Chapter 45

Hindi ko na nabilang kung ilang beses na ba akong tumayo at bumalik sa kama ko para maupo habang paulit-ulit ako sa pagsilip sa bintana ko para tingnan kung dumating na ba si Jahann o hindi pa. Halos alas-singko na ng hapon at nagsabi si Jahann kanina sa akin na magpupunta siya rito sa bahay dahil na rin sa nangyari.

Nasa kwarto ko lang ngayon si Nikolai at si Ate Mildred at hindi ko sila hinahayaan na lumabas dahil na rin kay Camilla. Nabanggit sa akin ni Daddy Hugh na kakausapin niya ang babae tungkol sa nangyari.

As much as possible, I don’t want them to fight but I am also scared for Nikolai’s safety. Kung sakali na may gawing masama si Camilla sa anak ko ay talagang hindi ko siya mapapatawad.

“Bumalik na kaya tayo sa mansion?” sabi ni Ate Mildred sa akin habang nakaupo sa may couch na naroon sa kwarto ko. Naglalaro si Nikolai ng mga stuffed toy na binigay ni Keij kaya naman nakakapahinga rin ito kahit papaano.

She was talking about Daddy and Mommy’s house. Pumasok naman na rin sa isip ko na baka iyon ang sabihin ni Jahann dahil sa nangyari. I am quite sure that even though he’s calm, he’s also pissed about the fact that Camilla touched Nikolai.

He was surprisingly calm when we talked but I could sense danger in his voice.

Naupo akong muli sa kama ko at ibinaling ang tingin kay Nikolai, huminga ako ng malalim bago nagyuko at napailing. Akala ko kapag nandito na kami ni Nikolai, magiging maayos na ang lahat. Kahit papaano ay aayon na ang sitwasyon sa amin pero ngayon ay mukhang may paparating na naman na unos sa aming lahat.

Nagkausap na kami ni Mommy, kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag-asa na magiging maayos ang lahat, pero sa ngayon, sa nakikita ko, mukhang may mga sugat lang na muling magbubukas sa pagbabalik ni Camilla.

Akala ko noon, noong unti-unti kong natatanggap na hindi ako Anderson at isa akong Alcantara, kahit na papaano ay magiging madali na ang sitwasyon para sa aming lahat.

Hindi pala.

Hindi naman mawawala sa buhay naming lahat ang ginawa ng babae. It will be part of our lives, our story.

Iisang ulo kami ni Ate Mildred na lumingon sa pinto nang pumasok si Daddy Hugh sa kwarto ko matapos itong kumatok na muna. Kita sa mukha nito ang pagod, ang lungkot, ang inis. It was as if he’s also pissed on having Camilla here.

“Can I come in?” he asked while looking at me. Nasa labas lang ito ng kwarto ko habang nakabukas ang pinto. Maliit naman akong tumango rito bago sinulyapan si Ate Mildred na mukha namang nahulaan na ang ibig kong sabihin kaya nagpaalam ito sa akin at kay Daddy Hugh at lumabas na ng kwarto ko.

Pumasok na sa loob ng kwarto si Daddy Hugh at naupo na rin sa kama ko. I was staring at him and I noticed his long deep breaths.

“Is everything okay?” I asked him. Baka nagkulang din akong kamustahin sila sa nangyayari. Maybe he’s still in pain because of what his sister did to them, and now she’s here again.

Muli itong huminga ng malalim bago tumingin sa akin. “You know, when you came here, I promised to myself that I will take care of you, and Nikolai. Babawi kami sa mga nawalang taon na nabigay sana namin sa iyo ng Mommy Hannah mo ang para sa iyo…”

Hindi ako nagsalita habang nakatingin lang sa kanya. “I sent Camilla to a mental institution so they can help her recover. We tried for the longest time and she showed progress… that’s why they cleared her and let her go home…” bakas sa mukha nito ang lungkot at pagsisisi sa nangyayari sa ngayon. “I regret what I did before, what I did to Mika, what I did to Kerko, I regret doing what she wanted, and I thought everything was fine already when I chose to move away from them…”

Inabot ko ang kamay ni Daddy at marahang pinisil iyon. Hindi ko man alam ang buong kwento ng nakalipas nila, alam ko na nagsisisi si Daddy Hugh sa nangyari base na rin sa nakikita ko ngayon dito. Civil sila kung mag-usap ni Daddy.

