"GIVE me the key, now!"
Nanginginig ang kamay na ibinigay ng lalaki ang susi sa kanya. Hinablot niya iyon at mabilis na tinungo ang numerong nakalagay roon.
Hindi sana iyon gustong ibigay ng management ngunit binataan niyang kakasuhan ang mga ito. Tinawagan pa niya ang pinsang abogado, si Red, upang makausap ng namamahala roon.
His blood was boiling and he would erupt at any moment.
Mabilis niyang binuksan ang silid nang marating iyon gamit ang susi.
Nakakubabaw si Fernan kay River at pinaliliguan ng halik ang leeg ng dalaga. Ang mga kamay ay naglalakbay sa katawan nito.
Tuluyang nagdilim ang paningin ni Lucas sa nakita. Malalaki ang hakbang na pumasok siya sa loob. Marahas na hinigit niya ang lalaki at ibinalya sa isang panig ng silid.
Galit na binalingan ni Fernan ang bagong dating na siyang gumambala sa kanila. "Sino—" Napatda siya nang makita ang among nakatayo sa kanyang harapan.
Hindi pa man nakakatayo ang lalaki ay sumugod si Lucas at pinaulanan ito ng suntok sa mukha. "Bastard!" Isang huling suntok ang pinatama niya sa mukha nitong dumudugo na.
Nilapitan niya si River na nakahiga sa ibabaw ng kama at walang malay. If he was a second late, she could've been raped.
Hinanap niya ito kanina upang magsabay sila pauwi, nang hindi niya ito mahanap kung saan ay tinawagan niya ang ina. Hindi pa raw ito umuuwi ayon kay Alessandra. Nang tanungin niya ang isa sa mga empleyado sa restaurant ay napag-alaman niyang sumama itong mag-bar sa iba.
Hindi siya mapakali sa isiping iyon kaya pinuntahan niya ang sinabing bar ng empleyado. Naratnan niya ang apat na server ng restaurant sa loob, subalit wala roon ang kanyang hinahanap.
Naghinala siya dahil sa kakaibang kilos ng mga ito nang makita siya, halos mawalan ng kulay ang mga mukha at hindi makapagsalita. Napaamin niya ang apat at nalaman kung saan naroroon ang dalaga at kung sino ang kasama nito.
Ang sabi nila ay matagal nang kursunada ni Fernan si River kaya nagawa nito iyon. He put something on her drinks, he followed her when she went outside and brought her to the nearest motel.
She groaned but she didn't wake up when he carried her.
"WHAT happened to her?" tanong ni Alessandra nang makitang buhat-buhat ng kanyang anak ang dalaga. Sumunod siya sa dalawa patungo sa silid ng huli.
Inilapag niya si Maddie sa kuna at nilapitan si River na ideniposito ni Lucas sa kama.
Ipinaliwanag ni Lucas sa ina ang nangyari rito. Galit, pagkahabag at relief ang sama samang lumarawan sa mukha ni Alessandra. "Poor kid. Mabuti at walang nangyari sa kanya."
Nang sulyapan ni Alessandra si Lucas ay nakita niya itong madilim ang mukha at tiim bagang. Kilala niya ang kanyang mga anak, alam niyang galit ang panganay niyang lalaki.
"Cool your head down, Lucas. Lumabas ka muna at bibihisan ko siya." Lucas blew a heavy breath before heading out of the room.
Sa kabila ng lahat ay isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Alessandra. Hinaplos niya ang pingi ng dalaga na nakakunot ang noo sa pagtulog. She's beautiful and gentle. Halos kapareho ito ng ugali ng kanyang bunsong anak na babae. A good woman, somehow Alessandra can see herself in her when she was struggling to raise her two siblings. Hindi rin siya galing sa maykayang pamilya, problema niya ang pera noon, naging mapalad lang siya dahil sa mga desisyong kanyang ginawa sa nakaraan.
She liked her and Maddie. Nahulog na ang kanyang loob sa dalawang magkapatid sa halos isang buwang paninirahan ng mga ito sa bahay nila ng asawang si Nick. She would gladly accept her as her daughter. "Soon." Hinalikan niya ito sa noo at sinimulang bihisan.
"Mama," she muttered in her sleep.
Napangiti si Alessandra, isinantabi niya ang lungkot na nararamdaman para rito. Hindi kaila sa kanya na wala na ang mga magulang nina River at Maddie. Hindi pa ganoon katagal mula nang mangyari ang aksidente at alam niyang masakit pa rin iyon dito. Alessandra knew, she had been there.
"Yes, dear."
