AFTER 2 MONTHS…
“GOOD morning, hon.”
Ngumiti si Sahara sa pagbating iyon ni Ricky. Hinalikan nito ang kanyang pisngi at naupo sa tabi niya. Agad na humigop ng mainit na kape at sinimulan na ang pagbabasa ng diyaryo.
“Ano’ng plan mo for today?” tanong nito. Napakaganda ng sikat ng araw nang umagang iyon, na bumagay sa mood sa buong kabahayan. Maaliwalas ang lahat na para bang hudyat para sa isang panibagong buhay.
“Balak sana namin ni Ate Yolly na mag-rearrange ng mga furniture sa buong bahay,” mahina niyang sagot. Nilagyan niya ng dalawang toasted bread at dalawang piraso ng bacon ang plato nito. Maagap rin niyang sinalinan ng tubig ang baso na nasa harap nito. “Naisip ko ring palitan ‘yung wallpaper sa kuwarto natin.”
“Sure. Anything you want.” Tumangu-tango si Ricky, hindi pa rin tumitingin sa kanya.
“By the way, gusto ko sana ulit dalawin si Nanay sa ospital…matagal-tagal na rin mula nang huli ko siyang nabisita.” Maingat ang pagkakasabi niyon ni Sahara dahil hangga’t-maaari ay ayaw niyang masira ang mood nito.
Kunut-noo siya nitong tingnan at marahang ibinaba ang diyaryo sa mesa. Sinimulan na nitong kainin ang nakahain. “Let me check my schedule for next week, okay?”
Ganoon parati ang simula ng umaga nila sa araw-araw. Bumalik sa dati ang lahat sa kanilang dalawa ni Ricky na parang walang nangyari. Dalawang buwan na ang nakararaan matapos ang insidente at halos isang linggo doon ay dinanas ni Sahara ang marahil ay isa sa pinakamadilim na yugto ng kanyang buhay. Inasahan na ni Sahara ang maaari niyang kahinatnan sa mga kamay ni Arch. Aguas – ang ikulong siya nito sa kuwarto, hindi pakainin sa maghapon at magdamag o ang bugbugin siya hanggang sa mawalan ng ulirat. At nangyari nga ang mga iyon. Halos isang linggo siyang ikinulong sa kuwarto at pakainin man siya nito ay puro tinapay at biskwit, at wala na.
Sahara expected the worst, that she’d die any minute and just rot there inside that dark room forever. Hindi siya madasaling tao pero nang mga oras na iyon ay halos minu-minuto siyang nagdasal sa Diyos at nangako na magbabago sa oras na makalabas siya sa impiyernong iyon.
Kaya naman laking pasalamat niya nang isang araw ay sa wakas ay iuwi siya ni Ricky sa condo unit at bumalik sa dati ang lahat. It was as if nothing happened. Na para bang panaginip lamang ang lahat. Kung hindi nga lang niya ramdam ang sakit na dulot ng mga sugat at pasa’ng natamo niya sa buong katawan ay iisipin niyang binangungot lamang siya. Ni hindi na nito nabanggit ang tungkol doon pagbalik nila ng condo kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang ‘magpakabait’ at sundin ang lahat ng gusto nito.
Pero sino ba ang niloko niya? Alam niya ang dahilan kung bakit hindi na naulit pa ang pananakit ni Ricky at muli na itong naging mas ‘maluwag’ sa kanya.
“Ace flew to the U.S. without notice and according to his staff, he’d probably stay there for good.”
Iyon ang sabi ni Ricky sa kanya sa unang dinner nila pagbalik sa condo unit. Hindi niya iyon tinanong, basta sinabi lang nito iyon na parang isang ordinaryong paksa lamang. Kahit pa nagulat siya sa balita at kahit pa hindi niya alam kung totoo iyon o hindi, hindi na rin siya naglakas-loob na magtanong kay Ricky tungkol doon.
“I’ll be home by seven,” anito matapos ubusin ang lamang kape ng tasa. “Gusto ko, bihis ka na ‘pag uwi ko, Sahara. Wear something formal.”
“B-bakit?” tanong niya. Tumayo na si Ricky at sinundan na niya ito hanggang sa pinto. “Saan tayo pupunta?”
“Dinner. Just dinner. Matagal-tagal na rin kitang hindi naide-date, hindi ba?”
