CHAPTER THIRTEEN

CHAPTER THIRTEEN

Alumpihit si Amber kung lalapit siya kay Hiro. Nasa may pool ito at nakaupo sa isa sa mga lounger sa poolside deck. Nag-iisa ito at tila napakalalim ng iniisip. Itinuloy niya ang pagbukas sa glass door at lumapit dito.

“Hiro.”

Bahagyang gumalaw ang ulo nito. “He’s fine. Nasa hospital na s’ya. Nagpapahinga. Nasa hospital ngayon ang assistant ko para asikasuhin ang lahat. Naroon na rin ang mother n’ya pati ng ang mga kaibigan n’yo. Nailabas na rin ang cover story tungkol sa nangyari sa kanya. He’s safe now.”

Nagbuntong-hininga siya. Ang totoo ay hindi niya alam kung paano ito kakausapin. So much had been revealed to her. At aminado siyang may pagkakamali rin siya. Dahil sa galit niya ay hindi na niya nagamit ang logic niya. Nawala ang pagtitiwala niya dito at kay Andrei. Inisip niya na makasarili ang mga ito.

“I’m sorry.”

“It’s too late for that. Nahusgahan mo na ‘ko.” Agap nito. “But don’t worry. I’m not emotional.”

“Hiro, I still want to say sorry.” Naupo siya sa tabi nito. “Hindi ako nakinig.”

“It is because you didn’t know the real situation.” Agap nito. “Nagdesisyon kami ni Andrei na ilihim na muna ang tungkol sa pagkakagulo sa House dahil gusto naming maging maayos ang plano. You know very well that the organization is more than a complex maze. Maraming kailangang sundin at panindigan. Maraming kailangang isakripisyo.

“For years, House is always dragged to mud. Pinagbibintangan tayong drug lord, smuggler, trafficker, even hitmen. We kill people because it what feed us. Hindi ‘yon pinansin

nina Dad kahit na nakakasira na ‘yon sa samahan. They thought having the legit company would dissolve everything. Pero dumating si Blaine.”

“Kaya pinilit n’yong matuloy na ang kasal.” Aniya.

Tumango ito. “Inisip namin na kung mangyari na ang oath, tataas ang moral ng council sa’tin at papayag sila na imbestigahan ang lahat ng activities ni Blaine. But you keep refusing. We started to investigate. Nakakuha kami ng evidence through Atom pero naunahan ako ni Blaine kaya nagawa niyang i-under surveillance ka. Wala nang nagawa si Andrei. If he contests, doubts will roll over. The House has great expectation from us.”

Pagkasabi noon ay tumingin ito sa kanya. “Dahil ang mga magulang natin ang nagsimula nang maayos na House. Free from dark. A real treasure.”

Napatungo siya. “I know.”

Pareho silang nanatiling tahimik matapos ang ilang saglit.

“About the oath.” Aniya. “I know I took it for granted. Dahil sa sama ng loob ko pinilit kong labanan ‘yon. I never think. Naging makasarili ako.”

“Do you really believe that you’ll be miserable if you marry me?” bigla nitong tanong.

Napatingin siya dito.

Tila napapalibutan ng lungkot at pagtatanong ang gwapong mukha nito. Deretso itong nakatingin sa kanya. Bumigat bigla ang pakiramdam niya dahilan upang mamuo muli ang mga luha.

“Binuhay ko ang sarili sa galit ko sa’yo dahil sa kasunduan na ‘yon. I blame you for not having the chance to be free. When that oath was made, I felt I died.”

“Kaya ka ba nag-sorry kanina?” muli nitong tanong.

“I said it because I realized I was not the only one who’s trapped. Dalawa tayong ipinagkasundo. You may be felt the same. Hindi mo rin ginusto ang nangyari. Napipilitan ka lang din.”

“You think?” patanong nitong sabi.

“Oo.” Aniya habang tumatango. “Why? Hindi ba?”

Ngumiti ito nang bahagya. “You’re special, Amber. And will always be. Sa ilang taon na paghihintay ko sa’yo wala akong pinagsisihan do’n. I was shocked, yes, when I learned about the arrangement. Sino ba namang hindi? I was only sixteen then. But I did wait for you…hanggang sa maintindihan mong kailangan nating makasal kasi….”

Natigil ito sa pagsasalita. Tila pinigil nito ang sarili. “Hiro..”

“….because you’re a blessing. Naniniwala ako na hindi ka mahirap mahalin.” He supplied.

Maluha-luha niyang hinawakan ang kamay nito. “We were never given the chance to be friends. I’ve always been rude to you. Tama si Ah hiya. You may be always cranky. Pero mabuti kang tao. Maswerte ang kung sino mang mamahalin mo.”

