Tinulungan ko na lang si Ate Mildred maghanda ng lunch namin ngayong tanghali. Tanging si Alyanna na lang ang naiwan doon dahil umalis na si Airi at Jahann. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari pero sabi ni Alyanna ay mukhang sa Ai’s ang problema dahil nagmessage sa kanya si Dean na cancelled ang shoot niya ngayong hapon.
“Ayaw mo bang dito na lang manatili kaysa sa bahay nila Mrs. Alcantara?” tanong ni Ate Mildred sa akin na siyang katulong ko sa pagluluto. I chuckled softly and looked at her. Alam ko na natakot talaga ito sa possibleng mangyari sa amin ni Nikolai dahil kay Camilla. Hindi ko naman din talaga siya masisisi dahil para na kaming pamilya sa kanya at ganoon din naman ang turing namin sa kanya.
“They are my parents, Ate,” mahinang sabi ko bago inilagay ang hipon sa may kaserola. Alyanna requested for a buttered shrimp for lunch kaya naman iyon ang ginagawa ko ngayon. “I know what happened was really scary, that’s why we are here, too… pero hindi ko naman pwedeng iwan sila basta, ngayon ko pa lang sila nakakasama…” dagdag kong sabi sa kanya bago ipinagpatuloy ang pagluluto.
“Pero kung ikakasal kayo ni Jahann, hindi ka na titira roon,” giit pa rin nito sa akin. Kumunot ang noo ko at muli itong nilingon. Hindi ko rin napigilan na hindi matawa dahil sa tinuran nito.
“Alam mo, ang advanced mo!” natatawa ko pa ring sabi sa kanya.
Alam ko naman ang bagay na iyon, natural lang naman din talaga na kung sakaling mag-asawa ako, kailangan kong umalis sa poder ng mga magulang ko. I already thought about that before.
Tiyak ko naman na hindi rin gusto ni Jahann na nasa poder kami ng mga magulang ko o nila Mommy. Mas okay pa rin na may privacy, at iyon din naman ang sinasabi sa amin nila Mommy noon pa man dahil noong nagpakasal si Mommy at Daddy, siniguro ni Daddy na may bahay sila at kaya niyang i-provide lahat ng kailangan ni Mommy at ng pamilyang bubuuin nila.
Hindi naman nabigo si Daddy na gawin ang mga ipinangako nito kay Mommy.
Napailing na lang ako habang nagluluto. Jahann once asked me about it and I wasn’t able to say yes, kanina ay nagreply ako sa kanya na may kasamang I do ngunit hindi ko naman alam kung nakuha ba ng lalaki ang ibig kong sabihin.
Of course I want to marry Jahann. Wala naman akong ibang gustong pakasalan maliban sa lalaki at wala akong ibang gustong makasama maliban dito.
Pero gusto ko rin na makasama ko na muna ang pamilya ko at makilala silang mabuti.
“Ang bango talaga,” ani Alyanna na nakasandal sa may pader sa may kusina habang nakatingin sa akin. “Alam niyo, bakit kayo marurunong kayo magluto? Samantalang ako…” napasimangot ito bago lumapit sa akin.
Napangiti naman ako nang marinig ko ang reklamo niya. Marunong akong magluto, marunong din si Jahann at si Airi. Tanging si Alyanna lang ang hindi dahil matatakutin ito lalo na sa pagpiprito dahil sa mga tumatalamsik na mantika.
“Here, tikman mo,” sabi ko sa kanya bago kumuha ng kutsara at ipinatikim ang niluluto ko. Lumapit naman kaagad ito sa akin at tinikman ito.
“Grabe, Cherinna. Ang sarap talaga,” papuri pa nito sa akin. “You should teach me sometime, you know? Lalo na sa baking…” sabi pa nito.
“Why? May pagbibigyan ka?” panunudyo ko naman sa kanya. She looked at me and rolled her eyes. “Wala, no. Ang lakas lang makaganda kaya kapag magaling magluto or magbake,” nakangusong sabi nito. Kumuha pa ito ng isang hipon at inihipan iyon.
“You’re beautiful already, Alyanna. Hindi mo naman kailangan maging magaling magluto, you just need to know how. Iyon naman mahalaga kasi ang satisfying din kapag gusto nila ang luto mo,” sabi ko sa kanya bago tinapik ang kamay nito nang akmang kukuha ulit ng isa pang hipon.
