KINAKABAHANG sinulyapan niya ang kanyang mother-in-law na katapat niyang nakaupo sa harap ng hapag. Alessandra smiled at her reassuringly.
They wait till the dessert was served before Alessandra dropped the bomb. "We have an announcement to make..." Panimula ni Alessandra na inilibot ang paningin sa mga taong naroon sa loob ng kusina.
Lucas' sibling was there aside from Niccola and Sandor who was in the state. Nakaupo sa pasimano si Nicholas Villarama, sa kabila nito ay ang asawang si Alessandra.
"We have good news, River's pregnant," masiglang anunsiyo ni Alessandra.
Ang pagbagsak ng kutsara sa pinggan ang nagpa-angat sa kanya ng tingin patungo sa kanyang asawa. Nakaawang ang mga labi nito at namilog ang mga mata. Napawi lang ang kaba sa kanyang dibdib ng makita ang biglang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito.
"Y-You're pregnant?"
She nodded meekly. Nabigla siya ng bigla siya nitong higitin at siliin ang mga labi sa harap ng pamilya nito.
"God, thank you," he muttered and kissed her forehead.
Masaya siyang malaman na masaya ito sa kanyang pagdadalang-tao. Perpekto na sana ang lahat at wala na siyang mahihiling pa kung wala lang si Maddie sa ospital ngayon.
Everyone was happy about her pregnancy. But that's not the only bomb that Alessandra threw.
"And Snow's pregnant too..."
"H-ha?" Bigla ang pag-angat ng dalaga na kanina pa tahimik habang kumakain sila ng hapunan. Wala siyang ganang kumain ngunit pinilit niya ang sarili kahit walang lasa ang kinakain. "M-Mom, you know?"
Snow glanced at her father who was looking at her seriously. Alam na marahil nito dahil hindi ito nagulat. "I-I'm sorry..." Iniyuko niya ang ulo sa kandungan upang hindi masalubong ang mapanuring tingin ng mga kasama.
"You're pregnant?!" si Lucas na tuluyang naproseso ang narinig. "You can't you be pregnant, Keishia Snow?! What is this, Mom? Did you know? Kailan pa?"
"Let us handle it, Lucas Nicholai!" Nicholas commanded.
Hinawakan ni River ang braso ng kanyang asawa upang pakalmahin ang galit nito na nagsisimula nang bumulusok. Lucas blew out a deep ragged breath and brush his hair in frustration.
"I'm your mother, I raised you, I know what's happening in your life," said Alessandra.
"Bring that man to me wherever he may be, Keisha Snow," utos ni Nick sa mariing tinig.
NAG-IBA bigla ang simoy ng hangin dahil sa natuklasan ng lahat. Kinausap ng mag-asawang Nicholas at Alessandra si Snow. Dinala naman niya si Lucas sa loob ng kanilang silid upang kalmahin ang damdamin nito.
Mahahalatang galit ang asawa sa nalaman, hindi nito matanggap na nabuntis ang bunsong kapatid ng isang lalaking hindi nito gusto.
Sinundan niya ito hanggang sa balkonahe ng kanilang silid. River bit her lip when she heard him muttered an unprintable expletive. He must be very angry.
"Damn that man! I told him to stay away with my sister!"
"I'm sorry, Lucas. May maganda naman sigurong rason at paliwanag kung bakit nangyari 'to." Muntik na siyang mapaatras ng bigla siya nitong tingnan gamit pa rin ang galit nitong mga mata.
"That man clearly abused my sister's innocence!" he snarled. Bumugo ito ng malalim at marahas na hininga bago mariing ipinikit ang mga mata. Nang magmulat itong muli ay wala na ang galit sa mukha at lumambot ang ekspresyon habang nakatingin sa kanyang asawa. "I'm sorry."
Ngumiti siya rito at ipinalibot ang kamay sa katawan nito. She placed her cheek on his chest and whispered, "Magiging maayos din ang lahat, Lucas."
Ilang sandali silang nanatili sa ganoong posisyon bago niya naramdaman ang paghalik nito sa tuktok ng kanyang ulo at ang bahagyang paglayo nito sa kanyang katawan. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at tinitigan ang kanyang mukha. "You're pregnant," he muttered softly.
She nodded her head and bit her lip. "M-masaya ka ba, Lucas?"
"Knowing that you're pregnant with my child is the happiest moment in my life so far, my wife."
Hinawakan nito ang kanyanag mukha at nang bumaba ang mga labi nito sa kanya ay ipinikit niya ang mga mata. His kisses always made her dizzy in ecstasy, could turn her legs into jellies and it could ignite the fire inside her.
