LESS THAN one hour later, magkahawak kamay na naglalakad sina James at Sasha pabalik sa café kung saan sila galing kanina. Parehong lukot ang mga suot nila at magulo ang mga buhok. Sasha’s face was flushed and her lips are red and swollen. Kahit sino ang makakita, malalaman na may ginawa silang kababalaghan ni James.
Mayamaya pareho silang nagulat nang makarinig nang galit na sigawan mula sa kung saan. Sabay silang napalingon sa café nang bumukas ang glass door na nakaharap sa swimming pool at may grupo ng mga may-edad na babae ang mukhang nagaaway. O mas tamang sabihing may isang pinagtutulungan ang mga itong sabunutan at itulak. Hindi nila napansin ang mga ito kanina noong nasa café sila kaya malamang dumating ang mga ito noong umalis sila ni James.
“Ikaw pa ang mayabang ikaw na nga ang maraming utang sa amin. Kapag hindi mo kami binayaran ipapakulong ka namin!”
Umalingawngaw ang tili ng babaeng pinagkakaisahan ng mga matatandang babae. Napaderetso ng tayo si Sasha at nanlamig nang sa isang hakbang nakalayo ang babae sa mga kasama, magulo na ang buhok at may sira na ang mamahaling damit na suot.
“It is not our fault that you were scammed. What? You really think a young and handsome man will really fall in love with you? Sa edad mong iyan? You must be crazy if you think you are the same as you were decades ago. You are going to jail if you don’t give us back the hundreds of thousands you borrowed from us. Tandaan mo iyan!”
Marahas na hinawi ng may-edad na babae ang buhok nitong nagulo kaya lalo niyang nakita ang mukha nito. Humigpit ang kapit niya sa braso ni James na naramdaman niyang natense na rin nang biglang mapalingon sa kanila ang babaeng walang iba kung hindi si Vivian Dela Torre.
HINDI INAKALA NI SASHA na darating ang panahong makikita niya sa mukha ng ina ang matinding pagkapahiya na katulad sa mga sandaling iyon. Iyong mukha na parang gusto nito lumubog sa kinatatayuan. Palaging kompiyansa at mayabang ang asta ni Vivian kahit na ito ang mali at wala sa katwiran. Kaya sandaling hindi niya alam kung paano mag re-react na makita itong ganoon.
Pero katulad ng dati hindi na naman siya binigyan ng chance ng mama niyang maawa rito. May dumaang kislap sa mga mata nito na palagi niya nakikita kapag may naiisip itong plano na hindi niya magugustuhan. Pagkatapos dumeretso ito ng tayo, lumingon sa mga amiga na kaaway na nito ngayon at itinaas ang noo. “Magbabayad ako. Mayaman kami. Mas mayaman sa inyong lahat. My daughter will give me the money.”
Nanlaki ang mga mata ni Sasha at pakiramdam niya umangat sa ulo niya lahat ng dugo niya. Humigpit ang kapit niya sa braso ni James para kahit papaano mapigilan ang pagbugso ng galit niya. “I’m not going to give you anything,” malakas pero kalmadong sabi niya.
Nakita niyang na-tense si Vivian, lumingon at matalim siyang tiningnan. Sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito, walang pakielam kahit na nanonood sa kanila hindi lang ang mga amiga nito kung hindi maging ang ibang members ng sports club na nasa café.
“What are you talking about? Nanay mo ako.”
Tumaas ang mga kilay ni Sasha. “Akala ko nagkaintindihan na tayo nang araw na pumunta ka sa condo ko kasama ang bago mong boy toy, mama. Wala kang mapapala sa akin. Not after you wasted all your inheritance. At kung tama ako ng pagkakaintindi at nangutang ka ng malaking halaga sa mga kaibigan mo, wala akong balak saluhin ka. You’ve been living a capricious life but that ended the day my father died. You are not going to be my burden. Hindi ako kasing bulag ni papa. Kung may ginawa kang mali dapat lang na pagbayaran mo iyon. You cannot run away from your sins forever, mama.”
Pagkatapos hinarap niya ang mga ex-amiga nito at polite na ngumiti. “Do what you think is right. I have nothing to do with whatever she did to all of you. Excuse us.”
Mukhang natulala sa kaniya ang mga nakatatandang babae kasi hindi nakasagot. Pinisil niya ang braso ni James – hindi kasi niya matingnan ang mukha nito – at nagsimula siyang maglakad. Kahit papaano kumalma siya nang walang salitang umagapay sa kaniya ang binata. Pero parang may lumamutak na naman sa sikmura ni Sasha at nanlamig siya nang alisin ng nanay niya ang matalim na tingin sa kanyang mukha at napatingin sa binata.
