Chapter ROYAL ENGAGEMENT CHAPTER 21

“PRINCE Roarke, why?”

“Why what?” kunot-noong tanong ng prinsipe, saka siya nito binigyan ng nananaway na tingin. “Saka mag-Tagalog ka nga. Kailangan kong mag-practice.”

Nag-pout si Nikita pero sinunod din naman niya ang request nito. “Bakit hindi mo pa rin dine-deny ang tungkol sa engagement natin?”

“Best friend ka ng kakambal ko kaya kahit hindi ako masaya sa pagkalat ng tsismis na `yon, hindi ko namang puwedeng i-deny `yon nang hindi ka pa nagsasalita. Ayoko namang mapahiya ka.”

“Ang mean pero gusto pa rin kita.”

“Ang pangit ng taste mo sa mga lalaki.”

Nakagat ni Nikita ang ibabang labi para pigilan ang sariling matawa dahil sa biro ni Roarke.

Sa kasalukuyan, nasa front porch sila ng Seranilla Mansion. Nang dumating siya para dalawin si Blossom pagkatapos niyang marinig ang nangyari dito, naabutan niya ang prinsipe na nakaupo sa hagdan kaya umupo siya sa tabi nito. Mabuti na lang at naisipan niyang mag-pants ngayong araw.

Halata namang may hinihintay ito at may ideya na siya kung sino `yon kaya sinasamantala na niya ang natitirang oras na masosolo niya ang lalaki.

“Prince Roarke, na-mention sa’kin ni Tita Margarette na sinabi mo raw sa kanya na mag-i-stay ka sa Pilipinas for good. For Cassy. Totoo ba `yon?”

“Kung totoo `yon, ano naman sa’yo?”

Nag-pout siya. “Bakit ang mean mo sa’kin?”

Nilingon siya ng prinsipe. In fairness, mukha namang hindi ito nagsusungit. “Hindi ako nagiging mean sa’yo. Curious lang akong malaman kung bakit tinatanong mo `yan.”

“I’m just trying to measure how much you like Cassy,” matapat na sagot naman niya. “Mukha ngang gustung-gusto mo talaga siya.” Nang hindi nagkomento ang lalaki, nagpatuloy siya. “I can’t blame you. Hindi naman mahirap magustuhan si Cassy. Kahit na hindi siya lady-like like Blossom and I, may unique charm siya na mahirap i-resist kaya siguro mabilis namin siyang nakasundo ng kakambal mo. Plus, she’s genuinely a good person.”

Ngumiti ang prinsipe na parang natuwa sa mga sinabi niya. O baka naman naalala lang nito si Cassy. “I know. I dig that.”

Ah, malalim nga ang feelings nito para sa dalaga.

“It won’t be easy,” playful na warning ni Nikita. “A prince and a commoner. Doesn’t sound like a fairytale to me.”

Natawa ang binata habang iiling-iling. Mukhang nakuha naman nito na nagbibiro lang siya. Nang lingunin uli siya nito, binigyan siya nito ng friendly smile. “Nikita, you should outgrow your fascination with sanitized fairytales. Even a real life prince doesn’t get a happy ever after because life is hard.” Marahan nitong pinatong ang kamay sa balikat niya. “I know the road ahead of Cassy and I isn’t easy. But I will endure. For her. For us. For a chance at the happy ending you believe in.” Pinisil nito ang balikat niya bago siya binitawan. “I hope you cheer us on and look after us with care.”

“Unfair,” biro uli niya na ikinatawa ng prinsipe. “Pa’no ako makakapag-emote eh nagsalita ka na ng ganyan? Mukhang wala na kong ibang choice. Sige na nga. I’ll support you and Cassy na.”

“Thank you,” sincere na sabi ni Roarke, pagkatapos ay naging apologetic ang ngiti. “I’m sorry.”

May sasabihin pa sana si Nikita pero natigilan siya nang may isang sleek black car na dumating. Nang bumaba pa lang si Creed mula sa driver’s side, tumayo na agad si Roarke at inunahan ang Knight sa pagbukas ng pinto ng backseat.

Bumaba mula sa sasakyan si Cassy.

“Roarke, okay lang ba si Blossom?” nag-aalalang tanong ni Cassy habang nakatingala sa prinsipe. Mabilis namang umangat ang mga kanay nito sa mukha ng binata. “Ikaw? Okay ka lang ba? You look tired and anxious. Magpahinga ka kaya muna?”

Natahimik si Nikita. Hindi niya napansin na pagod at may inaalala pala ang prinsipe sa ilang minuto nilang pag-uusap. Wala na kasi siyang ibang napansin kundi ang sarili niyang feelings.

Ah, now I know why I lost my prince to someone else…

“I’m fine because you’re already here,” sabi naman ni Roarke sa gentle na boses na ngayon lang yata niya narinig mula rito. Pagkatapos ay pinatong nito ang mga kamay sa mga baywang ni Cassy. “Sorry kung ikaw pa ang pinapunta ko rito, ha? May urgent matter na gusto kong ipaalam sa’yo. Gusto kong sabihin `yon ng personal pero hindi ko naman maiwan si Blossom pagkatapos ng nangyari.”

“Okay lang. Naiintindihan ko naman. May problema ba?”

Bumuntong-hininga ang prinsipe. “I need to go back to Elestia.”

