“What is she doing here?” tanong sa akin ni Jahann habang nasa kwarto ko namin kaming dalawa at nakatingin ito kay Nikolai na natutulog na. Ginabi na rin naman kami ng dating dahil nagstay pa ako sa bahay nila Mommy bago kami nagkasundo na umuwi na kanina.
Hindi ko pa rin naman alam kung ano ba ang ginagawa ni Camilla sa bahay namin ngayon. Alam ko na kapatid ito ni Daddy Hugh at dapat na igalang ko ito at tawaging Tita or Auntie pero hindi ko magawa ang bagay na iyon.
I can accept Alyanna’s anger and slaps, but I can never accept her.
She was still in the wheelchair when I saw her. Hindi ito ngumiti nang nakita ako pero ngumiti ito kay Jahann. Maybe because he looks like daddy and we all know that she likes him.
Actually, she’s obsessed with daddy.
Naupo na lang ako sa kama ko habang nakatingin kay Jahann na nakatayo sa gilid ng crib ni Nikolai. Kahit pa iniisip ko rin ang pagdating ni Camilla sa bahay namin, hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang nakatingin ako kay Jahann at kay Nikolai. Nikolai got his dad’s face. Marami ang nagsasabi ng bagay na iyon lalo kapag nakita nila ang baby pictures ni Jahann.
“I am not comfortable that you’ll live on the same roof with her. Why don’t you and Nikolai stay with us again? You and mom are okay now, I don’t see any reasons why you should stay here…”
Natawa naman ako ng marahan bago hinubad ang jacket niya na suot ko at isabit iyon sa may likod ng pinto ng kwarto ko. Itinali ko na lang din ang mahabang buhok ko bago lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likuran.
“It’s not that easy, Jahann…” mahinang sabi ko sa kanya. Nakasandal ang pisngi ko sa likod niya habang yakap-yakap ko siya. Hinawakan niya naman ang magkasaklop naming mga kamay at nilaro-laro ang mga kamay ko.
“They are family…” sabi kong muli sa kanya. Alam ko naman na kung si Jahann ang papipiliin, mas gusto niya na roon na lang kami kung nasaan siya pero hindi lang naman sa aming dalawa umiikot ang mundo.
Marami na ang involved.
Marami ang kasali.
Magkaiba kami ng pamilya kaya naman kailangan din namin silang irespeto.
Isa pa, nagiging maayos naman na ang relasyon ko kina Mommy Hannah at Daddy Hugh, ayoko naman na agad masira iyon at iwan sila.
“We have our own family already, baby,” sabi naman ni Jahann at kahit na hindi ko nakikita, alam kong nakasimangot siya. He’s always like that.
Very understanding of me.
He respects my decision even though he doesn’t like it. He will always adjust for me.
“We’re okay here. Kami ni Nikolai. Wala namang mangyayaring masama sa amin rito. I can always lock the door and Daddy Hugh is here. I don’t think he will let anything bad happen to us…” sabi kong muli sa kanya.
Hindi naman kumibo si Jahann. I could feel him caressing my ring finger, he’s not talking, though.
“I love you…” mahinang sabi ko sa kanya nang hindi pa rin siya magsalita. Nilingon niya naman ako at ngumiti ako sa kanya. “Don’t worry too much about us, okay? We’re okay here…” dagdag ko upang bawasan ang pag-iisip niya tungkol sa kalagayan namin ni Nikolai.
He sighed and shook his head, he moved his body to face me and held me by my waist. Tinitigan niya ako sa mga mata at muli akong nalulunod sa paraan ng pagtitig ni Jahann sa akin.
Iniyakap ko ang mga braso sa leeg niya at niyakap siya. “I said I love you earlier,” natatawang sabi ko sa kanya dahil hindi siya sumagot doon. I was just teasing him because I know Jahann loves me. Alam ko naman ang bagay na iyon.
Lumapit siya sa akin at agad na hinalikan ang noo ko. “I love you the most,” bulong niya bago ako ikinulong sa mga bisig niya at niyakap ng mahigpit. I inhaled his scent and hugged him tight.
