HINDI ang ganitong klase ng ‘breakfast date’ ang inaasahan ni Cassy nang magising siya ng umagang `yon.
Ang breakfast date na nasa isip niya bago siya matulog kagabi, si Roarke ang kasama niya. Gusto kasi niyang pakainin ito ng breakfast meal sa paborito niyang fast food chain. Naaaliw siya sa tuwing kumakain ito ng mga pagkain ng ‘normal’ na taong gaya niya.
“Hindi mo ba nagustuhan ang food?” tanong ni Madam Serranilla sa pantay na boses habang eleganteng hinihiwa ng bread knife ang crepe. “Puwede kang um-order ng iba kung gusto mo, Cassy.”
“Ay, hindi po,” magalang na sagot ni Cassy, saka niya mabilis na binalikan ang pagkain sa pancakes with maple syrup niya. “Ang sarap nga po ng pancake nila dito.”
Ngumiti lang ang ginang pero halatang hindi umabot ang ngiti na `yon sa mga mata nito.
Pinilit niyang ngumuya at lumunok kahit ang totoo, halos magkandabuhol na ang sikmura niya dala ng matinding kaba. Ang awkward din ng katahimikan sa pagitan nila. Saka bakit ba ang tahimik sa café na `yon? Wala halos ibang customers do’n.
Kaninang umaga, nagulat siya nang paglabas niya ng Aurora ay si Madam Serranilla na ang sumalubong sa kanya. Nasa backseat lang ito ng limousine nito habang nakababa ang rolling window. Nang sinabi nitong kailangan nilang mag-usap, kusang gumalaw ang katawan niya para sumakay sa loob ng luxury car. Gano’n ka-authorative ang boses nito.
Tahimik at awkward ang biyahe nila ng ginang dahil hindi naman sila nag-uusap kahit magkatabi sila sa backseat. No’ng dumating sila sa elegant-looking café na `yon, ito ang um-order para sa kanya. Kahit hindi siya umiinom ng espresso, hindi siya makapagreklamo.
“Roarke told me he’s dating you,” deklara ni Madam Serranilla habang nakatingin sa kanya. “Mukhang seryoso na ang anak ko kahit bago pa ang relasyon niyo. Gano’n ka rin ba?”
Tumama ang metal na breadknife na hawak niya sa babasaging plato. Pero sa pandinig niya, mas malakas pa rin ang pagtibok ng puso niya. “Opo, ma’am.”
“You’re aware that I don’t want you for my son, aren’t you?”
“Yes, ma’am.” Kanina pa siya may gustong sabihin pero nagpipigil siya para maging polite. `Yon nga lang, mas nangibabaw na naman ang curiosity niya. “Madam Serranilla, puwede po ba akong maging honest sa inyo ngayon?”
Tumigil ang ginang sa paghiwa sa crepe nito at kumunot ang noo habang nakatitig sa kanya. “Go ahead, Cassy. Mas gusto ko kung magiging honest ka sa’kin.”
“Hindi niyo po ba kami gusto ni Koji Takishima para sa mga anak niyo kasi po mahirap lang kami? I mean, obvious naman po `yon pero umasa po kasi ako na maiintindihan niyo kami kahit pa’no. Kasi po `di ba, naging hadlang din sa inyo ni Prince Reynold noon ang magkaiba niyong social ranking?”
Ngumiti ng mapait ang ginang habang iiling-iling. “Iniisip niyo siguro ni Koji Takishima na nilalayo ko kayo sa mga anak ko dahil lang iniisip kong hindi kayo bagay sa prinsipe at prinsesa ko, hindi ba?”
“Mali po ba kami?”
“You’re not entirely wrong,” pag-amin ng ginang. “Bilang mommy nila, wala akong ibang gusto kundi ang mapalapit ang mga anak ko sa mga taong kapantay nila sa society at may disenteng family background. I just want the best for my children because I know they deserve all the fine things in life.”
Tumango-tango siya dahil naiintindihan naman niya `yon.
“But that doesn’t mean I only care about our family’s social ranking,” pagpapatuloy ng ginang sa mas relaxed na boses. Hindi gaya kanina na parang ka-business transaction lang nito ang kausap. “Contrary to what you may believe, I do understand the struggle you and my son is facing right now.”
