"How's your training? Baka masyado kang nagpapagod diyan ha? Did you eat your breakfast already?" I asked him the moment he answered the phone call.
"Kalma, love. I'm still breating here," he said and it was not even relevant to the questions I asked him earlier!
Tinapat ko sa mukha ko ang cellphone ko saka ko siya sinimangutan na nagpatawa naman sa kaniya. "What?" he asked laughing a bit.
"I'm not asking if you are breathing or not. Of course, you're breathing because you were able to talk to me right now!" inis ko sa kaniyang sabi na nagpangiti lang sa kaniya.
"Kalmahan mo lang kasi. Hindi naman ako mamamatay rito eh, kung makatanong ka naman diyan," sambit niya sa akin kaya napairap ako.
"I'm just being concerned here," I told him and turned off my camera for him not able to see my annoyed face.
"Hey! Don't turn off your camera!" reklamo niya pero hindi ko siya sinunod.
"I'm doing something and you are not allowed to see it," pagsisinungaling ko dahil naiinis lang ako sa kaniya.
Pinipikon niya ako kanina kaya siya naman ang pipikunin ko ngayon. "Gad, Savannah." he sighed on the phone.
Napahilamos din siya sa kaniyang mukha kaya natawa ako nang mahina para hindi niya iyon marinig. "Sino si Gad?" I asked to annoy him more.
"Come on, Sav. Let me see your face," he exclaimed but I didn't open my camera.
"Ang pangit ko, Octav. Baka nagsasawa ka na sa mukha ko sa kada video call nating dalawa," I said as I can control myself not to laugh. "By the way, may pupuntahan kami mamaya nila Kennedy." sambit ko saka in-open ang calendar application ng cellphone ko.
Yeah, I am now using the calendar on my phone about my schedule. Hindi ko naman kasi palaging nakikita ang mga sticky notes na nakadikit sa pader ng kwarto ko sa harapan ng study table. Mas mainam na rin na may copy pa rin ako ng mga gagawin at kailangan kong ipasa sa school sa pamamagitan nito.
Well, palagi namang nasa tabi ko ang cellphone. And one more thing, it was very convinient.
"Sav," tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa screen kahit hindi niya ako nakikita.
I even raised my brows at my phone facing him.
"What if I tell you that I'm pregnant?" he asked that made my heart beats faster than usual.
"Ha?"
"I said, what if I tell you that I'm pregnant?" tanong niya kaya mas lalo akong kinabahan.
I opened the camera so that he could see my face. Kung ano man ang nasa isip niya ngayon ay hindi ko alam! I hope he was just pranking me!
"N-Nakabuntis ka?" kinakabahan kong aniya.
He smiled because of what I said that made me confused. "Hey! Nakabuntis ka ba?!" inis kong tanong sa kaniya.
Malamang sa malamang ay hindi naman siya mabubuntis dahil wala siyang matres!
"Tangina naman, Octav!" inis kong asik sa kaniya ngunit tawa lang ang natanggap ko sa kaniya. "This was what I'm thinking over the weeks, Octav! Na paano na lang ako kung makahanap kang iba riyan?!" inis kong sambit sa kaniya at kung nasa harapan ko siya ay baka nasampal ko na siya.
Damn! Isang buwan pa lang naman siya roon pero ganoon na kaagad?!
"Don't laugh at me! Tangina!" I shouted.
"Hey! Kalma, Sav." mahinahon niya pa ring salita kahit na ako ay naghaharumentado na.
Gusto kong maiyak kung tama nga ang nasa isip ko. Fuck! Nakakapanghina siya ng loob!
"I can't calm down, Octav! N-Nakabuntis ka?" I asked him again.
Tumawa na naman siya na akala mo naman ay may nakakatawa talaga sa pinag-uusapan namin. Fuck him! How can he laugh over that serious matter?!
He promised to me!
"Napaparami na yata ang kapeng iniinom mo. Kalmahan mo lang kasi." he told me but I could't calm down! "I just said that I'm pregnant, I didn't said that I got another girl pregnant."
