Chapter 70

MATAGAL-tagal na rin mula nang huling makatuntong si Sahara sa ibabaw ng entablado at makakanta kaya naman nang mga oras na iyon ay parang gusto na lamang niyang bumaba at tumakbo palabas ng napakagandang bulwagan.

The entire ballroom was big enough to accommodate a hundred guests. Nasa unang palapag iyon ng mismong condominium na tinitirahan nila at kung hindi dahil sa imbitasyon ni Mr. Tantoco ay hindi niya malalaman na mayroon palang ganoon kaganda at ka-elegante’ng bulwagan sa loob mismo ng gusali.

Ni isa ay wala siyang kilala sa mga imbitado, maliban na lamang kay Ricky at sa punong-abala na si Mr. Armando Tantoco. Lahat ng kalalakihan ay nakasuot ng Amerikana at mangilan-ngilan lamang ang naka-Barong Tagalog samantalang ang mga karamihan sa mga naggagandahang kababaihan ay nagkikintaban sa mga suot na mamahaling alahas. Bukod sa mga Pilipino ay iba’t-iba rin ang lahi ng mga naroon – mga Tsino, Amerikano, Mehikano, Espanyol, Briton, Aprikano, Ruso at iba pa.

Hindi naging madali ang desisyon niyang pumunta sa okasyon na iyon at kung hindi dahil sa pagpilit sa kanya ni Ricky ay mas gugustuhin na lamang niyang manatili sa loob ng kwarto at matulog. Pero ayon kay Ricky, isang karangalan ang maimbitahan ng isang tulad ni Mr. Armando Tantoco at wala raw silang karapatang tumanggi – dahil ayaw raw nitong ma-ban sa condominium, at sa mga country clubs at sa mga exclusive parties ng mga kumpanya nito.

Sahara looked around and when her eyes found Ricky sitting in the front intently looking at her, she smiled. Katabi nito si si Mr. Tantoco na titig na titig rin sa kanya.

She wore something elegant, a knee-length black strapless cocktail dress which made her fair skin glow even more. Her curly ash brown hair was cascading down her slender back. Sahara was a vision that night but at that moment, she couldn’t feel anything but anxiety. Hindi rin niya maintindihan ang sarili pero simula pa lamang nang dumating sila sa pagtitipong iyon ay iba na ang pakiramdam nya, na mayroong mangyayari.

Muli niyang inilibot ang paningin sa lugar. Unti-unti nang dumilim ang paligid, sabay ng pagtapat sa kanya ng spotlight. Bahagya siyang napapikit at napakunot ng noo bago muling dumilat nang dahan-dahan para huwag masyadong masilaw. Kasabay ng malakas na palakpakan ay ang pag-ilanlang ng musika mula sa pianista sa kanyang likuran…

Ayaw sana niyang kantahin iyon dahil sa tuwing naririnig niya ang kanta’ng iyon ay hindi niya maiwasang maalala ang kanyang ama. Iyon raw ang theme song ng kanyang mga magulang, iyon ang madalas kantahin ng Tatay niya sa kanyang ina at iyon ang kanta na kinakanta ng kanyang ina sa tuwing nalulungkot into. Tuloy, hindi niya mapigilang mapaluha. Ilang buwan na rin niyang hindi nadadalaw ang nanay sa ospital at sa tuwing nababanggit niya ang tungkol doon kay Ricky ay puro na lamang ito plano at pangako.

Isang masigabong palakpakan ang kanyang narinig pagkatapos. Ilang sandali pa ay nakita niya si Mr. Tantoco na tumayo at lumapit para umakyat sa entablado. She was then escorted down the stairs by a fine young man who could be one of those male models she had worked with.

“Thank you, everyone, for coming to my party,” simula ni Mr. Tantoco nang nasa gitna na ito ng entablado at hawak na ang mikropono. “I know that this gathering was a bit of a short notice. Kilala n’yo naman ako, hindi ako nagse-celebrate ng birthday ko, hindi ba? As much as possible, I don’t want to be reminded that I am getting old – literally.”

Napuno ng tawanan ang bulwagan, lalo na mula sa malalapit nitong mga kaibigan.

