"Anong balak mo ngayong birthday ni Rina?" tanong sa akin ni Haisely kaya napatingin ako sa kaniya.
"I still don't know since I am still preparing for the next board exam for Mechanical engineering." sagot ko sa kaniya na kaagad naman niyang binigyan ng isang malalim na hininga. "Ayos lang naman sa anak ko na hindi bongga ang magiging birthday niya ngayon. I already told her that I am prioritizing this upcoming board exam." I added.
Alam ko naman kasi sila eh. They will still insist to celebrate Sabrina's birthday with elegant birthday party or at least for the kids. But thing is, I don't want Sabrina's birthday be a burden for them. Ilang taon na kayang nagbibirthday si Rina na sila lagi ang sumasagot dahil nga kinukulang kami.
And if you're wondering, I already graduated in Mechanical engineering. It's been a year since my first take of board exam for mechanical engineer but then again I failed. Alam mo 'yon? Iyong parang sinumpa akong tao na hindi dapat ako maging successful. Binigay ko lahat oras ko sa pagre-review para roon, but I still failed the exam.
Well, it's a self- review because I prioritized Sabrina Reginald's milk supplies and food rather than I enrolled for review centers. Haisely, Kennedy and Ralph offered that they will going to pay for the review centers and I should enroll, but I refused.
Pakiramdam ko kasi ay ang dami ko nang utang na loob sa kanila.
"Kami na nga kasi ang gagastos nila Kennedy," pagpupumilit niya pa pero umiling ako.
Hindi iyon p'wede dahil simula nang pinagbubuntis ko pa lang si Sabrina ay labis na ang sinakripisyo nila!
Ngayon ay gusto kong maging simple na lang ang handaan. I just want it to be me, Sav, my family including Ate Glez and Rhea and my friends on her birthday. Ang gusto ko lang ay simple pero hindi pumapayag ang mga Ninang at Ninong na ganoon lang!
They wanted Sabrina's birthday to be elegant and invite more kids as possible. But I knew that my finance will shortened! It's not enough!
"Ipunin n'yo na lang muna iyang mga pera n'yo para sa magiging anak n'yo. Masyado ninyo nang pinaggagastusan ang anak ko!" I said and rolled my eyes but she Haisely being Haisely.
Magpupumilit pa siya! Eh lalo na kung sinabayan pa siya ni Kennedy? Eh mas kotang-kota iyon sa ganito!
"Sige nga isipin mo kung kailan kayong dalawa ni Rina naging pabigat sa amin?" she babbled.
"Fine, mag-dagat na lang tayo sa birthday niya." I replied that made her smiled as if she was a kid.
"Teka nga pala, kumusta na kayo ni Azi?" I asked. Nagkibit-balikat siya sa akin at saka napatingin sa malayo. "He's still not responding on your messages?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.
I saw sadness in her eyes but her lips was still on its usual curve.
"I was still sending him messages almost everyday. Pero ni-isang reply ay wala akong natanggap mula sa kaniya," reklamo niya at kahit na hindi niya na sabihin ay alam kong malungkot siya.
I didn't know what was exactly happening to their relationship since I was busy with my studies. Ngunit iyon nga, ang huli kong balita sa naging problema nilang daalwa ni Azi ay tungkol sa Mommy ni Azi. Well, kung ang Papa nga ni Haisely ay nagalit sa ginawa ng Mommy ni Azi kaya kaming dalawa ni Kennedy ay mas galit din.
She is our best friend and no one can insult her like that, 'no!
"Sa tingin mo ba ay magmamahal siya roon ng ibang babae habang kami pa?" bugla niyang tanong kaya naman ay napatingin ako sa kaniya.
Being her closed friend, I can't stand myself when I see her like this. Haisely being Haisely. Alam ko nang maaaring marami na siyang iniisip ngayon dahil sa hindi pag-message sa kaniya ni Azi.
Alam ko naman na baka busy roon si Azi pero mag-iisang buwan na yata eh. Yet until now, we don't know what happened to him.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa tanong ni Haisely. Kasi kahit ako ay ganiyan din ang nasa isip ko simula nang mag-training si Octav. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang balita mula sa kaniya. Well, I was the one who cut him off of my life to save his career because he deserve it.
Bumaba kami ng jeep ni Haisely saka pumasok sa loob ng bahay. Kaagad naman akong sinalubong ni Rina. "Mommy! I missed you!" cute niyang sabi at saka ako hinalikan sa aking pisngi.
