Chapter ROYAL ENGAGEMENT CHAPTER 18

“ITO ANG tinatawag na balut, Kamahalan,” nakangising sabi ni Cassy habang hawak ang mainit-init pang itlog na may sabaw. “Hindi makukumpleto ang experience mo bilang foreigner dito kung hindi mo `to kakainin, Prince Roarke.”

Napalunok si Roarke. Hindi exaggeration kung sasabihin niyang parang namumutla pa nga ito. “Uh… na-Google ko na ang balut. Alam ko kung ano ang nasa loob niyan.” Tinakpan nito ng kamay ang bibig habang nakahawak ang isang kamay sa sikmura nito na para bang masusuka ito. “Cassy, puwede ko bang bawiin `yong sinabi ko na kakainin ko ang lahat ng ibibigay mo sa’kin?”

Nagpakaseryoso siya at umiling. “Hindi. Kailangan mo `tong kainin, Roarke. Hindi ako papayag na masayang ang effort ko sa pagtakas sa dorm `no.”

Yep, lagpas na ng curfew nila sa dorm at tumakas siya pagkatapos mag-rounds ng mga teacher at ng Dorm Leader. Hindi pa bumabalik sina Nikita at Blossom ng kuwarto nila kaya hindi na niya kinailangang gumawa ng excuse kung saan siya pupunta.

Kakuntsaba niya `yong kaibigan niyang school guard sa backgate. Nakisuyo siya rito sa pagbili ng tatlong balut at penoy bilang midnight snack nila ng prinsipe sa date nila ngayon.

Sa kasalukuyan, nasa pavilion sa Botanical Park sila. Tago kasi ang spot na `yon.

“Bibigyan kita ng reward,” deklara ni Cassy dahilan para lingunin siya ng prinsipe na nakaupo sa tabi niya sa bench na `yon. “Hindi naman ako mag-li-lipgloss ngayon ng walang reason, `di ba?”

Nilingon siya ni Roarke, nanlalaki ang mga mata. Inalis na nito ang kamay sa bibig nito. “That will be the reward?”

Nag-pout lang siya ng lips bilang kumpirmasyon.

Ngumisi ang prinsipe, pagkatapos ay inagawa nito ang hawak niyang balut. “Sana kanina mo pa sinabi para hindi na ko umarte.”

Natawa naman siya habang iiling-iling. “Ang simple-minded niyo talagang mga lalaki.”

“Worth it lang talaga ang lips niyong mga babae,” natatawang sabi naman nito. Pagkatapos ay pinukpok nito ang itlog sa mesa sa harap niya at mabilis na hinigop ang mainit na sabaw niyon. Saka nito binalatan ang balut. “Ngayon lang uli ako kinabahan sa buhay ko.”

Ngumiti lang siya at humalukipkip habang pinapanood ito sa ginagawa.

Patulog na siya kanina nang tumawag sa kanya ang prinsipe at sinabing miss na miss na raw ito kahit buong maghapon naman silang magkasama. Hindi pa nga raw ito makapaghintay ng kinabukasan para magkita uli sila. Kaya heto sila ngayon, patagong nag-de-date kahit siguradong malalagot sila kapag nahuli sila ng mga school official.

“Unahin mo `yang pula ng itlog,” sabi ni Cassy, saka niya tinuro ang nabuong yolk ng balut sa loob. “Saka mo isubo `yong sisiw.”

Namutla yata ang prinsipe nang banggitin niya ang ‘sisiw.’ Napalunok ito, saka nito kinain ang yolk. Maayos pa naman ang hitsura nito no’ng una. Pero nang mapatingin ito sa nakabukas na balut, bigla itong pumikit at napaungol sa reklamo. “Poor little chick…”

Pinatong niya ang kamay sa tuhod ng binata. “Hindi naman mababale-wala ang kamatayan niya, Roarke. Titibay ang tuhod mo kapag kinain mo `yan.”

“Matibay na ang tuhod ko,” giit naman nito na lalo niyang ikinatawa. Napansin niyang nakapikit pa rin ito. Kakainin ba nito ang balut nang nakapikit? “Heto na, gagawin ko na.”

At nakapikit na isinubo nga ng prinsipe ang natitira sa balut na hawak nito.

