Chapter Forty One

NAMIMIGAT ang talukap ng mga mata ko nang magising ako. Pakiramdam ko’y kulang na kulang ako sa tulog pero bahagya namang nawala ang sakit ng ulo ko.

Hinila ko ang comforter at tumagilid. Inaantok pa rin ako kaya naman napagdesisyunan ko na lang na bumalik sa pagkakatulog.

Iminulat ko ang mga mata para tignan ang oras sa orasang nakapatong sa gilid ng kama ko. Kumunot ang noo ko nang wala akong makitang orasan doon. Lampshade lamang na kulay puti ang naroon.

Dagli akong napabangon at pinagmasdan ang kwartong kinaroroonan ko.

“What the…” napabuga ako ng marahas nang mapagtanto kung nasaan ako. Sumandal ako sa headboard ng kama at isinuklay sa buhok ko ang mga daliri ko habang pilit binabalikan ang nangyari sa school bago ako… nawalan ng malay.

Yeah, I passed out. Sobrang nahihilo ako at idagdag pang wala naman akong kinain maghapon.

Napatuwid ang likod ko nang maalala ang eksena bago ako nawalan ng malay.

Jahann won! Pati si Iris… naghalikan sila?

“Damn! Why do I have to be so weak?!” inis na sabi ko bago pinalo ang ulo ko.

Nagkakamot ako ng ulo nang bumukas ang pinto, awtomatiko naman akong napatingin doon. Si Jahann ang unang nakita ko. Tila ito nabunutan ng tinik sa dibdib nang nakitang gising ako. Humakbang siya papalapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya.

Hinalikan kaya niya si Iris?

“Finally, you’re awake…” mahinang sabi ni Jahann sa akin, may munting ngiti rin akong nakita sa mukha niya.

“Hina—“

“She’s awake guys!”

Napalingon ako sa pinto nang sumungaw ang ulo ni Aly. They’re here, too? Lumingon ako kay Jahann pero bago pa ako makapagtanong sa kanya ay nagsipasok na silang lahat. Agad na naupo si Aly sa tabi ko at isinandig ang ulo sa balikat ko.

“You got us all worried, Twin! Akala namin ay napano ka na…” sabi ni Aly sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. “I’m fine. Nahilo lang talaga ako…” sagot ko nang hawakan ko ang kamay niya. Ngumiti rin ako sa kakambal ko.

“Crowded naman kasi ‘don. Kahit open space, ang daming tao. Are you sure you’re okay now?” nag-aalalang tanong ni Lean sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Si Keij ay nakaupo sa may couch na naroon katabi si Theon. Si Enzo naman ay nakatayo habang nakakrus sa dibdib ang mga braso at si Kol ay nakasandal sa may hamba ng pintuan habang nakatingin sa akin.

“Anong ginagawa niyong lahat dito?” tanong ko sa kanila. Ang alam ko kasi ay wala namang ibang pinapapunta si Jahann sa bahay niya. Liban kay Kol gaya noong nakaraang sinundo niya kami ni Jahann.

Naglakad si Jahann papunta sa bintana at sumandal doon habang nakatingin sa akin.

“Dapat sa hospital ka namin dadalhin nung nawalan ka ng malay. Enzo said, you’re juswt exhausted… and hungry? Kasi hindi ka naman kumain, diba? Instead of bringing you home—na malamang ay magwawala si Mommy kapag nalamang nahimatay ka, sinabi ni Jahann na dito ka na lang dalhin, sumama kaming lahat…” mahabang paliwanag ni Aly. “Are you sure you’re okay? Kalahating araw ka pa lang namang hindi kumakain, nahimatay ka kaagad…” nilangkapan ni Aly ng pagbibiro ang sinabi nito.

“I’m fine now. Nahilo lang talaga ako,” muli kong sagot sa kanya.

“Guys, you’re all here. Nag-CR lang ako, eh…”

Napalingon ako sa bagong pasok sa kwarto.

Pati si Iris, nandito?

“How are you, Cherinna?” naglakad ito papalapit sa akin at naupo sa kabilang gilid ko. “Nag-alala kami sa’yo,” hinawakan niya rin ang kamay ko. Hindi naman ako nakakibo. Nakatingin lang ako sa kanya.

Hinalikan siya ni Jahann?

Ang pagkakaalam ko, hindi pa siya hinahalikan ni Jahann bago ako nahimatay… possible bang tinuloy pa rin iyon kahit na nahimatay ako?

Hindi kailanman ko ginustong gumawa ng eksena o sumira sa eksena ng iba, pero parang gusto kong magpasalamat na nahimatay ako… kung sakaling hindi natuloy ang paghalik ni Jahann kay Iris.

