Chapter Kabanata 40

Kabanata 40: Son

Goob's Point of View

Dahil naging matagumpay ang operasyon ni Mick, naging mabilis din ang kanyang paggaling. Well, he's still unconscious two days after his operation but the doctors say that he will wake up anytime soon. Nasabi rin ng mga doktor na wala ng ibang kumplikasyon pa dahil hindi naman umabot ang bala sa kanyang utak. No threat of amnesia or whatever. Mabuti na lang.

The shooter has already been identified. At hindi na ako nasurpresa na si Pete at Kao iyon. The bad news is that they were both found dead in a river. Kung sino ang may gawa noon sa kanila ay wala akong ideya.

Kung hindi si Tita Mirasol ang bantay kay Mick ay ako. Salitan kamu sa pagbabantay sa kanya. Gabo seem to not mind, although alam kong pansin niya ang pag-aalala ko kay Mick. Sa tuwing uuwi ako upang maligo at magpalit ng damit at magdala na rin ng kakailanganin sa ospital, hindi niya naman ako pinipigilan. Siya naman ang kasama ni Elliot sa condo.

Right now, I am pretty sure that Gabo already knows what to expect once Mick wakes up. Hindi ko alam kung ano ang posisyon niya rito dahil hindi ko pa naman nasasabi sa kanya kaya hindi pa kami nakakapag-usap.

Buo na ang desisyon ko.

Mick's life and death situation made me realize that I do not want to lose him. I do not want to lose him for life.

Hindi ko kakayanin. Ilang taon kong itinanggi iyon. Ilang taon kong niloko ang sarili ko. Hinayaan kong takpan ng aking galit ang pagmamahal ko kay Mick.

He may have done cruel things to me in the past. And surely, his previous trauma was never an excuse to make it acceptable. Because I tell you, it was not. Mali ang mga ginawa sa akin ni Mick kahit saang anggulo mo tingnan. But hearing his experiences, I have realized na may pinanggagalingan siya.

He did not simply want to hurt me because he was angry. He hurt me because he grew up with violence. And if I am being completely honest, I am no different than him.

I once used violence with him. I slapped him numerous times already in the past. I knew it was wrong. Ang pananampal ay pagiging bayolente rin. Kapag ako ang sinampal ni Mick, hindi okay. Pero kapag ako ang nanampal sa kanya, okay lang?

That is problematic. So I guess I'm no different than him.

I want to get back with Mick not because I am romanticizing violence in a relationship. Violence is never okay. But I want to get back with Mick because I believe that everyone can change. And I believe that our love deserves a second chance.

Hearing all the things Mick did after I left him somehow changed my perception of him. He turned himself in to the police. Ibig sabihin, inaamin niya na nagkamali siya at gusto niyang pagbayaran iyon. And the fact that he never told me about it just so I can forgive him. He even acknowleged that his previous trauma will never validate his actions. Para sa akin, kakaiba iyon. You don't always meet a guy who is willing to take responsibility with his actions. You don't always meet a guy who acknowledges his mistakes and work on them. And you don't always meet a guy who is willing to let things go because he believes that it will help him grow kahit alam niyang ikakawasak niya iyon at kahit alam niyang mahihirapan siya.

Walang taong perpekto. Lahat tayo nagkakamali at nagkakasala. Perp hindi ibig sabihin na hindi na tayo pwedeng magbago. Na habang buhay na tayong ganoon.

Wanting to get back with Mick is a big gamble. It's a big risk. I am either allowing him to hurt me again or I am giving him the chance to prove his love to me. Walang kasiguraduhan. Pero gusto kong sumugal.

At kung saktan niya man ako ulit, edi siguro ay hanggang doon na lang kami. Dahil hindi ko na ulit hahayaang saktan niya ako. It will be the end of us.

Isa pang bagay kung bakit gusto kong patawarin si Mick ay dahil kay Elliot. My son has outright let me know that he wants his fathers to get back together. Kitang-kita ko ang kagustuhan niya na maging maayos at magkabalikan kami ng Daddy Mick niya. Bakit ko pa ipagkakait iyon sa kanya gayong alam ko rin naman sa sarili ko na mahal ko pa ang Daddy niya?

Siguro ay sapat na dahilan na iyon. At buo na ang desisyon ko. Maaaring magalit si Gabo. Pati si Techno. But maybe someday, they will understand too.

Nasabi ko na kay Elliot ang tungkol sa kanyang Daddy. The poor boy was so worried and wanted so bad to visit him. But because children are really not allowed at the hospital, hindi pa siya nakakabisita roon.