Natawa siya nang mapansing halos nilunok lang nito ang sisiw. Tinapik tuloy niya ang likod nito. “Okay ka lang, Roarke?”

Nagmulat ng mga mata ang binata at kinuha ang bottled water sa mesa, saka nito mabilis na tinungga ang tubig. Naubos nito `yon bago ito humarap sa kanya. Pinunasan nito ang bibig nito ng tissue na inabot niya ritp bago ito ngumiti na para bang excited. “Ready na ko, Cassy.”

“Sabi ko na, eh,” nangingiti habang iiling-iling na sabi niya. Ngayong na-re-realize na niya ang bigat na gagawin niya, nag-init ang mga pisngi niya. Pero mas nangibabaw ang excitement at kilig dahil matagal naman na niyang na-i-imagine na gagawin nila `yon. “`Wag ka lang mag-e-expect, ha? First time ko `to.”

Lalong lumuwang ang ngiti nito, saka ito sunud-sunod na tumango.

Humugot naman siya ng malalim na hininga, pagkatapos ay ipinatong niya ang kanang kamay sa kaliwa nitong pisngi habang nakahawak naman ang isa niyang kamay sa balikat nito. Nang yumuko siya para bigyan ito ng halik, pumikit ito. Nataranta naman siya kaya hindi na siya nakapikit at idinikit na lang niya ang mga labi niya sa mga labi nito. Ang lambot at ang init ng lips ng prinsipe!

Pero dahil nahihiya at kinakabahan siya, mabilis siyang humiwalay dito. Gayunman, ga’no man kabilis o kagaang ang pagkakadikit ng mga labi nila ng binata, alam niyang higit pa `yon sa pagiging isang halik. Puwede nila `yong ituring na selyo ng feelings nila para sa isa’t isa.

Nagmulat naman ng mga mata si Roarke. Medyo in-e-expect niya na madidismaya ito dahil smack lang ang binigay niyang kiss dito pero na-relieve siya nang makitang hindi pa rin nagbago ang masaya at excited na disposisyon ng guwapo nitong mukha. Hindi nga niya alam kung imagination niya lang ba o talagang namumula ang mga pisngi nito. “I can die a happy man now.”

“You can’t die without my permission,” naiinis na giit naman ni Cassy dahil ayaw niya ng mga gano’ng usapan. Napitik tuloy niya ang noo ng binata. “`Wag ka na uling magsasalita ng ganyan.”

Naging apologetic naman ang ngiti nito. “Okay. I’m sorry.” Hinawakan nito ang kamay niya. “Thank you for the kiss, Cassy. I will never forget this moment.”

“Me, too,” nahihiyang pag-amin niya pero hindi naman niya mapigilan ang pagngiti dahil masaya siya sa first kiss nila. Okay na siguro `yon para sa gabing `yon bago pa sila maging mas passionate. Mahirap nang magtagal pa kapag silang dalawa lang ang magkasama sa madilim at tagong parte ng academy. “Roarke, babalik na tayo sa dorm. Maaga pa ang pasok natin bukas.”

Tumango ito. “Okay. Ihahatid na kita.”

Niligpit muna nila ang mga kalat nila at tinapon `yon sa trashcan bago sila umalis ng pavilion.

Magkahawak-kamay silang naglakad sa covered walk pabalik ng dorm. Nakabukas naman ang mga lamppost sa magkabilang-gilid ng kalsada kaya hindi sila nahihirapang maglakad kahit malalim na ang gabi. Tahimik din at malamig ang hangin pero hindi siya natatakot dahil kasama niya ang prinsipe.

“Sinabi ko na kay Mommy ang tungkol sa relasyon natin.”

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng prinsipe dahil bigla siyang natakot. “Nagalit ba si Madam Serranilla? Nagwala? Nagkaro’n ng violent reaction?”

“Mom doesn’t show anger because she thinks it’s unbecoming of a ‘proper woman.’ But she’s definitely not happy.”

Napabuga siya ng hangin pero hindi na siya nagulat dahil inaasahan naman niyang hindi matutuwa ang ginang sa relasyon nila ng anak nito. “Nasa level 1 pa lang tayo ng mga stage na kailangan nating i-clear pero parang ang hirap-hirap nang ipanalo ng game na `to.”

