Chapter 72

HALOS tatlumpung-minuto nang nakatayo si Sahara sa ilalim ng dutsa habang patuloy lamang sa pag-iisip.

Kung noon siguro, madali siyang makakapagdesisyon na tanggapin ang tulong ni Mr. Tantoco at tuluyang iwan si Ricky. Pero hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit ngayon ay hirap na hirap siya sa sitwasyon. Ibig bang sabihin noon ay nagbago na talaga siya? Na kaya na niyang lumimot at magpatawad at magmahal nang totoo?

Umiiling-iling na isinara ni Sahara ang dutsa at nagsimula nang magpunas ng buhok at buong katawan. Nagsuot na siya ng roba at nag-ayos na para sa umagahan. Kabilin-bilinan ni Armando kagabi na kailangan, alas sais ng umaga ay handa na siya para sa almusal dahil mayroon siyang mga importanteng bagay na dapat malaman. Sa totoo lang, nag-aalala siya sa kung ano ang mangyayari. Kahit pa nag-alok ito ng tulong, marami pa rin siyang alinlangan. Paano kung katulad rin ni Mr. Tantoco si Ricky? Paano kung saktan lang rin siya nito? Paano kung gawin lang siya nitong parausan?

Pero kung papipiliin sa pagitan nina Ricky at Armando, mas pipiliin niya ang huli. Hindi man niya alam kung ano talaga ang intensiyon nito, hindi maikakaila ang mga ginawa nito para lamang maipagtanggol siya – ang pagsagip nito sa kanya sa pagkapahiya sa party dahil kay Madam Martina, at sa pakikipagsuntukan nito kay Ricky para lamang sa kanya…

“I’m giving you a choice now, Miss Smith and it’s all up to you,” seryoso nitong sabi. “You step inside that elevator and go back to your old chaotic life…or you stay here and give yourself a chance to have a better, more peaceful life…and be free. So, the choice is yours – heaven or hell.”

Naisip ni Sahara na mas mabuti pa ang makiapid sa tao’ng may asawa kaysa sa tao’ng hindi niya kilala. Oo nga’t binubugbog siya ni Ricky pero hindi naman nito iyon gagawin nang walang dahilan. Kung naging mabait lamang sana siya, kung naging kuntento lamang siya sa kaya nitong ibigay, hindi sana siya masasaktan. It was all her fault, anyway. But then again, with Madam Martina’s return, she couldn’t possibly go back to what it once was.

Muli niyang tiningnan si Mr. Tantoco. He’s still looking at her, waiting for her to make her decision. Magsasalita na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone nito. Mabilis nito iyong kinuha sa ibabaw ng bar at sinagot ang tawag. Ilang sandali rin ang itinagal ng tawag bago ito bumaling sa kanya.

“Oh well, Arch. Aguas is on his way.”

At wala pa ngang ilang minuto ay bumukas na ang pinto ng elevator at iniluwal noon ang malaking bulto ni Arch. Ricardo Aguas. He was still wearing that elegant tuxedo and it was quite obvious that he didn’t have a good time at all.

“Sahara, halika na, bumalik na tayo sa condo.”

Nanlaki ang mga mata niya lalo na nang agad na pumagitna sa kanila si Armando. Hamak na mas matangkad si Ricky rito pero tila wala itong pakialam. Hindi nito pinayagan na mahawakan man lamang siya ng bagong dating.

“Mr. Tantoco, sir...salamat sa paglalayo kay Sahara sa gulo kanina…I’m taking her back now,” mahinahon nitong sabi, na inilingan lamang ni Ricky.

“What for? Just to abuse her again?”

“Sahara, come on. Let’s go.” Matalim ang ibinigay na tingin ni Ricky kay Armando, at pagkatapos ay bumaling into sa kanya.

Pero sa halip na tumabi si Armando ay isang malakas na suntok ang ibinigay nito kay Ricky. Tumama iyon sa panga ni Ricky at muntik na itong mapahiga sa sobrang lakas niyon. Wala rin namang nagawa si Sahara dahil sa sobrang gulat sa bilis ng mga pangyayari.