"Eh ano? Napaka-imposible naman kasi ng sinasabi mo. You exclaimed that you're pregnant!" asik ko sa kaniya.
Sapakin ko kaya siya?!
"That was exactly my point, Sav. Me getting pregnant is so impossible, so as you said that you're ugly." he calmly said that made me rolled my eyes.
"Alam mo namang maganda ka, kaya bakit mo sinabi sa akin kanina na pangit ka kaya ayaw mong i-open ang camera mo? It was so impossible that you're ugly, Sav." aniya at ngumiti sa akin.
"Well, ayos din naman pala ang sinabi ko dahil nakita ko ulit ang magandang dilag na aking minamahal." he said as if he was a poet on his voice tone.
Nang kinahapunan ay pumunta rito sa bahay sila Haisely at ang usual na nagaganap ay pinagpaalam nila ako kay Tita. Sakto rin dahil maagang umuwi sila ngayon kahit ala-singko pa lang ng hapon. In fact, I don't really want to go with them because I know that I was just going to be the 7th wheel of our group.
Una yatang alis ulit namin na wala akong kasamang lalaki pakaalis ni Octav dahil madalas ay sila-silang couple na lang ang nagkakasama. Wala namang bago kay Haisely at Azi dahil palagi naman talaga silang magkasama dahil magkapitbahay lang naman sila.
Kulang na lang yata na roon na rin tumira si Azi sa bahay nila eh.
On the other hand, Kennedy was also with Jayden Mykel.
Si Ralph naman ay may kasamang lalaki rin. I don't know if they were just friends kaya mas mainam na hindi na ako sumama. Baka maging bitter lang ako eh.
Eh 'di sanaol hindi ba?
"Ang baby ng barkada," bungad ni Haisely nang pumasok sa bahay nila Tita.
"Wala naman kasi talaga akong balak sumama." I told her.
"No, you're going with us whether you like it or not." sabat naman ni Kennedy na naka hawak-kamay pa kay JM.
"Gagawin n'yo lang akong 7th wheel eh." ani ko kaya napatawa sila.
"Kasama naman natin si Octav mamaya. He was going to join us virtually dahil alam naman naming magtatawagan kayong dalawa." sambit niya kaya inirapan ko siya.
"Gaga ka talaga," I told her.
"Matagal ko na 'yang alam. Kahit nga pamilya ko ay iyan din ang sabi nila sa akin." sambit niya at may pait ang mga salita. "Anyways, kung gusto mo ay p'wede namang mag-aya si Ralph ng kaibigan niyang lalaki para may ka-join ka." pag-iba niya kaagad ng usapan.
"No way, Ken." Ralph said while shaking his head. "Baka biglang umuwi si Octav para lang mabugbog ako. Sayang ang maganda kong mukha," aniya kaya napangiti lang ako.
"Oo nga pala, pero wala naman kayong label bilang mag-boyfriend at girlfriend kaya ayos lang 'yon, Sav." pagpupumilit niya ngunit umiling lang ako.
Yeah, even though we're not yet official, I felt like I have the responsibility to be faithful to him.
"Oo nga pala, hindi nga pala tayo. Hanggang dito na lang ako, nangangarap na mapasa' yo." pagkanta pa ni Kennedy at damang-dama pa ang bawat lyrics.
She even closed her eyes just to annoy me. Kapag ito talagang babaeng 'to nawalan ng lalaki sa buhay, ewan ko na lang sa kaniya! Nakakainis siya! Porque kasama niya ang JM niya!
"Teka lang, magbibihis lang ako." I told them and went upstairs to my bedroom. Matapos kong magbihis ay nakisakay na lang ako sa kanila Azi at Haisely. Alam ko naman kasing pipikunin lang ako palagi ni Ken kapag sa kanila ako sumama.
"How's Octav in his training?" Azi asked while he was driving.
See? Kaya rito ko gustong sumama dahil mas may sense kausap si Azi. Siguro dahil pinsan niya rin naman si Octav. JM and I are not yet so close, I am still uncomfortable with him.
