Kabanata 36: Beach Birthday Party
Gabo's Point of View
Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Kuya Goob ngunit hindi nagriring ang kanyang cellphone. Kanina pa ako hindi mapakali. Nasa taxi na kami patungo sa pier ni Pietro. Ayaw ko pa sanang bumiyahe ngunit pinilit ako ng aking baby. Kasama namin sa backseat ang kanyang lalaking pamangkin na si Charlie na kasing-edad lang siguro ni Elliot.
"The number you have dialed is now unattended or out of coverage area. Please try your call later." sagot ng operator.
"Fuck!" I cursed. Mabuti na lamang at suot ni Charlie ang kanyang headset.
"Hey, calm down babe." Pietro in his worried voice. Hinaplos niya ang aking braso. "Your brother and newphew are fine. It's obvious that it was not their chopper."
"What makes you so sure?" tanong ko.
"The crash happened at Iloilo. Iloilo is in Western Visayas. And Leyte is in Eastern Visayas. Malabo naman na napadpad muna sila roon bago tumungo rito."
"Pietro is right, Gabo. I already texted my lawyer friends in Iloilo about the details of the helicopter crash. Ang sabi nila ay mga Mortel daw ang sakay noon."
I glanced at Kuya Techno who was sitting beside the taxi driver at the front seat.
I massaged the bridge of my nose, trying to calm myself.
I'm just so worried about Kuya Goob and Elliot. They mean the world to me. Baka hindi ko kayanin kung sila ang lulan ng helicopter na bumagsak.
But Kuya Techno's information somehow relieved me. Isali mo pa ang analogy ni Pietro. Bakit ko nga ba hindi iyon naisip?
Speaking of Kuya Techno, nasabi niya sa akin na nag-away sila ni Kuya and they are not in speaking terms. Ayaw kong manghimasok sa away nila dahil labas na ako roon.
He did not really want to come. Pero pinilit ko siya dahil alam kong matutuwa si Elliot. I had to tell him many times that he only has to do it for Elliot. Hindi naman kailangang makipagbati na siya kay Kuya, whatever it is that made them fight.
And besides, mas mabuti na rin kung may katulong ako sa pagbabantay kay Kuya Goob mula kay Kuya Mick. Lalo na at medyo distracted ako dahil kay Pietro.
"Stop worrying, Gabo. Baka nga nasa isla na sila. Nadelay pa naman ang flight natin ng twenty minutes kaya baka nauna na sila roon. Don't worry. Hindi pa pwedeng mamatay ang Kuya mo dahil hindi ko pa siya napapatawad." biro niya.
"They are already at the island." deklara ni Pietro.
Ipinakita niya sa akin ang Instagram story ni Kuya. It was a picture of the beach.
Tila biglang nawala ang bigat sa aking dibdib na kanina ko pa nararamdaman. Bumuntong hininga ako.
"I told you they're safe." si Pietro.
I kissed the back of his hand. Salamat naman at ligtas sila.
Nang makarating kami sa pier ay diretso ang sakay namin sa yateng naghihintay sa amin. I'm pretty sure it was Mick's. Kung ako lang ay hindi sana ako sasakay pero dahil kasama ko si Pietro ay ayaw ko namang mahassle pa siya at mapagod kung mag-aarkila kami ng maliit na bangka. Bukod sa mainit ay siguradong nakakapagod kung uupo kami sa sahig. Ayaw kong napapagod siya nang ganun.
(Author's Note: Magsanaol na lang kayo 😝)
At may kasama pa kaming bata. Hindi ko alam pero iniisip ko na parang sariling anak namin ni Pietro si Charlie. Kinikilig tuloy ako.
Nasabi ko na kahapon pa na isasama namin amg pamangkin ni Pietro. Kuya Goob liked the idea. Kaya excited din si Elliot dahil may makakalaro siya.
It took the yacht another thirty minutes to take us to the island. It was surely a private island. Iisa lang ang bahay doon at kita na agad iyon kahit nasa malayo pa kami.
