Chapter 61

MARAMI-RAMING tao sa café nang pumasok sila Sasha at James. Mabilis na lumapit sa kanila ang manager at masayang binati siya. Pagkatapos pinuwesto sila ng binata sa pandalawahang lamesa sa isang sulok, sa side ng café na nakaharap sa Olympic size swimming pool. May mga batang naglalangoy doon habang ang mga yaya nakapuwesto sa nakahilerang beach chairs at nagbabantay. Malamang nasa beauty parlor o nasa spa o sa kung saan pang amenities sa club ang nanay ng mga batang iyon, nagtsi-tsismisan at nagsososyalan.

“Gaano katagal ka nang member ng club na ito?” tanong ni James pagkatapos sila dalhan ng mainit na kape at pastry ng isang waiter.

“Bata pa lang ako member na ang pamilya namin dito. Sa function rooms sa club na ito madalas nagpapa-meeting si papa noon. Pati birthday parties ko dito rin ginanap. Diyan sa pool na iyan din ako natuto lumangoy. Bago ako naging estudyante natatandaan ko na halos araw-araw ako dinadala dito ng yaya ko. Tapos kakain kami dito ng sweets at milkshake. Hapon na kami uuwi tapos makakatulog ako sa biyahe. Magigising ako umaga na at nasa kama na ako. Pagtanda ko saka ko lang –” Biglang napahinto sa pagsasalita si Sasha at nawala ang ngiti.

“Pagtanda mo narealize mong may ibang dahilan kaya palagi kayo pinapaalis ng bahay ng yaya mo lalo na kapag ilang araw wala ang tatay mo,” dugtong ni James makalipas ang mahabang sandali.

Parang nilamutak ang sikmura niya at napatitig sa mukha nito. Namutla siya nang makita ang kislap sa mga mata nito. “Paano mo nalaman iyan?”

Hindi sumagot si James at napatitig lang sa mukha niya. Kumuyom ang mga kamao ni Sasha at nanlamig nang marealize na ngayon ang sandaling malalaman niya kung ano talaga ang koneksiyon ng binata sa kanyang ina. Ang sabi lang nito sa kaniya dati nagtrabaho ito para sa parents niya pero hindi nito sinabi kung kailan at anong trabaho iyon. Natatakot siya pero alam din niyang kailangan nilang pag-usapan ang tungkol dito. At mukhang iyon din ang nasa isip ni James. Kasi mayamaya malumanay na itong nagsalita.

“Sinabi ko na sa iyo dati na maaga ako nagtrabaho para mabuhay kami ng kapatid ko. Kinse anyos ako nang maging hardinero ako ng isang mayamang pamilya. Madalas na wala ang amo kong lalaki at naiiwan lang sa mansiyon ang amo kong babae pati na rin ang nag-iisa nilang anak na kung tama ako ng tantiya ay pitong taong gulang noong panahong iyon.”

Nahigit ni Sasha ang hininga at bumilis ang kabog ng puso niya nang may mag flash na blurry memories sa isip niya. Mga eksena sa garden kapag tumatakas siya sa yaya niya at pumupuslit para makita ang mga bulaklak. Nakikita niya ang taong in charge sa garden pero palaging nakatalikod kaya never niya nakita ang mukha. Uminit ang gilid ng mga mata niya. “S-sa bahay ka namin nagtrabaho noong fifteen ka? I-ikaw ang hardinero na nag-aalaga sa mga bulaklak?”

Tumango si James. Parang may lumamutak sa puso niya at bigla pakiramdam niya kakapusin siya ng hininga. Nanginig ang mga labi niya nang maalala ang kuwento nito kung paanong kinailangan nito ibenta ang sarili para mabili ng gamot ang kapatid nitong may sakit. “That was how you met my mother…. S-siya ang unang –” Pakiramdam ni Sasha mag ha-hyperventilate siya. Hindi niya magawang tapusin ang gusto niya sabihin pero sapat na ang emosyong nakikita niya sa mukha ni James para makumpirmang tama siya ng pagkakaintindi.

It was her mother who took advantage of James when he was just fifteen. It was her mother who corrupted him and who made him into a manwhore. It was her mother who made his life miserable. She was the one who made him into the cruel and hateful man he used to be. And the fact that Vivian Dela Torre is her mother makes Sasha feels so sick.

“Nagkita na tayo noon Sasha,” patuloy ni James, hindi inaalis ang titig sa kanyang mukha. His voice is calm and soothing but she can see the pain and regret in his eyes. Alam nitong masasaktan siya sa mga sasabihin pa nito.

“Bata ka pa noon kaya hindi mo na siguro natatandaan. Pero nang malaman ko two years ako na anak ka niya naalala ko agad ang naging encounter natin decades ago. May bagyo nang gabing iyon. Malakas ang kulog at kidlat. Kalalabas ko lang ng master’s bedroom nang masalubong kita bago ako makababa ng hagdan.”

Nanlamig si Sasha at nanlaki ang mga mata. Dumaan sa isip niya ang gabing tinutukoy nito at para bang narinig din niya ang malakas na kulog na narinig niya noon. “Bumalik ka sa kuwarto mo at matulog, bata. Hindi ka kayang harapin ng nanay mo ngayon.” Iyon ang mga salitang tumatak sa batang isip niya noong pitong taong gulang siya. Ilang linggong naging laman ng mga bangungot niya ang lalaking akala niya monster dahil sa magaspang nitong boses at nanlilisik na mga mata.

“I-it was you,” paos na usal ni Sasha.

Tumango si James.

Nanginginig ang mga kamay niya nang itakip ang mga iyon sa bibig niya. Namasa ang kanyang mga mata. “T-that’s why you looked angry that night. Hindi ko matandaan ang mukha mo noon pero hindi ko makalimutan ang galit sa mga mata mo. My mother…”

Tumango ang lalaki. Napahikbi siya at hindi inalis ang tingin sa mukha nito kahit pa aware siyang unti-unti na sila nakakakuha ng atensiyon mula sa ibang customer ng café. Pakiramdam ni Sasha nadudurog ang puso niya.

“Y-you were fifteen,” garalgal na bulong niya. Tumango lang uli si James, masyadong kalmado ang facial expression na kabaligtaran ng nararamdaman niya ngayon. “Y-you didn’t ask for help? Alam ko na sinabi mong dahil sa kaniya kaya gumaling ang kapatid mo pero…”

Huminga ito ng malalim. “Hindi mo gustong marinig ang sagot ko diyan, Sasha.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.