NAHIGIT ni Achilles ang hininga nang pagmulat niya ng mga mata ay bumungad sa kanya ang maamong mukha ni Margareth. She was peacefully sleeping beside him.
He cannot help himself but gape at her. He could stay there all day long and look at her beautiful face. She felt so divine and soft in his arms.
Ilang minuto na niya itong pinanood habang natutulog nang gumalaw ito at unti-unting nagmulat ng mga mata. Sumalubong ang mapupungay nitong mga mata kay Achilles na halos magpawala sa kanyang katinuan.
Hindi mapigilan ni Achilles ang sarili at inilapat ang mga labi sa mga labi ni Margareth na ikinalaki ng mga mata nito.
"Good morning," he uttered.
"G-Good Morning," kiming sagot ni Margareth. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng mukha dahil sa ginawa ni Achilles at malakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Humigpit ang pagkakahawak ng binata sa bewang ng dalaga at lalo itong hinigit palapit. Ibinaon ni Achilles ang mukha sa leeg nito, nasasamyo niya ang mala-rosas nitong amoy. He felt like closing his eyes and drift off again.
Suminghap si Margareth sa pagkagulat ngunit hindi magawang manulak. "A-Achilles..."
"Let me stay here for a while," pagsusumamo nito.
Sa kabila ng pagkailang dahil sa braso nitong nakapulupot sa kanyang katawan at mukhang nakabaon sa kanyang leeg at tumatama ang paghinga nito sa kanyang balat ay hinayaan niya si Achilles sa gusto nito.
She likes it too, being close to him and being in his arms. She did not dream for that moment to happen but she never knew it was this good and fulfilling.
Sinusuklay-suklay niya ang buhok nito nang maramdaman ang mumunti patak ng halik sa kanyang leeg. Hindi niya maiwasang hindi panginigan ng laman nang mahanap nito ang sensitibong bahagi ng kanyang leeg.
Napahawak siya ng mahigpit sa balikat nito nang sipsipin nito ang kanyang balat. Hindi nanulak ang kanyang mga kamay kung 'di nang-aamot ng lakas dito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang tumungo ang mga labi ni Achilles sa likod ng kanyang tainga.
She was supposed to push him and run away from that place. But she did nothing neither of the two. Instead, she pushed her head back and gave him better access to her neck. Being in his arms and feeling his warmth on her body felt so right. Her judgment was clouded with overflowing emotions inside her.
She let a soft gasp out her lips when he suckled on her earlobe. Her eyes came out of their socket and her grip on his shoulders tightened when she felt his growing maleness on her thigh.
Achilles stopped kissing her and captured her eyes, the corners of it were misty in astonishment. He dropped a delicate kiss on her lips and closed his eyes. Pinagdikit niya ang kanilang mga noo habang naghahabol ng hininga.
"I'm sorry." He was not sorry for tasting her, he was sorry for scaring her.
"I-It's okay..." she muffled.
Achilles groaned and muttered an oath. He's in trouble.
MARAHANG dumadapyo sa kanyang balat ang marahang patak ng ulan ngunit hindi niya alintana iyon. Nanatili siyang nakatayo at nakatunghay sa puntod ng kanyang namayapang asawa at anak.
Sa mahigit apat na taon mula nang pumanaw ang mga ito ay iyon ang unang beses na pumunta siya roon. He was in denial for the past years, he just couldn't admit the fact that they were gone and he was the reason behind it. Kahit pa sabihing hindi naman siya ang bumaril sa mga ito, siya parin ang rason kung bakit ginawa ang pag ambush. It could've been him, not his innocent Claudine and Mark.
He was standing there at that moment for some reason. Kaligayahan niya ang nakataya, and he needed to let go of his past for him to move on and be happy with the woman he loves. He can't grieve forever, he needed to face this now and release all the burden in his heart.
"It's been too long. I'm sorry, I was never enough for you. Is it too much if I ask you to let me go? I want to be happy with her. For a long time, I've been living in hell, your death killed me inside and I thought that no one can bring me back to life. But I was wrong, she made me breathe, she revives my dying soul.
