Chapter 86

“HAPPY birthday, son!” masayang bati ni Armando sa anak.

“Thanks a lot, Dad.” Agad na lumapit si Ace sa kanila at yumakap sa ama. Wala na rin tuloy nagawa si Sahara kundi ang batiin na rin ang bagong dating.

“Happy birthday,” walang emosyon niyang sabi habang pasimple’ng tinapunan ng tingin ang kasamang babae ni Ace. Matangkad ito, hamak na mas matangkad sa kanya, at mas maputi rin. Itim na itim ang tuwid na tuwid na hanggang baywang nitong buhok, kasing itim ng suot nitong overall dress na tinernuhan ng puting criss cross bikini top. Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang halos tatlong pulgada nitong red straps high heel sandals.

“Thank you,” nakangiti nitong tugon na para bang masaya itong makita siya. Nakuha pa nitong halikan siya sa pisngi, na nagdulot ng kuryete sa kanyang buong katawan. “By the way, I’d like the both of you to meet Tatianna, my girlfriend.” Hinatak ni Ace ang kamay ng kasama nitong babae, na todo ngiti namang nagpahatak sa binata. “Tatianna, this is my Dad, and his fiancée, Sahara.”

“Nice to meet you, sir…ma’am,” mahinhing bati nito. Humalik rin ito sa pisngi nilang dalawa ni Armando at saka kumapit sa bisig ni Ace.

“You two love birds go ahead to the pool. I’ll just get some drinks while Sahara changes.”

Hindi na tiningnan ni Sahara ang dalawa at tumuloy na siya sa kuwarto nila. Pagpasok na pagpasok niya roon ay padabog niyang inihagis ang bag sa kama at tsaka inihiga ang pagod na katawan roon. Kinuha niya ang malambot na unan, itinakip sa kanyang mukha at sumigaw nang malakas. Hindi maikakaila ang kaba ng dibdib na naramdaman niya nang masulyapan niyang muli si Ace dahil hindi niya naiwasang maalala ang nangyari sa kanila noon – ang paraan ng pagtitig nito, ang mahigpit nitong mga yakap, ang mainit nitong mga halik.

God, she’s feeling herself getting wet, just thinking about it.

Ilang minuto rin ang itinagal ni Sahara sa pagpili ng swimsuit at ilang minuto pa niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. Hindi niya alam kung ano ang gustong mangyari ni Ace, kung bakit ito nagpunta pa roon pagkatapos ng lahat, at nagdala pa ng babae, na hindi siya sigurado kung girlfriend nga nito o ‘just for show’.

Kung ano mang klaseng laro ang gusto ni Ace, hinding-hindi niya ito uurungan. She chose her white halter-top two-piece bikini and light blue floral sarong. Tinanggal niya ang kanyang ipit ng at hinayaan lang niyang nakalugay ang hanggang likod na kulot na buhok. Matapos maglagay ng manipis na lipstick ay huminga muna siya ng malalim bago tuluyang lumabas ng kanilang kuwarto.

Agad niyang namataan si Armando na tahimik na umiinom ng brandy sa pabilog na metal na mesa. Nakahanda na sa mahabang mesa sa tabi noon ang iba’t-ibang putahe, maging ang kanyang biniling Mandy’s steak para sa nobyo. Nakangiti si Armando habang pinapanood ang paghuhuntahan nina Ace at Tatianna sa swimming pool. Agad niyang napansin ang malagkit na pagtititigan ng dalawa at maging ang pagkabig nito at pagsiil ng halik sa labi ng kasintahan.

“Jace seems so in love with her,” narinig niyang sabi ni Armando nang maupo siya sa katabing rattan chair ng kinauupan nito. “Hey, I know I shouldn’t be telling you this because Jace said it’s supposed to be a secret but I just have to tell you this.” Binigyan siya ng nobyo ng isang basong brandy at inakbayan siya nito at hinalikan sa pingi. “He’s actually planning of proposing to her, which is a huge move for him.” bulong nito sabay tingin sa dalawa. “Jace isn’t the marrying type, I should know. Sa dinami-rami ng naka-relationship niya, dalawang beses pa lang siya’ng nagpaalam sa akin na may pakakasalanan. The first time was years ago, when he fell madly in love with a certain singer, which made him miserable…and yeah, now.”

Singer. Sigurado si Sahara na siya ang tinutukoy nito. Napatingin tuloy siya kay Ace na noon ay paahon na ng swimming pool, kasunod si Tatianna. Kailangan niyang umiwas ng tingin dahil kung hindi ay tiyak na mahahalata nito ang labis niyang paghanga sa maganda nitong katawan.

Dinaluhan na sila roon ng magkasintahan at magkahawak-kamay pa ang mga ito nang maupo sa tabi nila. Hinila ni Ace ang upuan sa tabi ni Armando at pinaupo roon si Tatianna at nakangiti itong naupo sa tabi niya na para bang giliw na giliw na makita siya. Itinuon na lang ni Sahara ang atensiyon sa pagsasalin ng alak ng nobyo sa kanilang mga baso para itago ang tensiyong nararamdaman.