I can see Kuya Goob and Mick preparing the tables at the beach. Mayroong tent na nakahanda roon para sa handaan.
We had to use a smaller boat before we could reach the beach dahil hindi pwedeng dumaong ang yate sa mababaw.
Kumaway si Pietro sa kanila.
Nagulat si Kuya nang mapansin niya na may iba pa kaming kasama bukod kay Charlie.
Nang dumaong ang bangka ay isa-isa kaming bumaba. Mick tried to ask me for our bags ngunit hindi ko iyon ibinigay sa kanya.
"Ako na." saad ko.
I almost rolled my eyes. Pinisil ni Pietro ang aking braso bago bumulong. "Behave."
"Tsk. I know."
Wala naman talaga akong plano na makipag-away kay Mick kahit gustong-gusto ko na siyang sapakin dahil birthday ni Elliot ngayon. Ang gusto ko lang ay maging perpekto ang araw na ito para sa kanya.
"Happy birthday, baby Elliot!" bati ni Kuya Techno. Nagmano sa kanya ang bata.
"Thank you Tito Techno."
"Happy birthday Elliot!" si Pietro. "This is my nephew, Charlie. He's turning six next month too."
"Nice to meet you, Charlie."
"Nice to meet you too." nahihiyang sagot ni Charlie.
"Do you want to play with me?" Ipinakita ni Elliot ang dala-dala niyang shovel at basin na gamit niya sa paggawa ng sand castles.
Charlie gave him a nod and a smile before they both run away from us and busied themselves at the sand. Sa lilim sila ng isang puno gumawa.
"I'm glad you could make it, Techno." si Kuya.
Nagtaas ng kilay si Kuya Techno sa kanya. "I came here for Elliot."
Tumango si Kuya. "Pwede ba tayong mag-usap?"
"Okay." sagot ni Kuya Techno. Sabay silang umalis at nagtungo sa malayo sa ilalim ng isang puno.
Naiwan kaming tatlo nina Pietro at Mick.
"Gutom na ba kayo? May snacks doon sa table." alok ni Mick na nasa harap ko.
"Hindi pa naman kami gutom, Kuya Mick." sagot ni Pietro.
"Ganun ba? Sige. Make yourselves comfortable. May mga kasambahay sa loob ng bahay. Naibilin ko na sa kanila kung saan ang kwarto niyo. Baka gusto niyomg magpahinga muna."
"Nako, hindi na Kuya. Ilalagay lang namin ang mga gamit namin at lalabas din agad." sagot ni Pietro.
Tinanguan ko si Mick at aalis na sana ngunit nagsalita siya. "Pwede ba tayong mag-usap, Gabo?"
Nagkatinginan kami ni Pietro. Sinenyasan ko siya na mauna na sa akin at nakuha niya naman agad ang gusto kong ipahiwatig. Naiwan kami ni Mick sa may dalampasigan.
---
Goob's Point of View
Kanina ay akala ko mapapahamak kami. The chopper was shaking for seconds because of a turbulence. Mabuti at magaling ang piloto kaya naging ligtas kami.
Hindi ko inasahan na pupunta si Techno rito at sasamahan kami sa pagcelebrate ng birthday ni Elliot. It was not his first time to celebrate with us. In fact, he was with us on Elliot's first birthday.
Techno crossed his arms. Nakaangat ang isa niyang kilay sa akin, naghihintay na magsalita ako. Halatang galit pa rin siya. Naiintindihan ko naman. I was a bad friend to him that day, accusing him of something he did not do. Hindi ko nga nagawang tanungin siya. Basta nalang ako namintang. It must have been painful to him, to be judged by your bestfriend.
"I'm so sorry, Techno." panimula ko.
"For what?" mas lalo niyang itinaas ang kanyang kilay.
