“You are pathetic, Vivian Dela Torre.”
Gulat na napatingala si Sasha sa binata na nagsalita sa unang pagkakataon. Deretso ang titig nito sa kanyang ina. Kalmado ang facial expression at detached ang mga mata. Malayo sa inaasahan niyang magiging reaksiyon ni James kapag nakita nito si Vivian.
“What?” sabi ng kanyang ina na para bang nainsulto ito sa sinabi ng binata.
Umangat ang gilid ng mga labi ni James at biglang kumilos pahakbang palapit sa babae. Nagulat si Sasha pero binitawan naman ang braso nito. Napasunod siya ng tingin hanggang nakatayo na ang binata sa mismong harapan ng mama niya.
“You are pathetic,” ulit nito. Kumislap ang galit sa muha ni Vivian at mukhang magsasalita pero naunahan ito ni James. “You know what they say about how you will never understand the damage you did to someone until the same thing is done to you? I bet you don’t. Kaya gagawin ko na lang mas simple. Karma ang tawag diyan, Vivian. Believe me that hurts like a mothefucker. Nakakasira ng ulo. Nakakagulo ng mundo. It feels as if you want to tear off your own skin. And as long as you don’t feel any regret, as long as you don’t realize and atone for all the sins you’ve done in your life, it will continue to kill you slowly inside.”
“Hindi ko alam ang sinasabi mo at wala kang karapatang sermunan ako. You were just nothing but garbage when I met you. Kung hindi dahil sa akin matagal na kayong patay ng kapatid mo.”
“Mama!” galit na sigaw ni Sasha. Sumosobra na talaga ito. Kumuyom ang kamao niya at gusto na ito sugurin pero napahinto siya nang marinig ang kalmadong boses ni James.
“Mukhang matagal ka pa magdudusa, Vivian. You really don’t feel any regret at all. You were used and betrayed by someone important to you. Tama ba ako? What? Did you finally fell in love with a man that you thought was just a toy to you? Kasi ganoon ang pagkakaintindi ko sa outburst mo. Akala mo ikaw ang nasa upperhand pero mukhang ikaw ang pinaglaruan, niloko at nilimasan pa ng yaman. Akala mo loyal siya sa iyo dahil binibigay mo lahat ng gusto niya kahit pa maubos lahat ng pera mo at kinailangan mo mangutang sa mga kakilala mo.”
Namutla si Vivian Dela Torre at biglang naalala ni Sasha ang lalaking kasama nito noong magpunta sa condo niya. Hindi niya masyado pinagtuunan ng pansin ang lalaking iyon pero posible bang nahumaling talaga roon ang kanyang ina to the point na nalimas lahat ng pera nito?
Nagpatuloy sa pagsasalita si James kaya bumalik sa binata ang tingin niya. “May nakalimutan ka yata, Vivian. You are no longer the same beautiful young woman you have been. The truth was he probably fucked around behind your back because you can not satisfy him in bed. Malamang tinawanan at nilait ka niya sa harapan ng mga babae niya nang hindi mo alam. Siguradong alam ng lahat na ginagago ka niya. Alam mo rin iyon pero nagbulagbulagan ka kasi nahumaling ka talaga sa kaniya. Tama ba?”
Nang sulyapan ni Sasha ang ina nakita niyang halos lumuwa sa sobrang laki ang mga mata nito. “Paano mo nalaman iyan?”
“It’s not hard to guess, Vivian. Ganoon din ang ginawa mo sa asawa mo noon hindi ba? Ano nga iyong palagi mo sinasabi sa akin dati? He’s too old and too boring for your appetite. Pinagtatawanan mo siya dahil bulag na bulag siya sa pagmamahal niya sa iyo at alam mong ibibigay niya sa iyo lahat ng gusto mo. How does it feel to be the one in his position now, Vivian?”
Hindi nakasagot ang may-edad na babae at napahakbang paatras. Na para bang noon lang bumaha ang reyalisasyon sa isip nito. Umiling si James at pumihit na paharap kay Sasha. “Let’s go,” sabi nito na inilahad ang isang kamay.
