Chapter 62

NANUYO ANG LALAMUNAN ni Sasha. “Y-you did? You asked for help? Pero walang nangyari? Kanino?”

Bumuntong hininga si James. “Sasha…”

“Tell me,” mahinang udyok niya. “I need to know.”

Tumiim ang bagang ng binata, biglang kumilos na para bang gusto siya hawakan pero nagpigil at sa halip mahigpit na ikinuyom ang mga kamao sa ibabaw ng lamesa. “Humingi ako ng tulong sa tatay mo pero hindi niya ako tinulungan. He caught us once, in their own bed. I was so relieved when he did, Sasha. Wala akong pakielam kung magalit siya, palayasin ako o kahit bugbugin niya ako sa galit. Katunayan iyon ang gusto ko gawin niya. Iyon ang paraan para makawala ako.

“Pero tiningnan lang niya kami at isinara pa ang pinto. Nang sandaling iyon narealize ko na alam niya ang ginagawa ng asawa niya. Alam niya na may namamagitan sa aming dalawa. Alam niya na kapritso lang ako ng asawa niya, na sinamantala ng babaeng iyon na gipit ako at walang ibang pagpipilian. Pero wala siyang ginawa para iligtas ako, Sasha. Pagkatapos nang gabing iyon ilang beses akong lumapit sa kaniya para humingi ng tulong. Pero alam mo ba kung ano ang sinabi niya sa akin? Na binabayaran naman daw ako kaya isipin ko na lang trabaho lang iyon. Na siguruhin kong walang ibang makakaalam dahil kapag lumabas ang tungkol sa ginagawa ng asawa niya sa akin at marumihan ang reputasyon niya sisiguruhin daw niyang talagang masisira ang buhay ko. Pati na ang kapatid ko idadamay niya.”

Hindi nakapagsalita si Sasha at namasa ang mga mata. Suddenly, the anger he showed her two years ago made total sense. Pero ang mas masakit para sa kaniya ay ang fact na hindi siya nagulat na mas pinili ng kanyang ama na pagtakpan ang mga kagaguhang ginawa ng nanay niya imbes na tulungan ang noon ay teenager na si James.

“I’m sorry,” pahikbing bulong niya.

Lumambot ang facial expression ng binata at umiling. “Wala kang ginawang masama sa akin.”

“Kahit na.” May tumulong luha sa magkabilang gilid ng kanyang mga mata na agad niyang pinahid. “The anger and cruelty you showed me two years ago made sense now. May karapatan kang magalit at maging malupit sa akin. Katunayan mas hindi nga nag me-make sense na pagkatapos ng ginawa ng parents ko sa iyo, hinayaan mo akong maging bahagi ng buhay mo ngayon. We were just supposed to be a casual fuck to each other, right? Pero along the way naging seryoso tayo. The way we both changed for the past weeks, you cannot fake that. Alam ko na naging sincere ka sa akin. Alam ko na nagsimula ka makaramdam ng mga emosyong bago sa ‘yo. Alam ko kasi ganoon din ako, James. We… we are not just a casual fuck to each other now, are we?”

“You are right,” sagot agad ni James. “You are not a casual fuck to me, Sasha. I knew this will happen the moment we fucked at that hotel room.”

Sumikdo ang puso ni Sasha at muling pinahid ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. “T-that soon?”

Tumango ito at tipid na ngumiti. “You said you’ve never been with a man after our encounter two years ago. Ganoon din ako, Sasha. Ilang buwan ko sinubukan na bumalik sa dati ang lifestyle ko pagdating sa sex. I tried making out with women but I always can’t go all the way. And then after that something happened to my brother and we both decided to get professional help from a psychiatrist. The doctor banned us from getting involve with women and having sex. At sa loob ng dalawang taon nagawa ko tuparin ang utos na iyon ng doktor namin. Hanggang sa gabing nagkita tayo ulit.”

Umawang ang bibig ni Sasha bago marahang umiling. “Don’t make that night sound special. Pareho tayong mahina nang gabing iyon. I was emotional because of Hosea’s upcoming marriage. At ikaw, galit ka noon alam ko. We were caught up in the moment so we fucked all night. Iyon lang iyon ‘di ba?”