"For being a bad friend. Alam kong wala kang ibang ginawa kundi maging mabuting kaibigan sa akin. Pero sa halip na gantihan ka ng kabutihan, pagtatraydor ang nagawa ko sa'yo. Sana tinanong muna kita bago kita pinagbintangan. I am terribly sorry." malungkot kong saad.
"Go on."
"I know that I have wronged you. Alam kong nasaktan kita. Alam kong naging masama ako. At labis ko na iyong pinagsisihan. I was wrong. And I probably don't deserve your forgiveness." Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan. Sinubukan kong paglaruan ang aking mga daliri sa aking dalawang kamay upang mahanap ang mga tamang salita. "Pero sana hindi pa huli ang lahat. You are my friend. And not just any friend. You are my family too." Tumulo ang luha mula sa aking mata at tumama iyon sa likod ng aking kamay.
Nagulat ako nang inabot niya ang aking mga kamay at hinawakan iyon. "Apology accepted, baccla."
I lifted my gaze and saw that he was smiling. Nangilid sa kanyang mga mata ang luha.
Lumiwanag ang aking mukha. "Talaga?" I cried. Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.
Tumango-tango siya. Mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Sobrang saya ko. Ilang araw ko ring kinimkim ito. Sobrang dami na ng problema ko kaya masaya ako na kahit paano ay naibsan ang mga iisipin ko.
"Hinintay ko lang talaga na umiyak ka. HAHAHA." Natatawa pa rin siya pero halatang umiiyak din. Hindi ko nga lang makita ang ekspresyon niya dahil magkayakap pa rin kami.
"Sorry talaga baccla. Nadala lang ako ng emosyon."
"Oo. Naiintindihan ko naman. Atsaka hindi rin kita masisisi dahil kahit ako, sarili ko rin ang sisisihin ko dahil iyon ang plano natin noon. Hindi ka nga lang pumayag. Si Mick ba ang may gawa?"
Humiwalay na kami sa yakap. Doon lang namin napansin na mamula-mula na ang mata ng isa't isa.
"Yes. He told me that he ordered it."
"That bastard! Ako pa tuloy ang nasisi mo. Hayaan mo na. Nasampal naman kita nang dalawang beses. HAHAHA. Gosh that was satisfying. HAHAHA."
"Ang sama mo! But I deserved that actually."
"Yeah. You did. Dapat pala tatlong beses. HAHAHA."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Joke lang." biro niya.
Muli kaming nagyakapan ni Techno. I'm relieved that we have already reconciled.
After that very emotional moment with my bestfriend, napagdesisyunan namin na bumalik na sa tent. Siguro ay mag aalas dose na ng tangahali. Napansin kong naroon na silang lahat maliban sa amin ni Techno.
When I went near the table to check the food, napansin kong nandoon na lahat ng handa ni Elliot.
We sang for him a birthday song bago kami nagsimulang kumain. I'm glad that Pietro brought his nephew with us. Kahit paano ay may kalaro si Elliot. Nang matapos kaming kumain ay sinamahan ni Mick ang mga bata sa paggawa ng sand castles.
Si Pietro naman at si Gabo ay nag-sunbathing sa tabi ng dagat. Techno is still pissed with Mick kaya napagdesisyunan niyang samahan sina Gabo.
Nakita kong enjoy na enjoy ang mga bata sa paggawa ng kastilyong buhangin kaya naisipan kong tumulong sa kanila.
"Papa Goob, this is Daddy Mick's castle." si Elliot.
Kumunot ang noo ko habang hinuhulma ang buhangin upang gawin iyong tore. "And why is it not your castle?"
"Because I'm still a prince. Daddy Mick is still the king. And you. You two are the kings of the castle. But someday it will be mine."
Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Hayst. I cannot believe he's only six. Sa murang edad ay marami na siyang alam.
Si Charlie ay tahimik lamang habang gumagawa mg sarili niyang kastilyo. Naisipan kong tulungan siya.
"Hi Charlie."
"Hello Tito Goob."
