Kabanata 38: Shot
Bright's Point of View
"Saan ka pupunta?" narinig kong sigaw sa akin ng gorilla. Aalis na sana ako roon dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko. Kaalis lang ni Goob at bumalik na sa loob ng venue.
My heart feels so broken. I just got busted by the love of my life. Ilang taon akong naghintay para maligawan siya pero ilang buwan ko lang naranasan. Hays. Ang sakit.
Nilingon ko si Apo at tinaasan ng kilay.
"Pakialam mo?"
"Bakit ka galit? Ako ba ang nambasted sa'yo unggoy?"
"Ewan ko sa'yo!" Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Teka lang unggoy! Sama ako sa'yo. Inuman tayo."
"Tss." tanging nasabi ko. Napansin ko na lang na sinusundan niya na ako patungo sa parking lot. Pinatunog ko ang aking sasakyan at sumakay na sa driver's seat.
Kumunot ang noo ko nang sumakay siya sa passenger seat.
"What are you doing?" galit kong tanong.
Apo reached for my forehead and began massaging it. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha.
"The fuck?" reklamo ko.
"Stop frowning. Mas lalo kang punapangit. Kaya ka nababasted eh." Apo flashed a smile. Halos mawala ang kanyang mga mata.
Hinawi ko ang kanyang kamay. Natahimik siya sa ginawa ko kaya nakaramdam ako ng konsensya.
"Let's drink. Tara na sa BGC. Ang sakit ng puso ko pre. Alam kong pareho tayo ng nararamdaman at alam kong mag-iinom ka rin. Kaya damayan nalang natin ang isa't isa."
Sabagay. Tama naman siya. Balak ko talagang uminom dahil pakiramdam ko alak lang ang makakapagpatulog sa akin ngayon. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ay siguradong magdamag ko lang tititigan ang kisame sa aking kwarto kung hindi ako malalasing.
"Wala ka bang sasakyan? Kita na lang tayo roon." suhestyon ko.
"Katamad magdrive. Sabay nalang tayo roon para ikaw na maghatid sa akin. Kung magdradrive pa ako edi hindi ako makakapaglasing."
"Baliw! Gagawin mo pa akong driver."
"Sige na. Would you rather drink alone? Or would you want to drink me?"
Kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.
"What?" naguguluhan niyang tanong.
"You said 'drink me'"
"What? I never said that!" depensa niya.
"Yes you did! Iyon ang narinig ko."
"Nababaliw ka na. Bakit ko naman iyon sasabihin sa'yo eh hindi kita type? Epekto yan ng pagiging broken hearted mo! Iinom mo na lang yan!"
"Tss."
Pinaandar ko na ang sasakyan. Sa una ay mabagal ang aking paandar ngunit nang makarating sa highway ay binilisan ko na.
"Gago ka unggoy! Bagalan mo naman! Ang sabi ko mag-inom tayo! Hindi ko sinabing magpakamatay!" reklamo niya.
"Wala ng saysay panang mabuhay." biro ko.
"Hoy gago ka! Ayaw ko pang mamatay! Huwag mo akong idamay lintik ka!" natataranta niyang sabi.
Natawa na lamang ako habang pinapabagal ang andar ng sasakyan.
---
Goob's Point of View
There was this almost unbearable pain in my chest. Iyong tipong parang pinana ang dibdib mo. O di kaya ay piniga ang puso mo. Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko nga ba talaga alam o pilit ko lamang itinatanggi at ayaw ko lang aminin?
Tumulo ang luha sa aking mga mata habang naglalakad ako palabas ng venue.
It's so obvious. My tears are hard evidence and I ak guilty. Kaya wala ng saysay pang itanggi kung halata naman sa nararamdaman ko.
Mahal ko pa rin si Mick.
I have been trying to fool myself for a long time. Sarili ko lamang ang aking niloloko. Na hindi ko na siya mahal. Hinayaan kong pigilan ako ng galit ko sa kanya.
The truth is, I still love him. I always have. Nawalay man kami sa isa't isa sa loob ng anim na taon.
Dahil kung hindi ko na siya mahal, bakit ako nasasaktan ngayon? Bakit ako nakakaramdam ng selos? Bakit parang pinipiga ang puso ko noong tanggihan niya ako at mas pinili ang iba?
Tama bang habangbuhay ko na lamang siyang itaboy dahil sa kasalanang ginawa niya sa akin noon gayong halata naman na may gusto pa rin ako sa kanya at mahal ko pa rin siya?
