“SAHARA, may gustong kumausap sa’yo.”
Sa halip na sumagot ay inubos niya ang whiskey sa kanyang baso. Nilingon niya ang manager nilang si Mr. Art na naupo sa kanyang tabi. Malaking lalaki ito, payat at singkit ang mga mata. Bukod sa pagiging isa sa mga may-ari ng club na kinakantahan niya ngayon ay isa rin itong talent manager. Matagal na niya itong kilala dahil na rin sa pagkanta-kanta niya noon pa, at parati itong bukas sa mga tulad niyang nangangailangan ng biglaang mapagkakakitaan.
“Importante raw. Handang magbayad ng malaki, makausap ka lang,” nakangiting sabi ni Mr. Art. Um-order rin ito ng whiskey para sa sarili.
“Usap lang talaga?” paninigurado niya. Dahil hindi lang naman iyon ang unang pagkakataon na nangyari ang ganoon, na may handang magbayad ng malaki, makausap lang siya. Papayag siya sa simula pero sa huli, hindi lang pala pag-uusap ang gusto ng mga into’ng mangyari.
“Usap lang raw talaga. Mukhang desente ang isang ito,” anito matapos lagukin ang alak. “At mukhang talagang mayaman.”
Tiningnan niya ang direksiyon ng ininguso ni Mr. Art. Masyadong maraming tao ang nagsasayawan at mausok na rin sa loob ng club kaya naman hirap siyang aninagin ang itsura niyon. The guy was sitting alone, with a glass of wine in his right hand, facing their direction. It was difficult to fathom whether he’s old or young but one thing’s for sure. He carries himself well and he moves elegantly. Should she talk to him? What if he’s just like one of those perverts who were just nice at the beginning?
Umiling siya at sinabi kay Mr. Art na wala siya sa mood na makipag-usap sa kahit na kanino. Maaga siyang uuwi ngayon dahil kailangan pa niyang mag-grocery at mag-ayos ng mga gamit sa bago niyang tinutuluyan. Isang lumang studio-type apartment, ilang bloke lamang mula sa club na pinapasukan niya ngayon. Maliit at masikip man, di hamak na mas maayos iyon kaysa sa barong-barong na tinirahan niya noong umalis siya sa townhouse nina Karen, maraming taon na ang nakararaan – isa sa mga parte ng kanyang buhay na gusto na niyang burahin nang tuluyan.
Pansamantala lamang naman iyon, hangga’t hindi pa siya nakakakuha ng maganda-gandang trabaho. Plano niyang puntahan ang mga dati niyang napagtrabahuhang opisina at susubukan rin niyang maghanap ng maaari niyang mapuntahang go-sees para makabalik sa pagmo-modelo. At sa oras na makapag-ipon siya ng malaki-laki, lilipat siya sa isang townhouse o sa isang condo unit, iuuwi niya ang kanyang nanay at kukuha ng isang private nurse na siyang mag-aalaga rito.
Hindi naging madali ang desisyon niya na umalis sa poder ni Mr. Tantoco dahil bukod sa mabait ito at sobrang mapagbigay, hinayaan siya nitong gawin ang lahat ng gusto niyang gawin at pumunta sa kahit saan niya gustong pumunta. He even took the liberty of taking care of her mother’s hospital bills without asking anything in return. Kaunti na nga lang ay maniniwala na siya na isa itong anghel na bumaba mula sa langit upang sagipin siya sa kanyang kinasasadlakan.
Sa totoo lang, hindi rin niya alam kung bakit naisip niyang lumipat ng ibang apartment samantalang parang prinsesa ang turing nito sa kanya. Siguro dahil sa hindi siya nito binibigyan ng pansin o kinakausap. She’s used to be being the center of her man’s attention but with Mr. Tantoco, it was the other way around. Oh yes, maybe that’s because he was not her man in the first place, and she was not his woman.