Nang pakawalan nito ang kanyang mga labi ay niyakap siya nito mula sa likuran habang nakatunghay sila sa ibaba mula sa balkonahe ng kanilang silid.
"Hindi ka na galit?" tanong niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito.
"I'm still angry with that man."
"May aamin ako..." Kumabog ang dibdib niya sa kaba. "'Wag ka sanang magagalit, ilang linggo ko nang alam na may kasintahan si Snow," pag-amin niya. Nang hindi ito tumugon ay tiningala niya ito. "Galit ka?"
Bumuntung-hininga ito bago ikiniling ang ulo. "I will never be angry at you, my wife."
"NO, Mrs. Villarama. I'm sorry to say this but we can't perform surgery on her at this stage. Her new lab results are out and it is positive that she developed this syndrome called Eisenmenger Syndrome."
"What do you mean, Doc?" Lucas asked.
River looked at the doctors in front of her with a puzzled and worried expression on her face. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa tatlong doktor na nasa kanyang harapan, isang cardiologist, pulmonologist at isang pediatrician.
Akala niya ay kukumbinsihan na naman siya ng mga ito na ituloy ang operasyon. Ngayong handa na siyang suungin ang panganib at makabuo ng pasya ay nag-iba naman ang sinasabi ng mga doktor ni Maddie.
Naluluha na siya sa takot dahil alam niyang may mali.
"Eisenmenger Syndrome is a condition that affects the blood flow from the heart to the lungs. Nadedevelop ang ganitong kondisyon sa mga taong may problema sa puso, lalo na sa mga kagaya ni Maddie na may Ventricular Septal Defect. Hindi sapat ang hangin at dugong dumadaloy sa katawan ng pasyente. Surgery is not advisable at this point, medically, she won't make it. I'm sorry but the only thing that she needs to have right now is heart-lung transplantation."
Tila gumuho ang kanyang mundo dahil sa narinig. Ang tanging naintindihan niya ay ang huling sinabi ng cardiologist ngunit sapat na iyon upang iparating sa kanya na napaka-kaunti ng tiyansa ni Maddie upang mabuhay. Where the hell would they find a heart and a lung for Maddie?
"Oh god!" bulalas ni Alessandra na nasindak sa narinig.
"W-wala na po bang ibang paraan?"
Nang umiling ang mga doktor ay hindi na niya napigilan ang mga luha sa pagtulo at napahagulgol. Paano na sila ngayon, paano na siya?
Nakalimutan niya ang mga tao sa kanyang paligid at inilabas ang lahat ng sakit sa kanyang dibdib.
Walang magawa si Lucas kung 'di yakapin ang kanyang asawa. May luhang pumatak mula sa kanyang mga mata ngunit agad niya iyong pinahid at pinigilan ang sariling maging mahina. Ang kanyang ina at ang kapatid niyang si Krishia na naroon din ay hilam ng luha ang mga mata. Why does it have to be Maddie, for Christ's sake. She's just an innocent child!
Kahit anong pakiusap nito sa asawa ay hindi pa rin niya iyon mapatahan. Kinailangang turukan ng sedatives si River upang makalma, subalit kahit tulog na ito ay may mahihinang hikbi pa ring kumakawala sa mga labi. It was painful for him seeing his wife in that state.
"What will we do, Nicholas?" rinig niyang tanong ng kanyang ina sa kanyang ama na nakaupo sa mahabang sofa ng silid na inuokopa ni River.
"I don't know, Love, I don't know."
Naikuyom niya ang kamao. Wala silang magagawa sa ngayon kung 'di ang maghintay ng donor para sa bata. Subalit napakaliit din ng tiyansang makakuha sila, ang sabi ng doktor ay libo-libo ang nag-aantay ng heart at lung donor. And it wasn't easy to find a heart donor, that person need to die first before he can donate his organ!
"Damn!"
Itinukod niya ang dalawang siko sa ibabaw ng kama habang ang kanyang mga kamay ay nakasabunot sa kanyang buhok. He need to do something!
LUCAS never left his wife's side, he wanted to be there when she wake's up. Hindi rin naman umalis ang kanyang mga magulang sa ospital at inaasikaso ang mga bagay na may kinalaman kay Maddie na muli na namang dinala sa ICU.
Hindi siya pumasok sa opisina kahit na may board meeting sa SC ngayong araw at may appointment siya sa isang investor ng Rigo Cuisine. Hindi rin naman siya makakapagtrabaho ng maayos habang iniisip ang kalagayan ng magkapatid.
Bandang hapon ay dumating ang half-sister ng kanyang ina na si Adeline. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib sa dala nitong balita.