Napangisi ang prinsipe na para bang naaliw ito dahil tinatrato niya na parang video game ang trials na sumusubok sa relasyon nila. “Mommy has to understand our situation, Cassy. Hindi rin naman naging madali ang pagpapakasal nila ni Daddy na isang prinsipe pero nakaya nila `yon. Katulad din natin ang sitwasyon nila noon kaya sigurado akong makakaya din natin `to.”

“Iba ang sitwasyon ng parents mo noon sa sitwasyon natin ngayon,” katwiran naman niya. “Hindi man royal ang mommy mo, almost-princess naman siya dito sa Pilipinas dahil super yaman ng family ni Madam Serranilla. Eh ako? Commoner na nga ako para sa Elestian royalties, dukha pa ko dito sa Pilipinas. Mas madaling tanggapin ang tulad ni Madam Serranilla kesa sa nobody na tulad ko.”

“Cassy, we’ll fight for each other. Right?”

Nang tingnan niya ang prinsipe at nakita niya ang hindi nagbabagong pagmamahal at determinasyon sa mga mata nito, nawala ang pangamba niya. “We will,” sabi naman niya, saka niya pinisil ang kamay nito. “Sorry. Medyo nagpadala ako sa takot kanina.”

Ngumiti ang binata at binitawan siya para akbayan, saka siya nito kinabig palapit dito. “It’s fine. Whenever you feel scared, I’ll remind you that we always got each other’s back.”

Nakangiting tumango siya. “I’d like that.”

“We’re here. Ikot kaya muna tayo uli? Ayaw pa kitang pakawalan, eh.”

“Ang cliny mo.”

“Gusto ka lang makasama ng boyfriend mo. Masama ba `yon?”

Boyfriend. That made everything more official. Siyempre, kinilig naman siya.

Natatawang siniko niya ito sa sikmura, saka siya humiwalay dito bago pa nito seryosohin ang sinabi. “Pasok na ko. Good night.”

Nakapamulsang tumayo ang prinsipe sa harap ng dorm at inangat ang isang kamay bilang pamamaalam siguro. “See you tomorrow. Early morning. I’ll pick you up for breakfast.”

Ipinaikot niya ang mga mata. “Clingy.”

Natawa lang si Roarke. Bakit ang sexy nito tumawa? Nakakainis naman.

Tinalikuran na ni Cassy ang prinsipe bago pa siya ma-tempt sa offer nitong umikot muna sa academy. Bukas pa ang maindoor ng Aurora at dahan-dahan niya `yong binuksan at sinara, saka siya maingat na pumasok sa loob.

“Ah, finally.”

Natigilan siya nang sumalubong sa kanya ang Dorm Leader na si Brenda. Madilim sa common area dahil naka-off ang mga ilaw. Pero bukas ang mapusyaw na lampshade. Ngumiti siya sa babae na tumulong din sa kanya sa paglabas kanina. “Sorry and thank you,” pabulong na sabi niya.

“Next time agahan mo naman,” pabulong din na sermon nito. “Pareho tayong malalagot kapag nahuli kayo ng prinsipe sa school grounds ng ganitong oras, eh.”

Tinaas niya ang kanang kamay. “Hindi na `to mauulit. Promise.”

“Argh, whatever,” sabi ng babae, saka ito tumalikod at naglalakad papunta sa hagdan.

“Brenda, thank you,” pahabol na sabi niya. “I mean it.”

Huminto naman si Brenda sa paglalakad. “Bumabawi lang ako kasi kahit naging mean ako sa’yo before, tinulungan mo pa rin ako no’ng lumindol. Kami nina Chase at Eloise. But that doesn’t mean I want to be friends with you, huh? Don’t get the wrong idea.”

Napangiti siya dahil kahit nagsusungit ang babae, halata naman sa boses nito na nahihiya lang ito. “Okay. I get it.”

“Good,” sabi naman ng dalaga, saka ito nagpatuloy sa paglalakad. “Ah, right. Dumating nga pala kanina `yong roommate mo.”

Excited namang sumunod si Cassy sa pag-akyat sa kuwarto niya. Hindi niya inasahan na babalik sa dorm si Blossom dahil simula nang ma-reveal na ito ang prinsesa ay hindi na ito tumutuloy sa Aurora. Marami siyang ikukuwento sa kaibigan niya dahil hindi na siya nakakalapit dito sa dami ng Knights na nakabantay dito. Kapag lunch break naman, si Brooklyn ang madalas nitong kasama.

