Chapter Kabanata 37

Kabanata 37: Bid

Mick's Point of View

Nasasaktan man ako ngayon, nasisiguro ko namang masaya ako sa naging desisyon ko dahil naniniwala akong tama ang ginawa ko. Naniniwala ako na balang araw, maaayos ko rin ang aking sarili.

But until then, lalayuan ko muna si Goob. Didistansya ako. I will allow myself to heal dahil hindi ako magiging karapatdapat sa kanya kung hindi ko pa naaayos ang sarili. Kung ipipilit ko, patuloy ko lang na masasaktan si Goob.

Somehow, I am now content. Masaya na ako sa mga araw na nakasama ko si Goob at Elliot lalo na noong birthday niya. Kahit sa maiksing panahon, naramdaman ko ang magkaroon ng pamilya. Kahit hindi man opisyal, pero naramdaman ko pa rin. At kuntento na ako.

Sinubukan ko na ring humingi ng tawad kay Gabo. At kahit hindi niya tinanggap, ay kahit paano naiparating ko sa kanya kung gaano ko pinagsisisihan ang mga nagawa ko noon. Marahil ay kagaya ni Goob, hindi pa siya handa.

I only had one request from him.

"If you can't forgive me, can you at least allow me to be happy and enjoy Elliot's birthday with your brother? Kahit ngayong araw lang, Gabo. Gusto ko lang iparamdam ang pagmamahal ko sa kanila at maramdaman ang pagmamahal nila. Iyong hindi mo pipigilan. After this day, lalayuan ko na ang Kuya mo."

Labis ang pagpapasalamat ko. Dahil kahit paano, pumayag siya sa kahilingan ko. Hindi niya sinubukang isabotahe ang mga interaksyon namin ni Goob.

I ak determined to keep my promise to him, that after Elliot's birthday, lalayuan ko na ang Kuya niya. It's one of my steps in allowing myself to grow. Gusto kong tuparin ang pangako na iyon dahil kung hindi ko iyon magagawa ay hindi ako magtatagumpay sa pagaayos ng aking sarili.

I would be lying if I don't tell you that I'm having a hard time staying away from Goob. It's so hard. Lalo na sa tuwing hinahatid ko si Elliot sa condo nila. Hindi ko alam pero kahit sarili kong anak ay kinaiingitan ko sa tuwing hahalikan siya ni Goob o di kaya ay yayakip o kakargahin. I longed for his touch, day and night. But I tried my best to keep my shit together. Hindi pwedeng mawalan na naman ako ng kontrol. I need to keep growing.

It's already been a week since Elliot's birthday. And I can say that I've been very successful with giving Goob space. I am proud of myself. Sana tuloy tuloy na.

---

Goob's Point of View

Last week was surely exhausting. Grabe ang pinagdaanan ko. Gayunpaman, masaya ako na nalampasan ko ang lahat. Thanks to my hectic schedule that kept me occupied so I had lesser time to think about the recent happenings in my life.

That scene with Mick by the beach brokemy already broken heart. Hindi ko alam na ganoon pala ang pinagdaanan niya noong bata pa siya. It was not only sad. It was tragic. He experienced trauma as a child. Pero tama siya. Previous trauma will never be an excuse to treat people badly. Because that is toxic.

At kahit paano, naibsan ang galit ko kay Mick at naintindihan ko kung bakit niya nagawa iyon sa akin noon. But still, what he did to me will never be right.

Hindi ko masasabing hindi ako sang-ayon sa desisyon niya na pakawalan ako. He was right. He kept holding on and it prevented him to grow. Maybe letting go is what he needs. We need to distance ourselves from each other. Lalo na at pakiramdam ko ay muli akong napapalapit sa kanya. Siguro ay kay Elliot na lang namin itutuon ang atensyon namin at mananatiling magkaibigan na lamang.

I also think that I also need to do something about myself. May mga nagawa rin akong kasalanan na hindi man kay Mick ay sa ibang tao.

Eroplano na ang sinakyan namin ng anak ko pabalik ng Manila. The turbulence incident and the helicopter crash in Iloilo got Mick worried kaya hindi siya pumayag na sumama kami ni Elliot kasama siya. I had a feeling that he was doing it to avoid me.