"I talked to a friend of mine who was working in California regarding Maddie's case. I helped her once when we're both a resident doctor in PMH, she offered help. She got Maddie's name on the donor's waiting list. Nasa ikatatlong daan siya ng mga maghihintay." Matagal pa rin iyon kung susumain, ngunit mas mabuti na rin iyon.
Pagkalipas ng ilang sandaling pananatili ay umalis na si Adeline kasama ang kanyang mga magulang. He was left alone with his wife who was still unconscious.
Hinalikan niya ito sa tapat ng tiyan kasabay ng paghawak niya at pagpisil sa kamay nito. Telling her that he was there for her, no matter what.
Kapagkuwan ay isinubsob niya ang ulo sa kama at ipinikit ang mga mata.
NAALIMPUNGATAN siya nang maramdaman ang paghagod ng kung sinuman sa kanyang buhok. Nang magmulat siya ng mga mata ay agad na sumalubong sa kanyang paningin ang mga luhang pumatak mula sa mata ng kanyang asawa.
Nakikita niya ang tagilirang bahagi ng mukha nito, nakatutok ang paningin nito sa kisame kaya hindi nito napansin na gising na siya.
He sighed before raising his head from the bed and hold her hand all at once. Tears of pain were running down her cheeks and it broke his heart. The corner of his eyes stung but he won't let his tears fell.
He sat on the bed and wiped the grief away from her face, only to be replaced by another gushing and another. Her tears were uncontrollable.
"Hey," he called. But she was still staring at the ceiling with eyes full of pain and hopelessness. Dinala niya sa mga labi ang kamay nito at hinalik-halikan ang likod ng palad, hindi siya tumigil hanggang sa lumingon ito sa kanyang direksiyon.
"L-Lucas," she muttered as if she's only aware of his presence now.
"I'm here, I'm always here, my wife," he assured.
Agad niya itong tinulungang umupo ng umahon ito mula sa pagkakahiga. Nang yumakap ito sa kanya ay ibinalik niya ang yakap kasabay ng paghagod sa likuran nito.
"H-hindi ko kakayanin kapag nawala siya, Lucas. B-bakit sa kanya pa nangyari ito, okay naman siya noong mga nakaraang araw, eh. Okay naman siya noon eh, bakit siya..?" She kept on mumbling incoherent things while sobbing.
"Shh... everything will be alright, we will get through this together..." Sa halip na mapayapa ay lalong lumakas ang pag-iyak nito kasabay ng marahas na pag-iling.
"Stop crying, please, for our baby..." he pleaded and kissed her crown.
Ipinagpasalamat niya ng unti-unting humina ang pag-iyak nito. He knew she's trying hard to stop herself from crying.
Nanatili siya sa tabi nito hanggang sa tumigil ito sa pag-iyak. Hindi niya pa sana ito bibitawan nang biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang private nurse na itinalaga nila para magbantay kay Maddie. Humahangos ito at puno ng kalituhan at takot ang mukha kaya bumundol ang kaba sa kanyang dibib.
"S-si Maddie," iyon lang ang sinabi nito ngunit agad niyang nakuha na may hindi magandang nangyayari sa bata.
"A-anong nangyayari?" tanong ni River sa paos na boses. Mabilis itong bumaba ng kama dahil sa pagkataranta.
"Hey, careful." Inalalayan niya ito sa pagbaba dahil hindi pa ito ganoon nakakabawi ng lakas.
"D-dalhin mo ako sa kanya, Lucas, pakiusap..." she pleaded.
Inakay niya ito pasunod sa nurse at patungo sa kinaroroonan ng ICU.
"No!" he muttered when he saw what was happening inside.
Kahit na agad na nanghina ang kanyang katawan sa nasaksihan ay nagawa pa rin niyang saluhin at alalayan ang kanyang asawa nang bumigay ang mga tuhod nito.
Kasabay nang pagtulo ng mga luha nito ay ang pagtakip nito sa bibig upang pigilan ang hagulgol na kumawala mula sa bibig. But its no use.
Pumuno sa buong pasilyo ang mga hikbi ni River at ang paos na pagsigaw habang nakatingin sa kanyang kapatid na sini-cpr ng doktor sa loob ng ICU. Lupaypay na ang katawan ng bata at nakabaling sa kanilang direksiyon ang mukha nitong wala ng halos kulay.
Aligaga ang mga doktor sa loob at sinusubukang iligtas ang bata. Every second that passed was painful and full of grief to River and Lucas who was there to witness that heart-wrenching scene.
That solid flatline beep from the machine was deafening and excruciatingly painful.
Life was unpredictable, full of struggles and mishaps. But why does an innocent child needs to suffer? Why does it have to be her? Why does it have to be them?