Kabanata 39: Surgery
Nanginginig ang kaliwang kamay ko habang dina-dial ang numero ng ambulansya. Nabalot ng dugo ang aking cellphone. Samantala ay nanatiling nakadiin ang kanang kamay ko upang pigilan ang pagdaloy ng dugo mula sa ulo ni Mick. Mick regained consciousness.
I was still crying while talking to the operator. Kanina pa tumigil sa pagpapaputok ang kung sino man ang namaril sa amin. Kahit nakakabigla ang pangyayari, pinilit ko ang sarili na maging alerto lalo na dahil sa sitwasyon ni Mick.
"We n-need help." I cried. "Mick is bleeding. H-he was s-shot!"
Sinabi ko sa kanila ang address at ibinaba ang tawag. Binitawan ko ang cellphone at muling itinuon ang buong atensyon kay Mick.
Puno na ng dugo ang aking damit. Ganoon din ang kanyang mukha. Hindi pa rin ako makatigil sa pag-iyak. Hindi ako mapakali at hindi ko alam ang aking gagawin.
"Mick, stay with me. Don't close your eyes." I begged him.
He reached for my face. Nanghihina ang kanyang kamay. Hinawakan ko iyon at dinala sa aking pisngi.
"I l-love y-you." he stuttered.
Mas lalo akong naiyak. Naubo siya at lumabas ang dugo sa kanyang bibig.
Maraming tao na ang nagkumpulan malapit sa amin at nakikiusyoso. Sumaklolo naman ang mga gwardya sa building. Hindi nagtagal ay dumating ang ambulansya at mga pulis.
"Please stay with me." I cried.
I was just crying the whole time they were applying first aid until they lifted him inside the ambulance. Natulala ako ng ilang segundo habang nakaupo sa sahig ng parking lot, sinusubukang iproseso ang mga pangyayari.
Malakas ang kabog ng puso ko dahil sa kaba.
"Sir."
"Sir!" muling tawag sa akin ng doktor na sakay ng ambulansya. "Sasama po ba kayo?"
Saka lamang ako nabalik sa aking huwisyo. Tumango ako at mabilis na sumakay sa ambulance. Naupo ako sa gilid ni Mick na nakahiga sa stretcher. I cried as I held his hand.
May kung anong mga kagamitan ang nakalagay sa kanyang mukha. I can see with my eyes that he is having a hard time remaining conscious. Para siyang mawawalan ng malay ngunit nilalabanan niya iyon.
"Please stay with us." saad ko habang umiiyak. Dinala ko ang kanyang kamay palapit sa aking mga labi at hinalikan ang likod noon kahit nababalot iyon ng dugo.
Malakas ang iyak ko sa loob ng ambulansya habang kinukuhanan siya ng vital signs ng doktor.
Sa buong biyahe ay wala akong ibang naramdaman kundi ang takot. Takot na baka tuluyan siyang bawian ng buhay.
"Will he survive, doctor?" nabasag ang boses ko habang tinatanong ang babaeng nagchecheck ng heartbeat ni Mick.
"His condition is critical." sagot niya bago hinarap ang kasamahang lalaking nurse. "Kent, please inform the head of neurosurgery. This man needs one."
Tumango ang lalaking nurse at kinuha ang kanyang cellphone.
I focused my attention on Mick who was lying on the stretcher. His face was still covered in blood.
"You need to stay conscious. You're not allowed to close your eyes." utos ko sa kanya kahit na umiiyak pa rin.
Hindi ako sigurado kung ilang minuto ang itinagal bago kami nakaabot sa ospital. Mabilis ang paggalaw ng mga doktor at itinutulak ang collapsible gurney patungo sa operating room.
Pinigilan ako ng isa sa mga nurse na pumasok doon.
Naupo ako sa mga benches sa hallway. Hindi ako mapakali. Nilapitan ako ng isang staff ng ospital.
"Sir, may gusto po ba kayong tawagan?" tanong sa akin ng babae. "Natawagan na po namin ang nanay ng pasyente."
Tumango ako at inilabas ang aking cellphone. I dialed Techno's number and told him about what happened.
"Oh my god! I am on my way there. Please be safe. Ako na ang tatawag kay Gabo." sagot niya.
I ended the call and kept my phone. Muli kong sinubukang iproseso ang lahat ng nangyari.
Flashbacks began to appear in my mind. Naalala ko iyong mga panahong masaya kami ni Mick.
All those nights we spent when we became boyfriends. Iyong lahat ng lugar na pinuntahan namin. Iyong mga events na dinaluhan namin. Bago pa man gawin nina Dean ang ginawa nila sa akin ay naging masaya ang relasyon namin ni Mick.