Ipinilig nito ang ulo habang nakatingin sa akin. “We never told you how lucky we all are to have you, didn’t we?” sabi nito habang nananatiling nakatitig sa akin.
Kumunot ang noo ko sa kanya. “Ano?”
She shrugged and looked at me. “Iniisip ko lang na simula bata tayo, you’re always there for us. Lalo na sa akin, and I was hard on you,” bigla itong sumeryoso kaya naman nawala na rin ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pumasok ang bagay na iyon sa usapan.
“It’s in the past, Alyanna,” usal ko sa kanya.
Umiling naman siya at tumingin sa akin. “I never got the chance to say thank you to you, Cherinna. I admit, sometimes, ang uncomfortable pa rin. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. You and Jahann… si Nikolai…”
Hindi naman ako nagsalita at hinayaan lang si Alyanna. Alam ko na kailangan niya rin naman talagang sabihin ang saloobin niya para lumuwag ang dibdib niya.
“Nakakapanibago, sa totoo lang,” muli itong tumingin sa akin. “But I saw how hurt Jahann was, I saw how hurt you were… and I know we’re part of the reasons why…”
“Alyanna…”
She reached for my hand and squeezed it gently. “Don’t feel guilty anymore, Cherinna…” She smiled a little. “Ikaw ang pinaka nasaktan, nahirapan at nagdusa sa nangyari. It’s time to be happy and I know Jahann can make you happy…”
Hindi ko alam kung bakit ngunit nag-iinit ang mga mata ko dahil sa sinasabi niya. Nakatingin ako sa kanya pababa sa mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
She smiled at me again and hugged me tight. “You deserve all the love and happiness this world has to offer,” bulong niya sa akin.
I hugged her tight. “I love you, Alyanna. That won’t change and you also deserve to have someone who will love you for who you are, and not someone who will love you when it’s just convenient for them.”
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako. “Shut up!”
Nagkatinginan kami bago sabay na natawa. Muli niya akong niyakap. “Huwag mong pinoproblema ang lovelife ko, okay?” sabi nito sa akin. Natawa na lang ako at tumango sa kanya. Of course I care for her, hindi ko gustong masasaktan si Alyanna.
After a few moments, nag-aya na rin si Alyanna na kumain kaya naman magkasabay na kaming dumalo sa hapag. Si Ate Mildred ay kasama ni Nikolai at nagsabi na sa amin na mamaya na lang siya kakain pagtapos namin at alam ko na kahit naman anong pilit ko sa kanya ay hindi siya papayag kaya hinayaan ko na lang.
Nang maghalos alas tres na ay dumating naman sa condo ni Jahann sina Keij, Theon, Kol, Lean at Enzo.
“What are you all doing here?” tanong ko sa kanila nang mailapag ko sa lamesa ang juice at ang mga baso.
“I heard that you’re staying here so I asked them to come with me!” sabi ni Lean sa akin habang nakahawak ito kay Theon. “Keij told me the one that took you away was staying in your house. Bakit naman ganoon?” tanong nito.
I looked at Keij who’s busy with his phone.
“Yeah, she’s actually my father’s sister, so…” I cleared my throat. “They’re doing something about it already. Napagdesisyunan lang muna namin na to make sure Nikolai and I are safe, we will stay here…” sagot ko naman kay Lean.
“Where’s Jahann?” luminga-linga si Theon para hanapin ang lalaki.
“Nasa Ai’s, may emergency yata sila kasi na inaayos,” sagot ko namang muli. Expected naman na hahanapin talaga nila si Jahann dahil bahay ni Jahann ito.
“Alam niyo, it’s a really good thing that you two are okay now. Nakakapanibago kaya kapag hindi kayo nag-uusap, no!” natatawang sabi ni Lean sa amin ni Alyanna. Si Alyanna naman na ang sumagot dito habang pinagmamasdan ko ang mga ito.
Despite all the things that happened, I am still thankful that I have them. Mula pagkabata, sila naman na talaga ang nakasama ko at kinilala kong pamilya kaya naman masaya ako na kahit pa nabago na ang apelyido ko, hindi nagbago ang pakikitungo nila sa akin.
We all witnessed the hardship Theon and Lean went through.
Somehow, they witnessed ours. Lalo na si Kol.
Pero inintindi nila kami kahit pa alam ko na maging sila ay nahirapan sa sitwasyon. Ganoon na lang talaga ang pasasalamat ko sa kanilang lahat.
