"ARE you okay, sweetheart?"
Sinulyapan niya ang kanyang mother-in-law na katabi niyang nakaupo sa may backseat. "Ayos lang po, Mama. Masakit lang ang ulo ko."
"You and Maddie are family, River. Always remember that. Your problem and pain are ours," dagdag nito sabay haplos sa kanyang mahabang buhok.
"Opo, Mama." She choked her sob. She doesn't want to cry again.
Nagpagiya siya kay Alessandra nang isandig nito ang kanyang ulo sa balikat nito. She took a deep breath and closed her eyes. Hindi niya namalayang tuluyan siyang nakatulog sa kanilang biyahe pauwi sa bahay ng mga Villarama.
Nagising nalang siya ng mga tapik sa kanyang pisngi.
She smiled at Alessandra who was now caressing her cheek. Sabay silang pumasok ng bahay at naghapunan. Pagkatapos ay nagpaalam siya rito at tumuloy sa kanilang silid ni Lucas.
Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi ng mahagip ng kanyang mga mata ang laruan ng kanyang kapatid. Limang araw na ang nakakalipas mula nang isugod nila ito sa ospital ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kasiguraduhang bubuti ang lagay nito at hindi muling manganganib. Hanggat hindi nasasara ang butas nito sa puso ay patuloy itong maghihirap.
Kinuha niya ang maliit na unan ng kanyang kapatid na nasa kuna at umupo sa mattress pad na nasa isang gilid ng silid. Hinaplos ng kanyang mga daliri ang laruang nakasalansan doon kasabay nang pagdagsa ng takot, lungkot at sakit sa kanyang dibdib para sa kapatid.
Habang yakap ang maliit na unan ay humiga siya roon, ipinikit ang mga mata at tuluyang nagpatangoy sa antok at pagod.
NANG magising siya kinabukasan ay nasa ibabaw na siya ng kama at nakasuot na rin ng kanyang pantulog. Marahil ay dahil sa pagod hindi na niya namalayan ang pagdating ng kanyang asawa at ang pagbibihis nito sa kanya.
Umupo siya sa ibabaw ng kama at tumingin sa labas mula sa salaming dingding na nakahawi na ang makapal na kurtina. Uulan marahil ngayong araw dahil sa kulimlim ng kalangitan at sa malakas na hangin na nagpapasayaw sa mga puno.
Dahan-dahang bumaling ang kanyang paningin sa direksiyon ng pinto nang marinig niya ang pagbukas niyon. Ang mukha ng kanyang asawa ang bumungad sa kanya, may dala itong pagkain sa mga kamay na umuusok pa.
"Morning, breakfast in bed," anito nang makalapit sa kanya at mailapag ang dala sa bedside table, kapagkuwan ay dumampi ang mga labi sa kanyang noo.
"Magandang umaga. Wala ka bang pasok?" tanong niya habang itinatala ang mahabang buhok.
"I'll drive you to the hospital... Let me."
Umusog siya nang pausugin siya ni Lucas. Awtomatikong umunat ang kanyang bibig sa isang ngiti nang suklayan nito ang kanyang buhok at talian pagkatapos.
"I used to tie my sister's hair when I was younger... You're good to go," saad nito nang matapos.
They had breakfast in bed, though she had no appetite she still ate her food and drink the milk that her husband prepared for her.
Gaya ng sinabi nito ay inihatid nga siya nito sa ospital. Sinamahan din siya nito hanggang sa silid na inuokopa ni Maddie, naabutan pa nila ang private nurse ng bata na naroon.
Sa awa ng diyos ay stable na ang lagay nito bagaman ay kailangan pa ring i-monitor ang kalagayan ng bata. Kahapon lang ay nailabas na ito mula sa ICU at inilipat sa isang pribadong silid.
Nagpaalam ang nurse sa kanila na lalabas muna upang makapagsumiti ng report. Hindi naman daw sinumpong ang bata kagabi at payapang nakatulog. Isa iyong mabuting balita para sa kanya.
Napatingin siya kay Lucas mula sa kanyang kapatid nang maramdaman ang paghawak nito sa kanyang mga kamay.
"I need to go to work. I'll be at SC the whole day, Apollo's still not coming home. Are you gonna be alright here?"
Itinango niya ang ulo at hinalikan ito sa pisngi. "Kaya ko, Lucas. Alam kong busy ka, pasensiya na kung dumagdag pa ako. Okay lang ako rito..." Nakaramdam siya ng usig ng damdamin nang mapagtantong napapabayaan na niya ang kanyang asawa nitong mga nakaraang araw. Halos ito na ang nag-aasikaso sa kanya.