“You were the most affected, Cherinna…” nilingon niya ako at ngumiti ng malungkot. “I failed to protect you before, and I won’t make the same mistake now…” hinaplos nito ang pisngi ko at muling ngumiti ng maliit.

“I won’t let her hurt you or Nikolai…” tiyak na sabi nito sa akin bago ako niyakap ng mahigpit. “We just got you, and we’re scared that you will leave us because of this…”

Napakagat naman ako sa labi ko dahil sa sinabi nito. I would be lying if I said it didn’t cross my mind because it did…

I just hugged him back and opted not to say anything.

Wala pa akong narinig na tiyak na plano ni Daddy Hugh nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at bumukas iyon. Nakita ko ang humahangos na si Ate Mildred.

“What happened?” tumayo naman kaagad si Daddy Hugh at pinagmasdan ang bagong dating na babae na halatang natataranta.

“Ang Mommy at Daddy mo, nasa ibaba… nandoon din po ang kapatid niyo…” sabi nito sa amin bago nagyuko.

“What?” kumunot ang noo ko bago tumingin kay Daddy Hugh.

“Damn it,” mabilis itong lumabas ng kwarto ko para bumaba at makita kung ano ang sitwasyon doon. Nilingon ko naman si Ate Mildred at binilinan na huwag iiwan si Nikolai bago mabilis na sumunod upang dumalo sa mga nasa ibaba.

“What are you doing here, bitch?!” malakas ang sigaw na narinig ko kaya naman napapitlag ako. It was Camilla’s voice.

“Camilla, calm down!” saway naman ni Daddy Hugh sa babae. Wala akong ibang naririnig maliban sa malalakas na boses ni Camilla.

Naglakad ako papalapit sa kanila at nakita kong naroon nga si Mommy at Daddy. Nakatayo silang dalawa habang nakatingin kay Camilla.

Mommy’s not saying anything. She was just looking at Camilla while Daddy’s holding her waist. Hindi ko alam kung paano nila nagagawang maging kalmado rin sa kabila ng mga binibitiwang salita ni Camilla.

“Mom, Dad…” tawag ko sa dalawa na siyang nagpalingon sa mga ito sa akin.

I saw a relief on Mom’s face when she looked at me. Lumapit ako sa kanila at niyakap silang dalawa. “What are you doing here?” mahinang sabi ko sa mga ito.

“Why didn't you tell us she’s here?” tanong naman sa akin ni Mommy.

Narinig ko ang pagtawag ni Mommy Hannah sa assigned nurse ni Camilla upang dalhin na ito sa kwarto nito.

“No! I don’t want to go there! Can’t you see? Mikael is here! He’s here for me!” malakas na sabi nito bago nilingon si Daddy na walang reaksyon ang mukha. “Diba, diba nandito ka kasi alam mong pinapahirapan nila ako rito? Susunduin mo na ako?” ngumiti si Camilla kay Daddy.

Mommy rolled her eyes and looked at Daddy.

“We came here to talk to Cherinna,” ani Daddy bago lumingon sa akin. “We didn’t know you’re here…” dagdag nito bago hinawakan ang kamay ni Mommy.

“We’re sorry if we came here unannounced. Cherinna and I talked and we wanted to see Nikolai as well so we came here. If we knew the situation, we could’ve just dropped by some other time…” dagdag na sabi ni Mommy bago tinignan si Camilla.

“It’s okay, Mika. You are Cherinna’s family, too. You are welcome here,” sabi naman ni Mommy Hannah sa mga ito. “We can stay in the garden for the meantime…” dagdag nito na iginigiya kami papunta sa labas upang maihiwalay si Camilla sa mga bisita.

“Why are you being nice to her? You’re so stupid, Hannah!” malakas na sabi ni Camilla kay Mommy Hannah. “You should push her away! Push that bitch away! You are so stupid!”

Natigilan naman ako sa sinabi nito. I looked at her and clenched my fists. She’s disrespecting my mothers.

“What--”

“Camilla, stop it already!” sabi ni Daddy Hugh sa babae. Nakayuko ito sa babaeng nakaupo sa wheelchair.

Nilingon naman ito ni Camilla na namumula na ang mukha sa galit. “Nahahawa ka na sa katangahan ng asawa mo! Nahahawa na kayong dalawa sa katangahan ng Mikaela na ýan at--”

Napasinghap ako nang dumako ang palad ni Daddy Hugh sa mukha ni Camilla.

