Chapter 47

Nang magising ako kinabukasan ay wala si Nikolai sa tabi ko kaya naman agad akong napabalikwas ng bangon. I immediately searched the room to see if Nikolai’s crib was already in the room. Mabilis akong tumayo at isinuot ang tsinelas na naroon at lumabas ng kwarto ni Jahann.

Natigilan naman ako sa paghakbang nang marinig ko ang boses ni Airi at Alyanna at maging ang pagtawa ni Nikolai.

“Ang cute cute naman ng baby na ito, huwag kang magmamana kay Daddy mo at sa mga tito mong laging nakasimangot, ha?” ani Airi habang si Nikolai naman ay humahagikgik dito.

“Mas nakakatakot kung kay Keij at Theon siya matutulad,” sabi naman ni Alyanna na napalingon sa akin. Agad itong ngumiti sa akin at tumayo.

“Good morning,” bati niya sa akin. Alanganing ngiti naman ang ibinigay ko sa kanya dahil hindi pa ako nakapaghilamos. Pasimple ko na lang ding inalam kung mayroon bang bakas ng pagtulog ko sa mukha ko.

“Hi, Che!” Airi smiled at me. Kagaya kay Alyanna ay tipid lang din akong ngumiti rito. “Mommy called me about what happened… I am sorry about that,” muling sabi nito habang nilalaro pa rin si Nikolai.

Alyanna rolled her eyes and looked at Airi. “I still can’t imagine paano mo natagalan ýung baliw na babae na iyon,” naupo ito sa may couch at sumandal. “Ang obvious na kailangan niya ng medical help,” sumimangot pa ito kay Airi.

Airi smiled at her. “She’s family and she was a bit okay before? I am still hoping she will be fine once she’s in States na,” sabi pa nitong muli bago humarap kay Nikolai.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

States?

“What do you mean States?” tanong ko sa kanya bago itinali ang buhok at naglakad papunta sa kusina. “Nagbreakfast na ba kayo? Sorry, I overslept…” hinging paumanhin ko naman sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam kung nasaan si Jahann dahil hindi ko naman na natignan ang phone ko nang magising ako. Iniisip ko na baka umuwi na muna ito.

“Jahann went out to buy breakfast,” sabi naman ni Alyanna sa akin. “Take a seat and let’s just talk,” dagdag pa nito.

Napatango na lang ako at naupo sa tabi ni Airi dahil ito ang malapit kay Nikolai.

“You mentioned States earlier. What do you mean by that?” I asked her while I was looking at her.

“Hmm? Hindi ka pa nakapagcheck ng phone mo?” tanong niya sa akin na sinagot ko naman ng iling. I was too worried about Nikolai’s safety, I thought someone took him away earlier.

“I called Mommy because Mommy Mika told us what happened. Dapat magpupunta kami sa bahay pero sinabihan nila kami na huwag na lang muna at tinawagan naman sila ni Jahann para sa plano nito kaya ngayon na lang kami nagpunta,” panimula nito. “Mommy mentioned Daddy is bringing Tita Camilla to the States to seek medical assistance. Mas okay rin naman kasi talaga kung sa States siya ipapagamot. Mas secured din doon,” dagdag nitong sabi.

Napatango naman ako ng marahan dito. It’s a good thing they have a plan already. I am just really hoping things will be okay. Sana ay kung dadalhin si Camilla roon ay wala ng maging problema pa.

Napalingon ako kay Alyanna na nakatingin sa phone nito na tila may hinihintay na tawag.

“You okay?” tanong ko naman dito. She looked at me and nodded a little. I stared at her and it looked like she’s bothered by something. Hindi ko naman alam kung ano dahil hindi naman na kami nakakapagkwentuhan ni Alyanna tungkol sa mga bagay na nangyayari rito.

Last time I heard was she’s seeing a DJ.

Hindi nagtagal ay dumating naman na si Jahann na may dalang almusal na binili nito sa isang fast food chain. May pancakes na naroon at mga breakfast burgers ayon sa lalaki.