“You really think so?” seryosong tanong ni James. Hindi nakakibo si Sasha at napatitig lang sa mga mata nito. “When we fucked in front of the mirror and our eyes met, you didn’t feel anything?” Her heart skipped a beat when he suddenly leaned closer until their faces are only inches from each other. “Because I fucking felt something that moment, Sasha. I hated it at first. I hated that you made me feel strange emotions I’ve never felt before. I hated that I can’t stop thinking about how I was able to relate to the storm and vulnerability I saw in your eyes that night. I hated how connected I felt with you and not just physically.”

Napalunok si Sasha at nakagat ang ibabang labi kasi naiintidihan niya ito. “I also hated the way you made me feel,” amin niya. “Pero iyong disgusto ko naging takot. Takot akong lumalim ang nararamdaman ko para sa ‘yo James. Kasi sa likod ng isip ko alam kong imposibleng maging kasing lalim ng nararamdaman ko ang feelings mo. Kasi kahit anong gawin ko, kahi na hindi natin pag-usapan, alam ko pa rin na may ginawang malaking kasalanan ang parents ko sa iyo.”

“Sila ang may kasalanan sa akin, hindi ikaw.”

“Kahit na. Two years ago you even hated the way I look like her.”

Tumiim ang bagang ni James. “Alam mo na hindi na ako ang lalaking nakilala mo two years ago. I regret what I did to you before, Sasha. I regret it everyday.”

“Alam ko. Pero ako pa rin ang babaeng nakilala mo two years ago. Anak pa rin nila ako. Is that really okay with you, James?”

“If I care about that do you think paaabutin ko pa tayo sa ganito?” balik tanong nito. Hindi pa nakuntento, umangat pa ang mga kamay nito at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. “I think you are mistaking something here, Sasha Dela Torre. I like you more than you think I do. When I look at you I don’t see your parents. When I look at you I don’t remember the past because all I can think of is the future. And don’t you know how wild that was? Hindi ako forgiving na tao. Mas lalong hindi ako santo na basta na lang makakalimot sa kasalanan sa akin ng mga taong gumawa sa akin ng hindi maganda noon.

“But you… you make everything go away, Sasha. Hindi sa paraang nakakalimutan ko ang nakaraan. Baligtad nga eh. Dahil sa iyo nagiging madali sa akin alalahanin ang lahat. And everytime I remember, the pain and anger disappears. Natatanggap ko na siguro lahat ng mga nangyari sa buhay ko kinailangan ko pagdaanan kasi sa dulo ng matinik na daan, makikilala kita.”

Napahinga ng malalim si Sasha at namasa na naman ang mga mata. Kasi hindi niya naisip kahit minsan na may maririnig siyang mga ganitong salita mula kay James. Masuyo siyang ngumiti. “That’s sweet.”

He smirked. “Only because we’re in a public place. If we are in a more private corner this conversation will turn into a hot, dirty lovemaking.”

Lovemaking. Not fucking but lovemaking.

Sa sandaling iyon nagawang aminin ni Sasha sa sarili ang matagal na niyang nararamdaman. Mahal niya si James Salgado.

Lumawak ang ngiti niya, hinawakan ang mga kamay nitong nasa mukha niya at bumulong, “Kasasabi ko lang sa iyo na bata pa lang ako madalas na ako dito ‘di ba? Alam ko bawat sulok ng buong sports club na ito. Do you want to see the back of the swimming pool shower area where I first kissed a boy? O iyong spa room sa second floor kung saan ako unang nakipag make-out? Or – ”

“Are you trying to make me jealous?”

Tumaas ang mga kilay ni Sasha. “No.” Inilapit niya pang lalo ang mukha kay James hanggang isang dipa na lang yata ang pagitan ng kanilang mga labi. Pagkatapos mapangakit siyang bumulong, “I’m trying to invite you for a hot and dirty lovemaking. We will make it quick for now, though. Are you up for it?”

Biglang tumayo si James at hinila rin siya patayo. Mahinang natawa si Sasha nang mahigpit nitong gagapin ang isang kamay niya. Sandali pa mabilis na silang lumabas ng café, walang pakielam sa makahulugang tingin na ipinukol sa kanila ng mga taong nadaanan nila.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.