Nakabuka ang bibig at nanginginig na lumingon si Camilla kay Daddy Hugh. “We talked about this already and you have to accept the fact that Kerko is with Mika and you should stop badmouthing my wife!” ramdam ko ang galit sa tinig ni Daddy Hugh habang nakatingin ito sa kapatid nito. “Stop it already…” basag ang tinig na dagdag nito sa babae.

“Hugh…” napatingin ako kay Mommy Hannah na nangingilid ang luha sa mga mata habang nakatingin sa asawa nito.

“Was it not enough for you to stop? You took Cherinna away from us already because of that fucking obsession. You took Airi from them! Stop this already,” muling sabi ni Daddy Hugh. He began crying while looking at Camilla.

Hindi ko napigilan na mag-init ang mga mata habang nakatingin sa kanila. Agad kong pinalis ang luha sa mga mata ko at nag-iwas ng tingin.

It was not just about us. Everyone around me is in pain because of what happened in the past. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ang lahat. May mga nadadamay na inosenteng tao.

I sniffed and looked at Mommy and Daddy. “Sa… sa garden po muna tayo…” aya ko sa kanila. Nakita ko naman ang pagtango ni Mommy Hannah sa akin.

Ramdam ko na may gustong sabihin si Daddy pero pinili na lamang nitong sumunod sa akin papunta sa may garden ng bahay.

“I am sorry, Cherinna. We didn’t know she’s here, and why is she here? Safe ba kayo ni Nikolai dito?” tanong sa akin ni Mommy nang makaupo na ito at makapagpalipas ng ilang minuto.

“Hindi ko rin po alam… Daddy Hugh already sent her to a mental institution to help her, but she managed to go out…” naupo ako sa tabi ni Mommy. “I am sorry for what she said,” sabi ko rito. She called her names and hurtful words.

“I am more concerned about you and Nikolai, Cherinna…” lumingon ito kay Daddy na tahimik na nakaupo. It was as if he’s thinking.

“Love, I think you should talk to Hugh about this. Let’s tell them Cherinna and Nikolai will stay with us until they figure out what they should do with Camilla.”

Nag-angat ito ng tingin kay Mommy at huminga ng malalim. “We can talk to them about that, Ai, but the decision will come from Cherinna.” tumingin siya sa akin. “I want to be fair with you, Cherinna. We’ll do everything to help you, but it’s on you.”

Napayuko ako.

Alam ko na ang desisyon ko, hindi lang dapat na tungkol sa akin. It should be about Nikolai’s safety…

“Baby.”

Napaangat ako ng tingin nang may magsalita at makita ko si Jahann na nakatayo. Agad akong tumayo at lumapit sa lalaki at niyakap ito.

“What happened?” he asked me while hugging me. “Why are you here, Mom, Dad?” tanong nito sa mga magulang bago bumaling sa akin. “Is Nikolai okay?” tanong niyang muli kahit na wala pang nakakasagot sa mga unang tinuran nito.

“He’s fine, he’s fine. He’s with Ate Mildred…” sabi ko naman dito. Tumango ito sa akin bago muling lumingon kina Mommy at Daddy. “What are you doing here? You saw Camilla?”

Tumango naman si Daddy rito bilang sagot.

“We should take Cherinna and Nikolai home to make sure they are both safe,” ani Mommy habang nakatingin sa amin. Bumaba ang tingin nito sa kamay ni Jahann na nasa bewang ko at agad na nag-iwas ng tingin.

Bahagya naman akong lumayo kay Jahann.

Alam ko na nakapag-usap na kami ni Mommy pero ayokong abusuhin ang pagtanggap nito sa akin. Alam ko naman na hindi madaling tanggapin ang sa amin ni Jahann.

“Ai, we can’t decide for them. That’s their family we’re talking about. Whatever their decision will be, we should just support it,” sabi naman ni Daddy na inabot ang kamay nito. “That’s what we can do, okay?” sabi nito bago pinisil ng marahan ang kamay ni Mommy.

Kahit na bakas sa mukha ni Mommy na labag sa loob nito ang sinabi ni Daddy ay tumango ito.

“We’ll just go now, Cherinna, Jahann,” sabi nito bago tumayo at hinawakan ang kamay ni Mommy. “It’s unfortunate we didn’t get the chance to see Nikolai, maybe we will just visit you some other time,” dagdag pa nito.

