Chapter ROYAL ENGAGEMENT CHAPTER 20

MARAMING tao sa malawak na event hall para sa nagaganap na comic convention pero nahagip agad ng mga mata ni Koji si Blossom. Sa tangkad nito, imposibleng hindi agad niya ito mapansin kahit pa nakasuot ito ng black cap para itago ang golden hair nito na nakatali sa isang messy bun. Naka-dark sunglasses pa ito para siguro takpan naman ang berdeng mga mata.

Bakit mag-isa ka, Blossom? Tinakasan mo na naman ba ang mga Knight mo? Tss. Ang kulit mo.

The princess wore a sleeveless gray crop top, high-waist skinny jeans, and white sneakers– a somewhat casual attire. Pero kahit masasabing low profile lang ang ayos ng dalaga, pansinin pa rin ito dahil sa nag-uumapaw nitong karisma. Kahit nakatayo lang ito sa harap ng isang stall at namimili sa mga ibinebentang Filipino comic books sa store na `yon, napapatingin pa rin ang ibang guests dito. Ang mga tao sa paligid, pasimpleng tumitingin sa prinsesa at siguro, iniisip ng mga ito kung celebrity o model ba ang nakikita. Gusto niyang sabihin na wala sa dalawa dahil isang royalty ang dalaga.

Her ‘princess vibes’ is strong.

Malapit na siyang makumbinsi na hindi nga normal na tao ang mga royalty. Siya kasi `yong tipo na naniniwalang pantay-pantay lang ang lahat sa lipunan na `to. Pero ngayong nakatitig siya kay Blossom at hindi niya maalis ang tingin niya rito, naiintindihan na niya kung bakit may mga obsessed sa royals.

“Koji?” untag sa kanya ni Yuki. “Anong tinitingnan mo d’yan?”

“A beautiful princess,” sagot ni Koji, hindi pa rin maalis ang tingin kay Blossom. Nagtataka nga siya kung pa’nong hindi pa rin siya naglalakad palapit dito kahit `yon ang kanina pa niya gustong gawin. You might be right about me being a rock, Your Highness.

“Eh? Si Blossom nga. Pero bakit wala siyang kasamang Knight?” nagtatakang tanong ni Yuki. “Chase, look at your cousin. She’s alone.”

“Ah,” komento naman ni Chase na halatang hindi na nagulat. “Inutusan kasi niya si Xia na bumalik sa Elestia for some confidential reason daw. Pero nagpaalam naman siya sa’min na magkikita sila ni Brooklyn kaya pumayag si Tita Margarette na `wag na siyang magsama ng Knight. Saka mas lalo lang siyang hahatak ng attention kung marami siyang kasamang bodyguard.”

Kunot-noong nilingon ni Koji si Chase na katulad ni Yuki ay busy sa pamimili ng mini-anime action figures sa store kung nasa’n sila. Siyempre, hindi rin nawawala sa mga local comic convention ang mga seller ng mga anime memorabilia gaya ng action figures, keychains, bags, etc. “Magkikita sila ni Brooklyn at pinayagan siya ni Madam Serranilla? Even Roarke?”

Akala niya, ayaw nina Madam Serranilla at Roarke kay Brooklyn dahil sa pagiging bayolente ng ‘psycho prince.’ Hindi ba nag-aalala ang mga ito kay Blossom?

Maingat na binitawan ni Chase ang hawak na action figure bago siya nito nilingon. “Wala namang magawa si Tita Margarette since may tampuhan pa sila ni Blossom kaya hinahayaan na lang niya muna ang pinsan ko. That’s the same with Roarke. Baka raw kasi kung pipigilan nila si Blossom na makipag-close kay Brooklyn eh lalo raw magrebelde.” Tinuro nito ang sarili. “Pero nag-offer naman ako na babantayan ko si Blossom kaya sumama ako sa inyo dito.”

Sumimangot si Yuki. “Akala ko sumama ka kasi inaya kita.”

Binigyan lang ni Chase ng nagbabantang tingin si Yuki na mabilis nag-peace sign at sinabing nagbibiro lang ito.