"Do you have pasalubong for me?" tanong niya kaya nasapo ko na lang ang noo ko.
Gosh! I forgot to buy her pasalubong!
Ganiyan kasi palagi ang set up naming dalawa kapag ganitong galing ako sa review center. It was already 7 PM in the evening! Pagod na pagod rin ako ngayon dahil bago ako pumasok sa review center ay pumasok pa ako sa trabaho noong umaga.
"Gosh, baby! I forgot!" I stuttered and looked at her.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Haisely dahil biglang lumungkot ang mukha nito. Napakamatampuhin pa naman nitong bata!
Parang si Octav!
"You don't love anymore, aren't you?" she pouted.
I controlled myself not to smile because she was too cute and adorable. Kahit si Haisely ay napatalikod sa kaniya dahil natawa rin sa itsura ng anak ko.
Ang haba pa naman ng nguso niya kapag ganito.
Umupo ako para magkatapat kaming dalawa at saka ginulo ang kaniyang buhok na kinainis niya. Tingnan mo 'tong bata ito, ang arte kapag nagtatampo!
"Of course, Mommy loves you. I just forgot to buy you pasalubong because my mind was too preoccupied earlier." I calmly explained to her. "Babawi na lang ako sa susunod, p'wede ba iyon, anak?" tanong ko sa kaniya.
I cupped her face and kissed her cheeks. Hindi pa rin siya nagsalita at mukhang nagtatampo pa talaga siya! Paano ba kasi paamuhin itong bata ito? Paniguradong aabot na naman ng limang oras ang pagsusuyo ko sa kaniya kapaghindi pa kami ngayon nagkaayos.
I'm tired but I don't want her to be mad on me just because I didn't buy her pasalubong!
"Babawi na lang ako sa susunod, anak. Or if you want, we'll going to beach on your birthday. Is that okay with you now?"
I saw how her bad mood changed into a happy one now. Napatingin na rin siya sa akin dahil sa sinabi ko na kahit si Haisely ay napatingin na rin sa akin.
"Talaga ba?!" tuwang-tuwa pa na tanong ni Haisely na akala mo siya itong bata. "I'll inform Kennedy about this right away," aniya kaya kaagad ko siyang pinanlakihan ng mga mata.
Ni-hindi ko pa nga sigurado kung may pera ba ako nyan!
Tumingin ako kay Rina at hinalikan ang kaniyang pisngi, "But Mommy is still not sure okay. If we're not going to beach, I'll give you a birthday present instead. It's that okay with you?" pangungumbinsi ko sa kaniya pero nagbago na naman ang kaniyang mukha.
"Baby?" tawag ko sa kaniya dahil hindi na naman siya nagsasalita.
"I want to go to the beach, Mommy." she said and pouted after three seconds.
I even tried to convince her through my eyes but it doesn't have an effect on her. Nakakalungkot pa naman na makitang malungkot din ang anak ko. As much as possible, I want her to experience the things that I didn' experience when I was kid. I was trying to give her the things that she wanted but not this time because our finance is not yet stable.
"We'll go, Rina. Gusto mo ba 'yon?" sabat ni Haisely kaya kaagad na tumango si Rina.
Napatingin pa siya sa akin na parang nagpapaalam pa siya ngunit tiningnan ko na lang siya.
"Gusto ko 'yon!" masiglang sambit ni Haisely at hinalikan sa pisngi si Rina. "Tita-Ninang will bring you to the beach with Tito-Ninong Ralph and Tita-Ninang Ken. Are you excited?" sambit ni Haisely kaya naman nakangiting tumango ang anak ko.
"Yes, Tita-Ninang!" ani ng anak kong masigla na ulit ngayon.
Napatingin siya sa akin ngunit alam kong wala naman nang reaksyon ang mukha ko kaya umiwas siya ng tingin sa akin.
"Tita-Ninang, what?" tanong ni Haisely at mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapan.
"Tita-Ninang Pretty!" ani ng anak ko kaya napailing na lang ako.
"Iwan ko muna kayo, magbibihis muna ako," I told them and left.
See? My daughter is always being spoiled by them. Ibibigay nila ang mga bagay na hindi ko maibigay at pakiramdam ko ay utang ko na ang buhay ko sa kanila.
Kaya nga kung kailangan ibigay ko ang buhay ko sa isa sa mga kaibigan ko ay iaalay ko. Pero sana hindi naman 'yon mangyari 'no!