Nang makauwi ako sa condo matapos ang isang buong gabing pagbabantay kay Mick ay si Elliot ang unang bumungad sa akin. I've been sleeping at the hospital for two nights already. Napagdesisyunan namin ni Tita na ako sa gabi at siya sa araw dahil na rin sa edad niya.

"Papa!" tawag sa akin ni Elliot.

"Hey baby." Hindi ko siya binuhat gaya ng nakasanayan dahil galing pa lang ako sa ospital at alam kong marumi pa ang aking katawan.

Sumimangot siya sa akin.

"Papa, can I visit Daddy now? I want to see him. I miss him so much," he said sadly.

"Baby, kids are not allowed at the hospital unless they are the patient. Kids can catch diseases easily. Your Daddy Mick will not approve of it."

Dumiretso ako sa kwarto upang maligo. He followed me there, desperate to change my mind. Sumunod naman sa kanya si Beyard na kanyang alagang aso na regalo sa kanya ni Mick noong kaarawan niya.

"Please Papa Goob. I want to see him. Please Papa. Please." he begged like his life depended on it. He pouted his lips.

Kitang-kita ko ang pagkakahawig niya kay Mick.

Bumuntong-hininga ako.

"Okay. But it will only be quick. You can't stay there for the whole day. The doctors will be mad."

"Yey!" Elliot celebrated like he just won the lottery. Nagtatalon siya at nagpaikot-ikot sa aming kwarto. Natawa na lamang ako. Kahit paano ay naibsan ang bigat na dinadala ko.

"Can I hug you Papa?" tanong niya.

"No, baby. You can hug me once I'm done taking a bath." binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

"Okay Papa."

"I love you baby."

"I love you more, Papa. Can we bring Beyard with us?"

"No baby. Pets are not allowed at the hospital."

"You heard Papa, Beyard? You will stay here with Tito Gabo." The dog stared at him with his tongue out.

Pagkatapos noon ay tumakbo si Elliot palabas ng aming kwarto kasama si Beyard. Naririnig kong tinatawag niya ang kanyang Tito Gabo marahil ay upang ibalita sa kanya ang pagpayag kong sumama siya sa ospital. Nagtatahol naman ang kanyang alagang aso.

Maybe it's a good idea? Baka mas mapabilis ang paggising ni Mick kapag marinig niya ang boses ni Elliot? The doctors said that it will be better if we regularly talk to him even if he's still unconscious. Anila'y naririnig daw ng pasyente kahit wala itong malay. So maybe hearing his son's voice will help him recover faster?

Kaya naman ay pagkatapos kong maligo at magbihis ay si Elliot naman ang aking binihisan. He was so excited at gusto niya pang isuot ang pinakamagara niyang damit at sapatos.

"I want to look so handsome so that Daddy Mick will want to wake up when he hears my voice and once I tell him how handsome I look." mayabang niyang saad.

Natawa na lamang ako at hinigit siya palapit sa akin uoang halikan ang kanyang noo.

"You're so naughty, baby. Mana ka nga talaga kay Daddy mo. Confident and arrogant at the same time." natatawa kong saad.

Pinakitaan niya lamang ako ng malapad niyang ngiti.

Nang paalis na kami ay tinawag si Elliot ng kanyang tito.

"Elliot, are you sure you don't want to stay with me?" biro ni Gabo.

"We've been together for two days already, Tito Gabo. I'm starting to feel annoyed staring at your ugly face." sagot ng bata.

Gabo looked offended. Samantala ay natawa na lamang ako dahil sa sinabi ni Elliot at sa naging reaksyon ni Gabo.

"What did you say?" sinamaan ng tingin ni Gabo ang kanyang pamangkin.

"It's true, Papa." Elliot glanced at me. "Also, Tito Gabo snores so loud I can hardly sleep." he crossed his arms.

Nanlaki ang mga mata ni Gabo, hindi makapaniwala sa sinabi ng bata.

"Is that so? Then you can't sleep with me again! I did not even complain when you peed on my bed last night! I had to change my mattress!"

Tawang-tawa ako sa naging usapan nila.

"I did not pee, Papa. Tito Gabo did. Or maybe it was Beyard!" depensa ni Elliot.

"Oh baby. I know it was you. You often do that in our bed too." I laughed. "Beyard was not around before."

Sumimangot ang bata. Gabo stuck his tongue out at Elliot. Napailing-iling na lamang ako habang tahol nang tahol naman si Beyard.

---

Nang makarating kami sa ospital ay kinailangan ko pang kumbinsihin ang gwardya upang papasukin si Elliot. Sinabi ko lang na malubha ang karamdaman ng Daddy Mick niya at makakatulong sa paggaling kung makikita ang anak nito. Mabuti at napapayag ko siya.