Itinaas ni Armando ang baso nito, na sinundan nilang tatlo. “For Jace, happy 27th birthday, son. I wish you good health, good luck and better love life,” natatawa pa nitong dagdag. Ngumiti lamang rin si Ace at napatingin sa kanya. “Whatever your plans are in the future, remember that I am always here to support you.”

“Thanks, Dad,” anito matapos ubusin ang lamang alak ng baso nito. “I know I’ve been difficult in the past because of…well, you know the reason why, Dad…and thank you for always understanding.”

“You are always welcome, son. Sino pa ba ang magdadamayan kundi tayong dalawa lang, hindi ba?”

Tumangu-tango ito. “I know. Thank God madadagdagan na tayo sa pamilya,” nakangiting sabi ni Ace sabay baling sa kanya. “By the way, welcome to the family, Sahara. Siguro p’wede na kitang tawaging Mom ngayon?”

Alanganing ngiti lang ang itinugon niya. Mabuti na lang at naroon si Armando para saluhin siya.

“You can call her whatever you want, Jace. Mom, Tita…even just Sahara, it doesn’t really matter. As long as gagalangin mo siya, I don’t care kung ano ang itawag mo sa kanya.”

“Will sure do, Dad. Mukha naman siyang kagalang-galang.”

Kung hindi lang masama, kanina pa siguro niya itong nasampal. Ramdam niya ang panunuya nito at alam niya ang ibig sabihin ng mga pasimple nitong tingin sa kanya. Kaya naman hindi pa man sila nangangalahati sa pagkain ay tumayo siya at nagdahilan na kukuha ng yelo at bagong bote ng red wine sa kusina. Kailangan niyang lumayo sa lugar na iyon, lumayo kay Ace at ilayo ang sarili sa nararamdaman.

Dala ang ice bucket ay mabilis siyang naglakad papuntang kusina kung saan naroon ang maliit na bar. Binuksan niya ang shelf sa itaas na bahagi niyon at inisa-isa ang bote ng wine para mamili at sa gitna ng ginagawa ay bigla siyang natigilan.

There she was, looking for an exquisite bottle of wine for those men in the pool who were having the time of their lives. Kung p’wede lang siyang tumakas at hindi na muling bumalik pa, gagawin niya. Pero wala na siyang pagpipilian. Nakatakda na siyang ikasal kay Armando at isa lang ang ibig sabihin niyon – magiging stepson niya si Ace at habang-buhay na magiging miserable ang kanyang buhay.

Isinara na ni Sahara ang cabinet at dahan-dahang inilapag ang bote ng napiling alak sa counter. Bubuksan na sana niya ang ref para kumuha ng yelo pero may malaking kamay na gumawa noon para sa kanya.

“Let me.” Kinuha ni Ace ang ice bucket sa kanya at ito na ang naglagay ng yelo doon at pagkatapos nitong mapuno iyon ay iniabot nito iyon sa kanya.

Matalim na tingin ang itinugon niya rito at pilit binawi ang ice bucket pero mahigpit ang pagkakakapit doon ng binata.

“Not too fast,” bulong nito. “Kiss me first.”

“Fuck you.” Tiim-bagang si Sahara at pigil na pigil ang galit. Gusto niya itong sampalin nang mga oras na iyon pero ayaw niyang gumawa ng eksena lalo pa’t naroon lang si Armando.

“Oh, you’d like that, wouldn’t you?”

“Fuck yourself,” mahina pero matigas niyang sabi. “Hindi ko alam na darating ang araw na masasabi ko ‘to sa’yo pero…hayop ka, Ace. Niloko mo ‘ko, pinaglaruan mo ‘ko. Akala ko pa naman-”

“Ano’ng akala mo, na kaya kong kalimutan ang lahat ng ginawa mo nang gano’n-gano’n lang? You cheated on me, you left me, you took advantage of me and not the other way around. You used me, Sahara. You fooled me. At kung may hayop man sa ating dalawa, ikaw ‘yon, hindi ako.”

Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Dahan-dahan siya nitong nilapitan hanggang sa mapasandal siya sa ref at kahit subukan niya itong itulak ay hindi niya magawa dahil masyado itong malakas. Bukas pa rin ang pinto ng ref at ramdam niya ang lamig na nagmumula roon. Pero hindi iyon sapat para mapawi ang init na dulot ng binata sa kanyang katauhan.

“Come on, honey. Just one kiss.”

“Stop it. Nand'yan lang ang Dad mo at ang girlfriend mo."

“That’s why you have to make it quick.”

Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataong makatutol dahil mabilis siya nitong hinalikan sa labi. But it wasn’t quick like what he promised. Hawak ng kaliwang kamay ni Ace ang ice bucket habang abala ang isa pa sa paghawak sa kanyang likod. At dahil swimsuit lamang at sarong ang tanging suot niya ay ramdam na ramdam ni Sahara ang mainit na palad ng binata doon. Napahawak tuloy siya sa malapad at matigas nitong dibdib bilang suporta dahil agad na nanlambot ang kanyang mga tuhod dahil sa ginagawa nito.

“I’ll claim my birthday present some other time, honey,” hingal nitong bulong sa pagitan ng mga halik. “I want your body and your soul so be ready…”

Namumula ang mukha nito, lalo na ang mga labi. Ibinalik nito sa kanya ang ice bucket, ngumiti at nauna nang bumalik sa pool area.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.