Kahit ako minsan ay nagtataka na rin kung bakit sobrang mahal ko si Jahann. Laking pasasalamat ko na lang din talaga na lumabas na ang totoo sa amin. Nalaman namin na kung susumahin ay pwede kaming dalawa.
Lahat ay may dahilan, may purpose. Hindi aksidente ang mga bagay na nangyayari sa atin dahil pwedeng dadalhin tayo nito sa isang bagay na nakatadhana talaga sa atin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngintian siya ng maliit. Ako na rin ang tumingkayad upang halikan ito sa labi ng mabilis. He smirked and hugged me tight.
“Damn, Cherinna. You have no idea how much I love you,” he whispered as he kissed my head.
Hindi naman din nagtagal doon si Jahann at nagpaalam na sa amin na uuwi sa bahay nila. He mentioned he needs to go to Ai’s tomorrow morning, too. Hinalikan lang nito si Nikolai sa noo at hinatid ko na ito sa may sasakyan nito.
I watched his car drive away and when he’s no longer in my sight, I walked back to the house and went to the kitchen. Nagiging habit ko na rin naman ngayon na uminom ng gatas na malamig bago matulog.
“Is he always here?”
Napalingon ako sa pinto ng kusina nang makita ko roon si Camilla. She’s still on his wheelchair. Nasa ibaba rin ang kwarto nito dahil para mas mabilis itong makakilos. Iyon ang nabanggit noon sa akin nila Daddy Hugh nang maitanong ko ang bagay na iyon.
“Sino po?” I asked her even though I have an idea who she’s talking about.
“Your boyfriend, Jahann Anderson,” she replied as she controlled her wheelchair and moved closer to me.
Nagtuloy naman na ako sa pagsalin ng gatas sa baso ko na plano kong iakyat na lang sana sa kwarto ko dahil wala akong balak na manatili roon kasama ang babaeng ito.
“He’s visiting Nikolai,” I answered as I put the milk back to the fridge. Hindi ako kumportableng kasama ang babaeng ito kahit pa sabihin na tiyahin ko siya.
She’s the reason for Mommy's pains. She’s the reason for their accident. She also took Airi away from them.
Kahit isipin ko pa na kung hindi dahil sa ginawa nito ay hindi ko makikilala si Jahann, mali pa rin ang ginawa nito at kailanman ay hindi iyon magiging tama.
“How is it living with Kerko? Is it good?” muling tanong niya sa akin. Humigpit ang hawak ko sa baso at tinignan ang babae. I know she likes Daddy but he will never like her. Hiding-hindi.
“Yes, it was good. I saw how he loves Mommy,” sabi ko sa babae na nagpadilim sa mukha nito. “Excuse me po, aakyat na ako sa kwarto ko,” paalam ko bago naglakad papalabas ng kusina.
I was already in the doorway when I looked back to see her. She was looking at me with that dark expression. Kung nainis ko siya dahil sa sinabi ko, sa palagay ko ay dapat lang naman iyon para mapamukha ko sa kanya na hindi naman talaga siya gusto ni Daddy.
Mabilis akong umakyat sa kwarto ko pagtapos at naglock ng pinto. I was catching my breath when I sat on my bed and looked at Nikolai who’s peacefully sleeping. Walang magbabago kahit pa narito si Camilla.
Matapos akong maghilamos at ubusin ang gatas na kinuha ko ay nahiga na rin ako para matulog. Hindi ako dapar mag-isip ng kung ano dahil lang nandito si Camilla. Mas mahalaga pa rin sa akin na nagkausap kami ni Mommy at nagkaayos kami.
Agad akong nagtungo sa banyo nang magising ako upang mag-ayos ng sarili bago bumaba. We always eat together and it’s kind of good, I think. Tutal naman din pamilya ko sila, maganda rin na nagkakabonding kami nila Mommy Hannah.
Ipinusod ko lang ang buhok ko at isinuot ang bra ko bago bumaba para daluhan sila sa pagkain. Wala si Nikolai sa higaan nito dahil kinukuha ito ni Ate Mildred para paarawan pa rin at pakainin ng almusal.
