Chapter 73

“LOVELY evening, isn’t it?”

Sinundan lamang ng tingin ni Ricky si Martina habang palapit ito sa kanyang kinatatayuan. Gusto sana niyang ipatawag ang kanyang sekretarya at tanungin kung bakit nito pinapasok ang asawa dahil alas siyete na noon ng gabi. Pero huli na ang lahat, nasa loob na ng opisina niya si Martina, bitbit ang mamahalin nitong bag.

Martina hasn’t changed a bit, he realized. At the age of 47, she still carries herself well. Still classy, still stunning. Maging ang paraan ng pagdadala nito sa sarili ay hindi pa rin nagbabago. Siguro nga, kung may nagbago man, iyon ay ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa.

“So, how is it going?” masaya nitong tanong matapos nitong ilapag ang bag sa ibabaw ng salaming mesa. Naupo ito sa upuan sa harap niya at nagbukas ng isa sa mga magazines doon. “How’s life without me, Ricky?”

“Perfect,” aniya. “Just perfect.” Tumayo si Ricky at kumuha ng dalawang baso’ng may yelo para sa kanya at sa asawa. It was kind of a routine every time they have a discussion like this. Siya parati ang kumukuha ng whiskey para sa kanilang dalawa, siya parati ang nagpaparaya at umiintindi. “How about you, how’s life without me?”

“Great!” Martina smiled, revealing her perfect set of teeth. “How about your mistress? How is she?”

Napailing si Ricky at napakunot ang noo, lalo pa nang maalala ang nangyari noong isang gabi. Wala siyang kaalam-alam na nakabalik na pala ng bansa si Martina at lalong wala siyang ideya na dadalo ito sa birthday party ni Mr. Tantoco.

“That singer, she’s your mistress, isn’t she?”

“Come on, Martina. Si Mr. Tantoco na mismo ang may sabi na girlfriend niya si Sahara…si Miss Smith.”

Tumayo ito at lumapit sa kanya at kinuha ang iniabot niyang baso ng whiskey. “Oh come on, Ricardo. I’m not that stupid. You two are very close friends and I won’t be surprised kung pagtatakpan ka niya.”

Yeah, muntik na niyang maalala, malapit nga pala niyang kaibigan si Mr. Tantoco. Kaya pala nito nagawang agawin ang babae’ng mahal niya.

“So tell me, is she good in bed?” tanong ni Martina na parang isang normal na tanong lamang iyon. Napatingin siya rito dahil sa tinagal-tagal nilang mag-asawa ay ngayon lamang niya ito nakaringgan ng ganoong klaseng tanong. Seryoso lamang si Martina na lumagok ng whiskey habang naghihintay ng kanyang itutugon. “Is she, Ricky…great in bed? May mga kaya ba siyang gawin na hindi ko nagagawa sa iyo noon?”

“Martina! What has gotten into you?” hindi niya napigilang tanong. “Kailan ka pa natutong magsalita ng ganyan?” Because the Martina Verzosa he knew would never ever talk like that.

Nagpakawala ito ng isang bahaw na tawa. “Since you told me that I’m a better career woman than a wife…that I’m too plain, too conservative…that I’m not seductive enough for you to desire me.”

Wala siyang naitugon doon dahil sa totoo lang ay hindi na niya maalala ang tagpong binanggit nito. Muli siyang naupo sa kanyang swivel chair habang pinagmamasdan ang asawa. He couldn’t possibly have said those words to her because truth is, he adores every inch of Martina’s body. Malaki ang pagkakahawig nito kay Sahara sa pisikal na katangian, kaya rin siguro madali siyang nabighani sa dalaga.

“I hate you, Ricky. You already know that, don’t you?”

“Yes. You made that very clear the last time we saw each other,” aniya. “Kaya nga nagtataka ako ngayon sa kinikilos mo. You are acting now as if you still love me and you still care for me.”

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Martina. “Oh come on, Ricardo. You haven’t changed, I see. You’re still so full of yourself.”

Siya naman ang natawa. “You haven’t changed as well. You’re still the same old Martina that I knew.”

“Does that mean that you still find me beautiful?” Tumangu-tango si Martina at nilagok ang natitirang whiskey sa baso nito.

“Everybody finds you beautiful, Martina. Your beauty is not a matter of perspective. It is the truth.” He’s always been vocal about his feelings towards her, especially how he thinks about her beauty.

“Wow, thank you for the compliment, Arch. Aguas. That’s one of the things I missed about you.”

Napakunot ng noo si Ricky. Ano nga ba ang dahilan ng pagbisita nito sa kanya ngayong gabi? Ano nga ba ang dahilan ng pagbabalik nito sa Pilipinas? Because as he can see it, she’s starting to flirt with him and truth is, he’s torn between getting excited and getting scared. Kilalang-kilala niya si Martina at alam niyang naka-plano ang lahat ng kilos nito.