KINABUKASAN ay agad na nagtungo sa presinto si Lucas kung saan dinala si Fernan. Pilit niyang nilalabanan ang galit na namuo sa kanyang dibdib para sa lalaki.
Ikinagulat at ipinagtaka niya nang makita ang kakambal sa labas ng presinto. Nakasandal ito sa hood ng sasakyan at nasa bulsa ng jeans ang dalawang kamay.
"What are you doing here?" His forehead knitted even more when he saw the wicked glint in her smile.
"I miss the precinct," Niccola then shrugged. It's been three years since she quit her job as a policewoman. Pagkapanganak niya sa kanyang panganay ay hindi na siya bumalik sa trabaho. She loved her job, yes, but she loved her family more. She doesn't have regrets.
Lucas looked at her suspiciously. Before he opened his mouth to speak she already stepped inside the precinct.
Sumunod siya sa kakambal papasok sa loob, nakuyom niya ang kamao nang makita si Fernan. Hindi siya nakakuha man lang ng tulog dahil sa nangyari kagabi. He wanted to kill the brute for taking advantage of River.
Fernan asked for settlement, Lucas was almost convinced to let him off the hook. But he said something that took away all of his patience.
"Handa naman akong pakasalan siya kung natuloy ang nangyari kagabi," Fernan wished that he hadn't said those things. He saw his boss' eyes getting darker in contempt.
Akmang itataas ni Lucas ang kamao sa lalaki subalit naunahan siya ni Niccola. Umagos ang dugo sa ilong ni Fernan dahil sa suntok nito. Hindi pa ito nakuntento at kinuwelyuhan ang lalaki at tinuhod ang harapan. Namilapit sa sakit ang pobre.
"Bastard! Makukulong ka, gago!"
Pinigilan ng pulis na naroon ang galit na babae. Pulang pula ang mukha ni Niccola at nag-uumalpas ang galit para sa kaharap. It hadn't been long since she met River, but she already cared for her like a younger sister. Maggie and River grew on her, nang malaman niya ang nangyari sa huli mula sa kanyang ina ay nagalit siya sa taong may gawa niyon. She wanted to see the scum-of-the-earth bastard and threw a punch, and she already did. To hell with patience!
Nagpakawala nalang ng marahas na hiningi si Lucas dahil sa nangyari. Kapagkuwan ay napailing ng mapatingin sa kakambal at sa lalaking namimilipit pa rin sa sakit.
IKINURAP-kurap niya ang mga mata upang malinaw na makita ang taong nakaupo sa ibabaw ng kamang kanyang kinahihigaan.
Ang mga ngiti nito ay nagpapawala ng pananakit ng kanyang ulo. Gumagawa pa ng mumunting ingay na tila ba nakikipag-usap kay Maddie.
Hindi na siya nakaiwas ng tingin nang lumingon ito sa kanya at magsalubong ang kanilang mga mata.
"How are you feeling?" he asked.
"Mabuti naman... Anong nangyari?" Napahawak siya sa sentido nang manakit iyon dahil sa paghahagilap niya ng memorya kagabi.
Nanlalaki ang mga matang muli siyang napatingin kay Lucas. Hindi malinaw ngunit naaalala niya ang ginawa ni Fernan sa kanya. Tumanggi siya rito nang dalhin siya nito sa kung saan. Subalit hindi ito nakinig at wala siyang nagawa, halos hindi na niya kayang maihakbang ang mga paa at hindi niya makita ang kanilang tinatahak dahil umiikot ang kanyang paningin.
Ang sumunod niyang naramdaman ay ang paglapat ng kanyang likod sa kama, alam niyang kama iyon.
Nayakap ni River ang sarili. Kahit na wala siya sa kanyang pag-iisip kagabi ay ramdam niya ang kapangahasan ng kanyang kasamahan sa trabaho. She can feel his hands and lips on her body.
"Hindi nangyari ang gusto niyang mangyari. You're safe," pakonsuwelo ni Lucas na nakita ang takot sa mga mata ng dalaga. "I came on time, and he will never do that to you again. I'll make sure of that."
Ang isang kamay ni Lucas ay tumaas sa mukha ni River at hinawi ang buhok na nakatabing. Hindi niya mapigilan ang sarili at hinaplos ang malambot nitong pisngi. Marahan ang pagdampi ng kanyang mga daliri, hanggang sa tuluyang mawala ang takot sa mga mata nito.
"Maraming salamat..."
Isang ngiti ang naisagot ng binata. Hindi nito inaasahan ang biglang pagtaas ng palad ni River at dumapo sa kanyang mukha, partikular na sa bahaging malapit sa kanyang mata.
"Hindi sila itim..." bulalas nito ng may pagkamangha. Tila ngayon lang talaga nalaman na gano'n ang kulay ng kanyang mga mata.