Kung gugustuhin, p’wede naman niyang tiisin ang lahat – ang dadaan-daanan lamang siya nito na parang isang halaman o ang hindi siya kausapin na para siyang hangin. Pero habang tumatagal, hindi niya namamalayan na nasasaktan na pala siya.
Matapos maubos ang pang-apat na baso ng whiskey ay lumabas na si Sahara ng club. Matagal-tagal na rin siyang hindi umiinom kaya naman bahagya nang umiikot ang kanyang paningin habang naglalakad palabas ng eskinita patungo sa sakayan ng taxi. Tantiya niya ay alas-onse pa lamang ng gabi dahil marami-rami pa rin siyang nakikitang tao na labas-masok sa club, maging ang ilang mga kabataan na nagtatakbuhan na para bang isang malaking palaruan ang bahaging iyon ng daan.
“Sahara!”
Pilit inaninag si Sahara ang lalaki’ng pinanggalingan ng malalim na tinig. Nakatayo ito sa waiting shed, nakasandal ang kaliwang balikat sa pabilog na poste ng ilaw. Kung may sindi lamang sana ang ilaw niyon ay madali niyang makikita ang mukha nito pero dahil sa may kadiliman sa parte’ng iyon, kinailangan pa niyang lumapit nang bahagya para lamang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Isang hakbang, dalawa. Iniwasan niya ang dalawang magkasintahan na magkawak-kamay na dumaan sa harap niya. Tatlo, apat. Deretso lang ang tingin niya sa lalaki’ng iyon na walang kagalaw-galaw. At kasabay ng pang-lima niyang paghakbang ay siya ring biglang paglakas ng tibok ng kanyang puso.
~~
“ARE you feeling okay?”
Unti-unti, sinubukan ni Sahara na buksan ang kanyang mga mata pero hindi iyon naging madali dahil na rin sa labis na liwanag na hindi niya mawari kung saan nagmumula. Susubukan rin sana niyang maupo pero naramdaman niya ang biglang pagsakit ng kanyang ulo. Mahapdi ang kanang bahagi ng kanyang noo at nang hawakan niya iyon ay nalaman niyang may benda ito.
“Nasaan ako?”
Kinapa-kapa niya ang kanyang hinihigaan at napagtanto niya na wala siya sa kanyang apartment dahil napakalambot niyon. Masarap rin sa pakiramdam ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Puting-puti ang kabuuan ng kuwarto, maganda at mukhang mamahalin ang kurtina at iba pang dekorasyon at kung hindi pa niya nakita ang dalawang magagandang nurses na nakatayo sa malapit sa pinto ay hindi niya maiisip na nasa ospital siya. Pero ano ang ginagawa niya sa ospital?
“Sahara, are you okay?”
Pamilyar ang boses pero hindi siya makasiguro. Muli, iminulat niya ang mga mata, dahan-dahan. Malabo sa simula pero nang masanay sa liwanag ay naaninag na rin niya ang mukha nito sa wakas.
“Mr. Tantoco?”
“Thank God, nagkamalay ka na. How are you feeling?” may himig pag-aalala nitong tanong. “Naaalala mo ba kung ano ang nangyari?” Naka-pormal itong kulay abo’ng Amerikana na mayroong itim na polo sa loob. Kitang-kita rin ang pangingitim sa ilalim ng mga mata nito, tanda marahil ng hindi nito maayos na pagtulog noong nakaraang gabi.
Hindi, wala. Wala siyang anumang maalala. Ang huli lang niyang naalala ay pauwi siya kagabi nang may tumawag sa kanyang pangalan. At pagkatapos noon ay wala na. Sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan niyang maupo. Agad rin siyang inalalayan ni Mr. Tantoco, nilagyan nito ng unan ang headboard ng kama bilang sandalan.
“You were attacked last night and got hit by a car.”
Attacked? She closed her eyes and tried recalling what had happened. Nang unti-unting bumabalik ang mga eksena sa kanyang isip ay unti-unti rin ang pagtulo ng kanyang mga luha…