Binigyan ko siya ng ngiti. I glanced at Mick who was passionately working on Elliot's sand castle. Napatingin siya sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Medyo makulimlim ang langit kaya hindi masyadong mainit. Pero hula ko ay hindi naman uulan.
Bandang alas dos ng hapon nang mapagod ang mga bata kaya natulog sila sa may duyan. Halos magkaedad lang pala si Elliot at Charlie kaya hindi sila nahirapan na maging close sa isa't isa.
At dahil tulog ang mga bata, I decided to take a quick bath at the inviting beach. The turquoise color of the water was surely a sight to behold. Kanina pa naroon si Mick. I found it unusual that he was wearing a shirt dahil noong maayos pa kami ay palagi siyang topless kung naliligo sa pool. Ngunit ipinagkibit balikat ko na lamang iyon.
Pumwesto ako malayo sa kanya at pinagmasdan lamang siya habang lumalangoy. He would swim until a certain point, and come back to the shore. Paulit-ulit niya iyong ginawa.
And with each stroke he made, his muscles were highlighted. Mas lalong nadedepina ang kanyang mga muscle sa likod sa tuwing iniaangat niya ang kanyang braso upang bumwelo.
Hindi ko alam pero simula noong sinabi sa akin ni Mick ang tungkol sa sakit niya, sa tuwing nakikita ko siya ay hindi ko mapigilan ang malungkot. Nakokonsensya ako. I feel bad for him and for Elliot. Pero talagang hindi ko na mababago ang panahon. And if I can go back, then I guess I'd still do it again?
Hindi gaanong maalon ang dagat ngayon. Pero nasa may dalampasigan lamang ako at hindi masyadong lumalayo dahil hindi ako marunong lumangoy.
I was once offered an underwater photoshoot pero tinanggihan ko iyon sa kadahilanang takot ako na malunod.
I dipped my head underwater for a few seconds to allow my hair to be wet. Ngunit nang umahon ako ay nagulat na lamang ako at nasa harap ko na si Mick.
"Hi." He smiled. Tumutulo ang tubig-dagat mula sa kanyang buhok pababa sa kanyang mukha at patuloy sa kanyang dibdib.
"H-Hi." nauutal ang aking sagot.
"Would you like to go further? I promise I'll take care of you." he offered.
I'm not sure how but the way he said those words got me convinced that I can trust him. Kaya naman ay kahit nakakatakot ay pumayag ako.
Lumapit siya sa akin. He wrapped his arms around my waist and guided me further to the beach. Hinayaan ko lamang siya.
"You can wrap your arms around my neck." suhestyon niya.
Nagdalawang isip ako kung gagawin ko ba iyon. I think he saw my hesitation kaya siya na mismo ang nagpalupot ng kamay ko sa leeg niya. Hindi na ako nagreklamo.
We stopped when we reached a certain point. Hindi na ako makaapak sa buhangin kaya sigurado akong nasa malalim na parte na kami.
"Do you want to learn how to swim?" tanong niya.
Tumango ako.
He gave me a smile, pleased by my answer. Kaya naman ay iyon ang ginawa namin sa sumunod na isang oras. Tinuruan niya akong lumangoy. I learned that in order to stay afloat, I have to continuously move my feet together with my hands. He noted that coordination is important.
I enjoyed doing it actually. Sa una ay palagi akong nakahawak sa kanya. Ngunit kalaunan ay napansin kong kaya ko na mag-isa.
I had a wide smile plastered on my face when I finished doing one lap of swimming back and forth. Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko napigilan ang sarili na yakapin siya.
When I realized what I did, I quickly broke away from the hug. The atmosphere fell silent and awkward.
"S-sorry." I said shyly. Uminit ang aking mukha.
"It's okay." sagot niya.
"Maybe we should go back ashore."
"Wait. I need to do something." aniya. "Wait here."
Tumango ako. Sumisid naman siya agad. I tried to look down but I couldn't see him.
