Chapter 96

TUMAYO si Max mula sa pagkakaluhod sa harap ni Sahara. Tinitigan siya nito nang mabuti at saka itinutok ang baril sa ulo ni Ace, at pagkatapos ay kay Armando.

“So, Sahara, baby, nakapili ka na ba kung sino dito sa dalawang ito ang uunahin natin?”

Mula sa pagkakayuko ay dahan-dahang nagtaas ng tingin si Sahara. Natatabingan ng makapal na hibla ng buhok ang halos buong mukha nito kaya hindi masyadong maaninag ang ekspresyon ng dalaga.

“Kung ako ang papipiliin, unahin ko na ‘tong mas bata. Kumukulo ang dugo ko sa tarantado’ng ‘to, eh.” Idiniin ni Max ang dulo ng baril sa sintindo ni Ace. “Ano, baby? Tuluyan ko na ‘to?”

“Huwag!” Mula kay Ace ay binalikan niya ng tingin si Max.

“Ah, etong si Tanda ba ang gusto mong mauna?” nakangising nitong tanong sabay tutok ng baril kay Armando. “Kung sa bagay, kaunting taon na lang rin naman ang itatagal nitong matanda’ng ‘to.”

Napangiti si Sahara, na ikinagulat ng lahat. Napamaang si Armando, at nanlaki ang mga mata ni Ace. Sa simula ay napakunot rin ng ulo si Max pero agad iyong napalitan ng matamis na ngiti.

“Wala namang kailangang mamatay...sa ngayon.” Tiningnan nitong mabuti ang dalawang lalaki sa harap niya at saka ngumiti. “Pakitanggal na ‘tong tali ko, Max, please. Hindi na ‘to kailangan,” marahang pakiusap ni Sahara kay Max.

“Your wish is my command, baby.”

Lumapit ito sa kanya at mabilis na kinalagan ang kamay at paa ni Sahara habang matamang nanonood ang mag-ama na noon ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Tinulungan siya nitong tumayo pagkatapos.

“Hay naku baby ko, hanga na talaga ako sa galing mong umarte!” bati ni Max. “Biruin mo, pati ako muntik mo nang mapaniwala na talagang iniwan mo na ‘ko sa ere? Ready na 'kong dispatsahin 'tong mga 'to, eh.”

Isang matamis na ngiti ang itinugon ng dalaga. “So ano na nga ba uli ang plano natin, Max?”

“Well, ang original nating plano, pe-perahan natin ‘tong si Tanda. Pakakasal ka sa kanya at kapag nailipat na lahat sa’yo ang pera at ari-arian niya, bye-bye na.” Umakbay si Max kay Sahara at hinalikan ang dalaga sa pisngi. “Pero itong si Tisoy, hindi talaga ‘to kasama sa plano. Eh, pinikon lang talaga ako dito kay tanda kaya nadamay 'to. Ano bang gusto mong gawin natin dito?”

Tumango si Sahara at lumapit sa mag-ama. Tumayo siya sa pagitan ng mga ito. Tinapunan niya ng tingin si Armando habang ginagalaw-galaw ang magkabilang-kamay na nangalay at sumakit sa mahigpit na pagkakatali. Inayos rin niya ang pagkakabutones ng blouse at pinagpagan ang maruming parte niyon.

“Ano, dispatsahin na natin?”

“S-Sahara, a-ano ‘to?” naguguluhang tanong ni Ace habang titig na titig sa dalaga.

“Oh, why I’m not even surprised?” singit ni Armando. “Mas magugulat pa ako kung wala talaga siyang kinalaman dito.”

“Eh sira-ulo pala ‘tong matandang ‘to, eh,” iiling-iling na turan ni Max. “Ano, tuluyan na natin, baby? Tutal wala na tayong mapapala dito, eh.” Itinutok nito ang baril sa ulo ni Armando at dahan-dahang inilagay ang daliri sa gatilyo nito.

“Do it.” Diretsong tiningnan ni Armando si Sahara, wala kahit na kaunting takot sa mga mata. “I don’t care anymore. Kill me all you want. But if you think that I’ll let you steal my money just like that...” umiling-iling ito.

“’Yun naman pala, eh!”

“No!” Malakas na sigaw ni Ace. “Leave him alone and I’ll give you what you need.”