“Blossom,” masiglang bungad niya nang buksan niya ang pinto at maingat `yon na isara sa likuran niya. “Buti naman at bumalik ka–”

“Oh, sorry. Nikita here.”

Natigilan siya nang si Nikita nga ang sumalubong sa kanya. Bukas ang lampshade sa night table nila kaya nakita niya ang dalaga na nakaupo sa single bed na ginagamit ni Blossom. “Ah. Hi. Bakit late ka na yata dumating?”

“Nag-dinner ako with Tita Margarette kasi akala ko, makakasama namin si Roarke. Pero tinakasan pala kami ng prinsipe. No’ng nalaman kong bumalik na pala siya rito, bumalik din ako at pinuntahan siya sa Borealis. Pero ang sabi ng Knight niya, magka-date kayo ni Roarke. Is that true?”

Tumango siya. “Oo. Magkasama nga kami.”

“Ahh.” Ngumiti ito at nagkibit-balikat pa na para bang gusto nitong ipakita na nonchalant ito sa nalaman. “That’s fine with me. Like I’ve said, hindi naman magtatagal–”

“Hindi ko isusuko si Roarke,” deklara ni Cassy sa seryoso at determinadong boses. No’ng una ay hindi siya nakasagot dito dahil confused at takot pa siya. Pero ngayon, pagkatapos siyang i-assure ni Roarke at iparamdam sa kanya na hindi siya nito iiwan ay nagkaro’n siya ng confidence at resolve na ipaglaban ang relasyon nila. “Nangako rin siyang hindi niya ko bibitawan at naniniwala akong may isang salita ang mga prinsipe. Hindi kita mapipigilan kung gusto mong maghintay sa paghihiwalay namin. Pero hindi ko maipapangako sa’yo na magiging worth it ang pag-aabang mo sa boyfriend ko.”

Ngumiti si Nikita pero napapansin niyang nakakunot ang noo nito na para bang pinipigilan lang magalit. “Let’s just see who’ll get to have a royal wedding in the end, Cassy Hart.”

NAKAPALUMBABA si Blossom habang binabasa sa laptop niya ang tungkol sa Conservatory Music course na in-o-offer ng University of Elestia. Sa isang tab naman ay nakabukas ang ilang video mula sa isang site kaya may suot din siyang earphones. Naging interesado kasi siya sa mga alumna ng department na nalaman niyang leader na ng underground music scene ng Elestia ngayon.

May rock band na tinatawag na Illusion na binubuo ng isang chic frontwoman, hot lead guitarist, charming yet aloof-looking bass player, at playful drummer. Nasabi niya ang ugali ng members ng banda dahil pinanood niya sa isang video-sharing site ang ilan sa mga post na performance ng banda.

Captivated siya kay Gia– ang nag-iisang female member ng Illusion. Ang ganda ng boses nito kaya hindi nakakapagtakang ito ang frontwoman ng banda. Sa ilang minuto lang ng panood niya ng live performances ng banda, naging instant fan agad siya ng babae.

And she’s just twenty two.

“Princess!”

Napapiksi si Blossom nang bigla na lang sumalubong sa kanya ang asul na mga mata ni Brooklyn. Nakapatong ang mga kamay ng prinsipe sa mesa habang nakadukwang sa kanya. “What?” reklamo niya habang tinatanggal ang earphones niya. “You surprised me.”

Ngumisi lang si Brooklyn, pagkatapos ay umupo ito sa katapat niyang silya. Humalukipkip ito at tiningnan siya na para bang may naiisip itong kalokohan. Puno kasi ng excitement ang mga mata nito. “Prinsesa Cassiopeia, ikaw ang pinakamagandang babae sa paningin ko.”

Nabigla siya dahil Filipino ang ginamit nito. Well, may ‘accent’ ito at halatang nahihirapan sa pagsasalita pero naintindihan naman niya ang mga sinabi ng prinsipe. “Ang galing, Prince Brooklyn. Mukhang may progress na ang pag-aaral mo ng Filipino.”