Kitang-kita ang gulat sa mukha ni Cassy. Ang akala niya ay kokontra ito pero nang makabawi ang dalaga, naging understanding naman ang anyo nito. “Okay. Do what you have to. Maghihintay ako.”

Napangiti ng malungkot si Nikita. Ngayon ay inaamin na niyang natalo nga siya ni Cassy. Ito nga ang mas bagay para sa isang tulad ni Roarke. Saka halata namang malalim na ang koneksyon ng dalawa na biglang nagkaro’n ng sariling mundo. Pero hindi naman siya na-offend dahil alam naman niyang hindi sinasadya ng mga ito na hindi siya mapansin.

Maybe Roarke and Cassy just tend to forget everything when they were together.

“ANONG oras ang balik mo sa Pilipinas, Prince Roarke?” tanong ni Prince Reynold sa kanya sa French. “Sasabay na ko sa pagbalik mo.”

Kulang ang sabihing nagulat si Roarke sa sinabi ng kanyang ama kaya para makasiguro, nagtanong siya kahit alam niyang ayaw na ayaw nitong inuulit ang mga sinasabi. French ang ginamit niya dahil `yon ang mas prefer nito sa pakikipag-usap. “Pupunta ka ng Pilipinas, Dad?”

Gaya ng inaasahan niya, kumunot ang noo ng daddy niya. “Kasasabi ko lang, `di ba?”

“Yeah, but I can’t believe it. Wala namang reason para pumunta ka ng Pilipinas dahil naayos na ang problema kay Prince Brooklyn.” Kina King Royale at Prince Ross mismo humarap si Brooklyn at inamin nito na ito ang mastermind sa attempt na pag-kidnap kay Cassiopeia. Bilang parusa, binawi na ang titulo nito bilang prinsipe kasama ang estate kung saan nakatira ang mommy nito. Hindi nakulong o naparusahan ng mas mabigat si Brooklyn dahil pinaabot niya (kahit masama ang loob niya) ang kahilingan ng kakambal niya na iparating sa pinsan nilang hari na pinapatawad na nito si Brooklyn. “Hindi ka naman siguro pupunta sa bansang `yon para lang i-comfort ang kakambal ko, `di ba?”

Dumoble bigla ang lamig sa opisina ng kanyang ama.

Sa totoo lang, kinabahan siya dahil sa pagiging sarcastic niya sa daddy niya. Kahit na deretso ang tayo niya sa harap ng ama niya na deretso naman ang upo sa likod ng mahogany table, aaminin niya na nakaramdam pa rin siya ng urge na bawiin ang mga sinabi niya at mag-sorry.

His father was a huge, scary man after all.

“Pinapunta ni Princess Cassioepia ang personal Knight niya sa’kin para sa mensahe na gusto niyang ako mismo ang makarinig,” sagot ng ama niya sa flat na boses. “Gusto ng kakambal mo na puntahan ko siya sa Pilipinas at personal na magpaliwanag tungkol sa ginawa kong deal kay Romano noon na ipapakasal ko siya kay Brooklyn Sprouse pagtuntong niya sa tamang edad.”

Nagulat siya sa narinig niya dahil akala niya, masyadong meek ang kapatid niya para gawin `yon. Pero mas nangibabaw ang pagiging proud niya bilang kuya kaya hindi niya rin napigilang ngumiti. “She grew up. I’m proud of my sister.”

Bumuga lang ng hangin ang kanyang ama. “I want to meet Cassy Hart.”

Nawala ang ngiti niya. “Excuse me?”

Nanatiling walang emosyon ang ama. “No’ng nakaraan lang, tinawagan ako ng mommy mo at sinabi niya sa’kin na ayaw mo na raw mag-aaral sa University of Elestia at gusto mo na raw tumira sa Pilipinas. Nabanggit din niya na dahil `yon sa girlfriend mo.” Binigyan siya nito ng halatang dismayadong tingin. “Gusto kong personal na makilala si Cassy Hart nang malaman ko kung anong meron siya para ipagpalit mo ang kinabukasan mo sa pagkakataong makasama siya.”

Nagtagis ang mga bagang niya. Inaasahan naman niyang mangyayari `yon pero hindi niya naisip na ganito kaaga i-de-demand ng kanyang ama na makilala si Cassy. “Daddy–”

“Kung isang royalty o nagmula man lang sa mayamang angkan sa Pilipinas ang Cassy Hart na `yon gaya ng mommy mo, wala kang maririnig sa’kin,” iiling-iling na putol ng kanyang ama sa mga sinasabi niya. “Pero hindi gano’n ang sitwasyon niya, Prince Roarke. Naiintindihan mo ba kung ano `tong pinapasok mo? Isa kang prinsipe ng Elestia.”

“Cassy taught me how to be more human,” mariing sabi naman ni Roarke. “Pinaalala niya sa’kin na kahit isa akong prinsipe, tao pa rin ako na kailangang itapak ang mga paa sa lupa. Tinuruan niya ko kung pa’no mamuhay ng simple at in-inspire niya ko na maging mas mabuting tao. She’s good to me and to she brings sunshine to my life. I don’t see any reason not to love her.”

“Prince Roarke, you don’t what you’re talking about.”

“Then go and meet Cassy Hart, Dad,” sabi na lang ni Roarke sa ama sa confident na boses. “Sigurado akong ma-re-realize niyo agad kung bakit siya ang pinili ko na maging prinsesa ko.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.