“I know what you’re thinking, Ricky. Na kung bakit ako narito ngayon, hindi ba?”

Oh yes, he almost forgot, she’s a mind reader, too.

“Well, I got a tip from a very reliable source that you are having an affair, and that you are not being too discreet about it.” Sa pagkakatao’ng iyon ay seryoso na ang mukha ni Martina. Matalim ang tingin nito sa kanya at hindi maikakaila ang galit sa mga mata nito. “Alam kong wala na dapat tayong pakialam sa isa’t-isa since we are already in the process of divorce. But Ricky, you know my Dad, Señor Verzosa and the entire Verzosa clan. Once they learn about your illicit affair, you know what the consequences are. I’m here to warn you, Ricky.”

“That only proves that you still care for me.”

Dahan-dahang tumayo si Martina at kunwa’y tumingin-tingin sa mga nakasabit na larawan sa dingding ng opisina. “What if I tell you that I still do care for you, Ricky? What are you going to do about it?”

~~

SABADO. Ang unang Sabado ni Sahara sa poder ni Mr. Tantoco at dahil sa nangangapa pa rin siya ay hindi niya alam kung ano ang ikikilos nang araw na iyon. Walang pasok sa opisina si Mr. Tantoco at ang sabi ni Manang V, sa bahay lamang into madalas naglalagi at inaabala ang sarili sa pagbabasa o kaya ay sa pag-aasikaso ng mga alaga nitong bonsai.

“Pagkatapos ng almusal, sa study room na naglalagi ‘yan at lalabas na lang kapag kakain ng tanghalian,” ani Manang V habang naghahanda ng mesa para sa almusal. Tinulungan niya itong magsalansan ng mga plato at kubyertos, na ayon sa matanda ay unang beses nitong naranasan. “Pagkatapos ng lunch, papasok uli ‘yan sa study room o kaya minsan nag-go-golf ‘yan kapag naimbitahan ng mga kaibigan.”

Hangga’t maaari raw, hindi ito nagta-trabaho tuwing Sabado at Linggo pero kung hindi maiiwasan, maaga pa rin ito umuuwi para makapagpahinga. May mga pagkakataon pa nga raw na hinahayaan nito ang mga kasama sa bahay na mag-day-off.

“Mabait na bata talaga iyang si Armando. Simula pagkabata niyan, ako na ang nag-alaga diyan. Nang mamatay ang mga magulang niyan, ako na ang itinuring niyang pamilya.”

“Wala po ba siyang asawa? Mga anak?”

Lumapit sa kanya si Manang V bago bumulong. “Hindi p’wedeng pag-usapan ang paksa’ng iyan dito, hija,” nakangiti nitong sabi. “Pero dahil sa magaan ang loob ko sa iyo, sasabihin ko na. Sikreto lamang ha, hija?”

Tumangu-tango siya at napangiti rin. Tumingin muna si Manang V sa paligid para matiyak na walang ibang tao bago magpatuloy.

“Matagal nang hiwalay kay Madam Margarita ‘yang si Armando. Tatlong taon pa lamang yata ang nag-iisa nilang anak, nangibang-bansa na si Marge at nakapangasawa na rin ng dayuhan.”

“Eh ‘yung anak po ni Mr. Tantoco?” interesado niyang tanong.

“Naku, ewan ko doon. Naka-diaper pa nga habang patakbo-takbo sa hardin ng mansion nila noon sa Cebu nang huli kong makita. Ang alam ko lang ay pabalik-balik iyon sa Amerika at saka dito sa Pilipinas pero kahit kailan hindi ko pa nakita uli. Naku, ang huling balita ko na lang ay sakit ng ulo ni Armando ang batang iyon.

Magtatanong pa sana ni Sahara kung ilang taon na ang anak nito o kung babae ba o lalaki o kung ano ang trabaho nito pero biglang dumating si Mr. Tantoco. Inaasahan niyang nakapantulog pa ito o kaya’y nakapambahay pero sa itsura nito ngayon ay muntik na siyang maniwala na hindi Sabado ang araw na iyon.

Mr. Tantoco was wearing a formal suit which he typically wears at the office. He’s got his eyeglasses on and by the looks on his face, it seems like he’s ready to take on the world. Tahimik itong naupo sa kabisera ng hapag-kainan nang walang sinasabi samantalang naiwang tulala lamang si Sahara at Manang V.

“Hindi ba’t Sabado ngayon? May opisina ka, Armando?” takang tanong ng matanda. Lumapit ito kay Armando at ipinagtimpla ito ng kape.