Naaalala ko iyong panahon na pinagtripan ko siya upang bilhin ang isang bagay na hindi naman talaga nag-eexist.
I dialed Mick's number on my phone. Alas singko na mg hapon kaya sigurado akong pauwi na siya. Knowing Mick, he always immediately comes home. Palagi siyang excited na umuwi sa bahay lalo na kapag alam niyang nasa bahay lang ako.
"Yes baby?" sagot niya sa kabilang linya.
"Can you buy me patootibey?" sinubukan kong pigilan ang sarili na tumawa.
Patootibey? Wala ba akong ibang maisip na salita?
"Patootibey? What is that Goob?" nahihinuha kong nakakunot ang kanyang mukha ngayon.
"Yes. Patootibey. Padaan sa convenience store babe."
"Is that even a thing?"
"Yes. Please. I really need it." pakiusap ko.
"Okay. I'll pass by a convenience store before I head home. Anything else?"
"Buy ice cream too. Strawberry nalang kasi ang mayron dito sa ref na flavor."
"Noted baby. Anything else?"
"Gusto ko rin ng gwapong boyfriend." I giggled.
"I'm on my way!"
"Bilisan mo." I bit my lower lip kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita.
Nang makarating siya aa bahay ay galit na galit siya sa akin. Ako naman ay tawa lang nang tawa.
"I cannot believe I fell for your trick. You're unbelievable, Goob!" reklamo niya.
"Sorry. HAHAHA." asar ko sa kanya.
"That was a made up word! Pinahiya ko lang ang sarili ko nang magtanong ako sa saleslady!"
Mick crossed his arms. Natatawa pa rin ako habang nilalapitan siya. Dala-dala niya ang isang paperbag na hula ko ay naglalaman ng ice cream.
"I'm sorry. I had nothing better to do. Hayaan mo na at nakapag-uwi ka naman ng ice cream pati ng gwapong boyfriend na request ko." natatawa kong saad at niyakap siya.
Nakasimangot pa rin siya at walang planong pansinin ako. Nakatingin siya sa malayo.
I reached for his lips and gave him a peck. Kita ko ang pagpipigil niyang ngumiti. Sinubukan kong ulitin iyon ngunit hindi pa rin siya kumibo.
Ngayon ay ang umbok naman sa pagitan ng kanyang mga hita ang inabot ko. He gave me a warning look. I smiled playfully as I tried to massage him.
"You're so naughty. You're gonna pay for what you did." banta niya.
"I'm not scared."
Napatili ako nang bigla niya akong binuhat na parang sako ng bigas sa kanyang balikat.
"Ah ganun? Hindi ka natatakot? Sige." aniya habang bitbit ako paakyat ng hagdan.
I may not have forgiven Mick for everything he did to me years ago, but one thing is for sure. Ayaw ko pang mawala siya rito sa mundo.
Iniisip ko pa lang iyon ay parang pinipiga na ang puso ko. Hindi ko yata kakayanin.
Inisip ko rin kung sino ang posibleng may gawa nito. Wala akong ibang maisip kundi sina Sining at ang kanyang mga kaibigan.
Maybe they're doing this to get even with Mick after threatening to hang them before? Hayst. Ito na nga ang sinasabi ko. Dahil sa kagustuhan naming lahat na gumanti, kung ano ano na ang ginagawa namin. Pati ang pagpatay ng tao ay parang wala na lamang. With our desire to get even, we forget about being humans.
Habang hinihintay ang pagdating ni Techno ay dumating ang mama ni Mick.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. I was mever close with her. Mick introduced us before but after that, hindi na ulit kami nagkita.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Niyakap ako ni Tita Mirasol. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at napahagulgol siya sa iyak. Para kaming mga tangang nag-iiyakan sa hallway.
"This is all my fault, iho. I let Mick grew up in a toxic environment. Hinayaan kong saktan siya ng kanyang ama. Huli na nang mapagdesisyunan kong ipagtanggol siya." she cried on my shoulders.
Humiwalay ako sa yakap upang harapin siya.
"Kasalanan ko lahat. Kung sana inilayo ko ang Papa niya nang mas maaga, sana ay hindi naapektuhan si Mick."
"You never wanted it to happen, Tita." alu ko sa kanya.
"No, Goob. I was a terrible mother. Hinayaan kong pagdaanan iyon lahat ni Mick. I should have known better. I should have never let his father lay a finger on our son."