Tumango siya, mabilis na lumapit sa binata at ginagap ang kamay nito. Nagtama ang kanilang mga paningin at sa mga sandaling iyon parang lumobo ang puso niya sa dami ng emosyon. At mukhang napansin nito iyon kasi pinisil nito ang kamay niya bago siya hinila palakad. Tinapunan ni Sasha ng tingin ang mukha ng kanyang ina.
“Don’t look at me like that,” matalim na sabi nito sa kaniya, nanlilisik na naman ang mga mata. “You are just like me. You will end up like me in the end. You filthy girl! I will make sure you will not get your inheritance. Just wait and see!”
Mariing tumiim ang mga labi ni Sasha at naningkit ang mga mata. “Then go ahead and try,” malamig na sagot niya. “It’s going to be easy for you mama. Marami tayong audience ngayon.” Iginala niya ang tingin sa paligid. May mga taong napahiya at itinago ang mga cellphone habang ang iba shameless talaga at patuloy sa pagkuha ng picture at video.
Akala ni Sasha kapag napunta siya sa ganoong sitwasyon magpapanic siya. Na matatakot siyang masira ang reputasyon niya at maapektuhan ang chance niyang manalo sa eleksiyon. Na mahihiya siya na malaman ng lahat kung gaano ka messed up ang relasyon nila ni Vivian Dela Torre. Na magiging komplikado ang feelings niya para kay James kapag nagkaharap ito at ang nanay niya. Pero hindi niya naramdaman ang mga iyon.
“Gawin mo ang gusto mo, mama. Hindi ako takot mawalan ng mana. Nang magdesisyon akong sundin ang nasa testamento ni papa ang nasa isip ko lang noon ay ayoko mapunta sa iyo ang lahat ng mga pinagpaguran niya buong buhay niya. I worked so hard to fulfill his wishes and I thought I hate every moment of it at first. Na lumalaban lang ako kahit hindi ako masaya kasi ayokong mapunta sa iyo ang mana. But along the way I realized I like helping people. I like reaching out to people who needed someone to save them. I will continue this path my father made for me not because of the inheritance but because I feel like this is my calling. At kahit ano pang gawin mo para sirain ang pangalan ko mama, wala akong pakielam. Panghahawakan ko ang paniniwala na nararamdaman ng mga tao ang sincerity ko.”
Hindi nakapagsalita si Vivian Dela Torre. Naramdaman din niyang natahimik ang lahat ng taong nanonood sa kanila. Kaya itinaas ni Sasha ang noo at nagpatuloy sa pagsasalita, “Sana rin tigilan mo na ang kakasabi na magkapareho tayo. We might look a like but we are not the same person. Magkaiba tayo ng ugali at magkaiba tayo ng mga desisyong ginawa sa buhay. Wala rin akong inapakang tao sa buong buhay ko hindi katulad mo. And it’s time for you to pay for all your dues, mother dear.”
Ilang segundo siyang nanatiling nakatayo roon at hinintay magsalita ang matandang babae. Pero hindi ito nagsalita. Mas lalong hindi rin lumambot ang facial expression nito at matalim pa rin ang tingin sa kaniya. Pasimpleng huminga ng malalim si Sasha bago marahang umiling. Pinisil niya ang kamay ni James at tiningala ito. Nakatingin pala ito sa kaniya kaya nagtama ang mga mata nila. Nakagat niya ang loob ng ibabang labi kasi bigla siya nagkaroon ng urge na umiyak. Bagay na mukhang napansin nito kasi naging masuyo ang facial expression nito, umangat ang isasng kamay at pinisil ang baba niya. Pagkatapos walang salitang hinila na siya nito palayo sa kaniyang ina at palabas ng sports club.
Pareho silang tahimik habang naglalakad. Nang makabalik sila sa parking lot, kotse na lang nila ang naroon. Kanina pa siguro nakaalis ang lahat ng mga bisita sa charity event. Nanghihinang napasandal si Sasha sa gilid ng sasakyan niya at mariing pumikit.
