“G-GIRLFRIEND? Nababaliw ka na ba, Mr. Tantoco?” kunut-noong tanong ni Sahara habang hinihila siya ni Armando palayo sa karamihan ng mga tao. Ilang sandali pa ay narating na nila ang elevator at nang makapasok sila sa loob ay mabilis na binawi ni Sahara ang braso sa pagkakahawak nito.
“I just saved your life back there, Miss Smith. The least you could do is thank me,” pormal nitong sabi nang hindi tumitingin sa kanya.
“I didn’t ask you to save my life,” mataray niyang sagot.
At iyon ang tila nakakuha ng atensiyon ni Armando dahil napatingin ito sa kanya. Bahagya itong ngumiti. “You don’t know Martina and you don’t know what she’s capable of. May hinala siyang ikaw ang babae ni Ricky at sa oras na mapatunayan niya iyon, hindi siya magdadalawang-isip na ipakulong ka. She may look like an angel but she can easily make your life a living hell, Miss Smith, that I am sure.”
Napalunok si Sahara. Alam niyang hindi malayong mangyari ang mga sinabi ni Tantoco dahil hindi naman lingid sa kanya ang impluwensiya ng isang Martina Verzosa-Aguas.
“Now, if you are prepared for that, go ahead. Bumalik ka kay Aguas, bumalik ka sa pagiging mistress at sa pagtanggap sa pang-aabuso niya sa’yo.”
Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataong makasagot si Sahara dahil bumukas na ang elevator sa huling palapag ng gusali. Bumukas ang pinto niyon at bumungad sa kanya ang napakalawak na espasyo.
Living area sa kaliwa, dining hall sa kanan. Isa lamang ang salitang makapaglalarawan sa kabuuan nito – elegante. Mula sa mga antigong muwebles hanggang sa mga dekorasyon na halatang nagmula pa sa iba’t-ibang parte ng mundo.
“A-akala ko ba sa katabing unit ka namin nakatira?” taka niyang tanong habang sinusundan si Armando hanggang sa living area.
“Yeah, but I prefer the penthouse. It’s bigger and a lot safer here,” anito sabay hubad ng blazer. Ipinatong nito iyon sa sandalan ng sofa bago tumuloy sa bar. “Sit down, make yourself comfortable.
Atubili naman siyang sumunod sa sinabi nito. Dahil na rin siguro sa tensiyon sa mga hindi inaasahang nangyari, pakiramdam ni Sahara ay naubos ang lahat ng lakas niya. Pinanood lamang niya si Armando na nagsasalin ng alak sa dalawang baso.
She could sense the man’s authority. Siguro dahil na rin sa pagiging isa sa mga matagumpay na negosyante, sanay na sanay na itong makihalubilo sa iba’t-ibang klaseng tao. Pormal na pormal ito at kitang-kita sa bawat kilos na sanay ito sa komportableng buhay. Patuloy lamang niya itong pinagmasdan habang nag-iisip kung ano na nga ba ang mangyayari pagkatapos ng lahat.
Two hours ago, she was with Ricky. Two hours ago, she was willing to forget about Ricky’s abusive behavior and continue her role as his submissive mistress. Who would have thought that within two hours, her life could take an unexpected turn? She should be thankful for Armando, for what he has done to take her away from humiliation. As he puts it, he saved her life. But what’s the catch?
“Bakit mo ‘to ginagawa? Bakit mo ako tinutulungan nang ganito? Ano’ng kapalit ng lahat ng ito?” sunud-sunod niyang tanong.
Sa halip na sumagot ay natawa lamang si Armando. Naupo ito sa pang-isahang sofa sa kanyang harapan bago iabot sa kanya ang isang baso ng red wine. “Hindi ba p’wedeng gusto lang kitang iligtas sa kamay ng sadistang Aguas na ‘yon?”
Alanganin niyang kinuha ang iniabot na baso ni Armando. Siya naman ang natawa at umiling. “Ano ang gusto mong kapalit nito, Mr. Tantoco? Ang maging babae mo?” Sa dinami-rami na ng naranasan niyang hirap, sa lahat ng mapapangit at mapapait na karanasan niya sa buhay, alam niya na hindi tutulong ang isang tao nang walang hinihintay na kapalit – lalo na ang isang tulad ni Mr. Armando Tantoco.
Nagdilim ang mukha ni Armando. Dahan-dahan nitong ibinaba ang hawak na baso sa salamin na mesa. “Hindi ko alam kung ano ang mga narinig mo tungkol sa akin o kung ano ang mga naikuwento ni Aguas tungkol sa akin pero hindi ako ang klase ng lalaki’ng inaakala mo Miss Smith.”