Ilang segundong napatitig si Vivian kay James na para bang pilit pa nitong inaalala kung sino at saan nito nakilala ang lalaki. Hindi alam ni Sasha kung matutuwa siyang hindi nito matandaan si James o magagalit dahil kung ganoon nga ang kaso ibig sabihin sobrang liit lang ng naging existence ng lalaki sa buhay ng kanyang ina. Samantalang ang laki nang naging epekto nito sa buhay naman ni James.
Nalulungkot si Sasha na habang tumatagal, lalo siya nakakakita ng mga rason para magalit at mawalan ng pagmamahal para kay Vivian Dela Torre. Kasi habang tumatagal lalo siyang nakukumbinsing lost case na talaga ang nanay niya. Wala nang pag-asa na magbago pa.
Nawala ang lungkot niya at namayani ang protectiveness nang makitang may rekognisyon na sa mukha ng may-edad na babae habang nakatingin kay James. Sandaling pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanila ng binata bago parang nasisiraan ng bait na histerikal na tumawa. “Oh my God. I can’t believe this,” sabi pa ni Vivian sa pagitan ng pagtawa. Then she gave Sasha a nasty stare. “Ang galing mo umastang malinis. Ang galing mo magsalita ng kung anu-ano tungkol sa akin. Pero tama ako hindi ba, Sasha? You grew up just like me. You try to look and act so pure and conservative but we both know you love sex more than I do. Santa-santita ka.”
Mariing tumikom ang mga labi ni Sasha habang napasinghap naman ang mga taong hayagan na talagang nanonood sa kanila. Uminit ang mukha niya pero hindi binaba ang noo para hindi mapansin ng ina na naaapektuhan siya.
“Hindi mo ako katulad, mama. For one thing, I don’t make an embarrassment out of myself in front of many people.”
Pero parang hindi siya narinig ni Vivian kasi kay James na nakatutok ang mga mata nitong puno ng malisya at panlilibak. “Isn’t it more embarrassing to sleep with someone who has been… what do you love to call them, Sasha? My boy toy? You grew up so well, James. How does it feel that you got a taste of me and my daughter? Ginamit mo ba sa kaniya ang lahat ng technique na tinuro ko sa iyo noon? Does she pay you well the way I did before?”
“Can you just shut up?” gigil na sikmat ni Sasha, hindi na napigilan magtaas ng boses. May mga nakikita na kasi siyang flash ng camera at cellphone na nakatutok sa kanila, patunay na may kumukuha ng video.
Tumawa na naman si Vivian Dela Torre at lalong naging wild ang kislap sa mga mata nito. With the older woman’s messy hair, torn messy clothes and hysterical laugh she looks like a lunatic. “Oh my God, are you embarrassed, Sasha? Dahil ba katulad ng tatay mo wala ka na rin ibang iniisip ngayon kung hindi ang reputasyon mo? Ah, oo nga pala. You are running for a public office, right? Maybe I should really do something crazy. Maybe I should really ruin your reputation. That way hindi mo na magagawa ang nasa testamento ng tatay mo at mapupnta na sa akin ang lahat ng mana mo. Hindi mo na ako mamamata. Babalik na uli sa dati ang buhay ko at ikaw naman ang mamumulubi.
“And when that happens, it’s over for you, sweetie. Lahat ng mga tao, mga kaibigan mo pati na rin ang lalaking nasa tabi mo ngayon, iiwan ka nila kapag wala ka nang pera. Kapag hindi mo na kaya ibigay lahat ng gusto nila, kapag nasimot na nila lahat kahit ang huling singko na mayroon ka, mawawala sila sa iyo at hahamakin ka rin nila.”
Nanlaki ang mga mata ni Sasha nang makitang kahit bakas ang galit sa mukha nito at nanlilisik ang mga mata ay tuloy-tuloy na tumutulo ang luha nito. “Everyone will betray you when you have nothing. Kahit iyong akala mo mahal ka. You will become miserable and you will deserve it. You’ll see!” Lumakas ang hagulgol nito, parang batang inagawan ng mga laruan. Tiningnan nito si James at itinuro. “Ikaw rin, iiwan mo rin si Sasha kapag wala ka nang mapapakinabangan sa kaniya! Manwhores like you are just after the money.”