“Yeah, once they get rid of Camilla,” irap naman ni Mommy na umiiling-iling.

“I am really sorry about what happened, Mommy…” hinging paumanhin ko rito. Umiling naman ito bago ako niyakap ng mahigpit. “Please, call us, okay? We can pick you up even in the middle of the night, Cherinna…”

Tumango naman ako habang yakap ko siya. Alam ko na nag-aalala sila sa akin at nakakataba ng puso na malaman iyon.

Hindi naman na sila nagtagal kaya hinatid na lang namin sila ni Jahann sa sasakyan nila. Si Camilla naman ay nasa loob na ng kwarto nito at naabutan namin si Mommy Hannah at Daddy Hugh na nasa living room at nag-uusap.

Nakayuko si Daddy Hugh habang si Mommy Hannah naman ay katabi nito at hinahagod ang likod nito na tila pinapakalma pa rin ito.

“I am sorry…” mahinang sabi ko sa mga ito. Kumunot ang noo ni Jahann dahil sa sinabi ko pero hindi naman ito nagsalita.

“No, Cherinna. I am sorry,” sabi nito bago nag-angat ng tingin sa akin. “I thought keeping her here because she’s a family will be okay. I thought I can handle her now, but I was wrong…” huminga ito ng malalim.

“It’s not your fault, hon. Camilla needs help and we can’t give the help she needs. Kailangan niya ng professional help…” huminga ito ng malalim nang marahil ay maisip na sinubukan na nilang gawin ang bagay na iyon ngunit walang nangyari.

“With all due respect, Tito, I don’t think I’ll be okay knowing Cherinna and our son are here with Camilla. We all know what she did to Cherinna before. I don’t want that to happen,” sabi nito habang nakatingin sa mga magulang ko.

“None of us wants that to happen, Jahann,” sabi naman ni Daddy Hugh rito. Pinisil ko naman ang kamay ni Jahann dahil alam ko naman na nag-aalala lang ito para sa amin ni Nikolai.

“I know that, but I want to be sure, Tito. We will not be able to sleep soundly at night and have a fear that she will do something to Cherinna, to Nikolai. I know you just got her back, but I won’t risk it. I won’t risk my family’s safety. Kukunin ko silang dalawa.”

“What…?” nilingon ko si Jahann at nakikita kong bakas ang kaseryosohan sa mukha nito habang nakatingin sa mga magulang ko.

“What do you mean?” tumayo si Daddy Hugh habang nakatingin kay Jahann, maging si Mommy Hannah ay napatayo at nakatingin sa akin na tila nagtatanong sa nangyayari.

“I have a condo unit in Makati, they can stay there with Ate Mildred and we can all visit her there. I think they are more safe there than here,” sabi naman ni Jahann. “If you’re worrying that Cherinna and I will be in the same house, rest assured that I will marry your daughter first before it happen again,” sabing muli ni Jahann sa ama ko.

Huminga ng malalim si Daddy Hugh bago tumingin sa akin. “Is that what you want, Cherinna?” he asked me. I bit my lip and looked at Jahann.

“It’s just for the meantime, Daddy Hugh. Hanggang sa maayos natin ang sitwasyon ni Ca… Camilla…” hindi ko talaga matawag ang babae ng Tita Camilla.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Mommy Hannah kaya lumapit ako rito at niyakap ito ng mahigpit. “Hindi naman ako mawawala, Mommy Hannah… it’s for the meantime only…” pag-aalo ko rito.

Nilingon ko si Daddy Hugh na nakatingin sa akin at napapailing. Lumingon siya kay Jahann na nananatiling nakatayo.

“Can you promise me that Cherinna will be in good hands?” he asked Jahann.

Jahann smiled a little and looked at me. “I can promise you that I will take a bullet for her to keep her safe, Tito,” sabi naman nito. “I will make her an Anderson, I will keep her safe.”

Daddy Hugh looked at me and smiled a little. He pulled me in a hug and kissed my head.

“I am sorry for this mess, Cherinna,” he whispered.

I hugged him tight.

Yes, it’s still messy, but I won’t lose hope.

I won’t lose hope for our families.

Sa Alcantara.

Sa Anderson.

Sa amin ni Jahann.

Hindi ako mawawalan ng pag-asa.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.