Chapter 95

“TELL me he’s lying, Sahara.”

Hindi magawa ni Armando na tumingin sa dalaga matapos marinig ang kuwento ni Max. Pulang-pula ang mukha nito hanggang leeg at may gasgas sa itaas na bahagi ng kaliwang kilay.

“Tell me, Sahara, goddamn it!” sigaw nito sabay tingin sa direksyon ng kausap.

Dahan-dahang nagtaas ng tingin si Sahara at pilit pinigil ang sarili na mapaiyak. And that says it all. Armando didn’t have to hear what she has to say.

“So, does that mean that you never really loved me? That all along, you were just using me for money?”

Umiling si Sahara. “H-hindi totoo ‘yan, Armando. Oo, hindi ako perpektong tao, marami akong nagawang kasalanan pero hindi totoo na kasama ako sa plano niya na perahan ka. Totoo’ng minahal kita, Armando. Marami akong naging pagkakamali noon, pero nagbago na ako...dahil sa’yo.”

“Wow, Sahara, ha. Muntik na ‘kong maniwala do’n, ah.” Natawa si Max at napailing. “Hindi ko alam na hindi ka lang pala sikat na model, magaling ka rin palang artista!”

Isang matalim na tingin ang ibinigay niya kay Max bago muling balingan si Armando. Maniwala ka sa akin, please, Armando. I love you and I’m going to marry you no matter what.”

Isang malakas na halakhak ang nakuha no’n mula kay Max. “Sige, sige. Tingnan natin kung paniwalaan ka pa nitong si tanda kapag sinabi ko sa kanya na matagal mo na siyang niloloko at pinagmumukhang tanga.”

Kumunot ang noo ni Sahara at matalim na tiningnan si Max.

“Ano, randa, gusto mo bang malaman kung anu-ano'ng kawalanghiyaan ang pinaggagagawa nitong mapapangasawa mo sa tuwing wala ka?”

“Max please, tama na!” sigaw ni Sahara. “Armando, please...kahit ano ang sabihin ni Max, kahit ano ang marinig mo mula sa kanya, please huwag kang maniniwala!”

“Kung sa bagay, bakit nga pala ako pa ang magsasabi kung p’wede naman niyang marinig nang personal kung totoo ba talaga ang ang sinasabi ko?’

Napatingin sina Sahara at Armando sa isa’t-isa, kapwa nakakunot ang mga noo. Pinanood nila si Max nang kunin nito ang cellphone sa bulsa at pumindot doon. That was her phone, she realized, making her heart beat faster. Ilang sandali pa ay inilapag nito iyon sa ibabaw ng mesa nang nakangiti. Kahit hindi sabihin ay alam nila na naka-speakerphone iyon at maririnig ng lahat ang anumang sasabihin ng kung sino mang tinawagan ni Max.

“Hello, Sahara?”

“Oh my God...” Napapikit si Sahara nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. She knew, right then and there that this is going to be the end of her.

“Sahara? Are you okay?” sunud-sunod na tanong ng lalaki sa kabilang linya. “I’ve been trying to call you for a couple of days now. Tinawagan ko na rin ang mga kaibigan at kasamahan mo opisina pero hindi nila alam kung nasaan ka. What happened to you?”

Kinuha ni Max ang cellphone at inilapit kay Sahara. Sinenyasan siya nitong sagutin ang tawag habang naka-speakerphone at ang talim ng titig nito sa kanya ay nagbababala na malilintikan siya sa oras na magkamali siya ng sagot.

“Sahara, what’s wrong? Bakit hindi ka sumasagot? I’m worried sick! Tell me what happened, please.”

Nang hindi pa rin siya sumagot ay itinutok ni Max ang baril sa ulo ni Armando.

“H-hello...” mahina niyang tugon, pilit itinago ang sakit, hirap at takot na nararamdaman.

“Oh, thank God, you answered.” Dinig na dinig nila ang malalim nitong paghinga. “So, what happened? Are you angry with me or something?”