“May emergency meeting, Manang. Kailangan ako sa opisina.”

“Emergency meeting?” kunut-noo nitong tanong. “Dati-rati, hinding-hindi ka tumatanggap ng trabaho tuwing Sabado at Linggo, kahit gaano pa ka-importante. Ano’ng klaseng emergency ba iyan ha, Armando?”

“May dumating na mga bagong investors ang kumpanya at ngayon lang sila available for appointment. I own the company, my people need me and I can’t do anything about it.”

“Oh siya, siya. Eh ano’ng oras ang uwi mo niyan?”

“Hindi ko alam, Manang,” seryoso nitong tugon.

Kung pagmamasdan, para itong isang masungit na boss na handang mag-sermon ng mga empleyado. Walang kangiti-ngiti ang guwapo nitong mukha, diretso lang rin ang tingin sa hapag-kainan at pakiramdam ni Sahara ay hindi siya nito nakikita dahil ni pahapyaw na tingin ay hindi siya nito binigyan.

“Good morning,” alanganin at mahina niyang bati, na hindi rin nito pinansin. Patuloy lamang ito sa pagbabasa ng diyaryo na parang walang narinig. Napayuko na lamang tuloy siya at sinimulan na rin ang pagkain.

“Hay, akala ko pa naman ay makakalabas kayo ni Sahara ngayon. Wala ka man lang bang balak na ipasyal siya, Armando?” may himig panunuksong tanong ni Manang V. Nilingon siya nito at nginitian at hindi niya napigilan ang sarili na pamulahan ng pisngi – hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kahihiyan.

Kumunot lamang ang noo ni Armando. “Gusto ba niyang lumabas?” tanong nito hindi sa kanya kundi kay Manang V. “P’wede naman siyang lumabas anytime she wants.” Ibinaba ni Armando ang hawak na diyaryo at may kinuhang kung ano sa panloob na bulsa ng suot nitong blazer. Mula sa pitaka nito ay may inilabas itong card at tsaka bumaling sa kanya. “Here, use this. Eat out, shop, pamper yourself. Do whatever you want. Go out, kailangan mo ring maarawan paminsan-minsan,” anito sabay lapag ng credit card sa mesa.

She’s supposed to be jumping for joy. Mr. Armando Tantoco just gave her unlimited shopping money, together with her freedom. Maaari na siyang umalis roon at hindi na bumalik pa. Dahan-dahan niyang kinuha ang ibinigay ni Tantoco at tiningnan iyong mabuti. Magkano kaya ang maaari niyang gastahin sa isang araw?

“Kunin mo na lang kay Manang ang contact numbers dito sa bahay at sa opisina, in case something happens.”

She’s supposed to say thanks but she just nodded. She’s been meaning to ask if she could go back to modeling and start working again but she felt as if it wasn’t the right time. Walang anumang sinasabi si Tantoco tungkol sa kung ano nga ba siya sa buhay nito – kung itinuturing ba siya nitong girlfriend o kaibigan lamang o isang charity case – at hindi naman niya alam kung paano magtatanong nang tungkol doon. Tuloy, hindi niya malaman kung paano’ng kilos ang gagawin niya – kung kailangan ba niyang maging malambing rito o maging sunud-sunuran o wala lang.

~~

HALOS dalawang buwan na siyang nakatira sa penthouse ni Tantoco pero ni minsan ay hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ito nang masinsinan. Paano nga ba niya ito makakausap kung parati itong nagmamadali tuwing umaga at tulog na siya tuwing dumarating ito sa gabi? Oo nga’t pinapayagan siya nitong lumabas, mamasyal at mamili ng lahat ng gusto niya, maging ang kalagayan ng kanyang ina ay mas naging maayos na ngayon dahil sa tulong nito, pero hindi iyon ang kailangan niya sa ngayon.

Ano nga ba ang kailangan niya? Iyon naman talaga ang buhay na pinangarap niya noon pa, hindi ba?

“Talaga po bang ganoon si Mr. Tantoco? Matipid magsalita?” minsang tanong niya kay Manang V.

Natawa ito. Wala na noon si Armando at nailigpit na rin nila ang kanilang pinagkainan. Nasa kusina sila ngayon, naghuhugas ng pinggan si Manang V habang siya ay nakatayo sa tabi nito, nanonood.

Iyon ang nakagawian niyang gawin simula nang tumira siya kay Armando. Ang tulungan si Manang V sa ilang gawaing bahay tulad ng paghahanda ng pagkain at paghuhugas ng pinggan, at ang pakikipagkuwentuhan rito. Natutuwa rin naman ang matanda dahil noon lamang raw ito nagkaroon ng kahuntahan na tulad niya sa buong buhay nitong paglilingkod kay Mr. Tantoco.