“Talaga po?” gulat na gulat na tanong niya dahil honestly, hindi talaga halata na naiintindihan sila ng ginang. “Kung naiintindihan niyo po kami, bakit po kumukontra kayo sa relasyon namin? Hindi po ako nagrereklamo kasi naiintindihan ko po kayo. Curious lang po akong malaman ang reason niyo.”
Ngumiti si Madam Serranilla na parang malungkot ito pero mabilis ding nawala ang kalungkutang nakita niya kaya baka imagination niya lang `yon. “Sa maniwala ka man o hindi, ginagawa ko `to kasi ayokong maranasan niyo ang naranasan namin ni Prince Reynaldo. I’m trying to save all of you from heartache. Because I’m telling you– it’s not easy to be married with royalty. It will never be.”
“Madam Serranilla…”
“Siguro iniisip mo na hindi ako nahirapan dahil hindi man ako Elestian o royal-blooded, nagmula naman ako sa mayamang angkan dito sa Pilipinas,” pagputol nito sa mga sinasabi niya. “Mali ka, Cassy. Kahit na isa akong Serranilla, nahirapan ako sa pagiging asawa ng isang prinsipe. Sa Elestia, ‘commoner’ pa rin ang tingin sa’kin ng mga tao. Nabuhay ako na parang prinsesa sa Pilipinas kaya aaminin ko, hindi ako sanay sa gano’ng pagtrato. Naapektuhan no’n ang self-confidence ko. Araw-araw ko ring tinatanong ang sarili ko kung nababagay nga ba kong tumayo sa tabi man lang ni Prince Reynold.” Natigilan ito na parang may naalala, pero mabilis din itong umiling-iling at nagpatuloy. “Parati naman akong in-a-assure noon ni Prince Reynold sa lugar ko sa buhay niya. Na wala siyang pakialam kahit commoner lang ang tingin sa’kin ng ibang miyembro ng royal family. Pero dahil parati siyang busy sa trabaho niya, sumuko rin siya eventually. I felt lonely and depressed. In return, he became cold and distant. Our marriage slowly fell apart despite the glamarous life we projected outside.”
Naramdaman ni Cassy ang lungkot sa boses ng ginang kaya parang may kumurot tuloy sa puso niya. Mukhang alam na niya kung saan papunta ang sasabihin nito.
“No’ng nalaman ko ang ginawa ni Prince Reynold na pakikipagsundo kay Romano noon, ginamit ko ang pagkakataon na `yon para bumitiw sa pagiging asawa niya,” paliwanag ni Madam Serranilla. “Of course, I wanted to protect Cassiopeia, too. Hindi ako papayag na maikasal siya sa pamilya ni Romano na noon pa man, alam ko nang malupit at walang puso. Pero hindi ko i-de-deny na na-relieve ako na nagkaro’n ako ng mabigat na dahilan para iwan ang asawa ko at ang buhay sa Elestia.”
Humigpit ang pagkakahawak niya sa breadknife dahil kinakabahan na siya.
“Pagbalik ko ng Pilipinas, pinilit kong ibalik ang confidence na nawala sa’kin no’ng nasa Elestia ako,” pagpapatuloy ng ginang sa usual na nitong malamig na boses. “Nakipag-compete ako sa kapatid kong si Martin para sa pagpapatakbo ng kompanya ng pamilya namin. Binuhos ko sa pagpapaunlad ng business namin ang oras ko hanggang sa makuha ko ang tiwala ng daddy namin at ako ang gawin niyang CEO. During that time, I felt powerful. Needed. I’ve got my confidence and self-respect back.” Binigyan siya nito ng nanunuring tingin. “Alam mo kung ano ang naging pagkakamali ko noon?” Nang hindi siya sumagot, nagpatuloy ito. “I wasn’t like that when I married Prince Reynold. When I met the prince then, I was young, naïve, and a hopeless romantic. Aside from being a Serranilla, I was no one. Wala akong pakialam sa pagpapatakbo ng business namin kaya wala rin akong naging accomplishment na maipagmamalaki ko sa mga Elestian. How embarrassing, right? Kaya no’ng tumayo ako sa tabi ni Prince Reynold noon nang wala pang ibang achievement maliban sa pagiging Serranilla, dinurog ako ng pressure sa nagliliwanag na mundo ng royal family.”