Napakunot siya ng noo dahil alam naman niyang hindi sila basta-basta nakakalabas ng bahay nang magkasama, lalo na ngayon na alam niyang nakauwi na ng Pilipinas ang asawa nito mula Europa.
“Don’t worry. Exclusive ang café na pupuntahan natin, nothing to worry about.”
“O-okay.”
At muli siya nitong hinalikan sa labi bago ito tuluyang umalis. Isang malalim na buntung-hininga ang napakawalan ni Sahara nang sa wakas ay siya na lamang mag-isa sa condo unit na iyon – ah, siyang mag-isa maliban na lamang kay Ate Yolly at kay Marco na parating nakabantay sa kanya.
“Uumpisahan ko na po ba ang pag-alis ng mga gamit sa kuwarto ninyo, Ma’am Sahara?” narinig niyang tanong ni Ate Yolly habang inililigpit nito ang mga pinagkainan nila sa mesa. Nilapitan niya ito at tinulungan sa pag-iimis.
“P’wede kaya tayong sumaglit sa mall? Parang kulang kasi ‘yung nakita kong wallpaper sa storage room.”
Huminto si Ate Yolly sa paglalakad at lumingon sa kanya, dala pa rin ang mga pinggan. “Pasensiya na ma’am, alam mo naman na hindi tayo papayagang lumabas ni Sir. Pero p’wede mo namang sabihin sa akin ang mga gusto mong bilhin at ako na lang ang sasadya sa mall.”
Hindi na siya nakipag-diskusyon pa dahil alam naman niyang wala na siyang magagawa. Ilang beses na siyang nagtangkang umalis sa bahay na iyon pero wala ring nangyari. Hindi niya alam kung magkano ang ibinayad ni Ricky sa mga kasama sa bahay at ganoon na lamang magbantay ang mga ito. Bukod pa kina Ate Yolly at Marco ay alam niyang may mga kinuhang espiya si Ricky para masiguradong wala siyang gagawing labag sa kagustuhan nito.
Mas masahol pa sa isang preso ang nararamdaman ni Sahara nang mga oras na iyon. Ni hindi na siya makalabas mag-isa, ni hindi na rin siya pinapayagang humawak ng telepono. She has to watch her every move because she knew that the moment she does something that is opposed to Ricky’s rules, she’s over.
~~
ANG pandalawahang mesa sa dulo ng café ang napili ni Ricky. Totoo nga ang sinabi nito na ekslusibo ang lugar at mabibilang lamang sa daliri ang mga tao na naroon.
Ang café ay nasa rooftop ng isang gusali na mayroong tatlumpung palapag kaya naman napakaganda ng backdrop ng lugar. Kumikinang ang mga ilaw sa ibaba na parang mga bituin at malamig ang simoy ng hangin. Sa isang iglap, parang nawala ang lahat ng alalahanin ni Sahara lalo na sa tuwing titingnan niya ang mala-postcard na tanawin. Maliban sa mangilan-ngilang maliliit na ilaw sa kisame ay wala nang iba pang nagbibigay-liwanag sa café. May kadiliman, tahimik - na tila bagay na bagay sa mga tulad nilang may inililihim.
Sahara chose her favorite deep green dress with pink blossoms design and subtle pleat detail while Ricky wore his usual – navy blue long sleeves polo with maroon dotted necktie and black slacks. That night, they were an image of an ideal couple at siguro, kahit sino man ang makakakita sa kanila nang mga oras na iyon, iisipin na masaya sila at masuwerte sila sa isa’t-isa. Actually, as she looks at him sitting in front of her, she almost felt that she loves him, that she genuinely loves him. She almost believed that Ricky was hers and that she’s his.
“Thank you for this, Ricky,” sabi niya pagkatapos nilang mag-dinner. Kapwa na sila noon nakatingin sa napakagandang tanawin, kapwa may hawak na baso ng wine.
“No, I should be the one thanking you.” Ngumiti si Ricky at hinawakan ang isa niyang kamay na naroon sa ibabaw ng mesa.
“For what?” alanganin niyang tanong.
“For staying. Alam kong hindi naging maganda ang sitwasyon natin nitong mga nakaraang buwan. It has been the worst two months of our lives and I’m glad that you didn’t give up on me…on us.”