“Serious na ko sa pag-aaral ng Filipino,” sagot nito, Tagalog pa rin ang salita. “Gusto kong maintindihan ang mga sinasabi ng ibang tao sa paligid ko ngayon.”

“Ang galing-galing naman.”

“Maraming salamat, prinsesa ko.”

Natawa siya habang iiling-iling. “Mukha ngang seryoso ka talaga sa pag-aaral ng Filipino. Kaya pala hindi na kita nakikitang nakakalat kung saan-saan.”

“Na-mi-miss mo na ba ko?”

“Hindi naman.”

Sumimangot ang prinsipe pero mukha namang hindi ito napikon. Natural lang naman dito ang pagngisi at pagsimangot. Parehong facial expression na dumadagdag sa ‘angas’ ng aura nito. “Anyway, ano ba `yang pinagkakaalabahan mo?”

“Pinagkakaabalahan,” pagtatama niya rito kahit muntik na rin siyang mabulol. “Pinag-aaralan ko lang ang Conservatory Music department ng University of Elestia. Then na-discover ko na ang daming successful alumni from that department kaya heto, nakuha nila ang interes ko.”

“University of Elestia?” parang hindi makapaniwalang tanong ng prinsipe. “Plano mo bang mag-college sa University of Elestia? Meaning, babalik ka na sa bansa natin?”

Marahan siyang tumango. Matagal niyang pinag-isipan ang desisyon na `yon. Pero hangga’t hindi pa siya one hundred percent sure, hindi niya muna `yon sasabihin sa mommy o kakambal niya. Sa ngayon kasi, nasa ninety percent pa lang ang desisyon niya. “Inisip ko kung ano ba ang gusto kong gawin sa buhay. I like writing songs and playing guitar. Mas active ang creative part ng utak ko kaya gusto ko sanang `yon din ang i-pursue sa college. Gusto ko ring lumayo muna dito sa Pilipinas kaya naisip ko na hindi naman gano’n kasama kung babalik ako sa Elestia. I kind of miss the country, too.”

And she wanted to meet Illusion, definitely.

“Elestia is rich in arts and music,” tumatango-tangong pagsang-ayon ni Brooklyn. “That would be a good choice, Princess Cassiopeia.”

Ngumiti lang si Blossom. Hindi siya makapaniwala na itong art room na ang bago niyang hang-out place ngayon. Pumayag si Brooklyn na i-‘share’ sa kanya ang ‘teritoryo’ nito kaya kapag break niya, do’n siya nagpupunta para magmuni-muni o magsulat ng kanta. Minsan, sinasamahan siya ng prinsipe pero kapag tumutugtog siya, tumatahimik naman ito at pinapanood at pinapakinggan lang siya.

Nitong nakalipas na mga araw, nagiging kalmado na siya at malinaw ang isipan. Kaya nga heto, napag-isipan na niya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay. Ayaw na niyang ma-stuck sa isang bagay o tao na nagpapalungkot lang naman sa kanya.

They said happiness was a choice so she chose to (try to) be happy again.

“Ikaw, Prince Brooklyn?” tanong niya rito mayamaya. “Alam mo na ba kung ano ang gusto mong gawin sa buhay?”

Kumunot ang noo nito. “Sorry, I’ve run out of Filipino words.”

Natawa siya, saka siya nag-French. “Tinatanong ko kung ano ang gusto mong gawin sa buhay. Bakit hindi ka pa pumapasok sa University of Elestia eh ahead ka sa’kin ng one year?”

“Ah. Bumagsak ako sa exam.”

“Anong major ba sana ang kukuhanin mo?”

“Something related to Law.”

“Law?” gulat na tanong niya. “Gusto mo bang maging abogado?”

“Gusto ni Mommy na mag-abogado ako.” Nagkibit-balikat ito. “Pero hindi kaya ng utak ko, eh.”

Sumimangot siya at umiling. “Hindi ka bumagsak dahil hindi kaya ng utak mo. Wala ka naman kasing interes sa Law kaya siguro bumagsak ka. Bakit hindi ka na lang kumuha ng major na related sa Arts? `Yon naman ang hilig mo, `di ba?”

“May kilala ka bang Elestian prince na nag-major sa Arts?”

“Ikaw ang magiging una. Ayaw mo no’n, gagawa ka ng history?”