"She made my heart beat faster and with just her mere presence, she can lift my spirit and made me want to feel alive again. It feels blissful every time I'm with her and I could stay like that forever. I want her in my life, I need her, she's the air I breathe, she's the song my heart sings. You know that I love you, right? But I'm in love with her too, I have to let you go. I hope that you are happy for me wherever you are, I know you will be. Goodbye Claudine and Mark, you will forever be in my heart."
Tapik sa balikat ang nagpagising sa diwa niya. Nilingon niya ang taong iyon na kagaya niya ay basang-basa na rin sa ulan. "Kuya, are you done? It's raining cats and dogs." Lumakas na nga ang ulan at nagsasayaw ang mga puno dahil sa lakas ng hangin.
Isang huling sulyap ang ginawa ni Achilles sa puntod ng kanyang namayapang mag-ina bago tinakbo ang kinaroroonan ng sasakyan ni Red. Nagpasama siya roon sa pinsan dahil hindi niya alam kung nasaan ang puntod nina Mark at Claudine. Iyon palang ang unang beses na nakatapak siya roon at hindi niya pinagsisihan ang ginawa. Parang may malaking tinik ang nabunot sa kanyang dibdib.
Nakaramdam siya ng kaginhawaan ng loob sa pagpunta roon. Finally, he bade his goodbye even though it was four years late.
"Are you good?" Red asked Achilles when they settled themselves on the car seat. Minaniobra niya ang sasakyan paalis sa memorial park na pinuntahan nila.
"Yeah."
"You really love her, huh?"
"More than you could ever imagine," Achilles answered without looking back at his cousin. Nakatutok ang kanyang mga mata sa labas ng sasakyan. He even saw a woman walking in the heavy rain.
"Good for you then," Red muttered.
Sa pagtataka ni Achilles ay huminto ito sa isang tabi at lumabas ng sasakyan. He watched Red call a cab and talked to the driver.
"What was that?" tanong niya ng makabalik ito sa loob ng sasakyan.
"Charity? The woman was bathing in the rain as if she was shooting a music video." He must be referring to the woman he saw, she was walking outside the memorial park.
"You know her?" usisa niya sa pinsan na salubong ang mga kilay.
"No... I guess. She looked familiar though."
Ipinagkibit nalang niya iyon ng balikat at hindi na kinausap ang pinsan at ipinikit ang mga mata. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi ng pumasok sa kanyang gunita ang maamong mukha ni Margareth.
"THE wheels on the bus go round and round. Round and round..." Hindi maipaliwanag ni Achilles ang kasiyahang nararamdaman habang nakikinig sa dalawang babae na kumakanta.
Sinulyapan niya sa rearview mirror si Margareth at Brianna na nakaupo sa backseat. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi, isang totoong ngiti
"Daddy, sing with us," matinis ang boses na hiling ng kanyang anak.
"I don't know how," Achilles answered while his eyes were fixed on the road.
Napalabi si Brianna sa isinagot ng ama. "What can you sing then?"
Achilles scruffed the back of his head like a boy. "Ahm, happy birthday?" sagot niya na ikinahagikgik ng dalawa sa likuran.
"Promise me you'll learn how to sing?" Brianna uttered.
"Yeah? I can't—" Naputol ang pagtanggi ni Achilles nang muling mapatingin sa rearview mirror. Sandaling nagsalubong ang mga mata nila ni Margareth na nagniningning sa kasiyahan, lalong nakadagdag iyon sa ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi. Nang bumaling ang kanyang tingin kay Brianna na nakasimangot ay agad niyang idinagdag, "...I can learn a thing or two... I guess."
"Yehey!" Brianna then clapped her hands in happiness. "I'm so excited about riding the carousel. This is my first time going there with Daddy. I'm so happy rin po na nandito kayo, Mama."
Parang may dumaklot sa puso ng binata sa narinig na pag-uusap ng dalawang babae sa likuran. He had been neglecting his daughter for four years, he let his cowardice and anguish affect his relationship with Brianna. But that change now, he will make up for the years that they've lost. They will be happy from that moment on, they will be happy together, the three of them. He promised that to himself.
Masaya si Achilles na makitang masaya ang dalawa habang nakasakay ng iba't ibang rides sa amusement park na pinuntahan nila. He owe it to his daughter.