Nauuna itong kumain lagi.
Pagbaba ko ay naabutan ko na rin sina Mommy Hannah at Daddy Hugh na nasa hapag. Mabilis lang akong humalik sa pisngi ng mga ito at naupo na rin para kumain.
“I heard nagkausap kayo ni Mika kahapon, Cherinna. How was it?” tanong ni Mommy na naglalagay ng garlic rice sa plato ko. As much as possible, I don’t want to make her feel less. Ayoko ring isipin niya na para sa akin, si Mommy pa rin ang ina ko. I am trying to balance it for them.
“It’s okay, Mommy Hannah. They’re asking if we can visit them with Nikolai, too…” sabi ko naman sa kanila bago inobserbahan ang reaksyon nila.
Ngumiti siya sa akin at tumango. “Sure! I really want our families to be okay, too, and of course, I know you love them, Cherinna…” sabi nito bago lumingon kay Daddy Hugh.
“No problem with us,” sagot naman ni Daddy Hugh sa akin. Ito naman ang naglagay ng ulam sa plato ko. Tumayo naman na muna ako para ipagtimpla ito ng kape. Kung minsan ay nag-uunahan kami ni Mommy Hannah sa pagtitimpla ng kape ni Daddy Hugh at napansin ko naman na wala pa itong kape ngayon.
I also made one for Mommy.
Nang mailapag ko na ang kape ay sakto namang humahangos papalapit sa akin si Ate Mildred.
“Cherinna, si Nikolai!” sabi nito sa akin.
Agad na sinalakay ng kaba ang dibdib ko kaya agad akong lumabas hindi pa man nasabi ni Ate Mildred ang nangyari sa anak ko. Sari-saring senaryo na sa utak ko ang naglalaro habang hindi ko pa nakikita ang anak ko.
Natigilan ako sa paghakbang ng nakita kong hawak ito ni Camilla.
Agad na kumuyom ang mga palad ko habang nakatingin sa babae at hawak ang anak ko.
“What are you doing…?” tanong ko sa kany habang nakatingin kay Nikolai na nilalaro ang maliit na dog stuffed toy na bigay ni Keij dito.
Mabilis namang dumalo sa akin sina Mommy Hannah at Daddy Hugh.
“Kumuha lang ako ng pamunas ni Nikolai, eh. Kinukuha ko, ayaw niyang ibigay sa akin nang makita ko na dala niya na si Nikolai,” ani Ate Mildred sa amin.
“Camilla,” si Daddy ang tumawag dito. Lumingon naman ito sa amin at agad na tumalim ang tingin nito nang makita ako.
“Bakit, Hugh?” tanong nito bago nilingon si Nikolai. “He’s an Anderson, right?” she asked.
“Why are you carrying him?” humakbang papalapit ito sa babae.
“Why not? He’s an Anderson!” sabi naman nito na umatras kaya naman kamuntik madulas sa mga kamay nito si Nikolai.
“Nikolai!” mabilis akong lumapit sa babae at inagaw si Nikolai rito. Halatang nabigla naman ito sa ginawa ko.
“You bitch! Ganyan ba ang tinuro ng baliw na Mika saýo?! Maging bastos?!” malakas na sabi nito sa akin. Nagtatagis ang bagang na nilingon ko siya.
“Cherinna,” hinawakan ako ni Mommy Hannah sa braso, marahil ay upang pigilan ako na magsalita patungkol kay Camilla.
I bit my lip hard to control myself.
“I knew it! Sabi ko na nga ba at magiging katulad ka ng babaeng ýon! They should be thankful that we raised Airi well! Hindi katulad mo. Ipokrita!”
“Stop it, Camilla!” mariing saway ni Daddy Hugh sa babae. “I let you stay here but I won’t tolerate you saying things to my daughter!”
“Hugh,” tawag naman ni Mommy Hannah sa lalaki. She sighed heavily and looked at me. “Go inside, Cherinna,” tipid ang ngiti nito sa akin kaya naman tumango na lang ako.