As far as she could remember, the princes in their monarchy would major in Math, Business, Science, Politics, or whatever that wasn’t Arts and/or related to Arts.

Nakakapanghinayang na kahit mayaman sa arts at musika ang Elestia, hanggang ‘hobby’ lang ang turing ng mga male royalty sa mga `yon. Kahit moderno ang pamumuhay sa bansa nila, nanatiling makaluma ang paraan ng pag-iisip ng monarkiya pagdating sa role ng mga babae at lalaking royalty.

“Kung papasok ka sa University of Elestia, seseryosohin ko na ang exam para magkasama tayo,” pagbabago ni Brooklyn ng usapan. “Hindi naman mahalaga sa’kin kung ano ang major ko. Basta magkasama tayo sa isang university, okay lang sa’kin kahit anong pag-aralan ko.”

“Prince Brooklyn, you seriously need to step out of your mother’s shadow,” seryoso pero maingat na sabi ni Blossom. “Hindi ko naman sinasabing magrebelde ka o suwayin mo si Lady Beatrice. Alam ko naman na close kayo ng mommy mo at alam ko rin na ginagawa niya lang ang tingin niya eh makakabuti para sa’yo. Pero tingin ko naman, hindi kailangang ma-i-sacrifice ang free will mo para lang mapabuti ang lagay mo. Kung sasabihin mo ang concern mo sa mommy mo, baka naman makabuo kayo ng compromise. You should meet half-way.”

Ngumiti ang prinsipe pero halatang pilit `yon dahil nakakunot ang noo nito. “Don’t worry about me, Princess Cassiopeia. I’m fine. Really.”

“Do you want to hang out this weekend?”

Halatang nabigla ang prinsipe na nanlaki ang mga mata. Namumula rin ba ang mga pisngi nito? “L-Like a date?”

“A friendly date,” sabi naman niya na halatang ikinadismaya ng lalaki. “May comic convention sa isang mall this weekend. No’ng i-check ko ang list of activities nila, nakita kong may drawing and coloring contest do’n. Mahilig ka ring gumawa ng comics noon, `di ba? And bonus pa kasi may art exhibit din sa mall na `yon. Puwede nating daanan `yo–”

“I’m sorry, princess,” halatang iritadong sabi ni Brooklyn, saka ito tumayo. Nakasimangot na ito at nakakunot pa ang noo. Pero alam niyang hindi naman sa kanya nakatuon ang inis nito kaya hindi siya natakot o kinabahan. “Marami pa kong gagawin kaya mauna na ko sa’yo. Susunduin na lang kita pagkatapos ng klase mo.”

“Prince Brooklyn…”

Hindi siya pinakinggan ng prinsipe na tuloy-tuloy lang sa paglabas ng art room.

Sumandal na lang si Blossom sa kinauupuan. Nakikita niya ang sarili niya sa prinsipe dahil marami silang pagkakatulad, kaya siguro ganito siya ka-concern sa buhay nito. Pero wala naman siyang magagawa kung ayaw nitong tulungan ang sarili. Saka ayaw naman niyang lumagpas sa boundary niya dahil kahit siya mismo, ayaw nang pinapakialamanan ang choices niya.

Sana lang, maisip din ni Brooklyn ang sarili nito. Nakakatawa na mayabang at selfish ang tingin ng ibang tao sa prinsipe. Pero para sa kanya, isa lang itong bata na nasasakal sa mga kagustuhan ng mommy nito kaya sa ibang tao nito binabaling ang galit nito. `Yon din siguro ang dahilan kung bakit kahit alam niyang may tendency itong maging palaaway ay hindi siya natatakot dito.

“Xia,” malakas na pagtawag niya sa Knight niya na alam niyang nasa labas lang ng art room.

Ilang segundo lang ang lumipas, pumasok si Xia sa loob at tumayo sa harap niya. Bahagya itong yumukod bilang pagbati. “Yes, Your Highness?”

“Gusto kong ipadala mo ang mensahe ko para kay Prince Reynold,” utos ni Blossom sa Knight na ang tinutukoy ay ang kanyang ama. “At gusto kong siguraduhin mo na si Daddy mismo ang makakatanggap ng mensahe ko at hindi ang personal Knight niya.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.