Isang linggo na ang lumipas simula noon. Araw ng Biyernes ngayon at may charity event kaming dadaluhan ni Kuya Dominic.

Alas sais ng gabi nang matapos akong makeupan at ayusan ni Kuya Dominic. Naupo ako sa sala habang naghihintay kay Kuya Dominic na bumaba sa unit niya upang magbihis. Si Elliot ay nasa loob ng kwarto ng Tito Gabo niya at base sa naririnig ko ay naglalaro sila sa PS5.

Habang naghihingah ay naisipan kong buksan ang aking Instagram.

The news about me having a child has reached the modeling industry and a lot of brands have cancelled my contract. Ngunit wala akong pakialam. Ayaw ko ng gawing sikreto pa ang anak ko. Kaya kung ayaw na nila sa akin dahil kay Elliot, pwes, ayaw ko na rin sa kanila. Besides, I already have enough savings and money to support my son until the day he graduates college. At sigurado naman akong hindi siya pababayaan ni Mick.

Habang nanonood ng Instagram stories ng aking mga kakilala ay nag-appear ang profile ni Mick sa taas. He just added a new IG story. Clinick ko iyon.

I'm not sure why but I felt my chest tighten when I saw the video.

"Are you filming me Mick?" nahihiyang tanong ng isang gwapong lalaki na hula ko ay mas bata sa akin ng isang taon. He tried to cover his face using his hands. "Stop it. And don't ever think of upload this."

The boy was wearing a tuxedo.

"Why are you shy? You look gorgeous." boses iyon ni Mick na nakahawak sa camera. The background looked like they were inside a room.

"You're a terrible date." natatawang saad ng lalaki. Tumawa na rin si Mick at doon natapos ang video.

Bumilis ang aking paghinga kaya napahawak ako sa aking dibdib.

The doorbell rang kaya tinungo ko ang pinto. Si Kuya Dominic na iyon.

"Let's go." aniya. Suot niya ang isang itim na suit. Ako naman ay red velvet na suit ang suot.

Inihatid kami ng aking driver sa Resorts World na venue ng charity event. The event is exclusive for models and the elites who will be donating for a foundation. May auction din mamaya. In fact, this red velvet suit I am wearing right now is part of the auction too. Ipapadeliver na lang sa kung sino man ang mananalo sa oras na malabhan na ito. I have decided to donate my outfit since I've done it before too. At kadalasan, mga damit na naisuot ko ang pinakamamahalin sa buong auction.

Sinabi ko kay Kuya Dominic na sa back entrance na lang kami pumasok at hindi na sa red carpet para iwas na rin sa media at paparazzi.

Ngunit dahil gusto niyang ipakita sa lahat ang nasisiguro niyang pinakamahal na item mamaya sa auction ay pinilit niyang sa red carpet kami dumaan. Plus it also took him two hours to achieve my perfect wet look that matches my outfit.

I graced the red carpet confidently and striked a few poses for the camera.

"Goob, here."

"Look here, Goob."

"Goob."

Tawag sa akin ng iba't ibang photographer. I made sure to glance at all directions to give them an opportunity to take my photo. Si Kuya Dominic ay nauna ng pumasok.

Nawala ang atensyon ng lahat sa akin nang may bagong dumating. It was Mick wearing a navy blue suit. Kasama niya ang lalaki sa Instagram story niya. Hindi ko inasahan na dito rin ang punta nila. Hindi ko man lang naihanda ang aking sarili.

Napalunok ako nang mapansin na nasa likod ng lalaki ang kamay ni Mick habang naglalakad sila sa red carpet.

Muli akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Napagdesisyunan kong pumasok na sa venue.

Pinilit ko ang sarili na kalimutan ang nasaksihan sa labas. I focused my attention on the event. Sa dami ng tao ay hindi ko na alam kung saan pumwesto sina Mick. At hindi ko na inabala ang sarili na alamin pa iyon. Tatlo lamang kami sa lamesa namin. Kasama namin ni Kuya Dominic ang isang babaeng hula ko ay modelo rito sa Pilipinas. We talked earlier but it was just brief.