After that day, Haisely went back home in the afternoon. Ang anak ko namang napangakuan ni Haisely ay hindi na makapaghintay sa kaniyang birthday. At nga pala, I already moved into a small apartment with Rina and Mama. Nasa trabaho pa ngayon si Mama kaya wala pa rito sa bahay at may pinadalang taga-alaga naman kay Rina dahil palagi kaming wala rito sa bahay ni Mama.
She was kind and my former classmate when we were in high school. Her name was Trisha. Hindi na siya nakapagtapos dahil kinulang na rin sa pera at dahil na rin paka-graduate namin sa highschool, she got pregnant right away.
"Trisha, ready na ba ang mga gamit ni Rina?" tanong ko sa kaniya at kaagad naman siyang tumango. "Iyong gatas, damit, bote ng dede niya?" tanong ko sa kaniya at tumango siyang muli.
But yeah, being a mother, I have to alwasy check first my daughter's belongings. Na kahit tumango na sa akin si Trisha ay ichi-check ko pa rin iyon. Well, ayaw ko namang magutom ang anak ko sa byahe kaya dapat ay hinding-hindi mawawala ang gatas, tubig at ang bote ng kaniyang dede.
"Are you excited, Rina?" that was Kennedy with her high pitch voice.
"Yes, Tita-Ninang Beautiful!" masiglang-masiglang bati ni Rina sa kanila.
Nasa likod na ni Kennedy si Haisely, JM at Ralph.
"Happy birthday, Sabrina Reginald!" bati ni JM at inabot ang pulang sobre kay Rina.
"Hoy, nag-abala ka pa!" wika ko kay JM ngunit nginitian niya lang ako.
"Naku! Itago mo 'yan, Rina ha? Baka kasi utangin ng nanay mo!" ani Kennedy kaya sinamaan ko siya.
"Ang feeling mo! May sariling bank account ang anak ko at nandoon lahat ng perang binigay sa kaniya simula nang pinanganak siya, 'no!" I told her and rolled my eyes.
"Mommy, see!" tawag sa akin ni Rina at pinakita ang perang binigay ni JM.
I smiled at her and pat her head. "Doll! Barbie doll!" wika niya at tuwang-tuwa kaya napangiti na lang din ako.
Kahit hindi pa niya masyadong mabigkas ang salitang barbie doll ay naunawaan ko pa rin iyon.
"Tara na?" tanong ni Haisely kaya tumango na ako at kinarga si Rina.
I smiled at her and kissed her cheeks multiple times. "Are you excited, baby?" I asked her even though I knew that she was excited the moment I asked her last time.
"Aye! Aye, Captain!" aniya kaya hinalikan ko pa muli ang kaniyang pisngi.
Sumabay kami ni Mama, Sabrina at Trisha kay Ralph habang si Haisely ay nakisabay na lang din kay Kennedy. Kennedy has already her own car, ngunit ang nagmamaneho no'n ay si JM.
"Oh, there were a lot of people in the beach. Just behave and always stay by my side, okay?" tanong ko kay Rina at nakangiti naman siyang ngumiti sa akin.
I took a picture of us. I can see how happy my daughter is and that made me also happy. Walang tutumbas sa saya na nararamdaman niya ngayon dahil kasama niya ang mga taong importante sa kaniya.
Iyon nga lang ay hindi makakasama si Tita at Tito Glen dahil may inaasikaso. While Ate Glez and Rhea was also busy with their stuffs.
"Yes, Mommy." Rina answered and kissed me on my lips. Nabigla pa ako sa ginawa niya kaya naman ay kiniliti ko ang kaniyang tagiliran. "Mommy!" reklamo niya ngunit tawang-tawa naman siya.
"Ano nga ulit ang sasabihin kapag tinanong ka kung ano ang pangalan mo?" tanong ko kay Rina kaya napabaling siyang muli sa akin.
She fixed herself and put the strands of her hair on the back of her ears. Napangiti ako sa kaniyang ginawa dahil automatic niya iyong ginagawa kapag tinatanong ko siya kung ano ang pangalan niya.
"My name is Sabrina Reginald Teodoro," she answered and smiled at me.
"How old are you now?" I aksed her again.
"I am two years old, Mommy." aniya kaya napangiti akong muli.
"What's the name of your Mommy?" I asked her again.
Sumimanngot siya sa akin ngunit sinagot niya pa rin naman ang tanong ko sa kaniya. "Savannah Caroline Teodoro," sagot niya.