Napalunok siya at umasa na hindi mababasag ang boses niya sa itatanong niya. “Madam Serranilla, iniisip niyo po bang kung ang isang Serranilla nang tulad niyo eh hindi kinaya ang pressure sa pagiging bahagi ng royal family eh mas lalong imposible para sa’min ni Koji ang makapag-stay sa tabi nina Roarke at Blossom bilang partner nila? Kaya hangga’t maaga pa at bago pa tuluyang lumalim ang feelings namin eh mas mabuti nang ngayon pa lang ay maghiwalay na kami para hindi na kami magkasakitan gaya ng nangyari sa inyo ni Prince Reynold noon?”
Marahang tumango ang ginang. “Cassy, mas kakayanin ng isang tulad ni Nikita Lao ang tumayo sa tabi ng anak kong prinsipe. Sanay si Nikita sa glamorous life. Hindi gaya ko no’ng bata ako, marami nang achievement si Nikita kahit teenager pa lang siya. She’s a high fashion model and she also has a bright future as a designer. She has even been on the cover of prestigious magazines and has rubbed shoulders with influential people she met while sitting on the front row of high end fashion shows. You see? She has made a name for herself and I’m sure she has confidence to stay with a prince.”
“Pero hindi lang po prinsipe si Roarke,” sagot ni Cassy nang hindi na siya nakatiis pero magalang at maingat naman ang tono na ginamit niya. “Naiintindihan ko po ang sinasabi niyo. Kaya nga po ni Nikita na makisalamuha at humarap sa mga royalty. Sigurado rin po akong hindi mapapahiya sa kanya si Roarke. Pero mas mahalaga po ba ang magiging image ng anak niyo bilang prinsipe? Hindi po ba mas mahalaga na makasama niya ang taong tutulong sa kanya na mag-grow bilang individual? `Yong taong makakaintindi, makakatanggap, at mamahalin siya sa paraan na gusto at kailangan niya. Nikita can be that person, too. But Roarke has chosen me to stand beside him, ma’am.” Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang confidence niya pero habang tumatagal, mas lumalaki ang tiwala niya sa sarili at sa pagmamahalan nila ng prinsipe. “Hindi po ako lumaki sa glamorous life na meron si Roarke pero kaya ko pong pag-aralan kung pa’no kumilos at magsalita ng tama sa harap ng mga royalty o ng bigating mga tao sa mundo niya para hindi siya mapahiya. Hindi man po ako fashion model o socialite, kaya ko rin pong bumuo ng pangalan sa field na gusto kong ma-conquer. Kahit po nagmula lang ako sa average na pamilya, may tiwala po ako sa sarili ko na magagawa ko ring successful at maging deserving para tumayo sa tabi ni Roarke. Hindi po ko titigil hanggang sa maging karapat-dapat na ko para sa kanya. Alam ko pong hindi magiging madali ang path na `to. Sigurado rin po ako na darating ang time na panghihinaan ako ng loob at tatanungin ko rin ang sarili ko kung deserving ba ko sa isang gaya niya. Pero hindi po ko natatakot do’n.” Ngumiti siya nang maalala niya kung pa’no siya tingnan ni Roarke. “I know Roarke will always remind me that I’m strong and I deserve all the love in the world.”
Halatang nabigla ang ginang dahil sa mahaba niyang litanya. Pero nang makabawi, bumuntong-hininga ito at umiling-iling. Mukhang hindi pa rin ito convinced sa mga sinabi niya. “You’re young so you’re still idealistic. That’s not how real life works, Cassy.”
“Alam ko pong hindi magiging madaling gawin `to,” giit niya. “Pero hindi po ako susuko. Alam ko pong masyado pang maaga para isipin ang pagpapakasal kay Roarke. But it pays to be prepared early. Saka hindi ko lang naman po `to paghahandaan para lang sa prinsipe o sa buhay ng pagiging wife niya. Gagawin ko rin po `to para mag-grow ako bilang individual. And hopefully, ma-inspire ko rin po sana si Roarke na maging the best person he can be.”