“Aren’t you two awfully too close for comfort?”

“Disgustingly close, for that matter.”

Nalingunan ni Koji sina Vonn at Tray na magkasunod nagsalita kanina at parehong kunot-noong nakatingin kina Chase at Yuki na magkatabing nakatayo– magkadikit ang mga balikat at braso– habang nakadukwang at sinisilip ang maliliit na action figures sa shelf ng store na `yon.

Sabay tumayo ng deretso sina Chase na nanatiling walang reaksyon at Yuki na namula ang mukha na parang napahiya.

“You’re not hanging out with us anymore,” sumbat ni Tray kay Chase.

“I won’t until you learn how to respect Yuki too,” sabi naman ni Chase, deadpan. “I know I sound like a hypocrite. Pero ngayon, na-realize ko nang mali ako para i-bully siya before. Same with Koji.”

“Chase, alam naming may utang-na-loob ka kay Yuki at alam din naming mali kami na iniwan kami namin no’ng lumindol,” sabi naman ni Vonn sa halatang frustrated na boses. “Pero hindi pa ba enough na maging civil tayo sa kanila? Do you have to be friends with them? Dahil sa pagiging close mo sa dalawang `yan, ikaw naman ang na-tsi-tsismis sa academy, eh.”

“I don’t care about the rumors,” mariin at determinadong sagot ni Chase, saka ito tumingin kay Yuki na napangiti naman. “I’ll be friends with whoever I want.”

Pasimple nang umatras palayo si Koji sa nabubuong tensiyon dahil naniniwala siyang kaya na `yong i-handle ni Chase nang hindi gumagamit ng violence. Reformed na ang former bully king ng Polaris Academy at nakikita naman niya ang progress nito.

Naalala niya na minsan siyang tinanong ni Chase sa kanya kung pa’no niya hina-handle ang kinalat nitong maliscious rumor tungkol sa friendship nila ni Yuki. Sinabi niya na sapat na sa kanya na alam ng mga taong importante sa kanya na hindi totoo ang mga tsismis. Saka confident siya sa sexual orientation niya bilang ‘straight male’ kaya wala siyang pakialam kung matsismis man siyang bading.

Humingi na rin ng tawad sa kanya ang former bully king at pinatawad naman niya ito. Nakikita naman kasi niyang mabait na ito kay Yuki kaya walang dahilan para hindi niya ito bigyan ng pagkakataong magbago. Gano’n din naman ang trato ni Chase sa kanya at kay Cassy kaya hindi naman mahirap na tanggapin ito sa barkada nila.

“Blossom,” malakas na pagtawag ni Koji dito nang mapansin niyang sinubukan ng dalawang lalaki na lapitan ang dalaga.

Tumigil si Blossom sa pagbabasa ng blurb ng hawak nitong comic book para lingunin siya. Kahit naka-shades ito at natatakpan ng visor ang kalahati ng mukha, alam niyang nagulat ito nang makita siya. “Koji. You’re here.” Natigilan ito at napaisip. “Right. Comic enthusiast ka nga rin pala.”

“I heard you’re meeting up with Brooklyn?”

Binaba nito ang hawak na comics at saka ito tumango. “I’m not sure if he’ll show up. Inaya ko siyang magpunta dito pero hindi naman siya nag-confirm at hindi rin siya sumasagot sa mga messaage ko kaya hindi ko alam kung pupunta nga siya.”

Kumunot ang noo niya. “Eh bakit hinihintay mo pa rin siya?”

Nagkibit-balikat ito. “Hindi ko rin alam. Gusto ko kasing mapaligiran siya ng mga bagay na alam kong mag-i-inspire sa artistic side niya kaya I’m still hoping na makikita niya ang lahat ng `to. Kung pupunta siya, dadalhin ko rin siya sa art exhibit sa upper floor ng mall. He’d love it for sure.”

Alam naman niyang hindi siya pinagseselos ng dalaga pero `yon ang nararamdaman niya. Pero aware siyang wala siyang karapatang maramdaman `yon kaya pinilit niyang huwag ipahalata. Kahit pa bumabaon na ang mga kuko sa mga palad niya. “Ah. You seem to really care about the prince.”