“Twin… huy!” tinulak ako ni Aly kaya kamuntik akong bumagsak sa sahig.

“Alyanna, be careful!” biglang sabi ni Jahann na hinawakan ang braso ko.

“Sorry. Kasi naman, kanina pa ako tawag ng tawag sa’yo, titig na titig ka kay Iris. Anong nangyayari sa’yo?” tanong ni Aly sa akin. Umiling ako. “Na…” tumingin ako kay Jahann na hawak pa rin ang braso ko. “Naisip ko lang ‘yung nangyari. Lahat kayo naistorbo ko pa…”

“Baliw ka talaga. It’s fine. Wag mong isipin ‘yon,” niyakap ako ni Aly kaya naman binitawan na ni Jahann ang braso ko.

“I bet you’re hungry,” ngumiti si Lean sa akin. “Nagpadeliver na si Kol kaya maya-maya lang, nandito na ‘yon…” dagdag pa niya. Nilingon ko si Kol na nakasandal pa rin sa may hamba ng pintuan. Nakapamulsa ito at nakayuko.

“I’ll just wash up,” tumango ako sa kanila. Pumayag naman sila sa akin at isa-isang lumabas.

“Jahann, pakikialaman na namin ang kusina mo, ah?” narinig kong sabi ni Keij kay Jahann. Hindi naman sumagot si Jahann dito.

“Jahann, let’s leave her for the meantime,” mahinahong sabi ni Kol kay Jahann.

“I’ll just follow you,” sagot ni Jahann kay Kol. Nakita ko ang hesitation ni Kol na iwan kaming dalawa pero sa huli ay lumabas na ito at hinila pasara ang pinto.

Nakayuko lang ako at hinihintay na lumabas si Jahann. Nakatayo pa rin siya sa gilid ng kama habang nakatingin sa akin.

Napakamot ako sa batok ko.

“Sorry…” mahinang sabi ko. “Nag-alala ka. Sorry…” huminga ako ng malalim.

“I was fucking worried about you, Creep…” mahina pero madiin ang pagkakasabi ni Jahann. Mas lalo naman akong napayuko at tinitigan ang taling itim na nasa kamay ko.

Wala akong maisip na sabihin sa kanya. Wala akong maisip na isagot. Alam ko namang nag-alala siya sa akin.

“You have no idea how many times I stopped myself from opening that damn door just to see you. Just to make sure you’re okay, that you’re fine,” mahina pa rin ang boses ni Jahann ngunit malinaw at klaro kong naririnig ang sinabi niya.

Hindi ako kumibong muli.

“Creep…” nabakasan ko ang paglambot ng boses niya ng tawagin ako. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mukha ko.

“I don’t have anything to say. I’m really sorry…” malakas lang sa bulong na sabi ko bago muling nagyuko ng ulo.

Bakit hindi niya sinasabi sa akin kung hinalikan niya si Iris? Naghihintay ako…

Kumibot ang labi ko na muling nag-angat ng tingin kay Jahann. “What… what happened after I… I passed out?” tanong ko sa kanya. Hinalikan mo ba si Iris? Gusto kong idagdag.

Tumaas ang isang kilay ni Jahann sa akin.

“I mean… after I passed out, tuloy pa rin naman ang program at…” napasandal ako sa headboard ng kama nang nakita kong ngumiti ng maliit si Jahann.

“Nevermind!” I snorted.

Maybe he kissed her.

“Lumabas ka na nga,” sabi ko sa kanya bago tumayo at nilagpasan siya pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko.

“You want to know If I kiss Iris?” he smiled playfully. I glared at him. “You kissed her?” mahinang tanong ko sa kanya habang masama pa rin ang tingin.

Tuluyan nang ngumiti si Jahann. “Do you really want me to answer that?”

Gusto kong burahin ang ngiti sa mukha ni Jahann dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ba ‘non ay hinalikan niya talaga si Iris?

Kumuyom ang palad ko.

“Bitawan mo ako,” hinihila ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

“Do you want me to describe what I felt, Creep?” inilapit niya pa sa tainga ko ang labi niya.

“Bitawan mo nga ako!” asik ko sa kanya bago marahas na binawi ang braso ko. “I so hate—“

“I won’t say it. That’s your punishment for scaring me,” nawala ang ngiti sa mga labi ni Jahann habang nakatingin sa akin.

“What?”

“You’ll be damn curious…” he shrugged before walking towards the door. “Wala ka ring mapagtatanungan,” nilingon niya ako bago muling ngumiti. “I’ll wait for you, hurry up…” sabi nito bago tuluyang lumabas at iniwan ako sa loob ng kwarto.