Tumawa ito. “She’s already lucky.”

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito ngunit nag-iwas na ito ng tingin. Naramdaman niya ang bigat sa mga salita ni Hiro. It was as if he was hurt and wounded. At may kinalaman siya doon.

Hinawakan niya ang kamay nito. “I now understand everything. I’m really sorry for the shortcomings. Hindi ko pinahalagahan ang pamilya natin.”

Umiling ito saka siya hinawakan nang mas mahigpit. “Naiintindihan kita. There are things in this world that you cannot have. Even if you have the billions. Because it’s priceless.”

“We can still save the oath. Handa na akong magpakasal sa’yo. We will save Mama and will fulfill the oath. Atin ang House. Tayo ‘yon. Walang ibang dapat pumasok do’n.” Saad niya.

Kailangan niyang tanggapin ang isang katotohanan sa buhay niya. She was bound to be with Hiro. Hindi tadhana ang nagbigay noon sa kanya. Dahil iyon ang itinadhana ng buhay na magroon siya.

Kunot ang noo itong tumingin sa kanya. “Tatalikuran mo ang pagmamahal mo sa kanya?

Don’t you think that your love is more than worth the House?” “Hiro…” nagulat siya.

Ngumiti ito. “Nagpapasalamat ako sa pagpapahalaga mo. But you have gone too far. Dumating ka pa nga sa puntong makakapatay ka para lang sa kanya. You have proven enough to gain your forever. And if your forever asks me to step back? I will do it. Dahil hindi ka magiging masaya kung ako ang makakasama mo. Roswell is so damn lucky to have you. But you are luckier for finding your great love. Matagal mo na s’yang inalaagan sa puso mo. It’s time to harvest that love.”

Hindi na napigilan ni Amber ang mapaluha nang katakut-takot. Hiro was more than a great man. He was such an angel for giving her not only her freedom but for showing her how lucky she was being at her family. Ipinakita nito kung gaano kabuting tao ang buong pamilya nila.

“Don’t cry.” Ani Hiro at pinahid pa nito ang mga luha niya. “Baka makita pa ni Roswell.

Lagot ako do’n. Sabihin n’ya pinapaiyak kita.”

“T-thank you.” Sabi niya habang panay ang singhot.

“Ginawa ko lang nararapat. At least, I can sleep peacefully kahit na hindi na darating ‘yong kasama kitang matulog. Kampante naman ako na masaya ka.”

Napatawa siya saka itong sinugod ng yakap. Tumugon naman ito at naramdaman pa ang paghalik nito sa ulo niya. Napapikit siya. Ipinangako niyang mailigtas lang ang kanyang ina ay pupuntahan niya si Jeuan at sasabihin dito kung gaano niya ito kamahal.

Sa ospital na nagkamalay si Jeuan. Nagisnan niya ang kanyang ina at ang kanyang mga kaibigan. Hinang-hina siya dahil sadyang napuruhan ang upper extremity niya. Namaga rin ang forearm niya kaya hirap siyang gumalaw. His face was swollen and he had knee injury. Mabuti na lang at hindi na kinailangang operahin ang tuhod niya.

“How do you feel?” Tanong ni Lourd na nasa gilid ng kama.

Naroon din sina Mike at Marlon pati na si Jershian na kahit may pinagdadaanan ay naroon pa rin para sa kanya. Ang kanya naman ina ay tahimik na nakaupo sa sofa at nakamasid sa kanya. Pugto ang mga mata nito tanda ng matagal na pag-iyak.

“Feeling better.” Sagot niya.

“I’ve already arranged the necessary para hindi na lumala ang sitwasyon. May nakipag- usap sa’kin para sa cover story. But if you want we can have a media blackout. Para na rin makapagpahinga ka.” Sabi ni Lourd.

“Salamat.” Tangi niyang naisagot.

“Pwede ba naming malaman kung ano talagang nangyari?” Ani Mike. Wala ang kakulitan nito at seryosong nakatingin sa kanya.

“It’s…It’s those who wanted me and Amber to be separated.” Sagot niya. “Resbak gusto mo?” Ani Marlon. Umiling siya.

“Hindi na. Hindi nagbibiro ang mga tumira sa’kin. They really want to get rid of me.

Mabuti nga nailigtas pa ‘ko ni Amber eh.”

Nagkatinginan ang mga ito. Napalingon siya kanyang ina. Ngumiti ito saka tumayo at lumapit sa kanya.

“Ang mahalaga ay buhay ka.” Anito na namumuo ang luha.

“Sa labas muna kami.” Ani Lourd at sabay-sabay nang lumabas ang mga ito. Tinapik pa siya ni Jershian bago ito lumabas.

Naiwan silang ma-ina.

“Lei significa il mondo per me, Mama.” Amber really meant the world to him.