Umiling lamang siya dahil hangga’t maaari ay ayaw na sana niyang alalahanin pa ang mapait na yugtong iyon ng kanyang buhay.
“Oh well, that’s all in the past. Ang importante, ‘yung ngayon. ‘Yung magkasama pa rin tayo, na mahal pa rin natin ang isa’t-isa, hindi ba?”
“O-oo naman,” mahina niyang tugon.
Inilapit ni Ricky ang upuan nito sa kanya at inakbayan siya nito. “I love you,” he whispered in her ears. “Do you really love me?”
“O-of course.”
“Good girl. Now, will you excuse me, I just have to talk to my colleagues over there,” anito, sabay lingon sa dalawang kalalakihan na nakatayo sa may entrada ng café. Sa porma at kilos pa lamang ay halata nang may mga sinasabi ang mga ito sa buhay.
Tumango siya at ngumiti matapos siya nitong halikan sa noo. Sinundan niya ng tingin si Ricky hanggang sa makalapit ito sa mga lalaking naka-Barong Tagalog. For sure, it’s all about business kaya hindi na siya nag-usisa pa.
Ilang sandali pa ay luminga-linga si Sahara bago tumayo at dinampot ang kanyang baso ng red wine bago tinungo ang veranda ng café. Siya lamang ang tao roon kaya naman pakiramdam niya ay napakalaya niya at magagawa niya ang lahat. Pero kabaligtaran ng lahat ng iyon ang nangyayari sa kanya ngayon. Ang malawak na kalangitan ay tulad ng buhay niya - madilim. At ang kakaunting bituin ay tuluyan nang natakpan ng mga ulap.
Napabuntung-hininga siya, nilingon si Ricky at nang makitang abala pa rin ito sa pakikipag-usap ay muli siyang tumalikod at tumingala, nanalangin na sana ay may dumaan na bulalakaw para makahiling siya na sana’y may dumating na knight in shining armour na magliligtas sa isang damsel in distress na tulad niya. But who is she kidding anyway? she’s now too old to believe in such fantasies. Totoong buhay iyon, wala siya sa isang fairy tale. Itinaas niya ang hawak na wine glass para uminom at nagulat pa siya nang mapagtantong naubos na pala niya ang laman no’n.
“Care for another?”
The man was wearing a very neat tuxedo, something that is usually worn on formal events, awarding ceremonies, parties and weddings. Nakatitig lamang ito sa kanya, walang kangiti-ngiti. Nang iabot nito sa kanya ang isang baso ng red wine, hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang hindi niya tinanggap ang alak ay inilapag nito iyon sa pinakamalapit na mesa.
“You are Sahara Smith, right? I’m Armando Tantoco, remember me?” pakilala nito sa sarili sabay lahad ng kanang kamay.
Of course, she remembers. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na makaharap niya ang lalaki, at hindi lamang iyon ang unang pagkakataon na lapitan siya nito at magtangkang kausapin. Pero sa tuwing mangyayari iyon ay agad na darating si Ricky sa eksena kaya agad rin itong umaalis.
THE Armando Tantoco. Kumanta na siya sa isa sa mga parties nito noon. Ito ang sinasabi ni Ricky na takot makipagrelasyon at ilag sa mga babae.
“So, I see you’re still with Arch. Aguas,” sabi nito sabay lingon sa kinaroroonan ng arkitekto.
Kumunot ang noo niya. Tumingin-tingin siya sa paligid at mabuti na lamang ay walang ibang tao sa bahaging iyon ng café. Yes, she’s still with the architect and she thinks that this man has no business whatsoever meddling with someone else’s affairs.
“I just don’t get it. I mean, kontento ka na ba talaga sa pagiging isang mistress lang, Miss Sahara Smith? Is that what you want for the rest of your life?”
Tinapunan niya ito ng isang matalim na tingin at nagulat pa siya nang makita ang napakaganda nitong ngiti na tila ba tuwang-tuwa ito sa ginagawang pangungutya. Pero hindi siya magpapaapekto dahil sanay na siya sa mga ganoong klaseng panunuya. Kung hindi lang siguro niya nirerespeto ang lalaki’ng iyon sa kanyang harapan, kanina pa ito nakatikim ng sampal sa kanya. But she had to keep her calm, breathe deeply and just enjoyed the scenic view of the metropolis.