What the hell?

Hinalikan ba niya o hindi?

Ugh! Okay, so my boyfriend kissed someone else. Anong dapat na reaction ko?

Impit akong napatili bago pumasok sa loob ng banyo at naghilamos. Nagpupuyos pa rin ang kalooban ko sa ginawa ni Jahann.

Pwede naman niyang sabihin na lang sa akin kung hinalikan ba niya si Iris o hindi, bakit kailangan pa niya akong pahirapan?

Wala akong mapagtatanungan. Totoo naman. Though Kol’s here, kailangan kong humanap ng tiyempo na kaming dalawa lang at hindi nila kami maririnig. Magtataka sila na magtatanong ako kung natuloy ba ang paghalik ni Jahann kay Iris.

Ipinusod ko na lang basta ang buhok ko nang lumabas ako ng kwarto. Nasa may living room sila at kumakain ng pizza, burger at fries. Nag-angat ng tingin sa akin si Jahann pero inirapan ko ito.

Dumiretso ako sa kusina niya at kumuha ng tubig. Pagharap ko’y kamuntik ko pang mabagsak ang baso nang nakita ko si Iris na nakatingin sa akin.

“M-may problema ba?” tanong ko sa kanya.

Nakangiti siyang umiling.

She’s happy? Ibig sabihin ay hinalikan nga siya ni Jahann?

Damn it!

“Ah, sige. Puntahan ko na sila,” sabi ko sa kanya bago nagpunta sa living room at nakipagsiksikan sa sofa na inuupuan nila Aly pero tinulak naman ako ni Aly.

“Makatulak ka. I passed out, remember?” nakasimangot na sabi k okay Aly.

“You’re okay na,” ngumisi naman siya sa akin. Inirapan ko naman ito. Napalingon naman ako kay Jahann na bakante ang katabing espasyo. Tinignan niya rin ako at ipinilig pa ang ulo sa akin.

Asa ka.

Lumapit ako kay Kol at naupo sa tabi nito. Umusog naman si Kol para bigyan ako ng space. Lahat sila ay nakatingin sa malaking screen na naroon habang patuloy lang akong kumakain. Iniiwas ko kay Jahann ang tingin ko.

“Baka hindi ka naman matunawan niyan,” bulong ni Kol sa akin. Nilingon ko siya. Bahagya siyang nakayuko sa akin.

Tanungin ko kaya kay Kol?

“Cherinna.”

Napaitlag ako nang pitikin niya ang ilong ko.

“Aray!” pinanlakihan ko siya ng mata bago tinakpan ang ilong ko ng kamay ko. Ngumiti naman si Kol sa akin.

“Guys, dito na lang kaya tayo matulog?” biglang sabi ni Lean. Napalingon naman kaming lahat sa kanya.

“Yeah! I think that’s a great idea!” pagsang-ayon naman ni Aly dito. Napatingin ako kay Jahann na nakakunot ang noo.

“Aly, baka pagalitan tayo nila Mommy…” sabi ko kay Aly na ngiting-ngiti na. Halata naman sa pagkakakunot ng noo ni Jahann na ayaw nito sa naisip nilang gawin.

“Twin, kay Jahann namang bahay ‘to. It’ll be fine! I’ll call Mom…” ngumisi siya sa akin bago tumayo habang dala-dala ang phone nito.

“Enzo, ikaw na ang magpaalam kay Dad, ha?” malambing na sabi naman ni Lean sa kakambal nito.

“Bal, alam mo na…” ani Keij kay Kol.

“Kayo na may kapatid,” sabi naman ni Theon bago uminom sa hawak na baso. Natawa naman kami sa kanya.

Tatlo naman ang kwarto sa condo unit ni Jahann. Pwedeng magkakasama kaming mga babae sa kwartong tinulugan ko at ang mga lalaki sa isa pang kwarto.

Napailing na lang ako nang magplano na sila ng mga papanuorin sa buong magdamag na magkakasama kami.

Nakaupo lang ako at nanunuod habang nagkukuwentuhan sila ng kung ano-ano.

Napalingon ako nang dumikit sa akin si Kol. Nilingon ko ito at nakita kong si Jahann na ang katabi ko.

Tinignan ko ito ng masama. Ano bang ginagawa niya? Baka mamaya ay may maghinala na sa aming dalawa dahil lagi kaming magkadikit.

