“I’M SO sorry, Nikita,” sincere na sabi ni Blossom habang hawak ang mga kamay ng best friend niya at nakatingin ng deretso sa mga mata nito. “Alam kong nasaktan at nadamay ka sa ginawa ni Prince Brooklyn pero dahil sa’kin, hindi siya mapaparusahan sa ginawa niya sa inyo ni Xia.”
Humingi na rin siya ng apology sa Knight niya na mabilis naman nitong tinanggap. Sobrang na-gi-guilty pa nga si Xia dahil wala itong nagawa para protektahan siya pero sinabi naman niya rito na hindi nito `yon kasalanan. Nagalit tuloy siya sa sarili dahil ngayon lang niya na-realize ang bigat ng ginawa niyang pakikipagkasundo kay Brooklyn at ang pagprotekta niya rito ngayon.
“Alam ko rin na kahit nakausap na ni Mommy ang parents mo eh masama pa rin ang loob nila sa pagkaka-involve mo sa gulong `to,” pagpapatuloy niya. Kinausap ng kanyang ina ang mommy at daddy ng best friend niya para pakiusapan ang mga ito na palagpasin na lang ang ginawa ni Brooklyn at `wag nang sabihin sa iba ang nangyari dahil ‘internal conflict’ daw `yon sa mga royalty ng Elestia. “Please tell Aunt Tanya and Tito Nick that I’m really, really sorry.”
Ngumiti si Nikita at pinisil ang mga kamay niya. “Beshie, stop apologizing. I’m fine– I really am. I understand naman why you’re doing this. Ako na rin ang bahala kina Mommy at Daddy. Plus, I don’t think they’re blaming you for what happened. Kapag nag-subside na `yong pag-worry nila dahil sa nangyari sa’kin, they’ll eventually forget about the incident.” Ngumiti ito ng malungkot sa kanya. “I need to go home na. But I can stay if you want me to.”
“I’m good. You go home and stay with your parents.”
Isang mahigpit na yakap ang isinagot sa kanya ni Nikita.
Pagkatapos no’n, hinatid na niya ang best friend niya sa Porsche car na naghihintay dito sa labas ng mansiyon nila. Umalis si Nikita na kasunod ang isang itim na kotse sakay ang mga Knight na in-assign niya para masigurong makakauwi ito ng safe at hindi na mauulit ang nangyari kanina.
Sobrang haba talaga ng gabing `yon.
Papasok na sana siya sa loob ng mansiyon pero natigilan siya nang dumating ang Rolls-Royce ni Roarke. Unang bumaba sa driver’s side si Creed na mabilis pinagbuksan ng pinto ang kapatid niya na bumaba ng backseat. Pagkatapos, yumukod na ang Knight sa prinsipe at naglakad papunta sa tabi ni Xia na nakabantay sa kanya sa tabi ng maindoor ng mansiyon.
“It’s late, Princess Cassiopeia,” formal na sabi ni Roarke, saka ito namulsa at tumayo sa harap niya. “Pumasok ka na at magpahinga.”
Tinaasan niya ng kilay ang prinsipe. “Magpapahinga ako kung kelan ko gusto.”
“You dare talk back to your brother using that tone?” kunot-noong tanong nito.
Humalukipkip naman siya at ngumisi ng mapait. “Ah, right. You’re the more important twin. I’m so sorry for talking back to you, Your Highness.”
Nagtagis ang mga bagang nito, halatang hindi natuwa sa mga sinabi niya. “Princess Cassiopeia–”
“It was so easy for dad to sell me off,” mapait na sabi niya. “I bet he did that without even thinking twice. Hindi siya papayag na hindi kilalaning prinsipe ang anak niyang lalaki.”
“Iniisip mo ba ginawa `yon ni Dad para lang sa’kin?”
“May naiisip ka pa bang ibang dahilan?”
Hindi nakasagot ang prinsipe.
“Tama ang iniisip ko at alam natin pareho `yon,” deklara niya. “Ang tingin lang sa’kin ni Daddy, prinsesa na puwede niyang ipakasal sa anak ng ka-business transaction niya.”
“Kaya ba magpapakasal ka pa rin kay Brooklyn Sprouse?”
Nalingunan ni Blossom ang mommy niya na pababa na ng hagdan ng front porch, palapit sa kanila ng kapatid niya. “Mommy…”
Huminto ang kanyang ina sa harap niya at humalukipkip habang binibigyan siya ng malamig na tingin. “Iniisip mo bang makokonsensiya ang daddy mo kapag pinakasalan mo si Brooklyn at magiging miserable din siya kapag naging miserable ka?”