Pagkatapos ideklara ng event host na pwede na kaming kumain ay nagulat ako nang may malalamig na kamay ang nagtakip ng aking mga mata.

"Guess who." natatawang saad ng boses.

The voice was so obvious that I did not have a hard time guessing who it was.

"Apo." deklara ko.

Mabilis niyang tinanggal ang kanyang mga kamay. I took a few moments to let my eyes adjust to the light. Nakaupo na siya ngayon sa kaninang upuan ni Kuya Dominic sa aking tabi. Nagpunta kasi sa cr si Kuya.

Mayroong malawak na ngiti sa mukha ni Apo. Palagi naman. I don't know about this guy pero palaging mukhang masaya.

"I came here as soon as I found out you were here. Nakita ko ang mga pictures mo online. You are not responding to my texts." he pouted. "Anyway, you slayed your outfit." puri niya.

"Thanks." nahihiya kong saad.

"Hey, Goob." naramdaman kong may humaplos sa aking likod. Nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Bright na may ngiti rin sa labi.

"Bright."

"I saw your photos on Instagram so I decided to come. You haven't been responding to my texts so I got worried. Is this seat taken?" turo niya sa upuang nasa kanan ko.

Walang nakaupo roon at bakante iyon kanina pa.

Umiling ako. Mabilis siyang umupo roon at inagbayan ako. Ngayon ay napapagitnaan na ako ni Apo at Bright. Paano ko ba sasabihin sa dalawang ito na binabasted ko na sila at kailangan na nilang tumigil sa panliligaw?

Hays. Mahirap talagang maging maganda.

Inakbayan ako ni Bright.

"Hoy!" si Apo na mabilis na tinanggal ang kamay ni Bright sa aking balikat. "Subukan mong gawin ulit yon babaliin ko ang braso mo." banta niya.

"Tss." si Bright.

Binigyan nila ng masamang tingin ang isa't isa. Napabuntong hininga na lamang ako.

Bumalik na sa aming lamesa si Kuya Dominic. Tinaasan niya ako ng kilay. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya kaya natawa na lamang siya.

The foods were served to each table. Panay tanong sa akin sina Apo at Bright habang kumakain.

"How was your week, Goob? I missed you." si Bright.

Pinamulahanan ako ng mukha dahil sa hiya. Kuya Dominic gave me a playful smile. Meanwhile, I saw apo roll his eyes.

"Okay lang Bright."

"Huwag kang mag-alala Bright. Hindi ka namiss ni Goob." si Apo.

Muli silang nagkasamaan ng tingin.

"Akala mo naman namiss ka ni Goob." banat ni Bright.

Binitawan ni Apo ang kanyang kutsara at tinidor. Bright did the same. The atmosphere suddenly became intense.

It was my time to give them warning looks. Mabuti at nakuha nila ang gusto kong iparating. Naging tahimik ang aming lamesa habang nagpatuloy kami sa pagkain.

Nang matapos ay nagsimula na ang auction. Naunang iauction ang ibang gowns at suits na gawa ng iba't ibang designers. Hanggang sa damit ko na ang iaauction. Tumayo ako at tinungo ang stage kasama ang emcee.

"Ladies and gentlemen, I present to you the Red-velvet modern suit designed by well-know Philippine designer based in Paris, Michael Tumang. Worn by International model Goob Edvin Mansell. This was worn by Mr. Goob during the most recent Paris Fashion Week. We have set an opeing minimum bid of three hundred thousand pesos." ang host ng auction. "Any takers for three hundred thousand pesos?"

Nakatayo lamang ako sa stage at kinakabahan ng konti. I glanced at the person who first raised his bid card. Kumunot ang noo ko nang mapansin na si Bright iyon.

"Three hundred thousand pesos for that gentleman over there. Do I have three hundred fifty?" nagpatuloy ang host.

Mas lalong kumunot ang noo ko nang si Apo naman ang nagtaas ng bid card niya.

"Alright. Three hundred fifty thousand pesos for the gentleman. Any higher bids?"