"Shh. Stop blaming yourself, Tita."
"I know that things are not good between you and Mick, Goob. But I am begging you, Goob. Huwag mong hayaang mag-isa ang anak ko sa panahong ito. Kailangan ka niya. Mick suffered from trauma. Alam kong hindi pa niya nasasabi sa'yo ito noon, but Mick was raped when he was a child. And the most painful thing about it was that his own father did it to him." Halos hindi niya matapos ang pangungusap.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Mick was also raped?
Oh my god!
"Mick never told anyone about it. Kahit sa mga dating kaibigan niya. Wala siyang sinabihan. Hindi niya iyon matanggap. Kaya siguro hindi niya sinasabi sa iba. Dahil hanggang ngayon, dinideny niya pa rin iyon. Hindi ko alam, Goob. I have so much to apologise to Mick. Hindi ko alam kung bakit pinatagal ko pa ang pagdurusa niya. I should have killed his father earlier. His father did not die because of the car accident. I made the accident happen para mawala na siya sa buhay namin. Sana ginawa ko iyon nang mas maaga pa." iyak niya.
Mas lalo lamang akong naguluhan. She killed her own husband?
"Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko, Goob. Manuel deserved it. He deserved worse. He should have died a slow death. But it was all I could do. To make it look an accident. Kung may pinagsisisihan man ako, iyon ay huli na noong ginawa ko iyon. Sana noon ko pa ginawa. I could have spared Mick from all the trauma."
Hindi ko alam kung paano siya aaluin. Niyakap ko siya nang mahigpit. Kitang-kita ko kung paano siya nahihirapan sa kanyang sinasabi at kung gaano niya pinagsisisihan ang lahat.
Mick is not a monster. His father was. Siya ang tunay na halimaw. Siya ang tunay na demonyo.
Humiwalay si Tita sa yakap at pinahid ang kanyang mga luha na kanina pa tumutulo.
"What happened to you triggered his trauma, Goob. Nadala niya ang pagiging marahas dahil sa kanyang ama. But it does not mean that my son is a monster. He also takes responsibility for his actions. Noong iniwan mo siya, ipinakulong niya ang kanyang sarili. Sumuko siya sa mga pulis. He wanted to pay for everything he did to you."
"He did that?" nanlulumo kong tanong.
"Yes. He did it. But he was released dahil walang kaso. He begged at the police bureau para lang ikulong siya. My son may have done bad things, iho. But he is still a good man."
Halos hindi ko kayanin ang pag-uusap namin ni Tita. Pareho kaming napaupo sa bench dahil sa panghihina. Magkahawak lamang ang aming mga kamay habang naghihintay.
Lumabas ang isang nurse mula sa operating room kaya sabay kaming napatayo ni Tita.
"Is my son alive?"
"The operation is still on going. For now, hindi ko pa po masasagot ang tanong na iyan Ma'am. But the surgeons are doing their best to save the patient."
Muling umiyak si Tita. Tila kanina pa naubos ang aking mga luha kaya wala ng lumalabas sa aking mga mata. Ngunit mabigat pa rin ang aking dibdib at labis pa rin ang aking pag-aalala. I pulled Tita Mirasol and embraced her in a hug.
Nagpatuloy siya sa pag-iyak sa aking dibdib.
Hindi nagtagal ay dumating si Techno kasama si Gabo. Mabilis akong niyakap ng aking kapatid.
Sa puntong iyon muling nagsilabasan ang aking mga luha. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. But somehow, my brother's hug made me feel safe.
"Are you okay, Kuya? I heard you were there when the shooting happened. Natamaan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Gabo at chineck ang aking katawan.
"I'm okay, Gabo. Si Kuya Mick mo ang natamaan. Nasa operating room pa." I cried.
"Shhh. Stop crying, Kuya." Naramdaman kong hinalikan ni Gabo ang aking ulo. "Everything will be fine."
"Sana hindi na lang ako nagpahatid sa kanya. Hindi sana nangyari ito."
"Don't blame yourself, Kuya. No one wanted this."
Tumango ako kahit hindi kumbinsido. Sana pala ay hinayaan ko na lamang si Mick doon na magsayaw kasama ang kaibigan niya. Edi sana ay ligtas siyang nakauwi. Hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko.
"Where is Elliot?" I asked. Pinahid ko ang aking mga luha at sinubukang pakalmahin ang sarili
"Si Pietro ang nagbabantay sa kanya. I asked him to come over. Nandoon din si Charlie."
"Does he know?"