“I see myself in him,” simpleng sagot ng prinsesa, saka ito naglakad palayo sa store habang patuloy sa pagpapaliwanag kaya sumabay siya ng lakad dito. “And he’s a childhood friend. Imposibleng hindi ako mag-care for him. Alam kong masama ang impression niyo sa kanya pero para sa’kin, hindi naman masamang tao si Brooklyn. Misunderstood lang siguro siya.”

Parang may sumuntok sa dibdib niya pero sinubukan pa rin niyang umarteng cool. “Ah. That’s nice. Lahat naman ng tao, may chance magbago. Lalo na sa age natin na `to.”

Lumingon at ngumiti sa kanya ang dalaga. “I know, right? Si Chase nga na sobrang bully before, ang laki na ng progress ngayon. Alam mo bang nag-sorry siya sa’min ni Prince Roarke? Ang sabi niya, nainggit lang daw siya sa’min dahil sa royal status namin ng kakambal ko kaya umarte siyang hari sa academy. Pinagtatakpan daw niya ang inferiority niya by bullying our schoolmates. Pero after daw ng earthquake incident a few weeks ago, na-realize niyang hindi daw pala mahalaga ang social ranking ng mga tao. Kaya ngayon, sinusubukan niyang magbago at bumawi sa mga taong nasaktan niya noon.” Bumungisngis ito na parang may naalalang nakakatawa. And damn, she looked prettier. “Nakuwento rin ni Chase na nakaaway din pala niya dati `yong gangster high school students na tumatambay sa park na malapit sa Polaris. Nag-sorry din daw siya sa mga gangster na `yon.”

“That’s good to hear,” komento niya, pinipilit na `wag magpaapekto sa nakaka-in love na ganda at kindness ng prinsesa na nakikita at nararamdaman na naman niya. At oo, bumibigat ang regret sa dibdib niya. Bakit nga ba uli niya pinakawalan ang babaeng katulad ni Blossom? “Naikuwento rin sa’min ni Cassy na nag-sorry din sa kanya si Chase for making her life miserable for more than a year. All’s well that ends well, huh? Sana lahat ng bully sa Polaris, magbago na rin.”

Ngumiti lang ang prinsesa, pagkatapos ay tumingin na ito sa mga store at stall sa paligid nila. Napapabungisngis din ito kapag may nakakasalubong silang mga cosplayer. Mayamaya lang, nilabas na nito ang phone nito para kumuha ng pictures.

Tahimik lang na binantayan ni Koji si Blossom. Tinitingnan niya ng masama ang mga lalaking sinusubukang lumapit o sinasadyang dumikit dito. Hindi mahirap para sa kanya ang manakot dahil matangkad siya kumpara sa marami. Para nga silang twin tower ng dalaga dahil mas mataas sila kaysa sa average Filipino height. Takaw-atensiyon din tuloy sila.

But of course, the beautiful princess beside him was unaware of the attention she was getting and she looked very unassuming.

Bakit nga ba kita pinakawalan, Blossom Serranilla?

Nawala lang sa prinsesa ang atensiyon niya nang meron siyang mahagip ng tingin na panibagong ‘twin tower.’ May dalawang matatangkad at malalaking lalaki ang nakatayo malapit sa entrance ng malawak na event hall na hindi kalayuan sa puwesto nila ng prinsesa. Huminto kasi ang dalaga sa store na nagbebenta ng drawing materials at manual kung paano mag-drawing ng anime characters.

Kumunot ang noo niya nang mapansing itim ang suot ng dalawang lalaki. May black bullcap ang mga ito na nakababa ang visor sa mukha. Nakasuot din ng shades ang mga ito. Ewan ba niya pero kahit hindi nakaharap ang dalawa sa direksyon nila, nararamdaman pa rin niyang nakabantay ito sa kilos nila. O mas tama bang binabantayan ng dalawa ang kasama niyang prinsesa?

Don’t be judgmental, saway niya sa sarili na mabilis din niyang kinontra. Pero hindi naman masamang maging cautious lalo na kung may kasama kang royalty, `di ba?