“Can we go to Blue’s Haven later?” tanong ni Alyanna sa amin maya-maya. Kumunot naman ang noo ko sa kanya at umiling. Hindi ko naman pwedeng basta iwan si Nikolai at si Ate Mildred dito sa bahay ngayong gabi.
“Let’s just go to Sweet Desire,” sabi naman ni Kol na kinontra ang sinabi ni Alyanna. “You said you want something sweet, Enzo,” sabi nitong muli bago nilingon ang pinsan.
Enzo scoffed at Kol.
“Yeah, I think mas better mag-SD ngayon, Aly,” nilingon ni Lean ang babaeng nasa tabi nito. “May bagong labas na cookies din sila Tita Cristine, eh,” dagdag pa nito para bigyang ideya si Alyanna.
“Hmm… ‘kay,” she shrugged and looked at me. “You’re coming with us, right?” tanong niya sa akin dahil napansin nito marahil na hindi ako nakikisali sa pinag-uusapan nila.
“Ahm…” napakamot ako sa batok ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin na tila naghihintay ng sasabihin ko. “Ano kasi…”
“I think Nikolai is safe with Ate Mildred, Cherinna,” ani Enzo sa akin. Tinignan ko siya ngunit hindi naman na ito muling nagsalita pa.
“Sige na, Cherinna… hindi ka naman magtatagal. Hindi tayo gagabihin, promise!” sabi pa ni Lean sa akin na namimilit. Napailing na lang ako sa kanila.
“Oo na, pero hindi tayo pwedeng late umuwi, ha,” sabi ko sa kanila na sumasang-ayon na.
Matapos akong magbilin kay Ate Mildred ng mga kailangan ay umalis na rin kami agad. Good thing was they were all patient enough to wait for me while I fix myself. Kahit pa nagrereklamo sila ay wala naman na silang nagawa nang magsuot ako ng shorts at isa sa mga damit ni Jahann.
Kay Kol ako nakisabay habang nasa harapan si Enzo. Kasama ko naman si Alyanna sa likod dahil nasa sasakyan ni Theon si Lean at si Keij.
Nakatingin lang ako sa labas habang tinatahak namin ang daan papunta sa Sweet Desire. Maging si Alyanna ay tahimik lang din marahil ay dahil sa nasa kabilang sasakyan naman din talaga ang maiingay.
Gusto ko na lang din na matawa dahil walang kumikibo sa dalawang kasama namin.
“Goodness, parang si Jahann naman din si Cherinna sa katahimikan!” reklamo ni Alyanna sa akin. Nilingon ko ito at tinawanan ng mahina.
“What do you want me to do? Talk to myself?” tanong ko sa kanya. Inirapan naman ako nito kaya hindi ko napigilang mas matawa pa.
“Why are you hungry?” Enzo looked back to see Alyanna.
“Hindi, no,” muli nitong irap bago humalukipkip at tumingin na rin sa labas.
“You ready for later?” Kol asked Enzo after a few moments. Isinandal ko lang ang ulo ko sa balikat ni Alyanna habang nakatingin sa dalawang lalaki na nasa harap.
“Is he ready?” balik na tanong naman nito sa lalaki. Napailing na lang ako dahil hindi na sumagot si Kol kaya hindi ko na nasundan ang pinag-uusapan nilang dalawa.
Kol parked his car next to Theon’s car. Nauna naman na rin ang mga ito na lumabas at maupo sa pinupwestuhan namin.
Hinintay ko si Alyanna na makalabas bago kami naglakad palapit kina Lean. I took the vacant seat beside Keij and looked at him. Kunot-noo itong tumingin sa akin.
“Hindi tayo talo, kay Jahann ka na.”
“What?” malakas kong pinalo ang braso nito habang natatawa. “Siraulo ka talaga,” sambit ko habang patuloy ang pagtawa.
Sina Kol at Enzo na ang umorder ng kakainin namin, nabanggit ng mga ito na kakain kami mamaya ng dinner na magkakasama kaya wala naman na rin akong nagawa kundi tumango.
I took my phone from my pocket and checked if Jahann sent me a message. I frowned a little when I didn’t see any message from him. Mabilis akong tumipa ng mensahe para sa kanya.
Hey, is everything okay?