“H-hindi...I’m so sorry, Ace.”

“It's okay, honey. The important thing is that you’re safe. Don’t worry I’m on my way, so just wait for me. We’ve got things to talk about.We need to execute our plan as soon as possible because I think Dad already has an idea about us. It's either we tell him the truth or just run away. As soon as possible.”

Dahan-dahan niyang tiningnan si Armando at mula sa kinauupuan niya ay kitang-kita niya ang nagngangalit na ugat sa sintido nito at kahit limitado ang liwanag na nagmumula sa nag-iisang ilaw sa silid ay halata ang pamumula ng buo nitong mukha. Agad siyang nagbaba ng tingin dahil alam niya na sa mga oras na iyon ay abot-langit na ang galit nito sa kanya at sigurado siyang hinding-hindi na siya nito mapapatawad sa mga nagawa niya rito, kahit kailan.

“I’ll be there in a bit, honey...Oh wait, I think I’m here.”

Saglit na wala silang narinig mula sa kabilang linya. Tiningnan niya si Max na maganda ang pagkakangiti.

“What is this place, anyway?” sa wakas ay muli nitong sabi matapos nilang marinig ang malakas na pagsara ng pinto ng kotse. “Sahara, sigurado ka ba sa ibinigay mong address? The house seemed abandoned.”

At pagkatapos noon ay magkakasunod na katok sa pinto ang narinig nila.

~~

SI Sahara.

Si Armando.

Si Ace.

Bawat isa sa kanila ay nakaupo sa lumang upuang kahoy, mahigpit na nakatali ang mga kamay sa sandalan ng inuupuan, maging sa kanilang mga paa ay pinuluputan ng packaging tape . Nasa harap ng mesa si Sahara at nasa harap nito ang dalawa.

Hindi na nagawa pa ni Ace na pumalag kahit pa kayang-kaya nitong patumbahin si Max dahil pagdating na pagdating nito roon ay sumalubong na agad rito ang nakatutok na baril sa ulo ni Sahara.

It was far from what he’s hoping to see. He’s actually expecting a smiling Sahara to greet her, with arms wide open, ready for his embrace.

But there she was, looking so miserable, with hands tied behind her back. Gulu-gulo na ang mahaba nitong buhok, nagkalat ang eyeliner nito at hindi tama ang pagkakabutones ng blouse. Hindi nito kayang makita sa ganoong kundisyon si Sahara pero hindi rin nito maalis ang tingin sa dalaga. At nang lingunin ni Ace ang ama sa tabi ay halos masugatan ito sa talim ng pagkakatitig ng ama.

“You son of a bitch.”

And that’s it. Armando didn’t say anything after that. He didn’t have to say anything anyway because Ace could feel the burning fury through his quiet and penetrating gaze.

“Oh, bakit ganyan ang mga itsura n’yo? Hindi ba kayo masaya na nagkita-kita kayo ngayon? Na sa wakas, nagkasama-sama kayong mga t**gina kayo?”

Nakatayo si Max sa tabi ng bintana, manaka-naka ang pagsilip sa awang ng mga pinagtagpi-tagping kahoy na para bang nag-aabang sa kung ano. Hawak pa rin ng kanan nitong kamay ang baril at ang cellphone sa kaliwa. Kanina ay paroo’t-parito ito habang may kausap sa telepono at sa tono ng pagsasalita nito, halatang hindi ito masaya sa naririnig mula sa kabilang linya.

“A-are you okay?” bulong ni Ace kay Sahara. “Did that bastard hurt you?”

Umiling lang siya sa tanong ng binata at agad na bumaling sa katabi nito. “Armando, let me explain, please.”