Nakasuot lang ito ng puting t-shirt at jacket na itim at simpleng shorts.

“Snob, may fries na?” tanong ni Alyanna sa lalaki. Tinignan naman ito ni Jahann. “Wala kang sinabi,” masungit na sabi nito bago dinala ang mga paper bag na bitbit sa kusina.

“Sungit mo na naman, ah,” inirapan naman din ito ni Alyanna. Napangiti na lang ako bago ako tumayo at sinundan si Jahann para tulungan ito sa mga pinamili.

“Good morning,” bati ko rito nang makapasok sa kusina. He looked at me. “Morning,” he said as he fished out from the paper bags the food he bought.

“You woke up on the wrong side of the bed?” I asked him as I helped him with what he’s doing. Kunot na kunot na naman kasi ang noo nito at mukhang sinusumpong.

“Jahann,” untag ko sa lalaki nang hindi ito magsalita. Nag-angat lang ito ng tingin sa akin pero hindi pa rin nagsalita kaya naman napasimangot na lang ako.

“I will just make you coffee, then,” tumalikod na ako para kumuha ng apat na mugs para sa aming apat. May coffee maker naman na roon si Jahann kaya hindi ako nahirapan na gumawa ng kape.

Napalingon ako sa kanya nang lumapit siya sa akin at kunin ang isang mug sa akin.

“Marunong naman ako magtimpla ng kape,” napasimangot ako dahil sa ginawa niya. Hindi ko naman alam kung may nagawa ba ako at bakit nagsusungit ang lalaki ngayon.

“I know, this is for you. You don’t drink coffee in the morning,” he said as he started making hot chocolate for me. I stared at him and he’s still frowning.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Isinandal ko ang pisngi ko sa likod niya habang ang kamay ko ay nasa tiyan niya.

“Why are you so grumpy today? What happened?” I asked him. Iniisip ko pa rin naman na magtampo sa pagsusungit niya ngayon na maaga pa pero naisip ko na baka may problema siya o kaya ay may nangyari na hindi pa niya masabi sa akin.

“Hmm? What happened?” I asked him as I rubbed his abdomen with my palms.

“Creep,” he held my hands and looked at me.

I gave him a puppy-eyes look and smiled a little. “Bakit ka ba sinusumpong?” tanong ko sa kanya. Umikot naman siya upang makaharap ako at hinalikan ako sa noo.

“I had a bad dream, that’s it,” sabi niya sa akin bago muling hinalikan ang noo ko. “Why didn't you wake me up last night?” tanong niya sa akin habang nakayakap na rin sa akin.

“Hmm… I watched you and Nikolai and you looked so good together while sleeping so I didn’t bother waking you up…” paliwanag ko sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha ni Jahann at hindi ko mapigilan na hindi mapangiti.

“Why?” kumunot ang noo niya nang mapansin niya marahil na nakatitig ako sa kanya. Umiling ako at hinawakan ang pisngi niya gamit ang magkabilang kamay ko.

“You never had a girlfriend, right?” I asked him, teasing him.

“I had a girlfriend before,” sagot naman niya na ikinakunot ko ng noo. Wala naman akong maalala na may naipakilala siya sa amin noon na girlfriend niya.

“Si Iris?” tanong ko sa kanya. Pero imposible naman dahil kung si Iris ay pinagkalat na iyon ng babae at hindi iyon mananatili sa New York kung naging sila ni Jahann.

Natawa naman si Jahann habang nakatingin sa akin.

“You had a girlfriend in New York? Kilala ni Airi?” usisa ko pa rin sa kanya. He chuckled and shook his head. “You’re unbelievable,” kumento niya sa akin bago inilagay sa tray ang mga pinamili.

“Let’s go,” aya niya sa akin para puntahan sina Alyanna sa may sala.

“Sino nga?” tanong ko ulit sa kanya. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.