“Bakit, ano’ng klaseng lalaki ba kayo, sir?” malakas ang loob niyang tanong. Uminom muna siya ng alak bago nagpatuloy. “Pare-pareho lang naman kayo’ng mga lalaki. Sa umpisa, mabait, sa umpisa, gentleman. Lahat ng magagandang qualities, ipapakita n’yo sa simula…bobolahin n’yo kami at kapag nabilog n’yo na ang utak namin, tsaka n’yo kami paglalaruan. Tsaka kayo magse-set ng rules na hindi p’wede ang ganito, hindi p’wede ang ganyan…ganyan naman kayo lahat, diba?”
Napapailing na lang si Armando habang nagsasalita si Sahara. “You’re tired, Miss Smith.” Tumayo na ito at kinuha ang dalawang baso at dinala na muli sa bar. Hinugasan nito ang mga iyon, pinunasan at inilagay sa dati’ng lalagyan. “You can use the bedroom on your left, everything you need is there.”
Pero tumayo si Sahara. “I don’t need anything from you, Mr. Tantoco. I’m sorry pero hindi ako basta-basta sumasama sa kung sino lang.” Tumungo na siya sa elevator at pinindot ang buton pababa. Mr. Tantoco’s offer was tempting and if she has nothing else to consider, she’d gladly accept it without batting an eyelash.
“Really now?” mapanuring tanong ni Armando. “Kung hindi ka sumasama kung kanino lang, wala ka dapat sa sitwasyon mo ngayon. Kung kinilala mo muna nang husto si Architect Aguas, hindi mo hahayaan ang sarili mo na maging querida niya.”
Nagtaas siya ng mukha at tiningnan si Armando nang diretso sa mata. “W-wala kang pakialam sa buhay ko dahil hindi mo alam ang pinagdaraanan ko, sir.”
“Bakit hindi mo sabihin sa’kin kung ano ang pinagdaraanan mo? Sige, makikinig ako.”
Umiling siya. “Isa lang ang gusto kong sabihin at isa lang ang dapat mong marinig. Pabayaan mo na ako sa buhay ko.”
“Para ano, para hayaan mo ang sarili mong saktan lang ng lalaki’ng ‘yon?” may himig pagkairita nitong tanong. Dahan-dahang lumapit si Armando kay Sahara at huminto ito sa mismong harap niya. “Kahit ano pa ang ibinibigay niya, kahit lahat pa ng kayamanan niya, wala pa rin siyang karapatang gawin ang mga ginagawa niya sa’yo. He’s manipulating you and he’s abusing you! He’s torturing you for Christ’s sake! Wala ka man lang bang respeto sa sarili mo, Miss Smith?”
“Siguro nga, wala na ‘kong respeto sa sarili ko,” simula niya, na hindi na napigilan ang pagdaloy ng luha. “Siguro nga, wala na ‘kong pakialam kung saktan ako ni Ricky o ikulong man niya ‘ko,” tuluy-tuloy niyang sabi. “Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, kung ang nanay mo ang may sakit at kailangan ng gamot sa araw-araw para lang mabuhay, makakalimutan mo na rin siguro ang respeto sa sarili.”
“So that’s it? You tolerate whatever that sadistic bastard is doing to you just because of your dying mother? Marami kang mahihingan ng tulong para sa nanay mo, Miss Smith. Maraming ibang paaraan at hindi mo kailangang magpaalipin at magpaabuso nang ganyan!”
“Malaki ang utang na loob ko kay Ricky…siya lang ang tumulong sa ‘kin noon ‘nung walang-wala ako. Kung hindi dahil sa kanya, baka…baka napariwara na ‘ko.”
“At sa tingin mo sa nangyayari sa ‘yo ngayon, hindi ka napapariwara?” halos pagalit na tanong ni Armando. Pulang-pula na ang mukha nito sa galit, na hindi maintindihan ni Sahara kung bakit. “Parang mas mabuti pa nga yata na tumira ka sa kalye kaysa sa makisama sa lalaki’ng ‘yon.”
Umiling siya. “Naranasan ko na ang tumira sa kalye, ang mamalimos ng barya sa mga tao para lang may makain, Mr. Tantoco…at ayoko nang maranasan ‘yon.”
“Hindi ka nga nanlilimos ng pera sa ibang tao pero hindi ba parang nanlilimos ka ng respeto sa sitwasyon mong ‘yan?”
Siguro nga, pero hindi na niya kayang bumalik sa hirap at lalong ayaw niyang makita ang ina na dumadaing dahil sa sakit. “Please, hayaan mo na ‘kong bumalik kay Ricky. K-kailangan ko siya. Wala akong ibang pagpipilian.” Muli na sana niyang pipindutin ang buton pababa nang muling pigilan ni Armando ang kamay niya.
“I’m giving you a choice now, Miss Smith and it’s all up to you,” seryoso nitong sabi. “You step inside that elevator and go back to your old chaotic life…or you stay here and give yourself a chance to have a better, more peaceful life…and have you freedom at last. So, the choice is yours – heaven or hell.”