Chapter 75

HINDI inaasahan ni Sahara na maaabutan pa niya si Mr. Tantoco sa condo nang umaga’ng iyon. She didn’t have breakfast on purpose, didn’t go out early on purpose because she didn’t want to see him, on purpose. Gusto niyang umalis na lang nang araw na iyon at makabalik nang hindi nalalaman ni Armando.

“May lakad ka?” mapanuri nitong tanong. Hindi ito nakatingin sa kanya, sa halip ay sa mga folders na naroon sa mesa.

“Oo…sana.”

“Hindi ka muna mag-a-almusal?”

“Hindi na siguro.” Inaasahan na ni Sahara ang pag-uusisa nito, ang sunud-sunod nitong tanong pero wala. Nanatili lamang itong tahimik, abala sa pag-aayos ng gamit sa loob ng attaché case.

“Use either the Land Rover or the BMW. Do you drive? Do you have a license?”

Umiling siya. “Hindi mo man lang ba itatanong kung saan ako pupunta?” Noon pa niya gustong matuto’ng magmaneho pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataon.

“I told you, you can go wherever you want,” anito. “Hindi kita pipigilan. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin…anything that makes you happy.”

“Maghahanap ako ng apartment na malilipatan,” diretso niyang sabi. There’s no use delaying this. Nakapagdesisyon na siyang umalis at wala na ring dahilan para ilihim pa iyon. “Thank you, Mr. Tantoco…sa lahat. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit mo ako tinutulungan at kung bakit mo ibinibigay sa akin ang lahat pero…salamat.”

Doon napataas ng tingin si Armando. Kumunot ang noo nito at inalis ang suot na salamin sa mata. He looked at her as if she’s a nine-year-old kid who was just caught stealing money from her mom’s wallet. “Is this about last night? Are you upset because I was not able to come home last night, that I wasn’t able to taste your Sinigang?”

Yes. Yumuko siya. Bakit kapag galing rito ay parang napakababaw niyon?

“Look, I’ve been busy. Nawala sa isip ko.”

“You know what, it doesn’t really matter.”

“Yes it does,” salungat naman nito. “Aalis ka dahil lang sa hindi ko napagbigyan ang gusto mo? It’s just Sinigang, for Christ’s sake and you’re acting as if I’ve made a huge mistake already. That’s so immature, Sahara. P’wede ka namang magluto uli at-”

“At ano, paghihintayin mo na naman ako ng ilang oras? Magpapakahirap ako sa pamimili, sa paghihiwa, pagluluto, pag-aayos ng mesa, ng lahat…para lang ano, sa wala?” Sinabi ni Sahara sa sarili na magiging mahinahon siya at hinding-hindi siya magpapakita ng galit o pagkabigo pero sadyang hindi iyon madali para sa kanya.

“Sino ba ang may sabi na magpakahirap ka sa pagluluto? No one’s asking you to tire yourself cooking for me or do any of those things. In fact, nobody’s asking you to do anything.”

“Yeah, I’m sorry. I realized that just now,” aniya. “Kaya nga naisip ko rin na wala nga pala akong karapatang magalit o magtampo dahil wala naman akong papel dito, hindi ba? Ano nga ba ako dito, ha, Mr. Tantoco? Tanggap ko naman na charity case lang ako and I don’t have any right to demand anything from you pero mahirap rin pala ‘yung ganito…’yung pakiramdam na walang silbi, parang hangin na nilalampas-lampasan lang, ‘yung naghihintay sa wala…”

“Sahara…”

“I know this may sound crazy but…I’m starting to like it here. In fact, gusto ko nang tumira rito nang mas matagal…at mas makilala ka pa pero…you’re just not letting me in.”

“What are you talking about?” Ito naman ang natawa. “I let you stay inside my house already.”

“Yeah, but not in your heart.”

Mr. Tantoco just stood there, looking at her. Namumula ang buo nitong mukha na para bang anumang oras ay aatakihin ito sa puso kaya mas minabuti na niyang umalis na lang.