“Don’t be stupid, Jace. Huwag kang magpaloko sa mga hayop na ‘yan!” Kalmadong-kalmado si Armando sa kabila ng sitwasyon, kahit pa may nakatutok na baril sa ulo nito. “Don’t let them win and get away with this.”

Saglit na natigilan si Ace. “Just kill us both, then." His father is right. Hindi dapat siya magpatalo, lalo na ngayon.

Nagkatinginan silang mag-ama. Hindi alam ni Ace kung ano ang iniisip ng ama pero kilala niya ito at sigurado ang binata na nabawasan ang galit nito sa kanya kahit paano.

“Ang tatapang ng mag-ama’ng ‘to, ah.” Namumuo na ang mga butil ng pawis sa noo ni Max. “Ano, akala n’yo masisindak n’yo ‘ko, ha? Sa totoo lang, wala akong pakialam sa inyong dalawa at wala na rin akong pakialam sa pera n’yo, kahit milyun-milyon pa ‘yan, mga t**gina n’yo! Kayang-kaya ko kayong patayin ngayon kung gugustuhin ko kaya huwag n’yo ‘kong sasagarin!”

Hindi tinanggal ni Max ang pagkakatutok ng baril sa ulo ni Armando at kung hindi pa lumapit si Sahara para pakalmahin ito, malamang ay nakalabit na nito ang gatilyo.

“Calm down, Max,” mahinang sabi ni Sahara.

Hinimas-himas niya ang likod ni Max na agad nagpangiti sa huli. Nakuha niya ang atensiyon nito lalo na nang bigyan niya ito ng malalim na halik sa labi. Agad na hinapit ni Max ng isa nitong kamay ang kanyang baywang para ilapit ang katawan sa kanya.

“Mahal mo pa rin ba ako, Max?” pabulong niyang tanong habang abala ito sa paghalik sa kanyang leeg.

“Mahal na mahal.” Saglit na iniwan ni Max ang leeg niya para titigan siyang mabuti. “Hindi ako magkakaganito kung hindi kita mahal. Kaya kong gawin ang lahat para sa’yo, Sahara.”

Matamis na ngiti ang itinugon niya at muli niya itong hinalikan. Mas nilaliman pa ni Sahara ang paghalik kay Max hanggang sa mapaungol ito. Bahagya siyang dumilat para tingnan ang dalawang bihag. Nakatitig lamang si Armando sa kanila, tiim-bagang samantalang nakakunot ang noo ni Ace at pulang-pula ang buong mukha. Napansin rin niya na nangingilid ang luha sa mga mata nito.

“Sahara...okay lang ba sa’yo dito?” nakangiting tanong ni Max sa kanya. Nakuha naman niya agad ang ibig nitong sabihin at tumango siya. Sa simula ay nanlaki ang mga mata nito sa gulat dahil hindi nito inaasahan na papayag siyang makipag-niig nang may ibang tao, lalo na’t sa harap ng mag-ama.

Muling siniil ni Max ng halik ang leeg niya at muli, hinayaan lang niya ito. Mula sa kanyang baywang ang umakyat ang kamay nito sa kanyang dibdib at napahigit siya ng hininga nang masahihin iyon ng binata. Alam ni Sahara na darang na darang na si Max dahil ramdam na niya ang pagbukol ng pagkalalaki nito sa kanyang puson.

Hinila ni Sahara ang kuwelyo ng suot nitong polo para mahalikan ito sa mga labi. Marahan niya itong itinulak palapit sa mesa at pinasandal ito doon. Mabilis niyang tinanggal ang butones ng polo nito at pilit hinubad iyon. Bilang dalang-dala na sa mga halik at haplos ni Sahara, tila nawala na ito sa sarili at inilapag ang baril sa ibabaw ng mesa para tuluyang matanggal ang pang-itaas at mapagsawa ang mga kamay sa malambot na katawan ng dalaga.

Nanatili lang na nakapikit si Max habang pinapaliguan niya ng halik ang malapad nitong dibdib at pabalik sa mga labi nito. Napaungol siya nang maramdaman niya ang paggapang ng mga halik nito sa malulusog niyang dibdib kasabay ng paglilis nito ng suot niyang palda. Nang simulan nitong pilit ipasok ang mga daliri sa pagitan ng kanyang mga hita ay dahan-dahan niya itong pinigilan.

“Time’s up, Max.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.