Jahann looked at me and cocked his head on the side. “Seriously, Cherinna?” napailing itong muli sa akin. “I never loved anyone else aside from you. You’re the only girlfriend I had. Ikaw lang naman ang may ex sa ating dalawa,” sabi nito na bahagyang sumimangot. “Pakakasalan mo pa nga dapat, diba?” dagdag pa nito.

Hindi naman ako nakasagot dahil totoo naman ang sinabi nito tungkol kay Ian.

“See? Speechless ka ngayon,” sabi nito bago nagpatiuna na sa paglabas ng pagkain namin. Napanguso na lang ako at sinundan ito.

“Pwede tayong mag-overnight dito?” tanong ni Alyanna kay Jahann habang kumakain ng burger na hawak nito. “Or sa bahay na lang kaya tayo?”

She looked at me and smiled a little. “What do you think? Hindi naman nabago ang room mo sa bahay, eh. Mom said no one will change it except from you, Cherinna,” ngumiti siya sa akin.

Alam ko na nag-aadjust pa silang lahat sa sitwasyon namin. Bukod sa katotohanan na hindi ako Anderson, ang katotohanan na nagmamahalan kami ni Jahann, na may anak kami. If I will base on Alyanna’s expression, she’s still uncomfortable but I could see that she’s trying and that’s more than enough.

Hindi naman namin ineexpect na tatanggapin nila kami kaagad, ang tanging hiling lang namin ni Jahann ay maging bukas sila para sa aming dalawa.

Para sa pamilya namin.

“Oh, shoot.”

Napalingon kami kay Airi nang magsalita ito. Tumingin ito kay Jahann na tila may problema.

“Why? What’s wrong?” tanong ko kay Airi. Napakagat ito sa labi bago muling tumingin kay Jahann.

“Uhm, nothing,” tumawa ito ng marahan. “I have to go to Ai’s, may kailangan yata si Dean na tulong kasi,” sabi ni Airi sa akin. Mas kumunot naman ang noo ko. Alam ko na nagiging malapit na sila ni Dean sa isa’t isa pero hindi ko alam na palagi na ring nasa Ai’s si Airi ngayon.

“Jahann can drive you there and--”

“Just call Dean and tell him to pick you up,” putol nito sa sasabihin ko. Nilingon ko ito at nagkibit-balikat na lang ako. Sila naman na rin ang nakakaalam ng operations sa Ai’s kaya pinili ko na lang na hindi magsalita.

“Excuse me, tatawagan ko lang sina Mommy Hannah,” paalam ko na lang sa kanila bago nagtungo sa kwarto at maupo sa kama. Inabot ko na lang din ang cellphone kong nasa lamesa at may mga mensahe na ngang naroon at tawag mula sa mga magulang ko.

I dialed my mother’s number and waited for her to pick up the call.

“Cherinna,” sagot nito sa tawag ko. Sumandal ako sa headboard ng kama at niyakap ang unan na naroon.

“Hi, Mommy Hannah… uhm,” I cleared my throat. “Airi’s here and she mentioned what you and Daddy Hugh are planning about… Camilla…” diretsong sabi ko rito. Alam naman ni Mommy Hannah na hindi ko magawang tawagin na Tita ang kapatid ni Daddy Hugh.

“Yes, Cherinna. Your dad decided to just bring her to the States. Ang daddy mo lang naman ang aalis, inaayos na niya ngayon ang mga kailangan para makaalis na sila ni Camilla ng Pilipinas,” pagkukumpirma nito sa sinabi ni Airi. Napatango naman ako kahit pa hindi naman niya ako nakikita.

“How are you in there? Nakatulog ba kayo ng maayos ni Nikolai?” pangangamusta niya sa aming dalawa.

“Yes, we’re okay, Mommy Hannah. I think, mas mapapaaga naman din po ang pag-uwi namin kung makakaalis na sila Daddy,” sabi ko sa kanya. Iyon naman ang usapan. Kapag nakaalis na si Camilla ay babalik na kami ni Nikolai sa bahay.