“But as they say, things get a lot better with age, right? So thank you for coming, dahil alam kong marami sa inyo ang nag-cancel ng mga importante’ng lakad at meetings para lang makarating ngayon.”

Muli, palakpakan. Napatingin si Sahara kay Ricky na nakaupo sa katabing mesa. Paminsan-minsan itong tumitingin sa kanyang direksiyon, ngumingiti. Gustuhin man niya itong lapitan ay hindi niya magawa dahil kilala si Ricky ng halos lahat ng mga bisita bilang kagalang-galang na Arch. Ricardo Aguas na asawa ng socialite na si Madam Martina Verzosa-Aguas, at hindi siya maaaring makita na kausap ito o katabi ito. She should be used to this, Sahara thought. They’ve been going out and attending parties like this in the past and she had no problem whatsoever with their setup – until now. Bigla, naalala niya ang sinabi noon ni Ace, at ni Mr. Tantoco nitong nakaraang gabi – kuntento na ba talaga siya’ng maging ‘kabit’ na lang habang-buhay?

Marami pang pinasalamatan si Mr. Tantoco at medyo mahaba-haba rin ang naging speech nito bago nito ibinalik sa mic stand ang mikropono pero nagulat ang lahat nang muli nitong kunin iyon at muling magsalita.

“Ah, ladies and gentlemen, before I let you enjoy yourselves, I’m happy to announce the presence of one of the most influential women in the fashion industry in the country who happens to be a very good friend of mine…fresh from her European holiday, Madam Martina Verzosa-Aguas!”

~~

MALAKAS na palakpakan ang naging tugon ng mga panauhin at nang bumaba ng entablado si Mr. Tantoco ay sinundan ito ng tingin ng lahat, kasama na si Sahara dahil kung sakali, iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makikita niya nang personal ang tunay na asawa ni Ricky.

Sahara didn’t know what to feel. Suddenly, her entire body went cold and rigid. Tila tumahimik ang paligid at wala siyang ibang nakikita kundi ang dahan-dahang paglapit ng isang napakagandang babae na tila isang diwata sa kagandahan. Madam Martina Versoza-Aguas looked like a movie star with her classy sparkling red gown. Nakalugay ang mahaba nitong buhok at kung titingnan mabuti, maaari silang mapagkamalang mag-ina. Kasing-puti niya ito, at halos kasing-tangkad.

Isa-isa nang bumalik sa kanya-kanyang upuan ang mga bisita, maliban na lamang sa mga kakilala at malalapit na kaibigan ng bagong dating na masayang nilapitan ang huli. Hindi niya napigilan ang sarili na lingunin si Ricky at hindi maikakailang nagulat ito sa pagkakita kay Madam Martina. He wasn’t even smiling. He turned to her direction and by the way he looks at her, it’s as if he wanted to apologize.

Sinalubong ni Mr. Tantoco ang bagong dating at sa mismong harap pa niya nagkamayan ang mga ito kaya naman kahit hindi niya intensiyong marinig ang anumang pag-uusapan ng mga ito maririnig at maririnig niya iyon.

“What a surprise!” nakatawang sabi ni Mr. Tantoco matapos bigyan ng halik sa magkabilang pisngi si Madam Martina. “Akala ko nasa Europe ka pa rin?”

“I just got back last night, Armando and when I heard that you’re having this exclusive birthday party, sabi ko sa sarili ko, ah, I shouldn’t miss it for the world!”

Sa paraan pa lamang ng pagsasalita ni Martina ay halatang elitista ito at mataas ang pinag-aralan. Marunong rin namang mag-English si Sahara pero kung ikukumpara ang lebel ng Madam sa lebel niya, aaminin niyang walang-wala siya sa kalingkingan nito. Martina’s voice was crisp and Sahara could hint a bit of a British accent in it.

“So, I heard Ricky’s here?” tanong nito sabay lingon sa direksiyon ni Sahara.

“Oh, yeah…narito nga si Ricky, Martina,” pagkumpirma ni Mr. Tantoco. Tumingin rin ito saglit sa kanyang direksiyon at sa direksiyon ni Ricky. “He’s actually right there.”