“Blossom?” pabulong at urgent na pagtawag niya sa prinsesa.

Huminto si Blossom sa paglalakad papunta sa counter bitbit ang bibilhin nitong art materials at drawing manual, saka siya nito binigyan ng nagtatakang tingin. “Why, Koji? You look anxious.”

Tumayo siya sa harap ng dalaga para takpan ito sa view ng mga lalaking sa tingin niya ay sumusunod sa kanila, pagkatapos ay bumulong siya rito. “Huwag kang magpapahalata pero sa tingin ko, may sumusunod sa’yo. Tingin mo ba, nagpadala ng Knights si Roarke para sa’yo?”

Kunot-noong tumingala sa kanya ang dalaga. “Ang mga Knight namin ni Prince Roarke, may crest sila ng symbol namin sa damit nila kahit pa undercover ang pagbabantay nila sa’min. Flower ang symbol ko at pebble naman ang sa kakambal ko. May gano’n `yong mga sinasabi mong lalaki?”

“Wala,” sagot niya dahil sigurado siyang wala siyang nakitang simbolo sa suot ng mga lalaki, saka niya hinawakan ang kamay ng prinsesa na hindi naman kumontra. Mabilis niya itong inakay papunta sa exit ng event hall. Napamura siya sa isipan nang mapansin niyang mabilis din silang sinusundan ng mga lalaking nakita niya kanina. “We should get out of here fast.”

“Baka mas okay kung mag-stay tayo dito? Hindi naman siguro nila tayo sasaktan o lalapitan sa ganitong ka-crowded na lugar, `di ba?” Nilabas nito ang phone nito na in-operate nito gamit ang isang kamay. “Magpapadala ako kay Prince Roarke ng SOS para pumunta agad siya at ma-trace nila ako using my phone.”

“Good. Pumuwesto tayo sa malapit sa security personnel dito habang naghihintay.” Tumango lang ang prinsesa. Napansin niyang may takot sa mukha nito kaya pinisil niya ang kamay nito. “Don’t be scared, Blossom. I will protect you.”

Tumingala sa kanya ang prinsesa at kahit naka-shades ito, nakikita niya ang relief sa maganda nitong mukha. Pinisil din nito ang kamay niya. “Thank you, Koji.”

Tumango lang siya. Inakay niya ang dalaga sa tabi ng security guard na nagbabantay sa exit ng hall. Akala niya ay matatakot na `yong dalawang lalaki na sumusunod sa kanila kaya nagulat siya nang makitang deretso lang ang mga ito sa paglapit pero bumagal ang mga ito dahil sa dami ng tao.

Mayamaya lang, napansin niyang may binubunot pa na kung ano ang mga ito mula sa likuran. Sandata ba `yon? Kung oo, hindi sila mapoprotektahan ng nag-iisang guard sa tabi nila! May isang bahagi ng isipan niya ang nagtataka kung pa’no nakalusot sa loob ng mall ang baril (kung baril nga ang dala ng mga lalaki) pero naalala niya na hindi naman `yon ang unang pagkakataon na may masasamang-loob na nakapasok sa gano’ng lugar. Ang hina talaga ng seguridad do’n!

“Blossom,” urgent na sabi ni Koji, saka siya tumayo sa harap ng prinsesa. “Run.”

“No,” mariing sabi naman ni Blossom. “I won’t leave you–”

“I said run!” sigaw niya dahil patakbo na ang lakad ng mga lalaki papunta sa direksyon nila. “Magtago ka at hintayin mo na lang ang kapatid mo. Or call Chase. I’ll buy you some time. Go!”

Mukhang naramdaman naman ng prinsesa ang urgency sa boses niya kaya tumakbo din ito paalis.

“Manong,” sabi niya sa guwardiyang nakatayo sa tabi niya na halatang naguguluhan sa nangyari. Nginuso niya `yong dalawang lalaki na halos nasa harap na nila. “May armas sila.”

