Nakasandal lang ako sa pader habang nakatingin kina Kol at Enzo na magkakatulong na dinadala ang gamit namin ni Nikolai. I looked at Jahann and frowned at him. Ito ang tumawag kina Enzo para tumulong sa pagdadala ng mga gamit namin ni Nikolai.
Parang gusto kong matawa kahit na hindi akma sa sitwasyon dahil parang gusto nilang linisin ang buong kwarto ko sa pagbubuhat. Pinigilan ko na lang kanina si Enzo na dalhin ang drawer ko.
“It’s only for a few weeks, you know?” sabi ko kay Jahann na siyang may dala ng isang bag ng gamit ni Nikolai. Si Theon at Keij ang nasa sasakyan dahil ang sabi ng mga ito ay sila naman ang mag-aakyat ng gamit namin sa condo ni Jahann kaya hindi muna sila nagbuhat ngayon.
Nasa labas ng kwarto ko sina Mommy Hannah at Daddy Hugh na bakas sa mga mukha ang lungkot. Kahit naman ako ay nalulungkot sa nangyayari dahil na napapalapit naman na ang loob namin sa kanila, alam kong kahit si Nikolai ay kumportable na sa kanila.
Nang matapos sina Kol at Enzo ay lumabas na rin kami. Lumapit ako kaagad kina Mommy Hannah at niyakap ito ng mahigpit. Wala si Camilla sa paligid dahil pinahigpitan ni Daddy Hugh ang pagbabantay rito.
Ang alam ko ay nakikipagcoordinate na rin ito ngayon sa mga mental institutions na pwedeng pagdalhan kay Camilla pero hanggang wala pa ay kailangan muna naming ilayo si Nikolai sa babaeng iyon.
“I will text you the address, Mommy Hannah,” sabi ko sa babae bago ito niyakap ng mahigpit. “Yes, yes, please…” sambit naman nito bago tumingin kay Jahann. “Take care of Cherinna, okay?” pakiusap nito bago ako muling tinignan. Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata nito.
“I am sorry that we can’t give you a peaceful home for now… but your dad and I… we will fix this, para makauwi na kayo ni Nikolai sa amin…” tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha nito sa mga mata at niyakap ako ng mahigpit.
“It’s okay, Mommy Hannah… things will be okay…” sabi ko naman dito. I don’t blame them for anything because I know they’re also a victim here.
We’re all victims of Camilla.
Hinawakan ni Daddy Hugh ang kamay ko at pinisil iyon. Nilingon ko siya at ngumiti ako ng tipid dito. “Don’t worry, Daddy Hugh… we will be okay. I am hoping Camill will be, too… I know you are worried about her, too,” sabi ko rito bago ito niyakap ng mahigpit.
“Take care, too… we will be back soon, okay?” pilit akong ngumiti sa kanila sa kabila ng panlalabo ng mga mata ko. I just feel so emotional right now.
Halo-halo ang nararamdaman kong emosyon dahil na rin sa nangyayari sa amin.
Nagkaayos kami ni Mommy at Alyanna.
Dumating si Camilla at nagiging threat sa amin ni Nikolai.
Kailangan naming umalis ni Nikolai at muling mapawalay sa pamilya ko.
I don’t know what I should feel right now. Ang nangyari noon ay nararamdaman ko pa rin. Kahit pa tanggap ko na ang nangyari, hindi ko pa rin naman maiwasan na hindi makaramdam ng sakit ukol doon.
“Take care of them, Jahann,” bilin ni Daddy Hugh kay Jahann nang ihatid nila kami sa pintuan. Nasa loob na ng sasakyan ni Jahann si Ate Mildred at si Nikolai habang lulan naman na ng sasakyan ni Theon si Enzo, Kol, at Keij.
Matapos kaming magpaalam sa mga ito ay sumakay na rin kami ni Jahann sa sasakyan nito. Nakasandal lang ako habang nakatingin sa daan at pinagmamasdan ang mga ilaw ng mga sasakyan na nasa unahan namin.
“Baby,” untag ni Jahann sa akin bago abutin ang kamay ko. Nagmamaneho ito ngayon gamit ang isang kamay lamang.
Nilingon ko ito. “Hmm?”
“I am sorry if I just made the decision myself…” panimula nito habang ang mga mata ay nananatiling nasa daan. Ang isang kamay nito ay nakahawak pa rin sa manibela habang ang isang kamay ay hawak ang kamay ko. “I just can’t be okay with the fact that you will stay there, you know? Kayo ng anak natin.”
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Alam ko naman ang intensyon ni Jahann. He was calm when we talked earlier but he was already making plans. He’s thinking about our safety already when I was so busy trying to be reasonable and understanding of Camilla’s actions.
“It’s okay, I don’t have the courage to do it,” sabi ko naman dito. Totoo naman din ang bagay na iyon. Wala akong lakas ng loob na makapanakit ng damdamin ng ibang tao kaya naman pinipilit ko na lang na bigyang dahilan ang ginagawa nila at tiisin kung anuman ang mangyayari.