“He’s still beating you, isn’t he?”
Iyon ang nakakuha ng kanyang atensiyon. How the hell did Tantoco know that? And as if he heard her thoughts, he answered her question as quickly as it came.
“I own the condominium where you live, Miss Smith. In fact, I know everything about you,” nakangiti nitong sabi. “And I live next to your unit…naririnig ko ang sigawan ninyo at ang iyak mo sa tuwing binubugbog ka niya. I even see you walking around with huge sunglasses. You know what? Kahit ano’ng gawin mong tago sa namamaga mong mga mata at mga pasa at galos mo sa katawan, hindi mo maikakaila ang pananakit na ginagawa sa’yo ni Aguas.”
Wala siyang naitugon dahil totoo ang lahat ng sinabi nito kaya yumuko na lamang siya at nagkunwari’ng walang narinig.
“Bakit ka pumapayag na saktan ni Aguas? Okay lang sa’yo ang gano’ng buhay, ‘yung tinatago, ‘yung binubugbog? Bakit?”
“I-it’s none of your business, Mr. Tantoco.”
“Oh, I’m sorry but it is my business. Ako ang may-ari ng buong condominium at siguro naman karapatan kong siguraduhin na walang eskandalo’ng nangyayari do’n,” Mr. Tantoco said, without looking away. He sipped his wine before proceeding. “Now tell me. Why do you let him act as if he owns you? Ano ba ang ibinibigay niya sa’yo? Monthly allowance? Unlimited shopping money? Free trip to any travel destination?”
“It’s none of your business, Mr. Tantoco,” matigas niyang ulit. Muli niya itong tiningnan ng masama.
Nagkibit lamang ng balikat si Mr. Tantoco at ngumiti. “Remember this. Walang sinuman ang may karapatang maliitin ka, laitin o manipulahin, Miss Smith. Kung hahayaan mo siyang saktan ka nang ganyan, I’ve got no choice but report him. He’s a disgrace not only to his architecture firm but to my exclusive club as well, with him being one of the board of directors. Now, if you won’t do anything about that sadistic bastard, I won’t have second thoughts about reporting him to the authorities.”
She looked at him, seriously looked at him. Gusto niyang malaman kung seryoso ito sa sinabi o kung ano ba ang totoo’ng motibo nito kung bakit pinakikialaman nito ang buhay niya.
“Whatever Aguas is providing you now, I can give that to you and so much more. I can give you everything, anything you want nang hindi ka ikinukulong o sinasaktan. Think about it, Miss Smith.”
Did Mr. Tantoco just told her that he likes her? That he’s willing to give her everything, even her freedom? Wala sa sarili siyang napailing dahil mas lalo lamang siyang naguluhan. Seryosong-seryoso ang mukha nito pero ilang sandali lamang ay nakita niya itong may nginitian sa hindi kalayuan. Nang tingnan niya ang direksiyong iyon ay biglang nanlamig ang kanyang mga kamay.
“Good evening, Mr. Tantoco. What a surprise!” masayang bati ni Ricky sa matanda. Nagkamay ang dalawa at nagpalitan ng matatamis na ngiti na para bang matalik na magkaibigang matagal na hindi nagkita.
“A surprise, indeed!” tugon naman ni Mr. Tantoco. “Hindi na kita tatanungin kung kumusta ka na dahil mukha namang okay na okay ka ngayon,” nakangiti pa nitong sabi sabay baling kay Sahara, bago muling tumingin kay Ricky. “Anyway, I won’t take much of your time, but I’ll take this chance to invite you to my private birthday dinner. I’ll ask my secretary to send you the invitation tomorrow for the details.”
“It would be an honor. I won’t miss it for the world,” magalang na tugon ni Ricky.
“And don’t forget to bring Miss Smith with you. I would love to hear her perform for everyone.”
“Sahara would be glad to sing for you, hindi ba, Sahara?” Inakbayan siya ni Ricky at tumango.
Tumango na lamang siya dahil wala rin naman siyang pagpipilian.
At umalis na ito nang gano’n-gano’n lang, na parang wala lang. Sinundan niya ito ng tingin mula sa pakikipagkamay nito sa iba pang mga naroon, hanggang sa paglabas nito ng café. Naiwan si Sahara roon na parang natuklaw ng ahas dahil hindi niya alam kung ano ang nangyari.