Halatang naalarma ang guwardiya pero mabilis naman itong kumilos at humarang sa daan ng dalawang lalaki na hindi hamak na mas malaki kaysa dito. In fairness, kahit hindi pa umabot sa dibdib ng mga lalaki ang matandang security guard ay hindi ito nagpa-intimidate at ginawa pa rin ang tungkulin. “Mga ser, check ko lang `yang nasa likuran niyo…”

Hinanda na ni Koji ang sarili sa magaganap na gulo nang mapansin niyang aatakhin ng mga lalaki ang security guard. Pero wala pa man ding nagsisimula, narinig na niya ang malakas na boses na `yon na hindi niya naintindihan ang sinabi dahil ibang language ang ginamit. Sigurado siyang French `yon.

Mukhang naintindihan naman `yon ng dalawang lalaki na biglang nanigas sa kinatatayuan.

Nalingunan niya ang galit na galit si Roarke kasama ang nasa walo hanggang sampung Knights nito na kumuha agad sa atensiyon ng lahat ng nakakakita sa eksena. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nakayakap si Blossom sa baywang ng kakambal nitong nakaakbay naman dito.

Nagkatinginan sila ng prinsesa at nakita niya sa mga mata nito ang pag-alala para sa kanya kaya sinagot niya ito ng isang relieved na ngiti. Mukha namang naintindihan nito `yon dahil ngumiti rin ito.

I’m fine as long as you are safe, Blossom.

“Take them,” mariing utos ni Roarke sa mga Knight nito habang masama ang tingin sa dalawang lalaki na may masamang balak sa kakambal nito.

Umalis ang kalahati ng Knights na nakapaligid sa twin royalties para habulin ang dalawang lalaki na sinubukang tumakbo. Pero nahuli din naman agad ang mga ito.

Thank God.

“ARE YOU okay, sweetheart?”

Kinalimutan na ni Blossom ang tampo sa mommy niya nang makita niya itong pumasok sa kuwarto niya sa mansiyon nito kung saan siya inuwi ni Roarke. Ang mansiyon daw kasi ng mommy nila ang pinaka-safe na lugar para sa kanya dahil naroon ang mga Knight nila.

Mula sa pagkakaupo sa kama niya ay tumayo siya tanggapin ang mahigpit nitong yakap.

“Were you hurt, my princess?” nag-aalalang tanong ng kanyang ina habang hinahagod ang likod niya. “`Wag ka nang matakot kasi nandito na si Mommy, okay? But are you sure you’re okay?”

Tumango si Blossom. “Yes, Mommy. Wala namang masamang nangyari sa’kin kasi dumating agad si Prince Roarke at ang mga Knight niya. Saka kasama ko si Koji kanina kaya naging aware ako na may sumusunod pala sa’kin. Pinrotektahan niya ko kaya naging safe ako.”

Kumalas ng yakap sa kanya ang mommy niya para bigyan siya ng relieved na ngiti. “Mukhang may panibagong utang-na-loob na naman ako kay Koji Takishima.”

Nag-pout siya at tumango. “Pero Mommy, `wag mo na uli siyang babayaran ng pera para lang bigyan siya ng reward. Enough na sa kanya ang pasasalamat natin.”

Hindi na sumama si Koji sa pag-alis nila ni Roarke sa mall kanina dahil pinagkaguluhan sila ng mga taong nakakilala sa kanila ng kakambal niya. Hindi na siya nakapagpasalamat ng maayos kay Koji dahil inakay na sila ng mga Knight papunta sa sasakyan.

“I will never do that again,” pangako naman ng kanyang ina, saka nito hinaplos ang pisngi niya. Kahit na mukha namang relieved ito, may naiwan pa ring pag-aalala sa mga mata nito. “Tama nga yata si Cassy Hart nang sabihin niyang hindi social ranking o disenteng family background ang kailangan kong gawing qualifications para sa magiging partner niyo ng kuya mo. Mas kailangan niyo nga siguro ang taong maiintindihan, mamahalin, susuportahan, at poprotektahan kayo hindi lang dahil royalty kayo kundi dahil nakikita nila kayo bilang kapantay nila.” Naging malungkot ang ngiti nito. “Nasira ang marriage namin ng daddy mo dahil hindi ko siya makita nang higit sa pagiging prinsipe niya. Siguro kung nakita ko siya bilang asawa at ama ng mga anak ko, baka hindi ako nabaliw sa pag-aalala tungkol sa magkaiba naming social standing. Ayokong mangyari `yon sa inyo ng kapatid mo.”