Pero tama ang ginawa ni Jahann dahil kapakanan ni Nikolai ang dapat na inuuna ko. I know that but I failed to do it.
“I already filled the condo with the things you need. Groceries, toiletries, everything,” sabing muli ni Jahann sa akin. Nasa unahan na namin ngayon ang sasakyan ni Theon.
Kunot ang noo ko siyang tinignan.
“Hmm? Of course I bought it earlier. You expect me to bring you there without anything to eat?” sumimangot si Jahann sa akin. Napangiti ako ng maliit.
Kung minsan ay iniisip ko rin kung ano ba ang ginawa ko para mahalin ako ni Jahann.
What did I do to deserve someone like him?
Si Nikolai ay tulog na sa likod kasama si Ate Mildred na mukhang nakahinga na rin ng maluwag na umalis kami sa bahay. I know she’s so protective of Nikolai and she’s worried about his safety, too.
Nang makarating kami sa condo unit ni Jahann ay tumulong na ako sa pagbubuhat ng mga bag. Tanging magaan na bags lang ang binigay sa akin ni Jahann at ang mga damit naman namin ay dinala naman nila Keij at Theon.
Nanghihingi sila ng tulong kay Enzo at Kol ngunit hindi ito pinansin ng dalawa dahil na rin sa sinabi ng mga ito na sila lang ang magdadala ng mga gamit namin.
Jahann gave me his keys. Nauna na kami ni Ate Mildred sa loob ng bahay ni Jahann. Gaya ng laging naaabutan ko kapag nagpupunta kami roon ay malinis ang buong kabahayan ni Jahann. I looked around and I couldn’t stop smiling.
Marami rin naman kaming memories na nabuo roon.
“Saan ko po dadalhin si Nikolai?” tanong sa akin ni Ate Mildred. Nilingon ko ito at iginiya papunta sa kwarto ni Jahann. Naisip kong ipagamit kay Ate Mildred ang guest room na naroon at doon na lang kami ni Nikolai sa kwarto ni Jahann. Ipagpapaalam ko na lang iyon sa lalaki mamaya.
Diretso naman kaming pumasok na dalawa sa kwarto ni Jahann at ito na ang naglapag sa kama ng natutulog na si Nikolai. Napapailing na lang ako dahil ayaw nitong bitawan ang rabbit na stuffed toy na binigay ni Keij dito.
“May isang kwarto pa roon, Ate Mildred, iyon na lang ang gamitin mo para makapagpahinga ka na muna,” sabi ko naman sa babae bago naupo at pinagmasdan si Nikolai.
“Gagawa muna ako ng snack para sa mga kasama natin,” paalam nito bago nagtungo na sa pinto at lumabas sa kwarto. Hindi ko naman na ito tinutulan at nilingon na lang ang kabuuan ng kwarto ni Jahann. May mga frames sa lamesang naroon.
I couldn’t stop smiling when I saw our pictures. Mayroong noong kinuhanan kasama ang pamilya nila, mayroon din na tatlo kami nila Alyanna at tatlo sila nila Airi, at mayroong isang frame na dalawa lang kami ni Nikolai.
Kumunot ang noo ko nang titigan ko iyon.
Kuha iyon noong nangangak ako kay Nikolai.
Hindi ko alam na may kopya siya ng larawan naming iyon.
“What are you looking at, Creep?” tanong ni Jahann sa akin na pumasok na sa kwarto nito. Inilapag nito ang dalawang bag na bitbit bago lumapit sa akin.
I faced him and showed him the picture I was holding. “Bakit mayroon ka nito?” tanong ko sa kanya. Iniisip ko na marahil ay pinadala ni Alyanna ito sa kanya noon. He wasn’t here when I gave birth to Nikolai.
He looked at me and smiled.
Kinuha niya ang hawak ko at tinanggal iyon sa frame at ipinakita sa akin ang nakasulat sa likod.
My life in one photo. I can’t wait to be with you both. I love you…
Pinagmasdan ko ang sulat ni Jahann doon bago ako nag-angat ng tingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang noo ko. “When Alyanna sent your photo, I had it printed and kept it on my office table. I stared at it and wondered when I would be able to see you and Nikolai. Hindi ko pa nakumpirma noon sa iyo na akin si Nikolai pero malakas na ang kutob ko.”
Maingat nitong ibinalik sa loob ng frame ang larawan na iyon at inilagay iyong muli sa lamesang naroon.
“Now, I have you and Nikolai already,” ngumiti siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. “And I will do everything in my power to keep you and Nikolai safe,” dagdag nito bago ako hinalikan sa noo.
Tumango naman ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
“Thank you, Jahann…” mahinang usal ko habang nakayakap sa kanya. I buried my face on his chest and hugged him tighter. “Thank you for everything you are doing for me and for Nikolai…” ani ko habang nalalanghap ang amoy ni Jahann. “You have no idea how thankful I am that you came back for us… that you came back for me… I don’t think I will be able to make it if you are not by my side…”
He cupped my face and pecked on my lips. “You’re lucky, I love you.”