Pumasok na kami sa loob nila Ate Mildred.
Naririnig ko pa rin ang boses ni Camilla na nagsasabi ng kung ano-ano. Ipinikit ko na lang ng mariin ang mga mata ko at huminga ng malalim.
“Pasensya ka na, Cherinna. Hindi ko kasi siya nakita at saglit lang naman talaga akong umalis sa tabi ni Nikolai at--”
“It’s okay, Ate Mildred,” sabi ko sa kanya na pilit pa ring pinapakalma ang sarili. Hindi naman talaga nito kasalanan ang nangyari kaya ayokong maging hindi resonable at isisi rito ang lahat. Huminga akong muli ng malalim at tinignan si Nikolai na nakatingin din sa akin.
Ngumiti ito bago hinawakan ang pisngi ko. “Ma…”
Mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan ang ulo. I don’t want to think negatively against Camilla but damn it to hell, I will really not be kind if something bad happens to Nikolai.
After a few minutes and I calmed down, I looked at Ate Mildred who’s fixing Nikolai’s things. “Pakipaliguan na po muna si Nikolai, Ate Mildred,” pakisuyo ko sa kanya na agad naman akong tinanguan. Hindi naman mahirap na paliguan si Nikolai dahil gustong-gusto nito ang lamig.
I was about to call Jahann when my phone rang and it showed his face and name. I answered the call and stood near the window. I breathe heavily.
“Jahann,” sabi ko matapos ilapit sa tainga ko ang telepono ko.
“Good morning, Creep,” he greeted me. Sumandal naman ako sa gilid ng bintana habang nakatingin ako roon. I closed my eyes hard. I am trying to dismiss all the negative thoughts I have whenever Camilla’s name enters my mind.
“Have you eaten?” I asked him. Hindi na rin ako nakapag-almusal dahil nawalan na ako ng gana dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Jahann ang bagay na iyon o mas marapat na hindi na lang na.
“Is there something wrong, baby?” he asked instead of answering my question. “What happened, baby?” he asked again.
Hindi ako kumibo habang nakatingin lang sa labas ng bintana ko.
“Cherinna Aleksia,” he called my name. Maybe he got impatient with my silence.
“Nothing… I just woke up on the wrong side of the bed…” I said as an excuse. I am not sure if I should tell Jahann what happened. Iniisip ko rin na baka magdulot pa iyon ng gulo kung sakali. Maybe we should fix it first. Kami lang muna nila Daddy Hugh.
“Do you want anything? Ice cream, cake? Burgers?” tanong muli ni Jahann sa akin. I smiled a little. “No, no. I am good,” sabi ko naman sa kanya.
“Baby,” he called me again and I closed my eyes tight. God! I want to hug him so tight now. I don’t have the strength to tell him what happened but I just want to hug him tight right now.
“Maybe I just missed you…” I said softly.
I heard him chuckling softly on the other line. “I miss you and Nikolai, baby. I’ll be there later, okay?” sabi nito sa akin. Nagsabi naman na rin siya kagabi dahil hindi nito naabutan na gising ang anak namin kagabi.
“Alright…” sabi ko naman sa kanya bago nagpaalam na ibababa na ang tawag. Pinigilan naman ako ni Jahann kaya hindi ko na muna iyon ibinaba.
“I know what happened, baby,” he said and I sighed. “You don’t have to keep it, okay? Obligasyon ko kayo ng anak natin. I will talk to your dad about that,” he added.
Sa palagay ko ay si Ate Mildred ang nagsabi kay Jahann at hindi ko naman din magawang mainis o ano. He deserves to know what happened. Hindi ko lang talaga alam paano ko ba sasabihin kay Jahann iyon.
“Okay…” mahinang sabi ko sa kanya.
“I love you…” he said and I smiled a little.
“I love you, too, baby,” I replied.
I don’t know what will happen to us now that Camilla is here, but one thing is for sure… I will not let her hurt Nikolai, or Mommy or anyone I love.
Hiding-hindi.