"Maayos naman daw," I answered. Tumango si Azi sa sagot ko saka niliko ang kotse papuntang kanan.
"Nasabi niya na ba sa 'yo na aabutin ng isang taon ang training niya roon?" tanong niya ulit.
Napakunot pa ang noo ko dahil sa sinabi niya. Octav didn't mentioned anything about that matter. Akala ko ay ilang buwan lang naman ah?
"Hindi naman," I said calmly.
"Ohh, I thought he already told you about that." aniya at saka tumahimik na kaming muli.
Kung ganoon pala ay mapapatagal ang stay ni Octav sa Manila habang nagti-training. Hindi naman ako nakakaramdam ng galit sa kaniyang gayong hindi niya 'yon sa akin nasabi.
Pakarating namin sa bar ay kaagad kaming pinapasok ng guard doon. We already considered ourselves as 18 years old. Mabuti nga ay hindi na namin kailangang makipagkulitan sa guard. Nang umupo kami ay kaagad kaming nag-order ng beer habang hard drinks naman sa mga lalaki naming kasama. Though, I knew that we girls were the one who'll get wasted tonight, especially that boys will drive us home.
"Anong pakiramdam na wala sa tabi ang bebe, Sav?" pamimikon sa akin ni Ken kaya inirapan ko siya.
"Shut up," I glared at her that made her laugh.
Ilang minuto lang din ang hinintay namin nang dumating na ang mga order namin. We even ordered pork sisig as our pulutan. Ako ang unang lumantak sa sisig dahil nagutom ako bigla sa amoy noon, lalo na at ang init pa!
"Sav, inom ang pinunta natin dito at hindi para lumamon ah," pagpapaalala sa akin ni Ken kaya inirapan ko siya.
"Kapag kayo naghiwalay ni JM, isusumpa rin kita." I rolled my eyes on her but I still smiled after I do it.
"Never gonna happen," she said as if they were already official.
Eh nasa talking stage pa nga lang sila. Hindi pa nga siya nililigawan ni JM! Anyways, she's right though because they will not broke up where in the first place, they are not in a relationship.
"Never gonna happen my ass," asik ko sa kaniya.
Natawa na lang ang mga lalaki naming kasama rito pati na si Haisely na tumikim na rin ng sisig. Hindi lang din nagtagal ay uminom na kami nang uminom hanggang sa hindi ko na namamalayan na ilang na bote pala ang naiinom namin. My head felt spinning yet I knew that I'm still with myself.
Napahawak ako sa ulo ko nang bigla akong tumayo para hanapin ang bag kong dala-dala kanina. When I stood up, I saw it behind my back, so I get it and there I heard that someone was calling me. I answered the call immediately and went back on my seat.
Naglalampungan na ang mga kasama ko rito habang nang tingnan ko sila kaya napailing na lang ako. Damn! Dapat talaga ay hindi na lang ako sumama eh!
I rolled my eyes on them as I answered the call and it was Octav who was calling.
"Are you still-- definitely you're still there." bungad ni Octav sa tawag.
Hindi ko naman alam ang sasabihin kaya naman ay hinintay ko na lang siya na magsalitang muli. "May mga lalaki ba riyan?" tanong ni Octav sa akin.
"Of course," I answered honestly.
Malamang ay bar ito kaya talagang may mga lalaki rito. "Azi told me that he brought a closed friend of him. Katabi mo raw ngayon?" he asked me that made my forehead creased.
"What are you talking about?" tanong ko sa kaniya.
Napatingin ako kay Azi at sakto namang napatingin siya sa akin kaya pinagkunutan ko siya ng noo. Anong sinasabi niyang closed friend? At lalaki?
"What?" Azi mouthed when I was looking at him for almost 3 seconds.
"Anong sinabi mo kay Octav na may kasama tayong lalaking kaibigan mo?" kunot-noo kong tanong sa kaniya nang bigla na lang siyang napangiti habang tumatawa.
"I was just tripping on him," sambit nito at saka napangiti pa.