Napangiti ako bago napatango. “I am and I love you, too,” sabi ko naman dito bago ako nagkusang tumingkayad at halikan ang mga labi nito.
He pulled me closer and deepened the kiss, I smiled against his lips and responded to his kisses. He was the first who pulled away and kissed my head.
“I love you, Cherinna…” muli niyang bulong sa akin.
Ngumiti ako at niyakap siyang muli.
Napalingon kaming dalawa nang may kumatok sa bukas na pinto at nakita namin si Keij na naroon at nakasimangot.
“Ang landi niyong dalawa,” ani Keij sa amin. “Naghanda si Ate Mildred ng snacks,” sabi nito bago naglakad papunta sa may sala.
Hindi ko naman napigilang pamulahan ng pisngi dahil mukhang nakita ni Keij ang nangyari. Nilingon ko naman si Jahann na tila wala lang ang sinabi ni Keij at inakay na ako papalabas nang matiyak na maayos na ang kinahihigaan ni Nikolai.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto at naabutan namin si Keij na nakaupo at umiinom ng soft drinks. May hawak din itong sandwich.
Si Theon naman ay nakasandal kay Keij habang si Enzo ay nakasandal sa couch at nakapikit. Si Kol ay nasa kusina raw sabi ni Ate Mildred.
“Anong sabi nila Tita Mika sa nangyari?” tanong ni Theon sa akin nang makaupo kami ni Jahann.
“This is what they suggest, pero sa bahay sana raw…” sabi ko naman dito. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya kumuha ako sa sandwich na naroon.
“Pasimpleng binabahay si Cherinna, nako, Jahann. Pakasalan mo muna,” sabi naman ni Keij bago biglang umaray dahil binato ni Kol ito ng remote ng aircon.
“Lakasan mo ‘yung aircon,” sabi ni Kol dito na may dala pang isang plato ng grilled cheese sandwich. Naupo rin ito sa tabi ni Enzo.
“Seriously, what’s your plan, though?” tanong ni Theon sa amin. “We can ask Daddy to help us with the crazy Camilla problem,” ani pa nito na ngumisi. Napailing na lang ako.
“My parents will take care of that already. Wag niyo na alalahanin, okay? And I am thankful that you helped us,” ngumiti akong muli sa kanila.
“You’re like a family to us, Cherinna,” ani Enzo sa akin. I saw Kol smiled a little.
Napatawad ko naman na si Enzo sa pang-iiwan niya sa akin noon dahil nagkaayos kami ni Mommy dahil doon. Hindi ko na lang siya inaway dahil doon.
Nang mas lumalim na ang gabi ay nagpaalam na ang mga kasama namin na uuwi na. Si Theon lang ang may dalang sasakyan kaya ihahatid muna nila si Enzo bago nito ihatid ang kambal at tuluyan ng makauwi.
Ako na ang nagprisintang maghuhas ng ginamit namin para makapagpahinga na rin si Ate Mildred. Hindi ko alam kung gaano ba kami katagal na mamamalagi roon pero umaasa ako na maging maayos ang lahat at wala ring mangyaring masama sa kahit na sino.
I saw the pain and anger on Camilla’s eyes. It was scary.
It’s scary that despite her condition, she can still do evil things. Napapailing na lang ako habang naghuhugas ng mga baso.
Nang matapos ako ay agad ko na ring pinunasan ang kamay ko at pinatay ang ilaw roon. Mabilis na akong nagtungo sa kwarto para na rin makauwi si Jahann.
He promised my parents that he will not stay here at night.
Nang makapasok ako ay nakita kong nakahiga si Jahann sa kama at katabi si Nikolai. May ngiting sumilay sa mga labi ko habang pinagmamasdan ko ang mag-ama ko.
I know that everything happened for a reason, and I am happy that whatever reasons it could be, I met Jahann. I was able to be a part of his life…
Hinila ko na lang din ang kumot para sa kanilang dalawa at pinagmasdan ang dalawa habang natutulog. I know he missed being with Nikolai…
I don’t have the heart to wake him up so I let him sleep beside Nikolai. Despite everything that happened to me, to us… I will still be thankful and grateful that I have them both. I am blessed to have them…
Nang makaramdam ako ng antok at nahiga na rin ako sa kabilang side ni Nikolai. I looked at them again and smiled.
We were once played by fate, but I know the love I have for Jahann is worth it.
No matter what…
I stared at him and smiled, I moved my head and pecked on his lips. I remember the question he asked me before. He never asked me that again, but I do understand why.
Marami kaming dapat unahin at intindihin.
Pero kahit na ganoon, hindi naman magbabago ang sagot ko sa kanya. Huminga ako ng malalim bago siya pinagmasdan.
I smiled a little.
“Yes, I will marry you…” mahinang bulong ko sa kanya bago ako tuluyang nakatulog.