"Four hundred thousand pesos." si Bright.

"Half a million pesos." si Apo.

Nagkatinginan silang dalawa. Hula ko ay mapanghamon ang tingin nila sa isa't isa.

"One million." si Bright.

The people gasped before they clapped their hands. I forced myself to remain calm and maintain my posture. Hindi ko ipinahalata na ako rin ay hindi makapaniwala sa mga bid nila.

"Do we have a higher bid?" ang host.

"Two million pesos." si Apo.

The audience once again clapped in amazement.

"Three million!" si Bright.

Tumayo si Apo sa kanyang upuan at muling itinaas ang kanyang bid card. "Four million pesos!"

"Five million pesos!" deklara ni Bright na napatayo na rin.

"I would like to remind our gentlemen that we are only selling the suit, not the model." biro ng host. Tumawa ang mga tao. "Any higher bid? Do I have six million pesos?"

"Six million!" si Bright.

"Ten million!" si Apo.

The people gasped. Oh my god! Ten million?

"Twenty million!" si Bright.

"Twenty one million!" si Apo.

Halos hindi na huminga ang mga tao roon sa sobrang pagkasabik sa mga nangyayari. Lahat ng atensyon namin ay na kay Apo at Bright lamang na parehong determinado na manalo.

"Fifty million pesos." isang panibagong lalaki ang nag-angat ng kanyang bid card. Sabay sabay kaming napalingon sa kaniya.

It was Mick. He was seated at a table located at the back of the venue.

Fifty million pesos? What the hell???

"Fifty million pesos for the very generous Mick Dela Fuente. Wow! Any higher bid?" the host paused. Ngunit nang makitang wala ng ibang nagtaas ng bid card ay nagpatuloy siya. Pareho ng nakaupo ngayon si Apo at Bright na hula ko ay masama ang tingin kay Mick. "Going once, going twice. Sold! Wow! Fifty million pesos for this Michael Tumang red-velvet suit worn by the one and only Goob Mansell. Congratulations to our buyer!"

Natapos amg auction kaya mabilis kong nilapitan sina Bright at Apo. Hinigit ko silang dalawa palayo roon at dinala sa garden sa likod.

"You two are unbelievable! Ang taas ng pride niyo!" bungad ko sa kanila.

They both crossed their arms and gave me a bored look.

"Anyway, wala pa rin sa inyo ang nanalo ng bid."

"Tss. Ito kasing unggoy na to sapaw nang sapaw!" sumbat ni Apo.

"Ako unggoy? Kung unggoy ako ano ka naman? Gorilla? Tss."

"Tumigil kayong dalawa. Hindi ko kayo dinala rito para mag-away kayo."

"Then why did you bring us here. Don't tell me you want us to have a threesome. Hindi ko papatulan tong unggoy na to!" Itinuro ni Apo si Bright.

"Aba. Bugbugin kita diyan eh! Mas lalo naman ako!" si Bright.

"Stop it, you two! Anong threesome ang pinagsasasabi niyo? Mga baliw! Look, I know that you are both good boys." saad ko.

"Boy? I'm not a boy, Goob. I'm a man." reklamo ni Apo.

"Yeah. Who says I'm a boy? I'm a fine man!" reklamo naman ni Bright.

"Fine. Ang arte niyo. Anyway, I want to tell you two that you both need to stop courting me."

"What? What the hell?" si Bright.

"No way. Hindi ako papayag!" pagmamatigas ni Apo.

"Look, I know you have good intentions to me. But I just think that I'm not ready to be in a relationship yet. Ayaw ko kayong paasahin. Hindi pa ako handa at hindi pa handa ang anak ko." paliwanag ko. "I want to focus on my son. Sana maintindihan niyo pareho."

Napayuko sila at parehong napahawak sa kanilang mga dibdib.

"Sakit ng puso ko, pre." mangiyak-ngiyak si Apo.

"Ako rin pre. Masakit. Masakit pala mabasted ng matagal ko ng crush." pag-sang ayon ni Bright.