He shook his head and smiled at her warmly. "We're husband and wife, River, always remember that," wika nito na para bang sapat na iyon upang mapawi ang kanyang agam-agam.
Ibubuka niya sana ang mga labi upang magsalita nang may kumatok sa pinto ng hospital suite at bumungad ang isang pamilyar na mukha na may isang alanganing ngiti sa mapupulang mga labi.
"Hi, I came to visit," anito.
Agad na lumipad ang kanyang tingin sa kanyang asawa. Tila lalong sumama ang kanyang tiyan nang makitang nakangiti ito sa bagong dating.
"Thank you for visiting, Rox, come in, take a seat."
River was watching them as they greet each other in a cheek to cheek kiss. Hindi niya magawang ngumiti pabalik sa babae nang siya naman ang lapitan nito at halikan bilang pagbati na para bang matagal na silang magkaibigan. Where in fact she was her husband's friend, an ex-girlfriend for that matter.
Perhaps what she's feeling was jealousy. Hindi siya sigurado dahil hindi pa naman niya iyon naramdaman noon. Naaalala pa niya ang sinabi ng kanyang ina tungkol sa damdaming iyon, ayon dito ay isang pangit na damdamin ang pagseselos, ngunit natural lang sa tao ang magselos.
"I'll leave you two here," anunsiyo ni Lucas.
She closed her eyes when he captured her lips for a goodbye kiss. "See you later, my wife."
Nang makaalis si Lucas ay muli niyang binalingan si Roxanne na nakatingin din pala sa paglabas ng kanyang asawa. Kitang-kita niya ang kalungkutan sa mga mata nito habang nakatingin sa nakasarang pinto.
Tumikhim siya upang makuha ang pansin ng babae. "Salamat sa pagbisita." Hindi niya inaasahan ang pagtungo nito roon bagaman ay hindi naman niya ito kayang itaboy. Ang una at huli niyang kita sa babae ay noong isinugod nila sa ospital si Maddie.
"Can I be honest with you?" tanong nito.
Itinango niya ang ulo kahit na kinakabahan siya sa maaaring marinig.
Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan nito bago nagpatuloy. "I still like him. I realized that when I met him again after five years. I had been in a few relationships after him, I almost got married once, but the memory of Lucas is still there. Hinahanap ko sa mga lalaking nakarelasyon ko ang katulad niya. When I found out that he's married, a part of me wanted to be selfish and vile. I was angry you know? Angry for myself... for you for stealing my man, that's what I thought. It was foolish of me to think that Lucas still feels the same from five years ago.
"Rest assured, Mrs. Villarama, hindi ako manggugulo. I just want to tell you how I feel, you seem like a nice woman. You're good for Lucas."
Hindi niya alam kung paano magre-react o kung ano ang isasagot sa kaharap. Bagaman ay sinabi nitong hindi ito manggugulo ay hindi niyon nabawasan ang kaba sa kanyang dibdib. Lalo lang nakadagdag.
"Anyways, how's your sister? She's getting better, right?"
She cleared the lump in her throat before nodding. "Paunti-unti," sagot niya kahit na gusto niya itong tanungin ng mga bagay na bumabagabag sa kanyang isipan.
An awkward silence filled the room in the next few minutes. They were both staring at the baby lying and peacefully sleeping on top of the bed.
Napapitlag pa siya nang maramdaman ang pagdantay ng malambot nitong palad sa kanyang kamay. "Call me when you need help, River." Sabay abot sa kanya ng isang calling card."
"Maraming salamat." She appreciated the help she offered but that doesn't mean that she liked her more for that. Naroon pa rin ang pagdududa, insekyuridad at takot dito. Natatakot siya sa maaari nitong gawin sa kanila ni Lucas. She's everything a man wished for a wife.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang magpaalam ito sa kanya at umalis.
Muli niyang ibinaling ang buong pansin sa kanyang kapatid at muling napabuntung-hininga ng malalim.
Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito at napangiti nang hulihin ng maliit nitong kamay ang kanyang daliri. Na para bang pinapahiwatig nitong kakapit ito sa kanya kahit anong mangyari.
"Lalaban tayo, ha? Magkakasama pa tayo ng matagal, Maddie. Mahal na mahal ka ni ate, nandito lang ako palagi para sa iyo, sana gano'n ka rin. 'Wag mo akong iwan, ha?" kausap niya sa batang natutulog.
Isinubsob niya ang mukha sa gilid ng kama at doon pinakawalan ang mga luha.
