent at talagang mahal nito si Mommy kaya hindi nito susukuan ito.

“I missed you…” I softly said while crying, she hugged me tight and kissed my head. She whispered she missed me, too.

“My cry babies,” Dad chuckled as he hugged us both. Siniko naman ito ni Mommy kaya hindi ko napigilan na hindi matawa. I missed being with them.

Wala naman ng problema sa akin na kasama ko sina Mommy Hannah at Daddy Hugh dahil sa totoo lang naman ay mababait silang tao at nakikita ko rin na sinusubukan nilang maging okay kami kaya naman ayokong maging hadlang sa bagay na iyon. I allowed myself to know them more and it’s the same for them. Hinahayaan din naman nila akong makilala ko sila.

“Have dinner with us tonight…?” Mommy asked me, it looks like she’s afraid I will turn down the offer. I smiled a little and nodded my head. “Okay po,” I replied and it was as if she felt relieved with what I said.

“I will help you cook,” sabi ko naman sa kanya at tinanguan niya ako. Hindi naman na rin nagtagal ay nasa kusina na kaming dalawa at tinutulungan ko siyan magluto.

“Your dad and I talked and he kept on saying sorry. Ilang gabi rin na hindi kami magkasama dahil sa sobrang sama ng loob ko kay Mikael…” pagkukwento nito habang naghahanda silang dalawa ng mga rekado sa lulutuin nito. “One day, I woke up and I felt like listening to what he had to say,” she looked at me and smiled. “Since then, things are slowly getting better… but I know I have to fix things with you, I am just buying some time because I know you’re hurt, Cherinna…”

“I tried to know more dishes and asked Ate Rain and At Zyline so I can at least cook for you. When you were here, you always did that for us, and I want to reciprocate it. I want to do something for you,” dagdag na sabi pa nito bago nagsimulang magluto.

Tinignan ko siya at napakunot ang noo ko sa sa sinabi ni Mommy.

“You’re the one cooking the food dad is bringing to me?” I asked her while looking at her. Tumango naman siya sa akin. “I was afraid if he told you those were from me, you won’t eat it…”

“Mommy…”

She finally smiled and reached for my hand. “It’s still a long way, Cherinna. We all want to fix what happened and we will try our best, because we are family,” she added. Tumango naman ako sa kanya at niyakap siyang muli.

I stayed in the kitchen and helped her cook, when it was almost done, I went out and set the table already. Mommy said they’re all on their way here. Maybe Jahann is looking for me, too. I am not sure, though.

Wala sa akin ang phone ko at wala naman ding sinabi si Mommy kina Alyanna na narito ako sa bahay kaya sa palagay ko ay masusurpresa sila na aabutan nila ako roon. Nakakatuwang makita rin ang mga kasambahay namin na nakangiti sa akin.

Sinasabi nilang namiss nila ako roon at ganoon din naman ako sa kanila. Kung magiging maayos na talaga ang sitwasyon naming lahat, iniisip kong dalhin si Nikolai rito para ipasyal at makita naman siya nila Mommy.

“Cherinna?”

Napalingon ako nang tawagin ako ni Alyanna. Kunot ang noo nito na lumapit sa akin. “What are you--”

Sakto namang lumabas si Mommy sa kusina at nakita si Alyanna na kasama ko at hawak ang kamay ko. “Where’s your brother?” tanong ni Mommy rito bago dinala ang hawak na lalagyan ng pagkain sa lamesa.

“Ang daya, Mommy! Hindi mo sinabi na nandito si Cherinna,” nakasimangot na sabi ni Alyanna bago muling ngumiti sa akin. “Can you stay for a night?” tanong niya na sinagot ko naman ng iling.

“Sorry, hindi kasi pwedeng hindi ako umuwi… si Nikolai…” maiksing paliwanag ko naman na agad tinanguan ni Alyanna. Alam niya naman na hindi ako pwedeng basta na lang umalis dahil sa anak ko.

“I will call Jahann. I am sure magmamadali iyon makauwi kapag--”

“Don’t tell him I am here,” maagap na pigil ko naman kay Alyanna na ikinakunot ng noo niya habang nakatingin sa akin. Bakas ang pagtataka sa mukha nito dahil sa sinabi ko.

“So we can surprise them…” sabi kong muli sa kanya na tinanguan niya naman. Iyon naman talaga ang plano kong gawin na sinang-ayunan naman ni Alyanna.

“Buti pala hindi pa ako nakapunta sa bar nung tumawag si Mommy,” ani Alyanna sa akin habang inaayos nito ang lamesa. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Bar?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi ako sigurado kung sa Blue’s Haven ba ang tinutukoy nito, kung man, masyado pang maaga para magpunta roon kung sakali.

“Shh! Wag kang maingay,” lumingon ito sa may pinto papunta sa kusina. “Si Leo kasi ang DJ ngayong gabi,” sabi naman nito sa akin. “Hayaan mo na,” she shrugged and continued what she’s doing.

Hindi ko pa rin naman nakikilala hanggang ngayon ang sinasabi nito. Nababanggit niya lang sa amin ito pero hindi ko pa nakita. Hindi ko alam kung si Airi ba ay nakita na ang lalaking sinasabi ni Alyanna.

“Mommy, we’re here!” malakas na sabi ni Airi kaya naman napatakbo ako papunta sa kusina para puntahan si Mommy.

“Andyan na po sila,” pagbabalita ko sa kanya. Tinanguan naman ako nito bago lumabas ng kusina para puntahan ang mga bagong dating. Nakasilip ako sa may pinto at nakita kong naroon na rin si Daddy pero wala si Jahann kaya agad na kumunot ang noo ko.

Airi said they are here… meaning she’s with someone.

“Why are you peeking?”

Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita si Jahann sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko at nakita kong nakabukas ang pinto sa may likod ng bahay at marahil ay roon dumaan si Jahann papasok.

“Why are you here?” tanong ko sa kanya. Napalingon naman sa amin ang ibang nasa labas ng kusina.

“Cherinna? Hi! You’re here,” nakangiting sabi ni Airi sa akin. Lumingon din ito kay Mommy. “Nagkausap na kayo, Mommy? Okay na kayo?” hindi nito maitago ang ngiti habang nakatingin sa amin. Tumango naman ako sa kanya.

“That’s great! Diba, Jahann?” lumingon ito sa lalaki na tinanguan lang ito ng maliit.

“How did you know that I am here?” tanong ko kay Jahann nang hilahin nito ang upuan at maupo ako sa tabi nito.

“Enzo called me,” he said as he put food on my plate.

Tinawagan ito ni Enzo? Akala ko ba fuck brother’s code? Napasimangot ako dahil naiinis pa rin ako sa ginawa ni Enzo, pero blessing na rin siguro iyon dahil na rin nagkausap kami nila Mommy ngayon.

“My things…” sabi ko naman kay Jahann.

He smiled a little. “In my car, Enzo went to Ai’s to give me your things,” sabi nitong muli sa akin. Tumango-tango naman ako. Ibang klase talaga ang relasyon na mayroon si Jahann, Enzo at Kol. Napaka-loyal nilang tatlo sa isa’t isa.

“Tapos hindi mo man lang ako sinabihan,” Airi rolled her eyes at Jahann.

“Si Jahann magsasabi? Asa pa tayo,” sagot naman ni Alyanna sa babae.

“You both can’t tell a secret, you know?” si Jahann naman ang umismid sa mga kapatid nito kaya hindi ko napigilan na mapangiti.

Nakikita ko si Mommy na sumusulyap sa amin ni Jahann kaya naman hangga’t maaari ay pinipigilan ko na ipakita ang relasyon namin ni Jahann. I know she will still feel uncomfortable, like Alyanna.

We talked about what happened that day and they asked me about Nikolai. Gaya ng naisip ko kanina na dalhin si Nikolai roon minsan, iyon din ang hiniling ni Mommy sa akin kaya naman sinabi ko na sa weekend na lang kami magpupunta roon.

As much as I wanted to stay there, I needed to go home. Hindi rin kasi ako kumportable kapag hindi ko kasama si Nikolai. Mahabang pagpaplano muna ang mangyayari kung may balak akong umalis, mag-overnight o kung ano pa.

“Thank you, Mommy…” paalam ko rito na niyakap ito ng mahigpit. Maging kina Daddy at sa dalawang babae ay nagpaalam na rin ako. Nagbilin pa silang dalawa sa akin na kailangan daw ay mag-overnight ako roon na tinanguan ko na lang.

Hindi na lang ako nangako kung kailan.

Pinagbuksan naman na ako ni Jahann ng pinto ng sasakyan kaya agad akong sumakay roon. Naroon na nga ang bag ko sa may upuan. Napailing na lang ako dahil kung minsan talaga ay mahirap kausap sina Enzo.

I looked at Jahann as he started driving.

“Are you okay?” tanong ko sa kanya. Hindi ito kumikibo kaya naman hindi ko tiyak kung ano ba ang iniisip nito. “Hindi ka ba okay na nandoon ako sa bahay?” tanong ko sa kanyang muli.

Kumunot naman ang noo ni Jahann at pinitik ang ilong ko.

“Jahann!”

“Are you crazy? That’s what I want, baby. I want you and mom to be okay. Because once we’re married, she will be your mom again, you understand that?” he said while still creasing his forehead.

Hawak ko naman ang ilong ko habang nakatingin sa kanya. “Eh bakit kasi nananahimik ka diyan? Ano bang iniisip mo?” tanong ko ulit sa kanya. “May problema ba sa Ai’s?”

Umiling siya sa akin at lumingon. Hinahaplos ko pa rin ang ilong ko dahil sa pagpitik niya.

“Masakit?” tanong niya habang nakatingin sa akin. Nakahinto ang saasakyan dahil na rin sa red light pa ang nasa traffic lights.

Umiling naman ako at ngumiti sa kanya.

“Sorry,” hinawakan ni Jahann ang magkabilang pisngi ko at mabilis na hinalikan ang ilong ko. Para naman akong naduling sa ginawa nito. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa ginawa niya.

He looked at me and smiled. “It is a good thing I can still make you blush, baby,” he said before stepping on the gas again.

We talked about what happened and I told him what I felt when I was outside the house. I am just really happy that finally, Mommy is talking to me again.

Kahit papaano ay nagiging okay na kaming dalawa.

Nang makarating kami sa bahay ay bumaba na rin ako at sumunod na rin si Jahann dahil gusto nitong makita si Nikolai. Hindi ko naman na ito pinigilan dahil karapatan naman nito iyon. Ito na rin ang nagbitbit ng bag ko papasok sa bahay.

Pagpasok ko pa lang ay narinig ko na ang tawa ng isang babae kaya napakunot ang noo ko. Hindi ko alam na may bisita pala sila Daddy Hugh ngayon.

Dumiretso na ako ng lakad papunta sa mga magulang ko para humalik sa mga pisngi ng mga ito nang matigilan ako nang makita ko kung sino ang kasama nilang naroon sa sala.

“Hello, Cherinna,” bati sa akin ng babaeng nakaupo sa wheelchair.

“Cherinna, she’s your Tita Camilla,” pakilala ni Daddy Hugh sa babae.

I looked at Jahann and his jaw tightened. Muling bumalik ang tingin ko sa babae na madilim ang pagkakatitig sa akin.

What is she doing here?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.