"I'm sorry Apo and Bright." hinawakan ko ang mga kamay nila. "I'm sure you both will find someone who will love you. Iyong tipong wala kayong kaagaw at hindi kayo pahihirapan." sinubukan kong pagaanin ang loob nila.

Hinigit nila ako palapit sa kanila at niyakap ako. Hinayaan ko na lamang sila. Naramdaman ko ang pag-iyak nilang dalawa sa aking balikat, si Apo sa kanan ay si Bright sa kaliwa. Siguro ay limang minuto silang umiyak roon. Hindi ako sigurado kung dapat ba akong matawa o malungkot. Hays. Ang hirap naman nito.

"Mauna kang humiwalay pre." si Apo.

"Ayoko nga. Ikaw ang unang humiwalay." si Bright.

Pareho pa rin silang nakayakap sa akin.

"Humiwalay ka na!"

"Ayaw ko. Ikaw muna!"

"Kainis naman to eh!"

"Sabay tayo." si Apo.

"Sige."

At sabay nga silang nagbilang.

"Isa, dalawa, tatlo."

Ngunit pareho silang nanatiling nakayakap.

Natawa na lamang ako. "Hoy! Chumachansing na yata kayo sa akin!" reklamo ko.

"Hayaan mo na. Binasted mo nga kami eh. Nagreklamo ba kami?" nahihimigan ko ang lungkot sa boses ni Apo.

"Oo nga." pagsang- ayon ni Bright.

Ako na lamang ang humiwalay sa yakap dahil wala yata silang balak.

"I'm truly sorry guys." paghingi ko ng paumanhin.

"Okay lang. Itong si Apo nalang siguro ang jojowain ko."

"Oo nga noh pre. Tayo na lang kaya."

Kumunot ang noo ko ngunit nanatili akong tahimik.

"Biro lang! Kadiri kang gorilla ka!"

"Asa ka namang papatulan kitang unggoy!"

"Ewan ko sa inyong dalawa."

Tuluyan ko na silang iniwan doon at bumalik na sa loob. I stopped when I saw Mick dancing with the guy on the dance floor. They were dancing to a slow song.

Naramdaman ko na naman ang pagbigat ng aking nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit.

Lalapitan ko sana siya upang magpasalamat tungkol sa pagbili niya ng damit ko ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay tumunog ang aking cellphone mula sa aking bulsa.

Mabilis kong kinuha iyon.

"Hello Gabo?"

"Kuya, hinahanap ka na ni Elliot. Umuwi ka na."

"Okay. I'll be on my way."

I dropped the call. Kinansela ko ang planong lapitan si Mick at hinanap na lang si Kuya Dominic upang makapagpaalam sa kanya ngunit hindi ko siya mahanap. Tinext ko na lang siya upang magpaalam.

Siguro ay hahanap na lang ako ng taxi. Napalingon ako sa banda kung saan nakita ko sina Mick kanina at nakitang nagsasayaw pa rin sila ng lalaki.

Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi sila bagay at sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan.

Ano ba naman ito?

Pinangunahan ako ng selos. Ngunit gayunpaman ay isinantabi ko iyon. Nilapitan ko sila dahil naisip kong magpahatid kay Mick sa condo. Kung okay lang sa kanya.

"Hey." tawag ko sa kanya.

"Hey Goob. What's up?" tanong niya at sumeryoso ang kanyang mukha. Tumigil sila sa pagsasayaw ng lalaki.

Napalunok ako.

"Hinahanap na kasi ako ni Elliot sa bahay. Pwede mo ba akong ihatid?" nahihiya kong tanong.

Nagkatinginan kami ng kasama niyang lalaki bago sila naman ang nagkatinginan.

He took a few seconds to think before he spoke. "I don't think it would be good for us, Goob. Kasama ko si Anton and I don't want to be rude. I have men on standby. I can ask them to drive you home. Just to make sure you're safe."

His eyes were sad when he said those words.

Sa sinabi niya ay para akong sinampal nang pagkalakas-lakas. Unti-unting nanghina ang aking mga tuhod. Mabilis akong tumango at naglakad palayo roon bago pa man tumulo ang aking mga luha na hindi ko alam ay nangilid na pala.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.