“Hmmm…” nilingon nito ang itinuro ni Ricky. “…and how about the mistress? I know that she’s here somewhere…”

Kahit hindi sabihin, malakas ang pakiramdam ni Sahara na alam na nito ang tungkol sa kanya, na siya ang ‘kabit’ ng asawa nito – because she could see it clearly by the way Martina looks at her.

“Is that ‘THE’ Sahara Smith?” anito sabay tingin sa direksiyon niya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at pinaliit pa nito nang bahagya ang mga mata na para bang sumusuri ito ng isang mamahaling alahas. “Oh, well, at least she’s pretty, hindi katulad nung dating querida ni Ricardo,” natatawa pa nitong komento. “Will you please excuse me, Armando? I just really need to talk to my husband’s mistress,” mahinahon ngunit matalim nitong sabi. Lalapit na sana ito sa kanya kung hindi lamang ito pinigilan ni Mr. Tantoco.

“Come on, Martina. I think now’s not the time. Please, don’t make a scene,” bulong ni Armando kay Martina.

“Oh, don’t you worry, I’m not going to make a scene, Armando.”

Hindi nagpapigil si Martina at tuluyang lumapit kay Sahara. Nang nasa harap na niya ito ay ngumiti lamang ito sa kanya.

“Hey you…are you my husband’s mistress?” simula nito. Titig na titig ito sa kanya at alam niyang maaari siya nitong sabunutan o sampalin anumang oras. “Oh, I’m sorry, let me rephrase my question…since when did you become my husband’s mistress?”

Napamaang lamang si Sahara. Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang napaurong.

“If I’m not mistaken, ikaw ang babae’ng ibinabahay ni Ricky sa unit namin sa 20th floor. So, are you keeping my house squeaky clean?”

Hindi makariringgan ng anumang bahid ng galit ang boses ni Martina. Sinabi nito iyon nang nakangiti, na para bang nakikipagkuwentuhan lamang sa isang kaibigan – ah, hindi…sinabi nito iyon na para bang may ibinibilin sa isang kasambahay.

“Hey, I’m talking to you, young lady…nililinis mo ba nang mabuti ang bahay ko?” matigas nitong sabi nang hindi siya tumugon. “Oh, wait, marunong ka bang maglinis? Because as I can see it, you don’t even know how to keep yourself pristine.”

Gusto ni Sahara na lamunin na ng lupa at maglaho na lamang. Hindi niya alam kung yuyuko siya o tatakbo siya paalis o makikipagsagutan sa kaharap. Pero kahit saang anggulo niya tingnan, si Madam Martina ang tunay na asawa at kabit lamang siya kaya wala siyang karapatang labanan ito, lalo pa’t nasa pampubliko silang lugar.

“Oh, kaya ka pala nagustuhan ni Ricky…hindi ka nagsasalita. I bet sunud-sunuran ka sa lahat ng gusto ng asawa ko, ha, ha! Kaya kami hindi magkasundo no’n, alam mo ba? He hates it when I argue with him. But what can I do? I am my own woman and nobody can ever tell me what I can and cannot do. Oo, asawa ko siya, pero hindi niya ako pag-aari.”

All eyes were on Sahara now, judging her, mocking her. She’s waiting for Ricky to come to her rescue but she saw him just standing at the corner, with a glass of red wine in his hand, calmly watching the scene as if he doesn’t give a shit. Oh yeah, Sahara remembers, Ricky is still just Martina’s husband and he’s still afraid of her.

“So, wala ka pa rin bang sasabihin, Miss Smith?” tanong ni Martina.

Kamangha-mangha ang pagiging mahinahon ni Martina sa kabila ng lahat. Nakukuha pa nitong ngitian siya at kung iba lang ang sitwasyon, maiisip pa niyang gusto siya nitong maging BFF.

“Come on speak up. I’m close to thinking that you’ve swallowed your tongue, dear.”

“Hey, hey, Martina…enough of this.” Agad silang dinaluhan ni Mr. Tantoco at pumagitna sa kanila. “Don’t waste your time arguing with her because she’s got nothing to do with Armando. She’s not his mistress, Martina.”

Natawa ito. “What are you talking about? I know damn well that this woman is my husband’s mistress!”

“No, Martina. She is not Ricky’s mistress…" Umiling si Armando at bahagyang inilayo si Martina kay Sahara. "Because Sahara Smith is my girlfriend.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.