Akmang tatayo ako nang pigilan ni Jahann ang braso ko. Tinignan ko lang siya. Nasa screen ng TV ang paningin niya. I rolled my eyes. Naupo na lang ako at nanuod at pilit hindi pinapansin si Jahann sa likod ko.

Si Enzo ang nagluto ng late dinner naming na tinulungan ni Keij at Theon. Hindi ko alam kung napagpasensyahan ba ni Enzo ang dalawang iyon o nakaupo lang sila habang pinapanuod si Enzo. Si Kol naman ay muling nagpadeliver para ipangdagdag sa pagkain na naroon.

“Jahann, vacant ba ‘yung unit sa kabila?” tanong ni Iris habang kumakain kami. Napaangat naman ang tingin ko sa kanya.

“Bakit, Iris? May balak kang bilhin?” natatawang tanong ni Aly sa katabi. Tumango naman si Iris. “Mukhang maganda naman dito, eh. Sinabi ko na rin naman sa Dad ko na gusto kong magka-condo. Siguro ay ‘yung sa kabilang unit na lang ang bibilhin ko…” ngumiti siya sa amin.

“Iba ka talaga,” natatawang sabi ni Keij bago nagpatuloy sa pagkain.

Hindi naman ito pinansin ni Iris. Sa halip ay muling tumingin kay Jahann. “Vacant ba, Jahann?” mas malambing sa karaniwang lambing na tanong ni Iris.

Pinigilan ko ang sarili kong mapaismid.

“I don’t know. I don’t really care about my neighbors,” kibit-balikat na sagot ni Jahann kay Iris. “Pero siguro naman kung magiging magkapit-bahay tayo, magkakapakialam ka na,” sagot nito.

“Cherinna, madurog mo ‘yung plato. Pork chop lang ‘yan, ‘di ‘yan lalaban…” sabi ni Theon sa akin.

“Ha?” tanong ko sa kanya bago ko niyuko ang pagkain ko. Gusto kong magmura dahil hindi ko napuna na napakaliit nan g hiwa na ginawa ko.

Nag-angat ako ng tingin kay Theon. “Ganito talaga ako kumain ng pork chop,” ngumisi ako bago sumubo.

“Do you want me to ask the admins, Iris? Baka bakante ang kabilang unit…”

Natigilan ako nang magsalita si Jahann. Pinigilan ko ang sarili kong lingunin siya.

Mas pinanggigilan ko ang paghihiwa sa pork chop dahil sa nangyari.

“Ako na nga,” ani Kol na pinaghiwa ako ng pork chop. Hindi naman ako nagsalita pa.

Matapos kumain ay nagprisinta na ako na maghugas ng pinagkainan namin para na rin makaiwas kay Jahann.

I get it. Naiinis siya kasi nag-alala siya sa akin pero… kailangan ba talagang sweet siya kay Iris? Alam naman niyang may gusto sa kanya si Iris pero gaganon siya. Talaga naman!

Ipagtatanong niya pa sa admins kung bakante ang unit sa kabila. Bakit hindi bumili ng condo si Iris sa Batanes? ‘Yung malayo sa amin. Tutulungan ko pa siya.

“Inaasar ka lang ni Jahann,” napalingon ako nang magsalita si Kol sa gilid ko.

Tinignan ko lang siya pero hindi ako nagsalita. “He’s dire worried about you, Cherinna…”

“Obvious nga,” I rolled my eyes. God. Alam ko namang nag-alala talaga siya sa akin. Pero hindi ko mapigilan ‘yung selos na nararamdaman ko.

Ginulo ni Kol ang buhok ko bago ako tinulungan sa ginagawa ko. Bumalik kami sa kanila pagkatapos. Magkatabi si Jahann at Iris.

Naupo na lang ako at tahimik na nanunuod.

Bandang alas-dos na nang magsipasok sila sa kwartong naroon. Dahil nakatulog ako ay hindi pa ako kaagad inantok. Sa halip ay sinimulan ko na lamang ligpitin ang kalat na nasa living room.

“You’re still mad at me?” tanong ni Jahann na nagdadampot din ng kalat. Hindi ko siya nilingon. Hindi ko siya sinagot.

“Creep…”

Muli, hindi ko siya sinagot. Dinala ko sa kusina ang mga hawak ko at inilagay sa lababo ang mga hugasin. Pagharap ko ay naroon si Jahann sa mismong likod ko kaya naman magkalapit lang ang mukha naming dalawa.

“Move,” sabi ko sa kanya.

Lumapit siyang lalo sa akin at itinukod ang kamay sa may lababo kaya naman nakulong ako sa pagitan ng lababo at katawan ni Jahann.

“I said move, Jahann…” iniwas ko ang mukha sa kanya.