Hindi na napigil ang sarili niyang sabi sa kanya ina. Hindi niya maintindihan ngunit para siyang batang nagsumbong sa kanyang ina. Parang gusto niyang isubsob ang sarili dito at umiyak.

“I know. Hindi mo gagawin ang kwintas kung hindi s’ya gano’n kahalaga sa’yo. She really means the world to you.” Sabi nito.

“Pero bakit ayaw nila kaming maging masaya. Pilit nilang ipinagkasundo si Amber sa taong hindi niya mahal. I did everything to save her, Mama. At handa akong mamatay para sa kanya. Pero parang…ang hirap.”

“Oh, Jeuan.” Anang kanyang ina at maingat siyang niyakap.

He felt good being in his mother’s arms. Kay tagal niyang hindi naramdaman ang mga bisig nito. Dahil hindi niya hinayaan ito.

“Everything will be alright. Pwedeng pagsubok lamang ito sa inyo ni Amber. It is to test your love for each other. Hindi n’yo ginustong malagay sa sitwasyon n’yo. But it is for you to prove to that situation that you’re one on this. Hindi ito ang panahon para bitawan mo s’ya.

Don’t worry. Narito ako para suportahan ka. I will never ever leave you on this. I promise you that.” Anang malambing nitong tinig. She was always like that. So nurturing.

“I always knew it.” Saad niya. “Hindi naman nawala ang tiwala ko sa inyo kahit na hindi tayo nag-uusap. I just don’t know how to deal with my hurt.”

“I’m so sorry.” Naluluha nitong saad.

“No. I’m sorry.” Sabi niya. “Kailangan ko pang magbugbog nang ganito para lang tumakbo ako sa inyo.”

Ngumiti ito. “I don’t care how you did it. Ang mahalaga ay maaalagaan kita.”

Lumipas ang ilang sandali. Nanatiling nakahawak ang kamay ng kanyang ina sa kanya. “Ma.” Tawag niya at tumingin ito sa kanya.

“Quando tutto è finito, voglio vedere Dad.” Sabi niya na ibig sabihin ay nais na niyang

makita at makausap ang kanyang ama. Malapad ang naging ngiti ng kanyang ina. Alam niyang

masaya dahil nagdesisyon na siyang puntahan ang kanyang ama.

“Tuo padre sarà felice. Palagi ka n’yang itinatanong sa’kin. Sinasabi ko na lang baka sa

susunod sasama ka na. Ti ringrazio tanto, il la sua. È malato. Ang sabi n’ya, ikaw lang ang

tanging hiling niya bago man lang s’ya mawala.” Maluha-luha saad ng kanyang ina. Miss na

miss na raw siya ng kanyang ama at malubha ng ang kalagayan. Mga bagay na noon lamang niya

nalaman.

“Napatawad mo na ba s’ya?” tanong niya.

Tumango ito. “Matagal na. Asawa ko pa rin s’ya. At s’ya ang daddy mo. Wala akong dahilan para hindi ko s’ya patawarin. Humans make mistakes. Kaya marunong tayong magpatawad. Hindi mahirap i-practice ‘yon.”

“Penso sia giunto il momento, Mama. Masyado ko nang pinatagal.” Aniya.

“Yeah. You’re right. It’s time.” Nakangiti nitong sagot.

Narinig nila ang pagbukas ng pinto at sa pag-aakalang iyon ang attending nurse kaya kumilos ang kanyang ina. Ngunit pareho silang nagulat nang iba ang tumambad sa kanila.

Si Andrei Sih Chua.

“Ahm, hi. Mr. Sih Chua.” Anang kanyang ina nang makabawi ito. “Good afternoon.” “Good afternoon, Ma’am.” Tugon nito saka tumingin sa kanya.

Tila nakaunawa naman ang kanyang ina. “Sa labas na muna ‘ko.”

Walang kumibo sa kanila hanggang sa makalabas ang kanyang ina. Kumilos si Andrei at tahimik na pumuwesto sa may paanan niya.

“How’s your knee? Mukhang binalak kang lumpuhin.” Panimula nito. Nagkibit-balikat siya. “It’s just a crack. Buo pa naman ang buto.”

Sandali itong hindi umimik. Tila naninimbang sa pagitan nilang dalawa. He was standing in front of him dignified. Kawangis ito ni Amber ngunit mas porminente ang features ng mukha nito. Marahil dahil sa may nakuha rin itong features ng ama nito.

“Thanks for coming. Hindi ka na dapat nag-abala.” Saad niya upang kahit paano may mapag-usapan sila.

“I told you I keep my promise. Mag-uusap tayo. Man to man. ‘Yon nga lang. Sa ganitong sitwasyon pa. And to think na dahil ‘yan sa gulo ng pamilya ko. Kaya ka nasa hospital na ‘to. I apologize.” Sagot nito.