Sa biglaang tingin ay hindi agad mahahalata na kulay tsokolate ang mga mata ni Lucas. Noong bata siya ay malabnaw ang kulay niyon, subalit habang tumatanda ay nag-iba ang kulay. The shade became darker as he grew older. Ngayon ay kung hindi pagtutuunan ng pansin ay hindi agad malalamang kulay brown ang mga mata ni Lucas. Hindi matagalan ni River ang mga mata nito kaya marahil iyon ang dahilan na hindi niya agad nalaman ang kulay niyon.
Lucas' breathing became heavy. He can't think straight with their proximity. It felt like there was an invisible string that was pulling him closer to her.
He gulped as he drew closer, he can see confusion and anticipation in her innocent eyes. Lucas doubted if she was even aware of her own reaction.
He inched closer and closer until her lips and his touched. The kiss was soft as a feather and sweet like honey. It only lasted for seconds. Lucas withdrew his lips and get off the bed with Maddie in his arms.
He glanced at her. She was still stunned, her eyes were fixed on the ceiling and didn't move a muscle. "We'll wait for you downstairs for lunch," he slurred. Hindi na niya hinintay ang sagot nito at lumabas na ng silid kasama si Maddie.
He needed to get out of there fast before he could do something that might scare her away. He wanted to kiss her properly, to devour her. But he can't do that, yet. One look and he already knew that she was inexperienced, pure and naïve. Ang mga kagaya nito ay hindi dapat binibigla, dapat ay dahan dahahin upang hindi matakot.
Lucas was determined to gain her trust and let her see him as a man. Now that he had tasted how sweet her lips were, he can't seem to stop himself from having her.
"Stop smiling like an idiot."
Agad siyang napatingin sa may-ari ng boses na iyon. Tinaasan niya ng kilay ang kakambal na ipinaghehele si Stefan.
"Where's Mason?" tukoy niya sa asawa nito. Halos hindi mapaghiwalay ang dalawa, kung nasaan ang isa ay naroon din ang isa pa. Madalas ang mga ito sa bahay ng kanilang mga magulang kahit na may sariling bahay ang pamilya ng kanyang kakambal.
"Nasa shop. Siya muna ang titingin doon dahil busy si Achilles." Si Achilles ay pinsan nila at kasusyo ni Liam sa negosyo. "Give me sweet Maddie, I'll give her a breastfeed," wika nito nang maibaba si Stefan sa kuna at nakatulog na.
Agad namang tumalima si Lucas at ipinasa ang bata sa kanyang kapatid.
Samantala, si River ay nanatiling nakahiga sa kama at nakatulala sa kisame. Hindi niya alam ang iisipin sa ginawa ni Lucas. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa niya ang paglapat ng malalabot nitong mga labi sa kanyang mga labi.
Ang lakas ng tibok ng kanyang puso at nahihirapan siyang huminga dahil doon. Ipinagtataka niya ang reaksiyon ng kanyang katawan. Hindi naman gano'n ang kanyang naramdaman nang halikan siya ni Leandro. Hindi nablangko ang kanyang isipan ng ilang sandali at hindi nanayo ang kanyang mga balahibo dahil sa mumunting kilabot, kaba at sa damdaming hindi niya mapangalanan na siyang nanulay sa kanyang katawan.
Wala sa loob na tumaas ang kanyang mga daliri sa kanyang mga labi. Hindi pa rin siya makapaniwalang hinalikan siya nito. Hindi naman gano'n ang halik ng isang kapatid na lalaki sa pagkakaalam niya, hindi rin gano'n halikan ng isang kaibigan ang isa pa.
Marahas na ipinilig ni River ang ulo at sinubukang hindi mag-isip. Hindi niya iyon ganoong napagtagumpayan subalit nagawa na niyang hagilapin ang isipan.
Nilinga niya ang orasan na nasa bedside table, ayon doon ay pasado alas dose na ng tanghali. Sobrang alangan na ng oras upang pumasok pa siya sa trabaho.
Nang tumunog ang tiyan ay agad na tumayo si River mula sa pagkakahiga at tinungo ang banyo upang maglinis ng katawan.
Napapikit siya habang sinasabunan ang bawat bahagi ng kanyang katawan. Muli na naman niyang naalala ang ginawa ni Fernan sa kanya. Nakakapanghina ng tuhod at nakakapanginig ng kalamnan ang ginawa nito sa kanyang katawan. Subalit hindi kalaunan ay napawi ang takot sa kanyang dibdib ng pumasok sa kanyang isipan ang ginawa ni Lucas. Pinawi ng halik nito ang kanyang takot.