Nang halos mag-iisang minuto na at hindi pa rin siya umaahon ay nagsimula na akong mag-alala. I tried to wait a little longer ngunit nang magdadalawang minuto na ay sumisid na rin ako. Ngunit hindi ko siya nakita.
Doon na ako nagsimulang magpanic. Lumakas ang kabog ng puso ko.
"Mick!" tawag ko sa kanya kahit hindi ko siya makita at wala akong alam kung nasaan na siya.
Hihingi na sana ako ng tulong nang sa wakas ay umahon na siya. Sinubukan niyang habulin ang kanyang paghinga.
"Where have you been? Akala ko may nangyari ng masama sa'yo!" galit kong saad. "Bahala ka na nga diyan."
"Wait. I went down to get this." Inangat niya ang isa niyang kamay at ipinakita sa akin ang isang shell.
"I don't care what that is. Babalik na ako sa dalampasigan." I said in gritted teeth before I swam towards the bay. Iniwan ko na siya roon.
Nang makaahon ay kumuha ako ng towel at nagtungo sa bahay upang magbihis. Nang bumalik ako sa tent ay nakita ko na naliligo na sina Gabo kasama sina Elliot at Charlie.
They were playing. Nakapatong sa balikat ni Gabo si Elliot habang sa balikat naman ni Pietro si Charlie. Magkalaban sila. The game was to bring the other team down. Malakas ang mga halakhak nila, halatang nag-eenjoy.
Si Mick naman ay nakaupo lamang sa buhangin at pinagmamasdan sila kagaya ng ginagawa ko. Suot niya pa rin ang damit na ginamit niya sa paglangoy kanina.
Hindi ko namalayan na tinabihan na pala ako ni Techno.
"Kanina mo pa siya pinagmamasdan. Don't tell me you're falling for him again." aniya.
Hindi agad ako nakasagot. In fact, hindi ko alam ang isasagot sa kanya. I looked at him sadly. Wala akong maisagot kasi naguguluhan ako at hindi ako sigurado.
"Oh my god!" hindi siya makapaniwala. "Ewan ko sa'yo, Goob. Malaki ka na. Hindi na kita pipigilan dahil kaya mo ng gumawa ng sarili mong desisyon."
Iniwan na ako ni Techno at sinamahan sila sa pagligo. Lumingon si Mick sa aking direksyon kaya nagkatinginan kami saglit. Nag-iwas din naman ako agad ng tingin.
Nang magsimulang dumilim ay napagdesisyunan na nilang umahon at magtungo na sa bahay dahil pagod na sila. Doon natapos ang beach birthday celebration ni Elliot.
Nagsimulang magligpit ang mga kasambahay kaya naisipan kong tulungan sila.
Habang isa-isang tinatakpan ang mga natirang pagkain ay nilapitan ako ni Mick.
"Goob, can we talk later? Doon sa may duyan." itinuro niya ang duyan na nakasabit sa gitna ng dalawang puno ng niyog. "Mamayang alas nuebe ng gabi. I just want to spend time with you."
Nang sabihin niya ang huling pangungusap ay naramdaman ko nalang na parang may kutsilyo na humiwa sa aking puso. His words were painful. He wants to spend time with me knowing that he has his days numbered?
Nasasaktan ako.
Tumango ako.
"I'll wait for you." aniya bago iniwan ako. He jogged towards the house.
Elliot and I have our own room. Si Techno ay mag-isa sa kanyang kwarto samantala ay magkakasama naman si Pietro, Gabo at Charlie.
Alas siete ng gabi nang matapos kami sa hapunan. Doon din ibinigay ni Mick ang regalo niya kay Elliot.
"A puppy!" maligayang sigaw ni Elliot nang makita ang laman ng malaking kahon.
It was a Belgian Malinoise breed. He played with his new pet for an hour before he got tired. Sa sobrang tuwa ni Elliot sa bagong alaga ay itinabi niya iyon sa pagtulog.
---