“That’s no longer necessary. Sapat na ang lahat ng narinig ko kanina para mapatunayan na totoo ang mga naririnig ko tungkol sa inyong dalawa.” Nag-aapoy ito sa galit at pilit na kumakawala sa pagkakatali pero sadyang masikip ang pagkakatali ni Max sa mga kamay at paa nito. “How stupid of me to ignore those red flags? Those late-night meetings, out-of-town photo shoots, dinner with clients..." At muli itong tumingin kay Ace. "And you, coming over just because? I should have known, right?”

“Dad-“

“You shut up, you bastard! I don’t want to hear anything from your mouth. From now on, I no longer have a son.”

Inaasahan na dapat iyon ni Ace pero mas masakit pala ang marinig mismo sa kanyang ama na itinatakwil siya nito bilang nag-iisang anak. He wanted to apologize for everything but he felt that there’s no use anyway. Alam nito kung paano magalit ang ama at kapag gumawa ito ng desisyon, wala nang makapagpapabago pa roon.

“I’m so sorry, Ace. Pati ikaw, nadamay dito. You’re not supposed to be here...both of you...hindi n’yo dapat nararanasan ‘to ngayon. This is all because of me, I’m sorry.” Bumaling siya kay Armando na noon ay tila nauupos na kandila. “Armando, alam kong hindi mo na ako mapapatawad kahit kailan pero sana, mapatawad mo si Ace. Kung meron mang may kasalanan sa lahat ng ‘to, kung meron mang dapat sisihin, ako ‘yon, Armando. Hindi si Ace. Wala siyang kasalanan.”

“Of course, it’s all your fault, bitch!” pang-iinsulto nito. “Pero hinding-hindi ko matatanggap na pati ang sarili kong anak ay nagawa akong lokohin. Sa loob pa mismo ng sarili kong pamamahay!” Umiling ito at pinagsalubong ang mga kilay. “I never thought that you could do that to me, Jace. To your very own father. After everything I’ve done to you? Naging masamang ama ba ako, ha? May nagawa ba akong kasalanan sa’yo na sa sobrang bigat, nagawa mo ‘kong lokohin nang gano’n? Pinalaki kita nang maayos, ibinigay ko sa’yo ang lahat, ano pa ba ang pagkukulang ko sa’yo bilang ama? Ano pa?”

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Armando na kanina pa nito pinipigilan. Halos humagulgol na ito na noon lamang nasaksihan ni Ace sa buong buhay nito. Kung hindi lang siguro ito nakatali, malamang ay kanina pa nito nasuntok ang anak.

“When your mom left, you know how miserable I became. At nang nakilala ko si Sahara, that was the only time that I felt alive again. Alam mo ‘yon, diba? Kinu-kuwento ko sa’yo ang tungkol sa kanya, Jace. Alam mo kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako nagpapasalamat sa pagdating niya sa buhay ko.”

“J-just for the record, I met Sahara even before you met her, Dad. I loved her first.”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin noon pa para noon pa lang, naiwasan ko nang mapalapit sa kanya!”

“It’s too late. I saw how much she changed you for the better and I didn’t want to spoil it for you. I was actually willing to give her up because I wanted you to be happy but then...I saw her again. Everything just came back to me - the love I felt for her and the pain she caused when she left me. Wala sa plano ko na agawin siya sa’yo, Dad. It just happened. In fact, I wanted to get back at her and punish her but then I realized..I still love her.”

Umiling si Armando. “Oh yeah,” may panunuya nitong sabi. “Because that’s her skill, isn’t it? Making every man fall for her charm? I should have believed everything that I’ve heard about her...that she’s a tease, a gold digger, a whore.”

“Don’t call her names, Dad. She’s more than that and you know it.”

“Of course, she’s more than that, sure. She’s also a manipulative bitch who doesn’t stop until she gets what she wants and unfortunately, she was able to keep us both on a string for a very long time.”

Sahara just closed her eyes and accepted every hurtful words from Armando. She deserves it. All of it. Wala na rin naman siyang magagawa. Sirang-sira na siya, lubog na lubog na siya sa putik na siya rin mismo ang may gawa at wala nang paraan para makaahon pa.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.