Hindi ko na alam ang sagot. Naguguluhan ako. Part of me wants to give myself more time but another part of me wants to just get back with him.
Hays. Pinahid ko ang aking mga luha.
Hinanap ko ang aking driver sa parking lot. Siguro ay sa kanya na lang ako magpapahatid at pababalikin na lamang siya para kay Kuya Dominic.
Habang hinahanap siya ay naramdaman ko ang paghigit sa akin ng isang kamay. Nang lingunin ko kung sino iyon ay naguluhan ako.
"Mick." tawag ko sa kanya.
"I'm taking you home." aniya sa isang seryosong boses. "My car is this way."
Kumunot ang noo ko. "But I thought-"
"Shhh. I'll explain it to you inside the car. Now let's get you home." Hinigit niya ako patungo sa kanyang sasakyan.
He opened the door for me saka ako pinakawalan. Sumakay naman agad ako kahit nalilito pa.
He jogged towards his side of the car and went inside as well. Tahimik lamang ako sa passenger seat habang pinagmamasdan siya. He started the engine and drove away.
Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa kalsada, hula ko ay tinitimbang niya ang aking nararamdaman.
Mabagal lamang ang kanyang pagpapaandar. Dalawang minutong katahimikan muna ang lumipas bago siya nagsalita.
"Anton is just my friend. He's like a brother to me. We were admitted together in a psychiatric hospital. In case you were wondering." paliwanag niya.
I frowned. Psychiatric hospital?
"Why were you admitted in a psychiatric hospital?" I asked.
"I suffered from major depressive disorder after you left. The trauma I experienced with my father and the sadness that I experienced when you left depressed me. Halos hindi ko na kayanin kaya dinala ako roon. I was there for fourteen days."
Natahimik ako sa kanyang sagot at nakaramdam ng awa at lungkot.
"You don't have to feel bad about it." pahabol niya. "I'm doing much better now. I regularly talk to a therapist and I also have a monthly checkup with my psychiatrist."
Tumango ako, hindi alam kung ano ang sasabihin o kung ano ng ipapakitang emosyon.
"Doon ko nakilala si Anton. We were buddies. We managed to finish our fourteen day admission. He flew to the States after that at kahapon lang bumalik dito sa Pilipinas. We thought tonight would be a great time to reconnect. And he's married already."
Okay. But why is he explaining?
Tanga. Kasi napansin niya na mukha akong namatayan habang paalis ako roon. At sigurado akong namumula ang mata ko nang makita niya ako sa parking lot.
Marahil ay iniisip niyang nagseselos ako kaya siya nagpapaliwanag. And I must admit, nawala na ang bigat na nararamdaman ko kanina dahil sa mga sinabi niya. I felt relieved.
"Pasensya ka na kung sa'yo ako nagpahatid. Sana pala at hindi na kita inistorbo. Nakakahiya naman sa kaibigan mo."
"Anton understands. Ako ang dapat na humingi ng pasensya. Sana hindi ko sinabi ang mga binitawan kong salita kanina roon sa venue."
"Okay lang."
Muli kaming binalot ng katahimikan. Seryoso lamang ang kanyang mukha ngunit palipat-lipat pa rin ang tingin sa daan at sa akin.
Marahil ay napansin niya ang oagiging awkward ng paligid kaya in-on niya ang stereo ng sasakyan.
"Is it okay if we listen to the radio?" tanong niya.
"Oo. Okay lang." sagot ko habang pinagmamasdan ang mga gusali na aming nadadaanan.
When I heard the song playing on the stereo, I began to think if turning it on was a good idea. Huminto ang sasakyan dahil sa traffic.
*now playing When I Met You by APO Hiking Society*
"There I was an empty piece of a shell
Just mindin' my own world
Without even knowin' what love and life were all about
Then you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was so in love with you"
I glanced at his direction. Surprisingly, nakatingin din siya sa aking gawi kaya nagtagpo ang aming mga mata.
And in that moment, I found myself mesmerized by his deep and longing eyes which were telling me of his love and affection for me. Sa mga titig niya ay naramdaman ko ang pagmamahal niya.
"You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you"
Mick reached for my face using his right hand and cupped my face gently. Hindi ko alam kung dahil ba sa kanta kaya nadadala ang aming mga emosyon.
My heart began to race.