“Yes, maybe after a week. Inaayos lang ng daddy mo ang mga medical records ni Camilla, maging ang mga papeles nito at makakabalik na kayo ni Nikolai,” I heard her sigh after talking.

“Are you okay, Mommy Hannah?” tanong ko sa kanya.

“Yes, I am… I am just sad that these things are happening to our family, Cherinna. Ako man ay gustong matapos na ang lahat ng ito…” saad nito sa kabilang linya. “We wanted to give you everything that is for you, but things that are not in our control kept on happening and I am sad that you are experiencing these things. Hindi dapat, eh,” muli itong huminga ng malalim.

I smiled a little.

“It’s okay, Mommy Hannah. What matters the most is we knew the truth and we met. We have a lifetime to know each other, to understand each other…” pampapalubag-loob ko rito.

“But you’re getting married soon,” sabi naman nito sa akin na nagpakunot sa noo ko.

“Po? Uhm, where did you get that idea?” tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa pinto. May nasabi ba si Jahann sa mga magulang ko?

“Hija, it will be normal if Jahann will ask you that. I just hope it won't be that soon. Gusto pa namin na makasama kayong dalawa ni Nikolai sa bahay, eh,” paliwanag naman nito sa sinabi nito kanina.

Napailing ako at ipinilig ang ulo. “If Jahann will ask me to marry him, Mommy Hannah, I will tell him to just live near the house, then,” pagbibiro ko rito. Hindi pa naman ako tinatanong ulit ni Jahann kaya naman hindi ko na muna sinabi iyon sa kanya.

“Please, do so, hija,” mukha namang gumaan na ang loob nito dahil sa sinabi ko sa kanya. Matapos ang maiksing kamustahan pa ay nagpaalam na ako rito. Nagbilin lang si Mommy Hannah sa akin na dadalaw sila sa amin ni Nikolai kaya naman pinadala ko na lang din ang address ng condo ni Jahann dito.

Matapos akong makipag-usap ay nagpunta na ako sa banyo para maghilamos. Mabilis ko lang ding ipinusod ang buhok ko at lumabas na rin pagtapos.

Wala na si Airi nang makalabas ako at nakita ko si Jahann na hawak ang phone nito at may tinitipa roon.

“Damn it,” usal ni Jahann na nagpalingon sa amin sa kanya ni Alyanna.

“What’s wrong?” tanong ko sa lalaki na nilingon ako at umiling. “Nothing…” humigpit ang hawak nito sa cellphone nito. Tumaas naman ang kilay ko rito dahil halatang may nangyari pero hindi nito sinasabi sa akin.

“I will just call Mom to go here, I need to go somewhere,” sabi ni Jahann sa amin ni Alyanna maya-maya. Mas lumalim ang kunot sa noo ko nang tumayo na ito.

“What’s wrong?” muli kong usisa nang hawakan ko ang kamay niya nang tumayo siya.

“Don’t tell me may nag-claim na nabuntis mo rin?” umirap naman si Alyanna sa lalaki. Tinitigan siya ng masama ni Jahann.

“I was just asking!” asik ni Alyanna sa kapatid.

“I will be back later,” sabi sa akin ni Jahann bago ginulo ang buhok ko at humalik sa ulo ni Nikolai. Kinuha nito ang susi ng sasakyan at lumabas na ng bahay nito.

Nakatingin lang ako sa pinto na nilabasan nito nang magsalita si Alyanna.

“I don’t think may nabuntis siyang iba, so, wag ka na mag-alala.”

Nilingon ko siya at inabot ang mug na tinimplahan ni Jahann kanina.

Hindi ko naman naiisip ang bagay na iyon. Nag-aalala lang ako na baka may problema sila at kailangan nila ng tulong.

I looked at my phone and saw Jahann’s message.

I’ll be back later. I love you.

I smiled a little and replied to his message.

I love you. I do.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.