Hindi sumagot si Madam Serranilla at sa halip ay kinuha lang nito ang tasa sa mesa.
Hindi alam ni Cassy kung imagination lang ba niya o talagang nakita niyang ngumiti ang ginang bago ito sumimsim ng kape.
MY PRINCESS: Where are you? I’m here at the convention na.
Napabuntong-hininga si Brooklyn nang mabasa niya ang text message ni Cassiopeia. Hindi naman niya sinabing pupunta siya sa convention kaya hindi niya maintindihan kung bakit nagpunta pa rin ito. O baka naman alam na alam lang nito na hindi niya ito matitiis?
Kahit hindi siya sigurado, lumabas pa rin siya ng Borealis dorm at naglakad papunta sa parking lot kung nasa’n ang Lexus niya. Sa totoo lang, nag-aalinlangan siya sa gagawin. Gusto niyang makasama ang prinsesa lalo na ngayong nararamdaman niyang nagiging malapit na sila sa isa’t isa. Pero hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita o ginawa uli niya ang bagay na gustung-gusto niya– ang pagguhit at pagpipinta. Simula nang makilala niya uli si Cassiopeia, ilang beses na siyang nakapag-drawing. Natatakot siya na baka hindi na siya makahinto sa pagkakataong `yon.
Natigilan siya nang may bumunggo sa braso niya.
Kunot-noong nilingon ni Brooklyn ang lalaking nakabanggan niya. Sisigawan sana niya ang schoolmate niya na mukhang mas bata sa kanya at ni hindi nga umabot sa dibdib niya pero naalala niya na sumisimangot si Cassiopeia kapag may sinisigawan o inaaway siya.
Isa pa, nitong nakalipas na mga araw ay hindi na masama ang mood niya at ayaw niyang sirain `yon. Ayaw niyang bigyan ng dahilan ang prinsesa para matakot o magalit sa kanya.
“I-I’m so sorry Prince Brooklyn,” parang natatakot na sabi ng lalaki. “I didn’t mean to–”
“It’s fine,” putol niya sa sinasabi nito. “Just be careful next time.”
Halatang nagulat ang lalaki pero bago pa ito makapag-react, nilagpasan na niya ito.
Dumeretso na siya sa Lexus niya. Pagsakay pa lang niya sa driver’s side, nag-vibrate ang phone niya sa bulsa niya. Sinagot agad niya ang tawag nang makita na ang mommy niya ang nasa caller ID.
“Yes, Mommy?”
“Prince Brooklyn, go to the address I’m about to send you,” utos sa kanya ng mommy niya, pagkatapos ay nag-switch na ito sa French. “Naro’n na si Knuckles at ang iba mong Knights. Alam ko namang busy ka nitong nakaraan kaya ako na ang gumawa ng paraan para magkaro’n ka ng pagkakataong maging mas malapit sa prinsesa. Si Knuckles ang kumilos para sa’kin. Alam na niya ang gagawin kaya sundin mo na lang ang iuutos ko sa’yo ngayon.”
Kumunot ang noo niya sa pagtataka. French na rin ang ginamit niya sa pakikipag-usap sa mommy niya. “Hindi ko maintindihan, Mommy. Bakit ako pupunta sa lugar na sinasabi mo? At anong ginagawa ni Knuckles do’n?”
“Here’s the plan so listen carefully, son,” seryosong sabi ng kanyang ina. “Nabanggit sa’kin ni Knuckles na magkikita kayo ni Princess Cassiopeia ngayon at alam niya kung saan `yon kaya inutusan niya ang mga tauhan niya na dukutin ang prinsesa.”
“What?!
“Huwag kang mag-alala kasi hindi nila sasaktan si Princess Cassiopeia. Mga Knights mo `yon kaya alam nilang malalagot sila kapag nagasgasan man lang ang prinsesa.”