Sa hallway pa lang ay excited na si Elliot na halos kaladkarin ako papasok sa tamang silid.

"Is this the room, Papa?" iyon ang tanong niya sa tuwing may madadaanan kaming pintuan.

"No. A little further." lagi kong sagot.

"Is this Daddy Mick's room?"

"No baby."

"Is this it?" tanong niya habang hinihila ako.

Halos magningning ang kanyang mga mata nang tumango ako. He quickly reached for the doorknob and tried to open the door. Ngunit nakalock iyon. Agad namang binuksan iyon ni Tita Mirasol na nagulat nang makita si Elliot.

Elliot stared at her in confusion.

"Is this my grandson?" naiiyak na tanong ni Tita.

Tumango ako.

Mabilis niyang binuhat ang kanyang apo na ngayon ay nalilito pa rin.

"Hi Elliot. I'm your Lola Mira. Oh my god! You're so handsome! You look so much like your Daddy Mick!" Tita said in disbelief.

Naupo ako sa upuan na nasa tabi ng hospital bed ni Mick. Payapa pa rin siyang natutulog at walang malay.

Halos isang oras na karga-karga ni Tita si Elliot upang makilala ang kanyang apo. Elliot did not seem to mind though. Nakipaglaro lamang siya sa kanyang Lola na tuwang-tuwa sa kanya.

Naputol lamang ang kanilang bonding nang may tumawag sa cellphone ni Tita Mirasol. She excused herself kaya naiwan kami ni Elliot sa pagbabantay kay Mick.

Dinala ko si Elliot sa higaan ni Mick at pinaupo siya sa may gilid ng higaan.

"Papa, will Daddy Mick be okay?" tanong ng aking anak habang tinitingnan ang kanyang ama.

Tumango ako. "Yes, baby. Your Daddy will wake up soon. Just pray."

"Hi Daddy Mick. I miss you." sinubukan niyang kausapin ang kanyang ama.

Sa puntong iyon ay naramdaman kong may humahawak sa aking puso. Hindi ko mapigilan ang maging emosyonal.

Elliot has only spend a few months with his Daddy pero makikita mo kung gaano siya kahalaga sa kanya.

"Daddy Mick, you have to be strong, okay? Because you still need to teach me a lot of things. For example, you need to teach me how to ride a bike. Because I want a bike maybe when I'm ten?" nilingon ako ni Elliot. Ngumiti lamang ako sa kanya. Muli niyang itinuon ang atensyon sa kanyang daddy. "You also need to teach me how to shave when I grow older." Inabot ni Elliot ang mukha ni Mick. "Your beard and mustache is already growing. But don't worry, you're still handsome. Right Papa?" tanong niya sa akin.

I gave him a quick nod. Nangilid ang luha sa aking mga mata.

"I asked Tito Gabo yesterday and he told me that you are not married with Papa Goob yet. You still need to marry Papa so you need to wake up soon, okay? Because if you don't, I will tell Papa your secrets." sinubukan niyang bumulong sa tenga ni Mick. "You told me that you always think about Papa before you sleep. And you always wish to Santa to give him to you. But I guess you belong to the naughty list because Santa still has not given Papa to you." Sinabi niya iyon nang pabulong.

Natawa ako nang bahagya kahit naiiyak na.

"Don't worry Daddy. I already drove away the other boys who are trying to steal Papa away from you. I was worried he might not choose you so I decided to take things to my own hands." aniya.

Nilingon niya ako upang tingnan kung nakikinig ako sa mga sinasabi niya. I pretended to look away so as not to bother him.

"I love you Daddy Mick. Papa Goob and I love you so much. So please come back to us. Because if you don't, I will tell Daddy God to not accept you in heaven and I will also tell Satan to not accept you in hell. So that you will have no choice but to come back to us."

Elliot is so innocent. Hindi ko mapigilan ang umiyak.

Mas lalo lamang dumaloy ang aking mga luha nang marinig siyang kumakanta.

*now playing You Are My Sunshine by Johnny Cash (Nursery Rhymes Version)*

"You are my sunshine

My only sunshine.

You make me happy

When skies are grey."

Inawit niya iyon na puno ng pagmamahal. Labis ang ginawa ko upang pigilan ang aking paghikbi.

"You'll never know, dear,

How much I love you.

Please don't take my sunshine away."

---

Kagaya ng aming napag-usapan ay umuwi agad kami ni Elliot. He wanted to stay longer but I told him he can't. Bandang alas onse ng umaga nang makauwi kami sa condo. Tapos ng magluto si Gabo ng tanghalian.