“I’ll go ahead,” mahina niyang paalam rito. Tumalikod na siya at nagtuluy-tuloy na sa elevator. Pinindot na niya ang buton pababa at mabilis na sumakay roon. She’s actually expecting him to chase her but he didn’t. From inside the elevator, she could see Armando looking at her direction. His face was blank and by the way he stared at her, she’s damn certain that she’s no longer welcome to stay in his house, forever.

~~

SIMULA paggising ni Armando nang Sabado ng umaga’ng iyon ay hindi na siya natigil sa iisang lugar. Pagkagising siya ay tumuloy muna siya sa study at sinubukang magtrabaho kahit pa nga araw ng Sabado. Still wearing his light blue cotton pajamas, he opened his laptop, turned it on and sat down on his leather swivel chair. Inisa-isa niya ang mga e-mails na natanggap, mga reminders mula sa kanyang sekretarya at ilan pang importante’ng detalye tungkol sa bago niyang business venture. He has planned everything for the day – deal with paperworks in the morning until before lunch, tend his garden afterwards, read some books late in the afternoon and make some phone calls in the evening.

Pero umaga pa lamang ay sira na ang plano niya. Ilang minuto lamang ang itinagal niya sa harap ng laptop at lumabas na rin siya para mag-almusal. Naabutan niya sa hapag ang tipikal na almusal na inihahanda ni Manang V para sa kanya. Naupo siya sa kabisera na parati niyang inuupuan at pinagmasdan ang nakahain sa kanyang harapan. He sipped his coffee and was about to start with his pancake when he glanced at the chair in front of him. It was unintentional, and he instantly regretted it.

He stood up, picked the cup up and headed to the garden. He’s a breakfast kind of guy, always made it a point to enjoy a heavy breakfast every single day. But not today.

“Tatawagan ko na ba?”

Nagulat pa siya nang marinig ang tinig ni Manang V, na noon ay hawak ang hose ng tubig para magdilig. Abot tainga ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya. He knew she’s making fun of him, she always does. Kung hindi lang talaga niya ito mahal at itinuturing na sariling ka-pamilya, matagal na siguro niya itong pinaalis. But Manang V has been with the family ever since he’s a teenager and she’s the only one he’s got since Margarita left him for another man.

“Gusto mo ng bago niyang address?”

“Manang, please. I don’t need her address, nor her number.” Hinubad ni Armando ang suot na salamin at padabog na inilagay iyon sa ibabaw ng mesa, na halos ikatapon ng kape niya.

Muli, napailing at natawa si Manang V. “Ilang araw ka na bang ganyan, ha, Armando? At ilang araw ka pang mananatili’ng ganyan? Hay naku, simula nang umalis si Sahara, parati ka na lamang tuliro.”

Yeah, that’s exactly three days. Damn. It has only been three days without Sahara but it seems like years. If he could only punch himself in the face, he’d do it all day just to wake himself up. Ano ba ito’ng nangyayari sa kanya?

Ah, ang tamang tanong – ano ba ang ginagawa ni Sahara sa kanya? Dahil simula nang magkaroon siya ng pagkakatao’ng makilala ito ay hindi na nito pinatahimik ang buo niyang pagkatao.

It all started when he heard her sing on his private birthday party many years ago. He was captivated not just by her beauty but also her unique voice. She sings like an angel, she moves like a tease. There’s something about her that makes him want her. All of her.

But it wasn’t easy. Every time he sees her, she’s always with someone else and though he could easily charm her by his wealth and success, he just didn’t have enough courage. For him, Sahara Smith wasn’t like any other woman. He felt as if she’s the only one who could give him the contentment he’s been wanting to have for the longest time. He could actually see himself marrying her and growing old with her.

Hanggang sa napagdesisyunan na niya na gumawa ng paraan para muling makita si Sahara at ialay rito ang lahat para lamang mapaibig niya ito pero huli na ang lahat. Nabalitaan niyang kinakasama na ito Arch. Ricardo Aguas, isa sa kanyang mga malalapit na kaibigan.