Marahan siyang tumango at naging mag-ingat sa sunod niyang mga sinabi. “Huwag kang mag-alala, Mommy. Dahil sa guidance mo sa’min ni Prince Roarke, makakasiguro kami na hindi kami magkakamali sa pagpili ng taong makakasama namin. Because we trust you. We know that in the end, magugustuhan niyo rin ang tamang mga tao na alam niyong makakabuti sa’min.”

Ngumiti at tumango lang ang mommy niya pero sapat na `yon para maramdaman niya na sa pagkakataong `to, magtitiwala na ito sa choice nila ng kapatid niya. “Anyway, `wag kang mag-alala kasi hindi kakalat sa major media outlet ang nangyari kanina sa mall. `Yong mga video naman na posibleng ma-post ng mga witness kanina, sisiguraduhin kong mabubura agad ng mga connection ko. Mommy will make sure this thing doesn’t blow up so your father won’t step in. Alam ko namang gusto niyo ni Roarke na magtapos ng high school sa Polaris Academy kaya sisiguraduhin kong matutupad `yon.”

“Thank you, Mommy,” sincere na sabi niya. “Super thank you.”

“Anything for you and your brother, my baby.”

And said brother entered the room after knocking.

“Excuse me, dear mother and sister,” sabi ni Roarke sa halatang pagod na boses. Humalik ito sa pisngi ng kanyang ina bago siya inakbayan. Napansin niyang naging seryoso ang kapatid niya habang nakatingin pababa sa kanya. “Princess Cassiopeia, umamin na si Prince Brooklyn na siya ang mastermind sa attempt na pag-kidnap sa’yo dahil gusto raw niyang magkaro’n ka ng utang-na-loob sa kanya at mapilitan kang pakasalan siya. Pero nagbago raw ang isip niya kaya sinabi niya sa’kin ang tungkol sa plano niya. `Yong mga nagtangkang dumukot sa’yo, confirmed nang Knights nga niya.”

“Hindi ako naniniwala,” kunot-noong giit naman ni Blossom. “Kuya, kung siya ang nagplano no’n, bakit hindi na lang niya sinabihan ang supposedly ay mga tauhan niya para `wag nang ituloy ang pag-kidnap sa’kin. Bakit kailangang ikaw pa ang tawagan niya para hingin ang tulong mo?”

“Naisip ko rin `yan pero hindi ko puwedeng palagpasin ang nangyaring ito,” mariing sabi ng prinsipe, nakasimangot. “Wala akong pakialam kung si Prince Brooklyn man o hindi ang mismong nag-utos na kidnapin ka. Kung alam niya ang planong `yon, it only means na kilala niya ang mastermind. Ilang beses ka na niyang nilagay sa panganib kaya kahit ano pang sabihin mo, hindi na ko papayag na walang gawin para parusahan siya. I’m sorry, Cassiopeia. But I’ll make him pay this time.”

Nakagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang sarili niyang ipagtanggol si Prince Brooklyn dahil sigurado siyang mas lalo lang magagalit ang kapatid niya. Kapag nasa ‘business mode’ si Roarke, lumalabas ang worst traits nito bilang prinsipe– cold at hindi nakikinig sa iba. “Nasa’n si Prince Brooklyn ngayon, Kuya?”

No’ng nasa kotse sila ni Roarke kanina, ibang Knight ang nag-drive para sa kanila dahil si Creed ang pinasama nito sa dalawang Knights na hindi sinabi ng kapatid niya kung saan dinala. Nang makarating sila sa mansiyon, iniwan siya ng kakambal niya kasama si Chase (na pinasundo rin ng kakambal niya sa mga Knight nito pagkatapos ng nangyari) at ang mga Knight nila.

Nakipagkita si Roarke kay Brooklyn pero hindi sinabi ng kapatid niya kung saan eksakto `yon.