Achilles, Margareth and Brianna were a picture of a happy family and they weren't aware of that. Lahat ng makakakita ay aakalaing isa silang masayang pamilya. Si Achilles ay panay ang sulyap kay Margareth na sa tuwing mag-aangat ito ng tingin ay nagsasalubong ang kanilang mga mata at binibigyan ng ngiti ang isa't isa.
Sinakyan nila ang puwedeng masakyan, kumain sa iba't ibang kainan, wala silang ibang ginawa kundi magsaya. And for them, it was the best day of their lives.
Gabi na nang makauwi sila sa kanila.
Sumunod si Margareth kay Achilles habang karga karga nito si Brianna na nakatulog sa sobrang pagod. Hanggang sa makarating sa silid ng bata ay nakasunod siya rito.
Inilapag ni Achilles si Brianna sa ibabaw ng kama habang siya naman ay tinungo ang closet at kumuha ng pamalit ng bata.
Pagkabihis sa bata ay hindi siya agad umalis at naupo sa gilid ng kama habang nakatunghay sa payapang mukha nito. May nakapaskil pang ngiti sa mga labi ni Brianna tanda ng matinding kasiyahan.
"She'll stay with you?" she asked in a low voice. Binalingan niya si Achilles na nakaupo sa kanyang tabi, only to find out that he was staring at her.
He nodded his head and his warm hand went to caress her cheek. "Thank you."
"For what?" tanong ni Margareth at sinalubong ang mga mata ni Achilles na puno ng emosyon.
"For everything. You don't know how much you mean to me, how much you made me happy and free."
Lumamlam ang mga mata ni Margareth sa narinig. Masuyong hinawakan niya ang mukha ng binata at siya mismo ang naglapat ng mga labi nila. It was a brief kiss but it was wonderful and Achilles couldn't ask for more. "Thank you for being happy. It means so much to me, Achilles..." Margareth replied, mimicking what he said.
Naikuyom ni Achilles ang kamao sa pagpipigil sa sarili. Tumayo siya at hinila patayo ang dalaga. Inakay niya ito palabas ng kanyang bahay at hinatid sa tapat ng bahay ng mga magulang nito.
Tumigil sila sa may pintuan at hindi maiwasan ni Achilles ang damdamin. Siniil niya ng halik ang si Margareth na hindi naman tumutol sa kanyang kapangahasan.
Ikinawit ni Margareth ang mga braso sa leeg ng binata. Habang nakapulupot ang mga braso ni Achilles sa bewang ng dalaga at hinila ito palapit sa kanyang katawan.
Saksi ang buwan sa kanilang maalab na paghahalikan. Halik na dinudomina ng pagmamahal at pagkasabik. Pinakawalan lang nila ang labi ng isa't isa nang nauubos na ang hangin sa kanilang katawan.
Ngunit hindi lang ang buwan at mga kulisap ang nakasaksi sa dalawang pusong iisa ang sinisigaw, dalawang matanda ang nakatanaw sa ibaba kung saan naroon sina Achilles at Margareth.
"Matutupad na ba ang hiling ko, Darling?" tanong ni Mrs. Laurencio sa asawa.
"It was bound to happen, the Lord wants our Margareth to be happy with him."
Napangiti ang ginang sa asawa ng lingunin niya ito. "I'm glad. Let's go back to sleep, hayaan na natin sila, may edad na sila at may kakayahan nang mag-isip ng tama. And I trust Achilles, did you see how he looks at our daughter. I can see it in your eyes when you look at me."
Ngumiti ang matandang lalaki sa asawa at masuyo itong inakay patungo sa kanilang kama.
Samantala, sa ibaba ay hindi gustong bitawan ni Achilles ang dalaga ngunit kailangan. Hinintay niya itong makapasok sa loob ng bahay bago umalis at bumalik sa kanyang bahay.
Si Margareth ay napahawak sa tapat ng dibdib nang makapasok sa kanyang silid. Masayang-masaya siya ng araw na iyon.
Lumakad siya patungo sa maliit na altar na nasa loob ng kanyang kuwarto, lumuhod siya at pinagdaop ang mga palad.
She talked to him and ask for his guidance and blessing. And she knew from that moment on, everything will be alright. She trusts God's plan for her.