Chapter 51

ISA SA MGA gusto ni Sasha kapag kasama niya si James Salgado ay nakakalimutan niya ang ibang mga bagay at nawawala ang stress niya. He became her recharge. Kaya kapag hindi niya ito kasama, kahit gaano katambak ang trabaho niya at kahit gaano karaming tao ang kailangan niya harapin, ngitian at kausapin, hindi nababawasan ang energy niya. Lalo na kapag naiisip niya na sa susunod na free time niya, magkakasama sila uli.

Narealize niya iyon sa mga sumunod na araw pagkatapos ng gabing nanatili siya sa bahay ng binata. Papalapit na ng papalapit ang eleksyon at kahit maganda naman ang standing ng party list nila sa mga survey ay gusto pa rin nilang makasiguro na talagang mananalo sila. Kaya ang campaign schedule na dating fully packed, umaapaw na ngayon sa dami ng lugar na kailangan nila puntahan.

Sa ikalawang linggo mula nang huli magkita sina Sasha at James ramdam niyang tuluyan na talagang mauubos ang energy niya sa pagod. Tatawagan na sana niya ito para malaman kung may free night ito sa schedule nitong noong huli silang mag-usap ay jampacked din dahil sa bagong fashion show na idi-direct nito. Kaso biglang nagpatawag ng meeting ang campaign managers para sabihing lilipad sila papuntang Visayas bukas na bukas din. Ayon kasi sa data na nakalap ng staff nila mahina pa rin sila sa bahaging iyon ng bansa kaya kailangan magpakita at magparamdam sa masa.

Stressed na nga si Sasha sa biglaang schedule nadagdagan pa nang pag-uwi niya sa condominium building niya kinagabihan, nasa ground floor lobby ang kaniyang ina. Nakaupo ito sa sofa sa waiting area at may kasamang isang guwapong lalaki na kahit anong anggulo tingnan ay halatang mas bata pa sa kaniya. Probably her new boy toy.

Uminit agad ang uli niya nang magtama ang mga paningin nila ni Vivian Dela Torre. Tumiim ang mga labi niya bago iniwas ang tingin at binilisan pa ang lakad. Wala siyang balak pansinin ito. Pero bago pa siya makalapit sa elevator nag echo na sa lobby ang boses ng kanyang ina.

“You can’t ignore me forever. Gusto mo bang mag eskandalo pa ako para lang kausapin mo ako?”

Napahinto si Sasha at marahas na nilingon ang ina. Mariing kumuyom ang mga kamao niya nang makita na kahit walang lukot ang mukha nito ay halata ang iritasyon sa mga mata nito. Na para bang ito pa ang may karapatan maging annoyed.

“Oh, sorry. Matagal na kasi kitang hindi nakikita kaya hindi kita nakilala agad. I think you are getting too addicted with botox, mother.”

Naningkit ang mga mata ni Vivian at tumayo. Lumagutok ang takong nito sa bawat hakbang palapit sa kaniya. Sobrang tinding pagtitimpi ang ginawa ni Sasha para huwag umatras. Naamoy pa lang niya ang matapang na pabago nito para nang nilalamutak sa galit at pagrerebelde ang sikmura.

“Anong kailangan mo sa akin?” mahina at malamig na tanong niya nang huminto na sa mismong harapan niya ang ina. Mabuti na lang talaga walang ibang tao sa lobby maliban sa kanila at sa dalawang receptionist slash security na tiwala siyang magkukunwaring walang nakikita at naririnig.

“You are really a rude daughter. Ganiyan mo talaga kausapin ang nanay mong halos isang taon mo nang hindi nakikita?” inis na tanong ni Vivian.

“I’m surprised you know how long it has been, mother. The last time I checked you were too busy travelling with your rich friends and fucking young boys.” Sinulyapan niya ang lalaking kasama nito na nanatiling nakaupo sa sofa. Expressionless ang lalaki pero nakita niyang matamang nakatitig ito sa kanila. He makes Sasha uncomfortable. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Ibinalik na lang niya ang tingin sa ina at nagpatuloy sa pagsasalita. “Alam ko na hindi ka magpapakita sa akin dahil lang gusto mo ako makita, mama. Huwag na tayo mag plastikan. Ano ang kailangan mo sa akin?”

Mariing tumikom ang mga labi ni Vivian, halatang inis ang mga mata pero hindi nagbago ng ekspresyon. Ni hindi kumunot ang noo dahil masyadong banat ang balat sa mukha. She really must have been relying on surgeons for the past years. Fifty years old na ito at masyadong vain pagdating sa kagandahan. Kahit tuloy wala naman problema talaga sa pisikal na anyo nito, regular pa rin ito nagpaparetoke at nagpapagawa ng kung anu-ano. Now years of getting under the knife made her look awfully inhuman. O siguro lumilitaw lang sa panlabas nitong anyo kung gaano kapangit at kasama ang kalooban nito.