I was tapping my phone’s screen while waiting for his response. Nakabalik na sina Kol pero wala pa ring reply si Jahann. Iniisip kong tawagan ito ngunit naisip ko rin na baka may ginagawa pa ang mga ito na importante.
“You okay?” tanong ni Alyanna sa akin na sinagot ko naman ng marahan na tango. Ibinalik ko na lang sa bulsa ko ang cellphone ko at nakisali sa pinag-uusapan nila.
“Balita ko may girlfriend daw talaga si Kevyn, Lean…”
I looked at Alyanna while they were talking. Hindi na naging klaro pa sa akin kung ano pa ba ang pinag-uusapan ng mga ito, nakaupo lang ako roon habang kumakain ng cheesecake at umiinom ng iced coffee.
“What do you think, Cherinna?” untag ni Alyanna sa akin. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Napalingon din ako sa mga kasama namin na ang mga mata ay nakatingin sa akin.
“Uh… sorry. What was that?” I asked her. Namula ang pisngi ko dahil sa pagkapahiya. Sinimangutan naman ako ni Alyanna bago inikot ang mga mata.
“I said daanan na lang natin sina Jahann at Airi, what do you think?” ulit nito sa tanong sa akin. Hindi ko na nasundan ang pinag-uusapan nila kanina at nakarating na ito kina Jahann at Airi na nasa Ai’s.
“Uhm, sure. Though I don’t think this is the right time? Mukhang may inaasikaso sila roon, eh,” sagot ko naman kay Alyanna.
“Kakain lang naman tayo, eh. Eh, di bumalik sila pagtapos,” nakasimangot na sabi ni Keij. “Tara na,” aya nito sa amin na nauna pang tumayo.
“Excited ka?” tumayo na rin sina Alyanna at Lean. Inayos ko lang muna ang lamesa at ang mga platito na naroon bago sumunod sa kanila. Si Kol at Enzo na ang nagpaalam kay Tita Cristine na nasa loob ng shop. Lumabas naman ito at kumaway sa amin bago kami tuluyang umalis sa Sweet Desire.
Inabot sa akin ni Enzo ang isang naka-box na cake.
“What’s this?” tanong ko sa kanya habang nakatingin doon.
“Jahann told us to buy that,” he shrugged and looked at the road again. Nagtataka man ay ipinatong ko na lang sa mga hita ko ang box ng cake at hinayaan si Kol na magdrive.
“They’re not answering my calls,” reklamo ni Alyanna sa akin habang hawak ang phone nito. Tinatawagan nito si Airi at Jahann pero walang sumasagot sa mga ito.
“Baka busy,” sabi ko na lang na sinilip din ang cellphone ko para tingnan kung may mensahe si Jahann ngunit wala rin akong nakita.
When we reached Ai’s, Kol parked his car next to Jahann’s car. Isinunod naman ni Theon ang sasakyan nito.
I looked at the building and heaved a sigh.
Hindi ko alam kung bakit parang pinanlalamigan ako ng mga paa at kamay habang naroon kami. Hinawakan ko na lang ang cake na dala ko at bumaba na ng sasakyan.
“Let’s go?” aya ni Kol sa amin na tinanguan ko naman. Nakasunod lang ako sa kanila at dahil kilala aman kami ng guard doon ay pinapasok naman na kami agad.
Lumilinga ako sa paligid habang naglalakad kami. Nagtungo kami sa studio kung saan naroon sina Jahann.
“Uh, wait. Mag-CR lang ako,” paalam ko sa kanila bago nagtungo sa banyo sa kabilang pasilyo. Wala namang sumama sa akin kaya mag-isa lang akong nagpunta roon. Inilagay ko na lang ang cake sa may lababo dahil nadala ko pala at hindi ko naiwan kina Kol.
Nang maglakad ako pabalik ay wala akong marinig na kahit anong ingay na nakakapagtaka. I just shrugged and walked towards the studio.
Nang makapasok ako sa loob ay ganoon na lang din ang pagtataka ko nang wala akong makitang kahit na sino.
Luminga-linga pa ako para hanapin ang mga kasama ko.
“Alyanna?” I called her. “Kol?”
What the hell?
Maybe I entered the wrong studio?
I heaved a sigh and walked towards the door when I heard footsteps. I immediately turned around and saw Jahann standing behind me.
“Hey…” I looked at her and smiled a little.
“Where are the others and…” kumunot ang noo ko sa kanya. “Is everything okay?” I asked him.