Nag-init ang mga pisngi niya dahil tama ang kanyang ina. Pero ngayon niya lang na-realize kung ga’no ka-ridiculous ang ‘plano’ niya. Hanggang dito lang ba ang magagawang pagrerebelde ng isang eighteen year old sheltered princess na gaya niya?
“If that’s your plan, then I feel sorry for you,” cold pa rin na pagpapatuloy ng mommy niya. “You know how heartless and selfish your father can get. Goodluck on trying to make him feel guilty.”
Ouch, that hurt.
“Mom, that’s enough,” saway ng prinsipe sa kanilang ina.
“I’m just knocking some sense to your sister,” katwiran ng mommy niya, saka ito bumuntong-hininga at umiling-iling. Mas naging gentle na ang mukha nito nang muli siyang tingnan. Napansin siguro nito na malapit na siyang maiyak. “Kung alam ko lang na maiisipan mong magpakasal sa anak-anakan ng kriminal na si Romano, sana pala hindi ko na lang inutusan si Koji Takishima na layuan ka. Mas matatanggap ko pa ang lalaking maraming utang kaysa sa lalaking nagpupumilit na ngang maging totoong prinsipe ay stepson ng isang kriminal.”
Understatement ang sabihing nagulat si Blossom sa narinig niya. “Mommy, what did you say? Inutusan mo si Koji na layuan ako?”
“Mommy,” frustrated na sabi naman ni Roarke. “Nagawa mo `yon?”
“A mother has to do whatever it takes to secure her children’s future,” katwiran ng mommy niya, saka ito tumingin sa kanya. “Yes, Princess Cassiopeia. I made a deal with Koji Takishima.”
NATIGILAN si Cassy sa paglalakad nang makita niyang pinagkakaguluhan ng mga estudyante sa harap ng main building ng Polaris Academy ang isang pamilyar na white Sedan. Kung hindi siya nagkakamali, kay Blossom ang kotse na `yon. Hindi nga siya nagkamali dahil mayamaya lang, bumaba mula sa backseat ng luxury car ang kaibigan niya na mabilis pinalibutan ng apat na Knights– maliban kay Xia– para hindi ito malapitan ng mga schoolmate nilang humihingi ng autograph at selfie.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang ginintuan na ang buhok ni Blossom at kulay berde na rin ang mga mata– katulad ng kay Roarke!
Ah. Binago lang pala niya ang kulay ng buhok niya. Kaya pala naka-lenses din siya.
Alam niyang nagsusuot ng contact lenses si Blossom dahil ang sabi nito sa kanya, malabo raw ang mga mata nito. Saka mahigit isang taon na rin naman silang mag-roommate. `Yon nga lang, hindi niya ito nakikita kapag inaalis ang lenses nito dahil deretso tulog na ito. Lagi naman itong nauunang magising kaysa sa kanya kaya suot na uli nito ang lenses kapag nagigising siya.
Itinatago pala ng prinsesa ang berde nitong mga mata.
“Good morning, Princess Cassiopeia,” nakangising bati ni Brooklyn kay Blossom. Gaya ng prinsesa, may kasama ring mga Knight ang psycho prince kaya hindi rin ito nadidikitan ng mga estudyante. A few seconds later, the prince offered his arm to the princess. “I’ll walk you to your class.”
Tiningnan lang ni Blossom ang braso ni Brooklyn bago nito nilagpasan ang prinsipe.
Mukha namang hindi nainsulto si Brooklyn na ngumisi lang at mabilis namang sumunod kay Blossom na parang tuta. Kasunod din ng dalawang royalty ang mga Knight at estudyante na hindi pa rin tumitigil sa pagkuha ng stolen shots sa prinsipe at prinsesa.
Naikuyom ni Cassy ang mga kamay dala ng matinding inis sa cold-hearted psycho prince. Hindi pa rin niya ito napapatawad sa pandadamay nito sa parents niya para lang takutin at pagbantaan siya. Kahit hindi naman nito sinaktan ang mama at papa niya, hindi pa rin siya masaya na malamang may kakayahan itong guluhin ang mga magulang niya.
One day, makakaganti rin ako sa ginawa mong `to, Brooklyn Sprouse!
Ang consolation na lang niya ngayon ay ang posibilidad na wala nang pakialam sa kanya si Brooklyn ngayong nakumpirma na nito na si Blossom ang Elestian princess at hindi siya.