"Hindi ko sinabi sa kanya, Kuya. Gusto nga sanang sumama pero hindi ako pumayag. Pietro will sleep there tonight. Sasamahan kita rito."
Muli akong niyakap ng aking kapatid.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay naupo kaming lahat sa bench. Hindi ko na alam kung ilang oras kaming naghintay roon.
Sa tuwing may lumalabas mula sa operating room ay sabay kaming napapatayo ni Tita Mirasol upang magtanong. Ngunit pare-pareho ang nagiging sagot. Hindi pa raw tapos ang operasyon pero ginagawa raw ng mga doktor ang lahat ng kanilang makakaya.
Nakasandal lamang ang ulo ko sa balikat ni Gabo habang magkahawak ang kamay namin ni Tita. Kanina ay nagdasal kami at ngayon ay balik kami sa paghihintay.
Panginoon, hayaan Niyo po sanang mabuhay si Mick. Bata pa si Elliot. Ilang buwan pa lamang silang magkakasama. Alam ko pong kasalanan ko na inilayo siya sa kanyang ama. Pero nakikiusap po ako, sana ay hayaan niyong lumaki ang aking anak na kasama si Mick.
And I will be honest. Hindi lang si Elliot ang may kailangan sa kanya. Ako rin po. Kailangan ko si Mick. Matagal kong itinanggi sa aking sarili. Pero ang totoo, mahal ko pa rin siya. At hindi ko kakayanin na mawala siya nang tuluyan sa akin.
Kanina ay lumabas si Techno at Gabo upang bumili ng agahan. Dinalhan nila kami ni Tita ng pagkain dahil pareho kaming tumanggi na sumama sa kanila. Pero hindi rin namin kinain ang dala nila dahil wala kamung gana ni Tita. Wala kaming ibang iniisip kundi ang kaligtasan ni Mick.
Nakakaramdam na ako ng antok dahil magdamag akong gising. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit.
Alas dose ng tanghali nang magsilabasan ang maraming doktor mula sa operating room. The surgery took 15 hours to finish.
Mabilis naming nilapitan ni Tita ang mga doktor.
Kitang-kita ko ang pagod sa kanilang mga mukha.
"Is my son alive?" tanong ni Tita.
"Your son is very lucky, Mrs. Dela Fuente. The bullet did not pierce his skull, therefore his brain was not damaged. The operation was successful."
Napahagulgol na lamang ako sa iyak dahil sa magandang balita. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag at kahit paano ay muling napayapa ang aking isip.
Sa sobrang tuwa ni Tita Mirasol ay napaluhod siya sa harapan ng mga doktor. She held the hand of one of the doctors. "Thank you. Thank you for saving my son."
"It's our job as doctors, Ma'am. Saving lives is our job." ang head surgeon.
"I can never thank you enough." si Tita na umiiyak pa rin habang nakaluhod.
"The patient will be transferred to the ICU in a few hours. He will recover soon. It will take a long time but he will. For the mean time, I think it will be best if you all take a rest."
I closed my eyes as I thanked the Lord for His miracle.
---
Sining's Point of View
"Mga inutil!" sigaw ko kina Pete at Kao. "Ang sabi ko, si Goob ang barilin niyo! Bakit si Mick ang tinamaan? Mga tanga talaga kayo! Pareho lang kayo kay Dean! Mga walang kwenta!"
"Mick tried to kill us! He almost hang us to death!" depensa ni Kao.
"Kahit na! Sinabi ko bang barilin niyo si Mick? Diba hindi?"
"Edi sana ikaw na lang ang bumaril kay Goob!" sagot ni Pete.
Mas lalo lamang akong nagalit dahil sa natamo kong sagot.
Kinuha ko ang baril na nakapatong sa mesa at binaril silang pareho. Napahandusay sila sa sahig.
"Mga walang kwenta! Samahan niyo na lang si Dean sa langit." umigting ang aking panga.
Hindi pa ako nakuntento at muli ko silang binaril. This time, I shot them in their heads.
Hindi pa ako tuluyang nakakaganti sa'yo Goob. Inagaw mo sa akin si Mick. You made him hate me. I will make sure that you will pay. But this time,my attack will be different. Hindi ikaw ang papatayin ko. You will forever mourn the death of one of your beloved. Sisiguraduhin kong habangbuhay mong dadalhin ang sakit.
---
Someone's Point of View
Inilabas ko ang picture ng aking kapatid na nakatago sa aking wallet.
"I will not fail you, Ate. Humahanap lang ako ng tamang tiempo. I will keep my promise to you. Sasabihin ko ang totoo sa kanila. Lalo na sa kanya."