"Mommy, may tanong din ako." aniya kaya inayos ko rin ang aking upo kagaya ng ginawa niya kanina. Natawa pa siya dahil sa ginaya ko siya. "What's the name of Daddy? I didn't see him for a long time ever again," sambit niya na bulol pa.
Natahimik kaming nasa loob ng kotse dahil sa tanong niya sa akin. I didn't saw it coming from her mouth. Ilang taon pa lang naman siya eh. She was just two years old yet she asked me that question.
"H-He's far away," sagot ko na lang at umiwas ng tingin mula sa anak ko.
"'Kay," she said and there was sadness on her tone.
"You can sleep for a while. Mamayang pagkagising mo ay nandoon na tayo sa beach," sambit ko sa kaniya na kaagad niya namang sinunod.
Maaga pa naman at alam kong antok pa siya kaya mabilis siyang nakatulog. I kissed her forehead and made our cheek touched each other.
"I love you, Sabrina." I said to her.
"I love you too, Mommy and Daddy."
Ilang oras ang byahe at nang makarating kami roon ay kaagad na nagkuhanan ng mga litrato. I saw how my daughter happy seeing the beach. White sand pa naman ang pinuntahan namin kaya kumuha siya roon at sinaboy iyon sa hangin.
I took a video and photo of her playing on the white sand. Her little smiles was my strength. Alam ko man na nagkamali ako noon ngunit tinatama ko iyon ngayon. I failed a lot of people's expectations from me just because I got pregnant but I made it until today.
At kahit na napag-chismisan pa ako na nabuntis nang maaga ay wala na akong pakealam. I mean, yeah, I still care about it and it made me stressed but I got used to it.
At kahit na alam kong blessing si Rina sa buhay ko ay nagkasala pa rin ako. But I am trying to correct the things I have done wrong. Mahirap ang magkaanak nang maaga lalo na at wala si Octav sa tabi ko pero sa tuwing nakikita ko ang ngiti ni Rina, I knew that I still have her and she was the blessing I didn't expected.
"Rina, finger heart!" ani Kennedy at pinakita pa kay Sabrina ang kamay niyang naka-finger heart.
Rina followed her and smiled to the camera I was holding. Natawa na lang ako dahil mali naman ang pagkakagawa niya ng finger heart. She even compared her Tita-Ninang Ken's finger heart and to her.
Nang matapos ko siyang kuhanan ng mga litrato ay kinuhanan din kami ni Ralph ng litrato. I smiled to the camera and Rina also. I carried her, we posed every pose we can do. Karga-karga ko siya, hinalikan ko ang pisngi niya habang siya naman ay nagfi-finger heart sa camera.
"You're cute," Ralph said with smile on his face.
"Thanks, Ralph. Ano ka ba, eh kami lang 'to ano!" ani ko kaya natawa siya.
Bumalik kami sa cottage kaya naman ang nagbantay kay Rina ay si Mama at Trisha. Inayos namin nila Kennedy ang pagkain sa lamesa. Rina's cake was on the middle top corner of the table. Kulang pink iyon dahil at may theme na barbie. Iyon kasi ang madalas niyang panoorin sa tv.
"Sav," tawag sa akin ni Ralph kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Kailan mo balak sabihin ang pangalan ni Octav kay Rina?" tanong niya sa akin na hindi ko man lang inaasahan.
"M-Maybe on the right time?" hindi ko siguradong sagot sa kaniya kaya napailing na lang siya.
"Octav's family is here in the Philippines, Sav. Why don't you try to tell the truth? After all, Rina was also Octav's responsibility as well as them," aniya kaya umiling ako.
"Ni-wala nga akong contact kay Octav eh. Baka may asawa na siya sa ibang bansa kaya paano ko naman sasabihin sa pamilya ni Octav?" I asked them.
"Eh 'di sabihin mo, oh apo n'yo kasi nag-sex kami dati ng anak n'yo pong si Octav." ani Kennedy kaya tinapon ko sa kaniya ang bote na walang laman. Natawa naman ang gaga.
"Rina is slowly getting curious about her real father, Sav. Kailangan niya rin namang malaman kung sino ang ama niya." wika naman ngayon ni Haisely kaya tumungo na lang ako.
Inayos ko ang pagkakapatong ng cake sa karton nito at saka ko siya tiningnan.
"I-I'm not ready to face them after years, guys. And don't worry because I'll be able to introduce Sabrina to her father but not now." ani ko sa kanila.
"Siguro ay kapag nagkita na lang kami ulit."