Mukhang masaya ang psycho prince dahil nitong weekend lang, pasekreto itong nagpa-interview sa malalaking broadsheet ng bansa. Nalaman nila `yon nang naging headline sa iba’t ibang media platform ang tungkol sa pagkaka-reveal kay Blossom bilang ang anak ni Margarette Serranilla na si Princess Cassiopeia St. Clair. Naalala pa niya ang ilang linya na nabasa niya sa news…
“I’ve travelled across the ocean to find Princess Cassiopeia– Prince Roarke’s twin sister. Yes, I’ve already found her. She’s been living her life in the Philippines as Blossom Serranilla. For her protection, perhaps.”
Nagbigay pa nga ng hint ang psycho prince kung bakit nito hinahanap ang prinsesa.
“Why would I look for the princess? To get closer to her, to be with her, of course. Now that I’ve found her, I won’t be leaving this country without my princess.”
Naging maiksi at precise naman ang sagot ni Madam Serranilla kagabi nang ma-ambush interview ito ng mga reporter sa isang malaking charity event kung saan ang ginang din ang host: “Yes, Prince Brooklyn is telling the truth. Blossom is Princess Cassiopeia– my daughter. I had to hide the truth to give her a normal life and to keep her safe.”
Halata namang walang pakialam ang media at ang mga tao sa dahilan ni Madam Serranilla sa pagtatago sa identity ni Blossom dahil mas interesado ang mga reporter at journalist sa naging buhay ng prinsesa bilang ‘normal teenager.’ Ilang articles din tungkol kay Blossom ang na-post sa iba’t ibang sikat na teenage online magazines na mabilis naging viral at trending topic.
The whole country was shookt to know that there were three teenage royalties here at the moment. Gorgeous and real life princess and princesses at that.
“Oh, Cinderella is here.”
“Midnight has come so her fantasy is over.”
“Poor Cassy.”
Napangiwi si Cassy sa mga naririnig niyang bulungan tungkol sa kanya. Halata namang pinaparinig sa kanya ng mga schoolmate niya `yon. Alam niya kung ano ang sinasabi ng mga ito.
“Prince Roarke of Elestia and the country’s ‘Polaris Princess’… soon to be engaged?”
Ilang news article ang lumabas na gano’n ang anggulo ng istorya. Naging viral ang picture nina Roarke at Nikita na magkadikit ang mga labi. Sobrang picture-perfect.
“Cassy.”
Nalingunan ni Cassy si Nikita na naglalakad palapit sa kanya. Kulang ang sabihing nagulat siya nang ngumiti at kumapit ito sa braso niya. Pero mabilis din siyang nakabawi. “Good morning, Nikita.”
“Good morning,” masiglang bati ni Nikita sa kanya, saka siya nito inakay papasok ng main building. “Sobrang ang daming nangyari nitong weekend `no? Mapa-online magazines o broadsheets man, puro sina Roarke at Blossom ang bida sa news. Everyone seems to already love the twin royalties.”
Ngumiti at tumango lang siya bilang sagot. Aminin man niya o hindi pero talagang naiilang siya sa sitwasyon nila ng Polaris Princess. Idagdag pa na pinagtitinginan sila ng mga schoolmate nila. Nagtataka siguro ang mga ito kung bakit sila magkasama ng ‘fianceè’ ni Roarke samantalang iniisip ng marami na siya ang ‘other woman’ ng prinsipe.
Apparently, she was cheating on Nikita with Roarke. The bad news was it seemed to be that she was the only one getting the ‘backlash’ from their schoolmates.
“Cassy, I know you’ve read the news about us,” seryosong sabi ni Nikita mayamaya sa mahinang boses para siguro walang ibang makarinig sa mga sinasabi nito. “About Prince Roarke and me, I mean. I bet you’ve also seen that viral photo.”
Of them kissing. Yep, she had seen very well.
“Uh, yeah,” sagot niya sa pantay na boses dahil ayaw niyang may mapansin ito na emosyon sa kanya. “You look good together.”
“Thanks,” nakangiting sabi ng dalaga pero napansin niyang seryoso pa rin ang mga mata nito. “I’m aware about your close relationship with the prince. Alam din `yon ng buong school kaya ka nga nila pinag-uusapan ngayon. Pero kahit na alam kong pareho kayo ng feelings ni Roarke, hindi pa rin ako mag-gi-give up. I’m used to getting what I want, whenever and wherever. Princess attitude, I know.” Tinawanan nito ang sariling biro. “But don’t worry. I’m cool with it. You can date the prince for now because in the end, I know he will still come to me. You know why?”
Hindi sumagot si Cassy. Ano bang gustong marinig ng Polaris Princess mula sa kanya?
“I deserve Prince Roarke more than you do, Cassy,” deklara ni Nikita sa gentle pero may diin na boses, saka niya binitawan ang braso niya. Ang tinging binigay nito sa kanya, puno ng pagiging competitive. “And we suit it each other better. You know that too, don’t you?”