Chapter 36

"I-I'm not ready to face them after years, guys. And don't worry because I'll be able to introduce Sabrina to her father but not now." ani ko sa kanila. "Siguro ay kapag nagkita na lang kami ulit." dagdag ko ngunit hindi sila kumbinsido roon.

"Mommy, look!" napatingin ako sa gawi ni Sabrina at pinakita niya sa akin kung paano siya lumangoy.

Her feet was so glumpsy while trying her very best to reach Trisha. Mayroon naman siyang salbabida kaya hindi siya malulunod.

"Ang galing naman!" papuri ko sa kaniya kaya mas pinag-igihan niya ang kaniyang paglangoy. "Go, Sabrina! Anak ko 'yan!" I cheered her up that made her smile.

At dahil bata pa lang naman siya ay hindi niya maabot-abot si Trisha kaya naman ay nagsisigaw na siya roon. "Tita Trisha! Don't go away!" bulol niya pang salita at sumigaw pang muli.

Napailing na lang ako sa kaniya dahil naiinis siya sa ganoong ginagawa ng Tita Trisha niya. Well, if you're wondering why, I told Rina to call Trisha Tita even though they are not relatives because I don't want Rina to call her Yaya or Nani. Mas maganda naman na ang tawagin siyang Tita Trisha dahil magkababata naman kami.

Even though Trisha bullied me when I was in high school. Well, she changed a lot, especially on her characteristics. Mabait na siya ngayon at nakikita ko naman iyon kung paano niyang alagaan si Rina.

I could see how she changed after her life has fallen into pieces. Siguro ay dahil mayroon na rin siyang anak.

"Enough na, baby!" tawag ko sa kaniya kaya naman ay kinuha na siya ni Trisha at umahon.

I carried her and let her stood up on the stool so she could blow the candle. Kinantahan namin siya ng happy birthday na ikinatuwa naman niya. My friends took a picture of me and my daughter.

I even let her dress up again her red dress, so that she could feel that she was the real celebrant. Nakapula rin kasi akong damit kaya baka akalain ng iba ay ako ang may birthday.

"Happy birthday, Sabrina Reginald!" we all greeted her the moment she blew the candle.

Kinarga ko siyang muli at saka hinalikan sa kaniyang pisngi nang ibigay ko ang kaniyang regalo. "What was your burthday wish, baby?" I asked her.

"I wished you to pass your board exam, Mommy." nakangiti niyang sabi.

I didn't know but I almost cried of what she said. For god's sake, she was just three years old yet her mindset was surreal.

"Why are crying?" tanong niya sa akin kaya mas lalong hindi ko napigilan ang sarili kong hindi maiyak.

Indeed, I love my daughter so much as much how she also loves me. Her smiles, her hair, her warm touch, her cute baby face, her little hands. I love everything about my daughter.

Niyakap niya ako nang mahigpit at saka naramdaman ko pa ang paghaplos niya sa aking likod. I couldn't help myself but to let my daughter saw how her Mom cry over little things.

"It's okay, Mommy. I love you so much." aniya at saka hinigpitan pa ang kaniyang yakap.

"Akala ko si Sabrina ang may birthday? Bakit parang inaalo tuloy ng anak ang ina?" panghihimasok na naman ni Ken kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Binatukan tuloy siya ni Haisely at sinamaan ng tingin ni Ralph. Minsan talaga ay pangit ang timing ng babaeng ito!

"Don't cry, Mommy." sambit ulit ng anak ko at kumalas sa pagyayakapan naming dalawa. "I know you can do it. I love you so much," wika niya at mukhang iiyak na rin nang magtama ang mata namin.

"I love you too more than anything else, mahal." I gently told her and kissed her cheeks. Nang tingnan ko ang mukha niya ay naka-pout na siya at hindi ko na naman tuloy maiwasang matawa sa itsura niya.

Naiiyak ang anak ko!

"Oh? Why are you crying also?" I asked her and controlled myself not to laugh.