Pagkatapos naming kumain ay tinabihan ako ni Elliot sa higaan. I planned to sleep for the whole afternoon dahil babalik ako mamaya sa ospital upang magbantay kay Mick.

Ngunit muli na naman akong kinulit ni Elliot.

"Papa, can we visit Daddy again this afternoon? Please!" pilit niya.

"Baby, you can't. Let's just sleep, okay? Or maybe you can play with Beyard."

Sumimangot siya. "Can we at least watch Spirit Untamed?"

Tumango ako. "Okay baby."

Iyon ang ginawa namin. Sa sobrang antok ko ay hindi ko na natapos ang palabas at nakatulog na ako. Nagising lamang ako nang tumunog ang aking cellphone dahil sa isang tawag.

Mabilis kong sinagot iyon.

"Goob! Oh my god! Nagising na si Mick!" maligayang balita ni Tita Mirasol sa kabilang linya. Nagising ang buong diwa ko at mabilis akong napabangon sa higaan.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko at napuno ng tuwa ang puso ko.

"Oh my god, Tita! I'm on my way!"

Nagmamadali akong nagbihis.

"Elliot, your Daddy has woken up!" balita ko sa kanya na nasa sala, busy kay Beyard. Lumuhod ako sa kanyang harapan upang magpantay ang aming paningin.

"Really, Papa? Can I come with you?" nanlaki amg kanyang mga mata.

"No, baby. Stay here with Tito Gabo, okay? I'll head to the hospital now. I'll Facetime your Tito Gabo so you can see your Daddy Mick, okay?"

"Okay, Papa. Be safe." saad ni Elliot. Nilapitan niya ako at niyakap ng pagkahigpit-higpit. "I love you so much, Papa Goob. Tell Daddy Mick that I love him so much too."

I hugged him in return and gave him a kiss on his cheeks.

"I love you so much too, baby. More than anything in my life. And I'm sure your Daddy Mick loves you so much too. Be good, okay?"

"Okay, Papa." aniya at ginawaran ako ng kanyang inosenteng ngiti.

Muli niya akong niyakap. My heart melted when he kissed my forehead this time. Dalawang beses niyang hinalikan ang aking noo.

"I kissed you twice. The other one is for Daddy Mick, okay Papa? You should pass it to him when you see him, okay?"

"Okay, baby."

"Now go, Papa."

Tumango ako at tumayo na bago tinungo ang pinto.

"Wait, Kuya." tawag sa akin ni Gabo na kanina pa pala kami pinagmamasdan ni Elliot. Lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at inilagay doon ang isang puting perlas na may tali.

Kumunot ang aking noo.

"What is this?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Give this to Kuya Mick and he will know what it is." Gabo smiled at me. Sa paraan ng pagkakasabi niya ng pangungusap ay tila wala siyang hinanakit kay Mick.

Hindi ko man lubos na nakuha ang nais niyang iparating ay tumango na lamang ako. Nagulat ako nang yakapin niya ako.

"I love you, Kuya Goob. Your happiness is my happiness too."

"I love you too, Gabo." Niyakap ko siya pabalik.

Pagkatapos ng madramang eksena na iyon kasama ang aking anak at ang aking kapatid ay tinungo ko na ang ospital. Nagpahatid ako sa aking driver.

Dahil rush hour ay nastuck ako sa traffic. Sa buong biyahe ay malakas ang kabog ng aking dibdib dahil sa sobrang excitement at saya. Sa loob ng sasakyan ay inensayo ko ang aking sasabihin sa oras na magkita kami ni Mick.

Nanghihina ang aling mga tuhod habang naglalalad ako patungo sa tamang kwarto.

Ngunit hindi ko pa man nabubuksan ang pintuan ay narinig ko ang pag-uusap mula sa loob.

"Charlie is your son, Kuya Mick. Anak niyo siya ng ate ko." nasisiguro kong boses iyon ni Pietro.

Halos maestatwa ako sa labas dahil sa aking narinig. Bago pa man ako makabawi ay naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone na nasa aking bulsa.

Nakita kong tumatawag si Gabo.

"Kuya!" he was crying on the other line. "Kuya, Elliot is missing, I can't find him."

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi pa man natatapos ang tawag kay Gabo ay nakatanggap ako ng panibagong incoming call. Mabilis kong sinagot iyon.

"We are finally even, Goob." boses iyon ni Sining. "You took away the most precious thing in my life. So I took yours. The poor thing even begged for me to spare his life. Your son is dead. Your precious Elliot is dead."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.