Napatingin na rin sa amin si Haisely at saka tinanong ang boyfriend niya. Sinagot naman siya ni Azi kaya pinagalitan niya ito.
"Hey, Sav?" tawag sa akin ni Octav.
"He was just tripping on you," I told him but he just answered me his heavy sigh.
"Can you open your cam for me?" tanong niya kaya naman ay in-open ko na lang iyon at saka timapat sa aking mukha. "You're already drunk, aren't you?" may inis na tanong niya sa akin ngunit umiling ako.
I can't see my reflection very well on the camera because of the dancing lights over here. "Wala nga akong kasamang lalaki rito," pag-iiba ko ng usapan dahil magagalit siya sa akin gayong lasing na nga ako.
"I know, hindi mo naman 'yon magagawa sa akin." he said confidently. "I was now talkung about you being drunk. Wala ako riyan sa tabi mo kaya huwag ka masyadong magpakalasing," paalala niya sa akin kaya napairap ako.
"I cam manage myself, Sir Octav." I told him.
"Nice," dismaya niyang salita at saka napiling. "I'll end this call already. Magpakasaya ka riyan habang wala ako," aniya at saka tinigil na ang tawag kahit hindi pa ako nakakapagpaalam sa kaniya.
Umirap na lang ako sa harqp ng cellphone ko at sunod-sunod lumagok ng alak na kaagad namang hinawi sa akin ni Azi ang baso nang pang-anim na. I glared at him but he just glared at me too.
"You're drunk," mariin niyang salita kaya umirap ako.
"Yes, but you don't have a care on it, okay?" inis kong sabi sa kaniya.
"Sabihin na nating wala akong pakealam, but you are my cousin's girl. And you are one of my responsibility now," mahaba niyang litanya kaya napairap ako at sinandal na lang ang likod ko sa backrest ng sofa na inuupuan ko.
Azi went back on his seat and put Haisely's head on his shoulder that made me pity for myself. The backrest of the sofa is all I have now. Bumalik na rin si Kennedy at JM sa kanilang inuupuan na ngayon ay may kung ano nang ginagawang milagro. While I can't find Ralph because the dance floor was too wild already.
Natulog na lang ako nang may kirot sa dibdib ko. I miss him already. I miss Octav but I couldn't do anything because it was for himself.
Pangarap niya rin namang sumakay sa barko and he deserve to fullfil it. At ngayong isang taon ang training niya ay nakakapanlumo dahil hindi ko alam kung sa loob ng isang taon na iyan ay p'wede ba kaming magkita o makakauwi ba siya rito sa Bicol.
"Kumain ka na, Sav." tawag sa akin ni Tita Suzette at tamad ko naman siyang sinagot ng opo.
It has been seven months already after Octav went to his training. Akalain mo nga namang pitong buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi ako sanay. I was just missing more each day passes by.
Umuwi siya rito noong nakalipas na tatlong buwan at masaya ko naman siyang nakasama kahit tatlong araw lang naman siya nag-stay rito. Nakaka-miss lang dahil hindi na katulad noon na kahit sa school ay nakakasama ko siya kahit na hindi naman kami masyadong nagpapansinan.
Siguro nga ay maayos na ang nakikita namin ang isa't isa at hindi nag-uusap ngunit nakakapag-usap at nahahagkan namin ang isa't isa pagkatapos ng klase. Kaysa naman ngayong bihira na nga lang kami mag-usap ay hindi pa kami nagkikita.
"What the hell, Glez?!"
Napabalikwas ako ng bangon nag marinig ko ang sigaw ni Tita Suzette sa baba. Hindi lang iyon basta sigaw dahil pakiramdam ko ay puno iyon ng galit. Kaagad akong bumangon sa aking kama at saka bumaba ng aking kwarto para tingnan kung ano ang nangyayari sa baba.
And there I saw Ate Glez crying and kneeling in front of Tita Suzette. Napailing si Tita habang dismayang nakatingin sa kaniyang anak.
"M-Mommy... I'm sorry..." umiiyak na salita ni Ate Glez sa kaniyang Mommy.