"I love the touch of your hair
And when I look in your eyes
I just know, I know I'm on to something good
And I'm sure, my love for you will endure
Your love will light up my world
And take all my cares away with the aching part of me"
Unconsciously, I reached for his face as well and caressed him gently. Mick closed his eyes to feel my touch.
"You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you"
Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay ginamit niya ang kaniyang kaliwang kamay upang dalhin ang kamay kong nakahawak sa kanyang mukha palapit sa kanyang mga labi. He kissed the back of my hand. Ngayon ay ako naman ang napapikit.
"You taught me how to love
You showed me how tomorrow and today
My life is diff'rent from the yesterday
And you, you taught me how to love
And darling, I will always cherish you
Today, tomorrow and forever
And I'm sure when evening comes around
I know, we'll be making love like never before
My love, who could ask for more?"
Somehow, it felt magical. Hindi ko alam kung kailan ang huling beses na naramdaman ko iyon. Ang alam ko lang ay kay Mick ko lang naramdaman iyon.
My heart was pounding but at the same time, it seemed like butterflies in my stomach were being outrageous. Nagkakagulo ang mga paru-paro roon.
"You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you
When I met you"
When I opened my eyes, I found myself moving closer and closer to him. Ganoon din ang ginawa niya. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaan ang aking puso na magkontrol sa akin.
I felt his lips brushing with mine. I felt a surge of electricity travelling from my brain down to my toes.
Marahan ang kanyang halik. Maingat. At higit sa lahat, puno ng pagmamahal. The kiss was not deep. But I can assure you, it was full of passion.
"You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you
When I met you"
Hindi ko namalayan na nalulunod at nalalasing na ako sa kanyang halik.
Naputol lamang iyon nang pareho naming marinig ang sunod-sunod na busina mula sa mga sasakyan na nasa aming likuran. Humiwalay kami sa isa't isa. Nang tingnan namin ang kalsada ay dumadaloy na pala ulit ang trapiko at wala ng sasakyan sa aming harapan.
Awkward silence filled the air. Pareho kaming hindi makatingin sa isa't isa. Sa labas ng bintana lamang nakatuon ang aking mga mata, nahihiyang magkatinginan ulit kami pagkatapos ng halik na iyon.
I would be lying if I tell you that I did not enjoy that kiss. I kissed a lot of men in the past six years. Lalo na noong nasa France pa ako. But the kiss with Mick was different. It was magical. It was something to long for. That brief kiss somehow took me to the time when we shared our very first kiss more than seven years ago.
Sa kanya ko lang iyon naramdaman. Kaya hindi ako dinalaw ng pagsisisi. Tanging hiya lamang ang bumalot sa akin. At kilig na rin. Pinamulahanan ako ng mukha.
Muling pinaandar ni Mick ang sasakyan. Naging tahimik na ang buong biyahe hanggang sa makarating kami sa parking lot ng aming condominium.
"S-salamat sa p-paghatid." nauutal kong saad at mabilis na bumaba na ng sasakyan.
Lumabas din siya ng sasakyan.
"Goob." tawag niya sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa kanya kaya imbes na lingunin siya ay mabilis akong naglakad palayo roon, nahihiya pa rin sa nangyari sa loob ng sasakyan kahit ilang minuto na ang nakaraan.
"Goob, get down!" sigaw ni Mick.
Umalingawngaw sa parking lot ang tunog ng baril. Sa gulat ay natigilan ako at napayuko. Nilingon ko si Mick ngunit hindi ko siya makita.
Tumakbo ako palapit sa kanyang sasakyan upang magtago sana ngunit halos humiwalay ang aking kaluluwa mula sa aking katawan nang makita si Mick na nakahandusay sa sahig at wala ng malay. Agaran ang aking pamumutla at panginginig.
His head was covered with blood. Doon ko lamang napansin na may tama siya sa ulo.
I rushed towards him and tried to cover his wounded head with my hands to stop the bleeding. Nagsimula akong umiyak at humagulgol.
Narinig ko pa ang sunod-sunod na pagputok ng baril at ang pagtama ng mga bala sa sasakyan. Ngunit sa puntong iyon ay wala akong ibang maisip kundi ang takot at pag-aalala kay Mick.
Lumipas ang ilang segundo at puno na ng dugo ang aking kamay at damit. Nagsimula na ring lumabas ang dugo sa kanyang bibig.
"Mick!" I cried.