“Saan ang punta mo? Ipagmamaneho kita. I don’t think you should drive on your own right now,” basag ni James sa katahimikan.
Dahan-dahan siyang napadilat at napatingala sa mukha nito nang maramdaman ang masuyong haplos ng kamay nito sa buhok niya. “May trabaho ka pa.”
“Puwede ko tawagan ang assistant ko para sila na muna ang bahala.”
Kumunot ang noo niya. “No. Don’t compromise your work because of me.”
“It’s just one time, Sasha. I don’t want to leave you alone right now,” malumanay na sagot ni James. “That was an emotional roller coster right there. At alam nating pareho na sa kalagayan ng nanay mo, may mga kasunod pang mangyayari. Sa tingin ko hindi siya nagbibiro na gagawin niya ang lahat para guluhin ka at sirain ang reputasyon mo.”
Bumuntong hininga siya at marahang inilapat ang noo sa balikat nito. “Kung sana galit lang talaga ang nararamdaman ko sa kaniya. Then I can totally cut off our ties and ignore her.”
“Pero hindi ka ganoon. You didn’t look angry back there. In fact you look… heartbroken. Hindi ka katulad niya na walang compassion at pagmamahal sa pamilya. Hindi ka rin katulad ng dating ako na kapag nasasaktan gusto rin manakit. Mabuti kang tao, Sasha higit pa sa iniisip mo.”
Napatitig siya sa guwapong mukha ni James. Umangat ang isang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito. “You are also better than you think you are.”
Tumaas ang mga kilay nito. “Don’t lie.”
“It’s true. Hindi ko sinasabi na sobrang bait mo at perpekto ka. Now those were the lies. But you are not that bad either. The fact that you decided to get professional help, and the fact tha you are trying to change for the better are enough reasons for me to know that you are not completely evil. Pagkatapos nakita ko rin kanina kung paano mo hinandle ang situation. Akala ko kapag dumating ang araw na magkikita kayo uli ni mama magagalit ka na katulad nang galit na pinakita mo sa akin two years ago.”
“Sinabi ko na sa iyo kanina sa café na wala na akong nararamdamang galit. What happened awhile ago just confirmed it. It is true that she was the reason why I was dragged to a hellish life of selling myself for money. Pero totoo rin na kung hindi ako napunta sa mundong iyon, hindi ko mabibigyan ng magandang buhay ang kapatid ko. Hindi ko sana siya mapapaaral at hindi siya magiging doktor. Hindi ko rin sana nakilala ang babaeng nagligtas sa akin noon at naging dahilan kaya naging modelo ako at kaya nadiskubre ko ang career na mayroon ako ngayon. I was blinded by anger and pain but now I know better. Ngayon alam ko nang imbes na mag focus ako sa sakit at sa unfairness na naranasan ko, dapat mas ituon ko ang atensiyon sa fact na nalampasan ko ang lahat ng iyon,” paliwanag ni James.
Napangiti si Sasha at unti-unti na gumagaan ang pakiramdam. “See? You are not as bad as you think.”
Hinawakan nito ang kamay niyang nasa mukha nito at pinisil iyon. “I’m sorry if I hurt you two years ago. I’m sorry if I treated you so harshly because of your parents. Sa tuwing naiisip ko ang gabing iyon parang sinasaksak ang dibdib ko. I’m sorry kung ngayon ko lang nagawa humingi ng tawad sa iyo, Sasha.”
Bumuntong hininga si Sasha at umiling. “Matagal na kita napatawad bago pa lang tayo magkita uli. If I was angry I would never sleep with you when we saw each other at the hotel bar. Kung hindi kita napatawad sa ginawa mo noon, ‘di sana hindi kita mahal ngayon.”
Natigilan si James at namilog ang mga mata. Nginitian niya ito. “I love you, James Salgado.”
Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Na para bang masamang balita ang sinabi niya at hindi pagtatapat ng pagmamahal. Nawala tuloy ang ngiti ni Sasha at kinabahan. Hindi ba ito masayang mahal niya ito?