“Nasa isang hotel sila kasama ang lahat ng Knight na kasama niyang dumating dito sa Pilipinas,” sagot ng kapatid niya sa cold na boses. “Internal conflict ito kaya hindi ko sila puwedeng isuko sa mga pulis dito. Pero nakausap ko na rin sa phone call si President Zarragossa at napaliwanag ko na sa kanya ang nangyari. Mabuti nga’t walang civilian na nadamay dito at hindi naman nagkaro’n ng malaking gulo kaya pumayag ang presidente na palagpasin na lang ang nangyari at hayaan na ako ang umayos ng gulo natin.” Tumingin ito sa kanilang ina. “Kaya Mommy, salamat kasi tinulungan mo kaming patayin agad ang issue at hindi na maging malaking balita o kumalat sa social media.”

“It’s no big deal, son,” nakangiting sabi ng mommy nila.

Tumango lang ang prinsipe, pagkatapos ay muli siya nitong nilingon. “Cassiopeia, babalik muna ako sa Elestia. I-e-escort ko si Prince Brooklyn palabas ng Pilipinas para masiguro kong hindi siya makakatakas. Tumawag na rin ako kay Prince Ross at sinabi sa kanya ang ginawa ni Prince Brooklyn.”

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. “Kuya, ano nang mangyayari kay Prince Brooklyn pagbalik niya ng Elestia?”

“Hindi ko pa alam kung ano eksakto ang mangyayari sa kanya pero sigurado akong mapaparusahan siya. Hindi rin imposibleng bawiin ang titulo niya nang hindi na dumadaan sa tamang proseso. Mabigat na kasalanan ang ginawa niyang pagbabant sa buhay mo, Mahal na Prinsesa.”

“Pero sigurado akong hindi si Prince Brooklyn ang nag-utos ng pag-kidnap sa’kin…”

Sumimangot si Roarke, halatang hindi nagustuhan ang mga sinabi niya.

“Cassiopeia, pabayaan mo na ang kuya mo na gawin ang trabaho niya bilang prinsipe at nakakatanda mong kapatid,” marahang saway naman sa kanya ng mommy nila. “As your mother, hindi rin ako papayag na hindi pagbayaran ni Brooklyn Sprouse ang ginawa niya sa’yo.”

Napabuntong-hininga siya, saka siya tumingala sa kapatid niya. “Kuya, puwede ko bang kausapin via videocall si Prince Brooklyn? I just want to say goodbye.”

Bumuga ng hangin ang prinsipe pero tumango rin naman ito. “Fine. I’ll tell Creed to call you.”

Niyakap niya ang kakambal. “Thank you, Kuya.”

Hinalikan ni Roarke ang sentido niya bago ito kumalas sa kanya. Nag-excuse ito at sinabing tatawagan na si Creed para utusang tumawag sa kanya. Pagkatapos ay sumabay na rin ang mommy niya sa paglabas ng prinsipe para daw makapagpahinga na siya.

Padapa namang humiga si Blossom sa kama niya habang nakatitig sa phone niya.

Hindi niya alam na naging malapit na pala sa puso niya si Brooklyn para mag-aalala siya ng ganito. Pero nasasaktan talaga siya para sa prinsipe dahil alam niyang hindi ito ang mastermind sa attempt na pag-kidnap sa kanya. Naniniwala siyang hindi siya nito magagawang saktan o maiisipan man lang na ilagay sa panganib sa kamay ng ibang tao. Kaya naiinis siya na inako nito ang krimen.

Nag-vibrate ang phone niya at unregistered number ang lumabas sa caller ID. Mabilis siyang bumangon at sinagot agad ang videocall.

“Hi, my princess,” nakangising bati sa kanya ni Brooklyn na nasakop ng guwapong mukha ang buong screen ng phone niya.

“Baliw ka,” nakasimangot na sabi niya. “Bakit mo inako ang krimen na hindi mo naman ginawa?”

Kumunot ang noo nito. “I’m sorry? I don’t understand. My Filipino vocabulary is limited.”