Isa si Ricardo Aguas sa mga respetadong lalaki’ng nakilala niya. Alam man niyang mayroon na itong ibang pamilya, hindi niya nagawang salungatin ang relasyon nito kay Sahara dahil hindi siya ang tipo na nakikialam sa mga personal na buhay ng iba. Tanggap na niya ang pagkatalo dahil hindi naman iyon ang unang pagkakataon na natalo siya pagdating sa usapang ‘babae’ – dahil oo, duwag siya – na umasa at masaktan lamang muli sa huli.

Matapos siyang iwan ni Margarita, sinubukan niyang ituon ang atensiyon sa kanyang trabaho at mga negosyo. May mga pagkakataong binabalot siya ng kalungkutan, na panandaliang napapawi ng pakikipagrelasyon sa iba’t-ibang babae. Pero hanggang doon lang, panandalian. Ilang beses na rin siyang nagmahal at sumubok na pumasok sa mga seryosong relasyon ngunit sadyang hindi yata siya suwerte sa ganoon kaya sinabi niya sa sarili na siguro nga, nakatakda na siyang mabuhay nang nag-iisa, at mamatay nang mag-isa.

Hanggang sa makilala niya si Sahara.

“Oh heto.” Isang maliit na piraso ng papel ang inilapag ni Manang V sa mesa. “Pakiusapan mo na bumalik na siya rito.”

Tiningnan lamang iyon ni Armando. “Natuto siyang umalis, matuto siyang bumalik.” Iyon ang address ng bagong apartment na tinutuluyan ni Sahara, sigurado siya.

“Hindi ka man lamang ba nag-aalala sa kanya? Paano kung hindi pala ligtas ‘yung lugar kung saan siya nakatira ngayon?” tanong nito habang pilit inilalagay ang piraso ng papel sa kanyang nakakuyom na kamay. “Puntahan mo, p’wede ba? Kahit para sa akin na lamang. Napamahal na rin sa akin ang bata’ng ‘yon at gusto ko ring malaman kung maayos ba ang kalagayan niya.”

Napailing na lamang si Armando nang iwan siya ni Manang mag-isa doon sa hardin. Nang tuluyan na itong makapasok sa bahay ay dahan-dahan niyang binuklat ang papel at binasa ang naroon.

A part of him wanted to pay her a visit, see her and talk to her and ask her to go back to him or even beg her to be with him again, while the other part of him was telling him otherwise. Alright, he wanted to see her again - that he could no longer deny. He wanted all of her but how?

Madali lang naman niya itong mapuntahan, kahit nga saa’ng lupalop pa. Ang hindi madali ay ang pagtanggap sa sarili na tuluyan na talagang nabuwag ang pader sa kanyang paligid, na kaytagal niyang pinaghirapang itayo.

Wala dapat siyang pakialam rito pero nang madiskubre niya ang pananakit at pang-aabuso ni Aguas, hindi na siya nagdalawang-isip na sagipin ito. Sahara didn’t deserve such ill-treatment and manipulation; nobody deserved such. Kaya naman sinamantala niya ang pagkakataon, inimbitahan niya ito para kumanta sa kanyang kaarawan, and the rest, as they say was history.

Sa simula, akala niya ay hindi itutuloy ni Sahara ang balak na pag-alis dahil na rin sa estado ng buhay nito sa kasalukuyan. Wala itong trabaho, wala kahit na ano, maliban na lamang sa sarili nitong unti-unti na ring lumulubog sa tila kumunoy nitong masalimuot na buhay. Binigyan niya ito ng kalayaan dahil sigurado siyang hindi nito makakayanang umalis. Bukod sa wala itong ibang mapupuntahan, masama pa rin ang kalagayan ng ina nito na noon ay ibinoluntaryo niyang ilipat sa isang pribadong kuwarto sa isa sa mahuhusay na ospital sa bansa. Pero nagkamali siya at doon niya mas napatunayan na hindi tulad ng mga nakilala niyang babae si Sahara. Mas matapang ito, mas may paninindigan. Ipinangako pa nito na babayaran ang lahat ng nagastos niya sa ospital sa oras na makakuha ito ng trabaho.

Yeah, he thought she was just bluffing, but hell no. Sahara went on with her plan, searched for a new place and left. Just like that.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.