Jahann looked at me and smiled. Itinaas nito ang kamay at hinaplos ang pisngi ko. “Ang ganda mo.”
My face turned red with that compliment. He always does that but I don’t know why I feel extra today…
“Silly, where are the others?” I asked him again to hide my embarrassment. I looked around but Jahann held my hands.
Kinuha nito ang hawak kong cake at dinala iyon sa may lamesa. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko nakita ang ginawa nito.
He smiled at me when he faced me again.
“Are you going to tell me where they are?” natatawang sabi ko sa kanya nang naglakad siya papalapit sa akin.
“Sure, but first, dance with me…” he said as he reached for my hand again.
“What?” takang tanong ko sa kanya. “Jahann, nasaan na ba kasi sila?” tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon pero mabilis na ang pagtambol ng puso ko sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
“Dance with me first, baby,” he said softly.
Napapailing na lang ako at hinawakan ang kamay niya. “Okay…” I smiled a little and found this really silly. Hindi ko alam kung ano ba ang nakain ni Jahann at may paganito ito ngayong araw.
He pulled me closer and I couldn’t stop to chuckle.
Napalingon ako nang may biglang tumunog mula sa speaker na naroon sa may studio.
I looked at Jahann.
It was the song we danced to after our birthday… well, Alyanna and Airi’s birthday…
Muling napako ang mata ko kay Jahann habang hinawakan niya ang bewang ko at nagsimulang sumayaw. I was just staring at him while we were dancing.
A dangerous plan, just this time
A stranger's hand clutched in mine
I'll take this chance, so call me blind
I've been waiting all my life
Nag-iinit ang mga mata ko habang nakatingin kay Jahann. He was smiling at me while his eyes were also clouding. He held me gently as I made a small twirl.
I watched him as he guided me to move and be in sync with him.
I was made for loving you
Even though we may be hopeless hearts just passing through
Every bone screaming, I don't know what we should do
All I know is, darling, I was made for loving you
I smiled a little as tears escaped my eyes. I remember what we went through. All the hardships we both went through because we fell in love with each other…
Mga panahon na akala ko, wala na kaming pag-asa na dalawa.
Mga panahon na akala ko mawawala na si Jahann sa akin ng tuluyan…
Mga panahon na nalaman namin pareho ang totoo…
Please don't go, I've been waiting so long
Oh, you don't even know me at all
But I was made for loving you
I smiled a little as tears escaped my eyes. I remember what we went through. All the hardships we both went through because we fell in love with each other…
I stopped moving and looked at him.
Jahann stayed still and stared at me. A small smile appeared on his lips. He chuckled softly as he wiped his tears and looked at me again.
He heaved a sigh as he kneeled down in front of me.
What…
He looked at me while he was kneeling and opened the small box he was holding.
“Jahann…” pinagmasdan ko ang lalaking nakaluhod ngayon sa harap ko.
“What…”
“Baby, I know this might be the most imperfect time to ask you this, but with what happened, I don’t want to wake up the next day knowing you are not mine… knowing I let another day pass by that I wasn’t able to ask you this…”
I bit my lip as I continued to cry while looking at Jahann. I looked down as I tried to control myself from crying.
“I love you. I love you so much and I don’t care if you are not an Anderson. Baby, I will make you one. I want to spend the rest of my days with you, Cherinna… I want to wake up with you and Nikolai by my side, baby…”
“I love you with all of me,” he heaved a sigh again and looked at me. “Will you marry me, Creep?” he asked while staring at me.
I sniffed and looked at him. I wiped my tears and leveled my face to him and hugged him tight.
“Of course…” I replied while crying. “Of course, I will marry you!”
I felt Jahann hugged me tight and all the lights were turned on and everybody showed up to witness what happened.
“What…?” I looked around and they were cheering and clapping for us.
I looked at Kol and Enzo who were looking at us.
They seriously need some explanation!
All along, ako pala ang may dala ng singsing na ibibigay ni Jahann sa akin.
Grabe talaga itong tatlong ito. Ang lalala!
I looked at Jahann and he smiled at me. He wiped my tears and kissed my forehead. Iniyakap ko ang kamay sa bewang niya nang makatayo kami.
Agad naman niyang inabot ang kamay ko at isinuot ang singsing sa daliri ko.
I looked at him and he smiled at me.
“I love you… so much…”
“I was made to love you…” I smiled a little and hugged him tight.
He pulled me and kissed my lips in front of them.