“I need money.” Kumurap si Sasha. Itinaas ni Vivian ang noo. “I deserve it.”

“You don’t need my money, mama. Hindi lang milyon milyong cash ang iniwan sa iyo ni papa. Iniwanan ka rin niya ng malalaking stocks sa iba’t ibang kompanya. You can live off with the interests and dividends of all those investments.”

“Hihingi ba ako sa ‘yo kung meron pa ako? Binenta ko na ang mga iyon last year pa. Aanhin ko ang mana na hindi ko naman magastos? Nanay mo ako. Responsibilidad mo rin siguruhin na maayos ang pamumuhay ko. A black credit card will do. Hindi naman kawalan sa yaman mo iyon.”

Matinding self-control ang kinailangan ni Sasha para hindi magwala o worst, makapanakit. “What? Binenta mo lahat ng stocks mo at inubos ang pera in just a year?” halos ayaw lumabas ang boses niya nang itanong iyon.

“Well, hindi ko naman alam na ganoon lang pala kabilis mauubos iyon. Iba na ang ekonomiya ngayon. Mahal na ang mga bilihin,” reklamo ni Vivian.

Nanginig ang buong katawan ni Sasha sa galit. Her mother practically wasted millions in just two years. Sinayang din nito lahat ng good stocks na ininvest ng tatay niya bago pa nga lang yata siya ipanganak. Hindi siya nagreklamo nang ipamana ng ama niya ang mga iyon sa kanyang ina kasi umasa siyang magiging sapat na ang mga iyon para sustentuhan ito hanggang pagtanda. Kasi deep inside, hindi rin kaya ng konsiyensiya niyang maghirap si Vivian Dela Torre. Pero anong ginawa nito?

“You… you are really a lost cause huh?” gigil at garalgal na usal ni Sasha. Tumaas ang kilay ng kanyang ina at lalo lang siya nagalit sa pagiging clueless nito. “You have been so entitled and capricious since you married papa. You acted like a queen and did all your hedonistic activities everywhere, including our own house, not caring whether you hurt the people who loves you. You are getting old mother, but you never grew up. Kung sa tingin mo habambuhay mo makukuha ang gusto mo, nagkakamali ka. Kinunsinti ni papa ang mga kalokohan mo hanggang mamatay siya pero ibahin mo ako, mama. Wala kang mapapala sa akin. Kung naubos mo na ang pinamana ni papa sa ‘yo, problema mo na iyon. Why don’t you treat this as an eye opener to finally change your lifestyle? And stop fucking boys or one day you will end up in jail, mother.”

Tumalikod na si Sasha, nakailang hakbang at napindot na rin ang button ng elevator nang biglang hablutin ni Vivian ang braso niya. Muntik na siya mapahiyaw sa sakit nang bumaon ang mahaba nitong mga kuko sa balat niya. Paglingon niya halos ingudngod na nito ang mukha sa kaniya. Nagaapoy sa galit ang mga mata nito.

“Be thankful I’m still asking nicely, Sasha. Kung hindi dahil sa akin hindi ka pinanganak sa mundong ito. I had every chance to get rid of you while I was pregnant but I didn’t. Utang mo sa akin ang buhay mo. Wala kang karapatang hiyain ako at kuwestyunin ang buhay ko. Give me what I want before I do something more drastic. You think you know me well? Mali ka, Sasha. I can be worse.”

Sandaling dumiin pang lalo ang mga kuko nito sa balat niya bago siya pabalang na binitawan. Nagbabantang tinitigan siya nito sa huling pagkakataon bago tumalikod at naglakad palayo. Mabilis na lumapit dito ang lalaking kasama. Nanatiling nakatitig si Sasha sa mga ito hanggang tuluyan makalabas ng building. Pagkatapos nilingon niya ang receptionist at security. “Huwag niyo na uli sila papapasukin dito.”

“Yes, ma’am,” mabilis na sagot ng mga ito.

Tumango si Sasha at humarap na uli sa elevator na tiyempo namang bumukas na ang pinto. Pumasok siya sa loob at nang umaandar na iyon pataas saka lang niya nakita ang reflection niya sa pinto. She was expecting to see anger on her own face. Instead she saw frustration, pain and loneliness. Bumaba ang tingin niya sa brasong mahigpit na hinawakan ni Vivian kanina. Kitang kita ang parte kung saan bumaon ang mga kuko nito. Mapula ang mga iyon at may kaunting bahid pa ng dugo. Pero ang sakit at kirot niyon, walang wala sa kirot na nararamdaman niya sa dibdib niya. Siguro kasi kahit gaano kasama ang kanyang ina, kahit gaano ito hindi naging magulang sa kaniya… deep inside palagi siya umaasa na kahit katiting lang mahal siya nito.

Unfortunately, everytime they meet Sasha always get disappointed and heartbroken.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.