Bigla niyang nasapo ang ulo nang kumirot ang sentido niya. Hindi na rin niya napigilan ang pagtataas ng boses nang muli siyang magsalita. “Bakit mo naman ipapa-kidnap ang prinsesa, Mom?!”
“Para magmukha kang hero sa paningin ng royal family,” katwiran nito. “Magkikita kayo ng prinsesa kaya `yon ang excuse mo kung bakit alam mong na-kidnap siya kaya nasundan mo siya at nailigtas. Kapag nangyari `yon, magkakaro’n ng utang-na-loob sa’yo ang royal family. Saka `wag kang mag-alala kasi pagdating sa townhouse, paaalisin na ni Knuckles ang mga Knight mo kaya hindi ma-li-link sa’yo ang mangyayaring kidnapan. Kung magkakaro’n man ng imbestigasyon, may binayaran na rin si Knuckles na mga local drug addict d’yan para akuin ang pagdukot sa prinsesa–”
“Mommy!” frustrated na putol niya sa mga sinasabi nito. “Bakit kailangan mo pang gawin `to?!”
“Ginagawa ko lang ang alam kong makakabuti para sa’yo, anak.”
“Ginagawa mo lang ang alam mong makakabuti para sa’yo, Mommy,” nagtatagis ang mga bagang na pagtatama niya sa kanyang ina. Ayaw niyang pagsalitaan ng ganito ang mommy niya pero hindi na niya napigilan ang sarili dala ng pag-aalala para kay Cassiopeia. “Pagod ka nang pagtawanan ng ibang mga Elestian dahil bukod sa maaga kang nabuyida ng daddy ko, nakakulong naman ang stepfather ko ngayon na napakalaki ng nagawang kasalanan sa monarchy at sa royal family. Ginagamit mo ko para magkaro’n ka uli ng kapangyarihan dahil gusto mong gantihan ang lahat ng mga taong nang-api sa’yo noon. Everything is about you, isn’t it?”
“Ginagawa ko `to para mapabuti ang lagay mo sa monarkiya!” giit ng mommy niya. “Hindi mo ba nakikita na awang-awa ako sa lagay mo ngayon? Sinisisi ko ang sarili ko kasi hindi prinsipe o hari ang naging una kong asawa kaya hindi kita nabigyan ng mataas na posisyon sa lipunan natin. Pinakasalan ko si Romano kasi gusto kong maging prinsipe ka pero ang magaling mong stepfather, gumawa ng napakalaking kasalanan. Ayokong bawian ka ng titulo kaya desperado akong ipakasal ka sa prinsesa!”
“Hindi ko pinangarap ang maging prinsipe!” hindi napigilang pag-amin niya sa isang bagay na matagal na niyang kinikimkim para hindi masaktan ang kanyang ina. “Wala akong pakialam sa titulo ko. Ginagawa ko lang `to dahil alam kong pangarap ang magkaro’n ng anak na prinsipe, Mommy. Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko ng simpleng buhay lang para sa’ting dalawa. Malayo sa politika.”
“At anong gusto mong gawin sa buhay mo?” galit na tanong nito, saka ito tumawa ng mapait. “Ang maging hamak na pintor?”
“Oo, gusto kong magpinta,” deklara niya. Magaang ang pakiramdam niya dahil sa wakas, nasabi na niya sa kanyang ina ang totoong goal niya sa buhay. Siguro kung noon niya `to ginawa, pagtatawanan din niya ang sarili gaya ng ginawa ng mommy niya. Pero dahil alam niyang sinusuportahan ni Cassiopeia ang pangarap niya, hindi na siya nahihiyang aminin sa iba ang dream job niya. “Mommy, I’m sorry. But from now on, I won’t be your puppet anymore.”
“Prince Brooklyn–”
Pinutol na niya ang tawag ng kanyang ina.
Tinawagan naman niya si Roarke habang binubuhay niya ang makina ng kotse niya.
“Yeah?” halatang iritadong ‘pagbati’ ng prinsipe nang sagutin ang tawag niya. “What do you need, Prince Brooklyn?”
“Princess Cassiopeia is in danger,” deklara ni Brooklyn sa urgent na boses para maalarma agad si Roarke. “I need your help to save her, Prince Roarke.”