“Accepted. I want to hear your story. Gusto kong makumbinsi na hindi ikaw o si Kurasawa ang nagpadala ng mga tao para saktan ako at guluhin kami ni Amber.” Aniya na puno ng kaseryosohin.

Nagbuga ito ng hangin. “It wasn’t from our side, Jeuan. Like what I’ve said. Gulo sa pamilya ko ang nadulot sa’yo n’yan. May mga tao sa pamilya ko na hindi papayag na hindi si Hiro ang mapangasawa ni Amber.”

Nanunuya ang naging tawa niya. “What is in that arrangement, Andrei? Bakit gano’n na lang ang pagpupursigi n’yong tuparin ang usapan n’yong ‘yan?”

“Hindi ‘to basta usapan.” Anito sabay buga muli ng hangin. “Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin. Ipinangako ng Papa namin na si Hiro mapapangasawa ni Amber. He was fond of Hiro noon pa man. Sinabi n’ya noon na kung meron mang lalaking nararapat kay Amber, walang iba ‘yon kundi si Hiro.”

“Is it wealth?”

“Why did you asked? Alam kong kaya mong tapatan kung anumang meron ang pamilya ko. You can give Amber her luxurious life. Even greater kung gugustuhin mo. But it wasn’t about that.” Tugon nito.

“Anong gusto mong mangyari ngayon? Are you here to ask for her? Gusto mong tigilan ko na s’ya?” tanong niya dito.

“Narito ako para tuparin ang naipangako ko. I told you we will talk about her. Parehong mahagala sa’tin si Amber. I will bet my life for her. At alam kong gano’n ka rin. But there are things in this damn world that requires logic. Hindi ginusto ni Amber o kahit na ako na maging s’ya. It was faith that made us a family. At bilang pamilya, may mga obligasyon kami at alam kong gano’n ka rin. You have your own struggles. So am I. So as Hiro or so as Amber. So as everyone.”

“Hindi ko kailangan ng sermon, Andrei. I’m too weak to swallow your words. I don’t think I deserve that. Wala akong kasalanan kahit na kanino. Lalo na sa’yo. I’m claiming what I

think is mine. At ibinibigay ko kung sa tingin ko ay hindi naman akin. In your sister’s case, no one owns her. But I own her heart. As well as she owns mine. Wala ka nang magagawa do’n.” aniya at bahagyang kumilos ang ulo niya na tila may naisip. “Meron pala. That if you kill me.”

“Don’t make me the bad guy, Jeuan. Hindi ko sisirain ang reputasyon ko. It’s a waste of

time.”

Napangiti siya. “Mahal ako. I’m worth billions.” Tumango ito. “At mahal ka ng kapatid ko.”

Hindi kaagad nakahuma si Jeuan nang marinig iyon. Tila isang hirap na pag-amin iyon mula kay Andrei. At gustong magsaya ng kalooban niya dahil nagawa niyang maniwala ito sa pagmamahal niya sa dalaga.

“At ako ang isusunod niya sakaling patayin kita. That’s how ruthless she is when it comes to you.”

“Where is she?” bulas ng labi niya nang maisip ang dalaga. He missed her terribly. “Home.” Nakatingin sa kanyang tugon nito. “Thinking about you.”

“Bakit hindi s’ya ang nagpunta dito? Pinigilan mo?”

Umismid ito. “Hindi n’ya alam na pupuntahan kita. At hindi ko alam kung bakit hindi pa s’ya pumunta dito. Siguro iniisip n’ya na pwede kang balikan ng mga tumira sa’yo kung makita kayong magkasama.”

Hindi siya tumugon. Dahil ang totoo ay nasaktan siya sa sinabi nito. Bigla rin siyang nagtaka kung bakit tatlong araw na siyang nasa ospital ay hindi pa siya dinadalaw nito. Inisip niya noong una na pinigilan ito ngunit kay Andrei na nanggaling na ito mismo ang ayaw siyang makita.

“I better go. Gusto ko lang masiguro na okay ka na. Mag-iingat ka rin. Danger must be in corners. Pero gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka. Bawi ko man lang sana ‘yon sa nangyari sa’yo. Keep safe. Pagaling ka.” Anito at tumalikod na.

“About the triad issue.” aniya na nakapagpatigil dito. Lumingin ito sa kanya. “What about that?”

“Totoo ba? Totoo bang Triad ang nasa likod n’yong lahat? Kaya kayo nakakakilos nang ganito?”

“No.” mabilis nitong tugon. “It was never been true. That I assure you.” Pagkasabi noon ay itinuloy na nito ang naudlot na paglabas.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.