Naidlip siya ng ilang sandali dahil sa kakaiyak. Nang magising ay sinalakay siya ng pagkahilo at pagsama ng tiyan.
Agad niyang tinakbo ang kinaroroonan ng banyo nang maramdamang lalabas ang lahat ng laman ng kanyang sikmura. Bagaman ay ilang araw na siyang nakakaramdam ng biglaang pagkahilo ay noon lang siya dumuwal ng ganoon. Halos masaid ang lahat ng kanyang kinain kaninang umaga sa dami ng kanyang isinuka.
Naramdaman niya ang palad na humahagod sa kanyang likod at ang paghawi sa kanyang buhok mula sa kanyang mukha ng kung sinuman. Nang wala nang maisuka ay nilinis niya ang kanyang kalat at ang kanyang mukha.
Nakaramdam siya ng matinding panghihina dahil doon. Mabuti nalang at naroon si Alessandra at inalalayan siya palabas ng banyo at pinaupo sa mahabang sofa. Agad din siyang binigyan ng tubig ng private nurse na marahil ay kasama nito sa pagtungo roon.
"Are you feeling better now?"
Tango lang ang kanyang naitugon dito dahil masakit ang kanyang ulo. Ipinikit niya ang mga mata at isinandal ang ulo sa sandalan ng sofa. Kahit nakapikit ay ramdam niya ang mga tingin ng kanyang mother-in-law sa kanya.
Pagkaraan ng ilang sandali ay narinig niya itong bumuntung-hininga at hinawakan ang kanyang mga kamay. Agad naman siyang nagbukas ng mga mata.
"Kaya mo na bang tumango?" Tumango siyang muli rito. "Come, follow me," wika nito at inalalayan siya sa pagtayo.
Pagkatapos ibilin sa nurse ang bata ay inakay siya ni Alessandra palabas ng hospital suite. Lalo yata siyang nahilo nang sumakay sila sa elevator patungo sa kung saan.
"B-bakit?" tanong niya rito nang makita kung saan siya nito dinala. Tanging ngiti ang isinagot ni Alessandra sa kanya.
Kumatok ito sa pinto at pagkaraan ng maikling sandali ay bumungad sa kanila ang isang doktora na napangiti nang makita si Alessandra.
Malabo ang pangyayari para kay River sa mga sumunod na sandali. Namalayan na lang niyang nakahiga na siya sa ibabaw ng examination bed habang nakatunghay sa kanya ang nakangiting doktora at ang kanyang mother-in-law.
Nang lumapat ang malamig na gel sa kanyang tiyan ay napapitlag siya, kasunod niyon ay ang paglapat ng probe sa bahaging iyon ng kanyang katawan.
"That's your baby..."
"H-ha?"
"Base on the size of the fetus and your LMP, you're six weeks pregnant. Congratulation, Mommy..."
She can't open her mouth to utter even a single word. She was in awe.
"Oh my god! This is a very good news, River. Thank you," bulalas ni Alessandra na halatang tuwang-tuwa sa nalaman. Hinawakan nito ang kanyang kamay at marahang pinisil.
The next minutes felt surreal. Ilang tests pa ang ginawa ng doktora sa kanya at ilang tips at paalala sa kanyang pagbubuntis. Tanging tango lang ang kanyang nagawa, kasalungat niya si Alessandra na napakaraming tanong na malugod namang sinagot ng obstetrician.
"K-Kailangang malaman ito ni Lucas, Mama," aniya nang makabawi. Naroon na sila sa loob ng silid ni Maddie at nakaupo sa upuang katabi ng kama ng kapatid. Hindi lang naman siya ang mag-isang gumawa ng bata. Hindi niya alam kung anong magiging reaksiyon ni Lucas sa malalaman.
Ngayon lang tila na-absorb ng kanyang utak ang katotohanang buntis siya. Gusto niyang umiyak sa saya sa kaalamang may buhay na pumipintig sa loob ng kanyang katawan. Pangarap niyang magkaroon ng anak at maging isang ina.
"No, sweetheart, we'll surprise him later at dinner. He will be very delighted to hear the good news."
Tumango nalang siya rito bilang tugon. Nang hilahin siya nito palapit at ipaloob sa mga braso ay ginantihan niya ang mainit na yakap ng kanyang mother-in-law.
Alessandra planned to announce to the family her pregnancy during dinner. She felt anxious and excited about it at the same time.
"Magiging tita ka na, Maddie. Magpagaling ka agad, ha, aalagaan mo pa ang mga magiging pamangkin mo," usal niya kasabay ng pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. A bittersweet tears.