“Alam kong ang nanay mo ang may utos na kidnapin ako kahit hindi ko alam kung bakit,” pagpapatuloy niya sa Filipino para hindi maintindihan ng prinsipe ang mga hinanakit niya para sa iba. Ayaw niya kasi itong masaktan dahila alam niya na kahit ga’no pa kasama ang tingin niya sa mommy nito ay hindi nito magagawang kamuhian ang sariling ina. “Sinabi ko naman na sa’yo na `wag ka nang sumunod sa mga utos niya, eh. Ngayon tuloy, ikaw `tong mapapahamak. Pagbalik mo sa Elestia, sigurado akong lalong hindi magiging mabait sa’yo ang mga taong nang-aapi sa’yo do’n.”

“I don’t know understand what you’re saying but I can see that you’re pissed,” natatawang sabi ni Brooklyn, titig na titig sa mukha niya. “Are you worried about me? Thank you, but I’m fine.” Saglit itong natigilan, napuno ng guilt ang mga mata. “I’m sorry, my princess. I’ve hurt you again.”

“Hindi ikaw ang may gawa nito kasi alam kong nag-mellow ka na lately kaya wala kang dapat ipag-sorry sa’kin,” sagot niya, sa Filipino pa rin. Wala siyang balak ipaintindi dito ang mga sinasabi niya. “Nagyayabang at nananakit ka lang ng iba para pagtakpan ang takot mo. Pero Brooklyn, kung mamahalin mo lang ang sarili mo, ma-re-realize mo na hindi mo kailangan ang approval ng mommy mo para magkaro’n ng validation ang existence mo. Alam kong mahalaga sa’yo ang nanay mo. Pero hindi mo kailangang isakripisyo ang freedom at kasiyahan mo para lang ma-please siya. Pa’no ka naman kung puro ibang tao ang iniisip mo? Nakakainis ka naman, eh. Pinag-aalala mo ko ng sobra.”

“I do not deserve you, Cassiopeia,” gentle na sabi ng prinsipe habang marahang tine-trace ang daliri sa screen na para bang ini-imagine nito na ang mukha niya ang nahahawakan nito. “But I still want to stand beside you so I’m doing everything I can to be a better man for you. I’m trying too hard, am I not?” Ngumisi ito habang iiling-iling. Nang nagpatuloy ito, French na ang gamit nito. “Mayabang lang ako pero marami akong insecurity. Aware ako na hindi ako karapat-dapat sa’yo, gano’n din sa maraming bagay gaya ng titulo ko. Pero kaya kong bitawan ang lahat ng meron ako. Hindi naman talaga ako pinanganak na may royal blood kaya bale-wala sa’kin kung hindi na ko magiging prinsipe. Pero ikaw ang nag-iisang bagay na hindi ko kayang isuko. Ikaw `yong nag-iisang tao na ipaglalaban ko kahit maliit ang posibilidad na manalo ako. Pero kahit sabihin ng buong mundo na hindi ako bagay sa’yo, hindi pa rin kita bibitawan. Alam mo kung bakit? Ah, sigurado akong alam mo na kung bakit.”

“Sabihin mo sa’kin,” udyok naman niya sa gentle din na boses. “Gusto kong marinig.”

“Mahal kita, Cassiopeia,” seryosong pagtatapat ni Brooklyn sa Filipino na ikinagulat niya. “I don’t deserve you, but I love you. Should I apologize for feeling this way?”

Aaminin niya na na-touch siya. Kung magiging mas honest siya, baka sabihin din niya na nag-react ang puso niya. Pero isang ngiti lang ang kaya niyang isagot sa prinsipe ngayon. “Baliw ka talaga, Brooklyn.” Pinaraan niya ang daliri niya sa screen, tine-trace ang mukha nito mula sa pangahan nitong mukha hanggang sa matangos nitong ilong na ikinangiti nito. “Mag-iingat ka, ha?”

“I will come back for you,” nakangiting sabi naman ni Brooklyn. “Do not run from me, Cassiopeia.”

“Kailangan mo talagang bumalik, Brooklyn,” bulong ni Blossom. “Hihintayin kita.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.