“Nire-respeto kita, Mr. Tantoco at ayokong masira ang pagkakaibigan natin nang dahil lang rito.” Dahan-dahang umayos ng tayo si Ricky at bahagyang hinaplos ang nasuntok na panga. May bahid ng dugo ang sulok ng labi nito na agad rin nitong pinunasan. “I appreciate your concern but you don’t have the right to meddle in my affairs.”

“Yeah, I guess you’re right. But Arch. Aguas, it is not your affairs that I’m meddling with. I’m more worried about the welfare of this woman.”

Kumunot ang noo nito. “And why is that? Because you like her?” mapanuri nitong tanong. “Sinasabi ko na nga ba, hindi lang basta gusto mo siyang kumanta sa party mo…kundi gusto mo siyang maagaw sa’kin. Well, I’m sorry, Mr. Tantoco but Sahara is mine.”

Bago pa muling makalapit si Armando kay Sahara ay sinuntok itong muli ni Tantoco sa tiyan. Napasandal ito sa pader at bago pa ito makaganti ay mabilis na kumilos si Armando at bumunot ng baril. Lalong natigagal si Sahara at napaurong. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari, na hahantong sa ganoon ang usapan ng dalawa.

“You stay away from her, you hear me? From now on, Miss Smith is nobody’s possession…”

Isang mahinang katok sa pinto ang nagpabalik kay Sahara sa reyalidad. Nang buksan niya iyon ay bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Manang V para sabihin na hinihintay na siya ni Mr. Tantoco para mag-almusal. Tinanguan niya ito at ilang sandali lang ay sumunod na rin siya sa matanda.

Pagdating sa dining area ay naabutan niya roon si Armando na nakaupo sa kabisera, may hawak na diyaryo sa kaliwang kamay at isang tasa ng kape sa kaliwa. Ni hindi siya nito binati nang maupo siya sa katapat na upuan.

“G-good morning,” marahan niyang sabi. Napatingin siya sa mga nakahain sa mesa – bacon and egg bagels, French toast, Ceasar Salad at marami pa na sa mga mamahaling restaurant lamang niya madalas makita. Napakaganda rin ng mga sariwang pulang rosas na nakalagay sa vase sa gitna ng pahabang mesa.

“I’ve asked my staff to get your things from your unit. They’ll arrive any time today,” simpleng sabi ni Mr. Tantoco nang hindi tumitingin sa kanya. Ibinaba nito ang tasa sa mesa pero patuloy lamang into sa pagbabasa ng diyaryo.

Tumango siya. “Salamat,” simple niyang sagot. Lumapit sa kanya si Manang V at pinaglagay siya ng mga pagkain sa kanyang plato. Matapos nitong magsalin ng fresh orange juice sa kanyang baso ay pinasalamatan niya ito.

Tahimik lamang sila habang nag-aalmusal. Marami siyang gustong itanong rito – mga rules and regulations, mga dapat at hindi niya dapat gawin hangga’t naroon siya sa poder nito. May mga bagay ba siyang hindi dapat pakialaman, mga tanong na hindi dapat itanong, mga salitang hindi dapat sabihin?

“Mr. Tantoco…”

Agad itong nagtaas ng tingin. “By the way, I’ll have my lawyers deal with Aguas so you don’t have to worry. P’wede kang pumunta kahit saan mo gusto, just make sure to have Manang V and at least two of my securities.”

“P’wede akong lumabas?” ulit niya. Hindi na yata siya sanay sa ganoon, na pinapayagang lumabas, kahit may mga kasama pa nga.

“Yes. Don’t worry, once we can assure your safety, p’wede ka nang lumabas kahit mag-isa.”

Napailing siya at napangiti. “Payagan mo lang akong makalabas kahit may kasama, sobrang thankful na ‘ko.”

Ito naman ang umiling. “I told you, I’m not like Aguas. Hindi kita pagbabawalan sa kahit na anong gusto mong gawin, hindi kita ikukulong dito. Do whatever you want, go wherever you need to go. If you make a decision to leave this place, it’s your call.”

Without warning, Mr. Tantoco stood up and left. Agad naman itong sinundan ni Manang V, bitbit ang attaché case nito at ilan pang gamit para sa opisina.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.