“Tahimik na tao talaga ‘yang si Armando. At puro trabaho ang inaatupag mula umaga hanggang gabi. Hay naku talaga, ilang beses ko na ngang pinagsasabihan ‘yang bata’ng iyan na maghinay-hinay naman dahil sa totoo lang, hindi na naman niya kailangang magtrabaho nang husto. Kahit nga mag-retiro na siya ngayon, p’wedeng-p’wede! Eh wala, talagang mahal niya ang mga negosyo niya.”

“Wala po ba siyang…girlfriend?” alanganin niyang tanong.

“Hindi ba ikaw ang gerlpren ni Armando?” Napatingin sa kanya si Manang V.

“Hindi po,” tanggi niya. “Tinutulungan lang po niya ako...dito po muna niya ako pinatuloy hangga’t hindi pa naaayos ‘yung tungkol kay Arch. Aguas.”

Tumangu-tango si Manang V at pagkatapos ay umiling rin. “Tinutulungan ka ni Armando dahil gusto ka niya.” Nagpunas na ito ng kamay sa suot nitong apron bago iyon hubarin at isabit sa dingding.

“Tinutulungan po niya ako kasi naaawa siya sa akin,” aniya. Sinundan niya ang matanda hanggang sa hardin para magdilig. Napakaganda ng lugar na iyon lalo pa’t napapaligiran iyon ng iba’t-ibang klaseng bonsai at nang iligid niya ang panigin ay nagulat pa siya nang makita ang infinity edge swimming pool na may glass balustrade kung saan kitang-kita ang tanawin ng buong siyudad. Bigla, gusto na ni Sahara na masubukan kung ano ang pakiramdam na magbabad roon lalo kapag palubog na ang araw.

“Naku hija, maniwala ka sa akin. Gusto ka ni Armando.”

“Wala naman po siyang sinasabing ganyan. May nabanggit po ba siya sa inyo?”

“Eh, wala rin. Pero kailangan pa bang sabihin ‘yon? Halatang-halata naman sa mga ikinikilos niya na gusto ka niya na narito. Hindi ka naman niya patitirahin dito sa penthouse niya kung wala siyang gusto sa iyo. Alam mo bang ikaw pa lang ang dinala niyang babae rito? At ngayon ko lang siya nakita na nagkakaganyan, na hindi mapakali lalo na sa tuwing nakikita ka.”

“H-ho? Ano po’ng ibig n’yong sabihin?” natatawa niyang tanong. Dahil sa halos dalawnag buwan niyang pananatili roon ay ni minsan, wala siyang napapansing kakaiba kay Tantoco maliban na lamang sa hindi nito pagpansin sa kanya.

Nagkibit-balikat si Manang V at naglakad nang bahagya para maabot ng hose ang mga bonsai sa dulong bahagi ng hardin. “Hindi mo ba napapansin? Sa tuwing kumakain kayo ng almusal ay hindi ka niya kinakausap o matingnan man lamang?”

Ah, oo, iyon, napapansin niya.

“Isa lamang ang ibig sabihin no’n – na gustung-gusto ka niya.” Umiling-iling ito pagkatapos. “Hay naku. Ilang beses nga ba siyang tumatawag sa akin para lamang kumustahin ka? Teka…tinatawagan niya ako sa umaga, kapag pananghalian at bago maghapunan. Tinatanong niyang madalas kung ayos ka lang raw ba, kung may mga kailangan ka raw, kung nailuluto ko raw ba ang mga gusto mong kainin. Samahan raw kitang mamasyal o kaya’y manood ng sine para hindi ka raw mabagot. Sige nga, sabihin mo sa akin, kung walang gusto sa iyo si Armando, bakit niya ginagawa ang lahat ng iyan sa iyo?”

Hindi rin niya alam. Kung may gusto nga ang matanda sa kanya, bakit hindi nito sabihin? Ni hindi ito gumagawa ng paraan para mapalapit sa kanya. Kaunti na lamang ay iisipin na niya na torpe si Mr. Tantoco, na imposible namang mangyari dahil wala namang dahilan para maging torpe ito. He’s got everything any woman could ever want – the looks, the authority, the success, the money. In fact, Mr. Armando Tantoco is one of the very few respectable gentlemen she has met in her entire life and if he’d only tell her what he really wants from her – to be his girl or just a playmate in bed, she’d gladly accept it.

Pero wala. Pakiramdam niya ay isang boarder lamang siya sa penthouse nito at parang hangin na dinaraan-daanan lang na minsan ay kinaiinisan na niya. Hindi ba ito nabibighani sa kanyang ganda?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.