“Sorry na…” ani Jahann bago ako niyakap.

“Jahann!” mahinang asik ko na may kasamang tulak sa kanya. “Jahann! Nababaliw ka na ba?!” tanong ko sa kanya. Paano kung may makakita sa aming dalawa?

“Jahann!” hinawakan ko ang braso niya pero mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

“Sorry na, Creep…” bulong niya sa akin.

Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko. “Fine. Okay na. Now, let me go…” hinawakan ko ulit ang braso niya at tinatanggal ito sa pagkakayakap sa akin.

Lumayo lang siya ng kaunti sa akin pero hindi niya ako binitawan. “I love you…” masuyong sabi niya bago mabilis na hinalikan ang labi ko.

“Jahann!” pinanlakihan ko siya ng mga mata.

“I locked their doors,” ngumiti siya sa akin. Hind ko napigilang paikutin ang mata. “Bitawan mo na ako. May lilinisin pa ‘don,” sabi ko sa kanya.

Tumango siya ngunit bago ako bitawan ay muli akong hinalikan sa mga labi. Pinanlakihan ko sya ng mga mata.

Magkatulong naming nilinis ang living room. Naupo naman ako sa sofa na naroon nang matapos kami. Tumabi sa akin si Jahann.

“Paano kung tumira nga si Iris sa kabilang unit?” tanong ko sa kanya.

“Eh, di tumira siya,” nagkibit-balikat si Jahann.

“Alam na niya ‘yung bahay mo…” sumandal ako at pumikit.

“Your fault,” natatawang sabi nito sa akin. Tinignan ko naman siya ng masama. “Kunwari ka pang ayaw mo. Hinalikan mo nga siya,” irap ko sa kanya bago iniwas ang tingin.

Nabigla ako nang may unan na tumama sa ulo ko.

“Aray!” Nilingon ko si Jahann na bigla akong niyakap.

“What made you think I’ll kiss her? Or anyone else?” tanong niya sa akin.

Nag-angat ako ng tingin kay Jahann. “Hindi mo siya hinalikan?” tanong ko.

“Silly. Why would I kiss her when I am damn crazy about your lips?” hinawakan ni Jahann ang ibabang labi ko. Nag-iwas ako ng tingin. My breathing became heavier…

“B-bakit hindi mo si-sinabi na lang sa akin?” tanong ko na nakaiwas pa rin ang tingin kay Jahann. Pakiramdam ko ay gustong kumawala ng puso ko mula sa dibdib ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Jahann sa pisngi ko. “I want you to realize that even before you asked me, you already knew the answer…” he softly whispered. His breathe fanned my cheeks again.

Kinagat ko ang labi ko bago huminga ng malalim. “I think I should go…” nag-angat ako ng tingin kay Jahann. Mas madilim sa karaniwang itim ang mata ni Jahann.

“Yeah, you should go…” mahinang sabi niya sa akin. Unti-unting bumababa ang mukha niya sa akin.

“Jahann…” wala akong ibang naririnig kung hindi ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Damn, this is wrong! Wrong in so many levels.

“Creep…” tinawid ni Jahann ang maliit na distansya ng mga labi namin at tuluyan ng inangkin ang labi ko. Humigpit ang yakap niya sa akin habang patuloy ang paghalik sa mga labi ko.

He bit my lower lip, a moan escaped from my lips.

“Damn!” he cut off the kiss and closed his eyes.

Nakatingin lang ako sa kanya habang habol ang hininga.

“You should go, Sleep, Creep…” tumayo si Jahann kahit pa ba ramdam ko na ayaw niyang lumayo sa akin.

Tumango ako. “Yeah…” I closed my eyes. Huminga ako ng malalim. “Matulog ka na rin…” sabi ko sa kanya bago ako tumayo. Naglakad na ako at nilagpasan siya nang huminto ako.

“Don’t be sorry about what happened,” nararamdaman ko pa rin ang init ng mga labi ni Jahann sa labi ko. Nanginginig maging ang mga tuhod ko. “Gi-ginusto ko rin iyon… goodnight,” mariin kong ipinikit ang mata ko bago pinilit ang sarili na humakbang ngunit maagad akong hinapit ni Jahann.

“Damn. I’ll definitely going to hell now,” he said before claiming my lips once again. I wrapped my arms around his neck and I heard him moan my name.

“Forget everything. Just fucking forget everything,” he whispered again.

Naramdaman ko ang pagbukas ni Jahann ng pinto ng kwarto niya maging ang paglapat ng katawan ko sa kama.

I guess, we’ll both going to hell in the end.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.