"Masyado naman kayong emosyonal na mag-ina!" ani Mama kaya napangiti na lang ako.

Ayon na nga at naiyak na talaga ang anak ko!

"You made me cry eh! I don't want to see you crying, it's breaking my puso." aniya na conyo pa kaya natawa na tuloy ako.

Ganoon din sila Ralph dahil sa istura ni Sabrina. "You made me cry, Mommy!" asik sa akin ni Sabrina.

"I didn't told you to cry! I'm sorry!" I told her and hugged her tight.

Matapos naming mag-iyakan na mag-ina ay napagdesisyunan ko nang ako naman ang magbabantay kay Rina. Sabay kaming naligo sa dagat at tuwang-tuwa na naman siya lalo na kapag sinasabuyan niya ako ng tubig dagat.

"Hey! Stop it, baby!" wika ko sa kaniya ngunit hindi na lang pala siya ang sumasaboy ng tubig sa akin dahil kasama niya na si Kennedy at Haisely.

"Mommy! Ang ganda mo!" wika ni Rina kaya natawa na lang ako ngunit saboy pa rin siya nang saboy sa akin ng tubig dagat.

"Hey! Stop it guys!" I scolded Kennedy and Haisely because the water almost got into my ears.

Kaagad akong pumunta sa gilid at umahon mula sa kanila. Sumunod din tuloy sa akin si Rina sa akin at saka pa lang tumigil sa pagsasaboy ng tubig sila Haisely.

"Mommy, you sit here." Sabrina told me, so I followed her.

"What will you do with Mommy?" tanong ko sa kaniya ngunit tawa lang ang natanggap ko sa kaniya. "Kapag ikaw may kalokohan na naman ha," pagbabanta ko sa kaniya kaya mas lalo siyang natawa.

She put sand on my legs that made me laughed. "You'll burry me on the sand?" natatawa kong tanong sa kaniya kaya tumawa siya habang nakailing.

"I'll just put sand on your body. Tita Kennedy said that it was good for the skin." aniya at saka tiningnan si Kennedy na nakatawa lang sa akin.

Letche talagang Kennedy 'to!

"Ilagay ko kaya 'tong buhangin sa mukha mo?" I uttered and controlled myself not to sound mad at her.

Nakakainis siya! Kung anu-ano na lang ang tinuturo sa anak ko!

"Let me help you put sand on Mommy's skin, baby." ani Kennedy kaya pinalo ko ang braso niya.

Wala na akong nagawa dahil nasiyahan naman ang anak ko sa ginagawa nilang tatlo. Sumama na nga rin si Haisely dahil inaya pa siya ni Rina na siyang sinabihan ni Kennedy. Nang magsawa sila sa paglalagay ng buhangin sa katawan ko ay inalis din nila kaagad iyon.

Rina almost cried because I couldn't stand because they burried me on the sand. Natawa na nga lang ako dahil ang sabi niya ay mapapatay raw ang Mommy niya. Kaya naman tuwang-tuwa ang gagang si Kennedy dahil umiiyak ang anak ko.

"Sav, do the lava walk and you'll follow Mommy, okay?" utos na naman ngayon ni Kennedy kay Sabrina kaya inirapan ko siya. "Tanggalin mo nga ang tapis sa katawan mo!" asik niya pa sa akin at saka inalis ang balabal na naka patong sa may baywang ko kaya naman ay naka two piece na lang ako ngayon.

"Woah! Gandang akala mo ay hindi nanganak ah!" ani Haisely kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Woah, you pretty!" Rina complimented me.

I couldn't resist myself to smile at her.

Kaya ang nangyari ay pinag-model ako nila Kennedy at Haisely. On the other hand, Ralph took a video of me and Rina doing modelling under the sun. Ang init-init pa naman kaya ramdam ko ang init sa balat ko.

"Can you also do the lava walk, baby?" tanong ko kay Rina at kaagad naman siyang tumango.

I did the lava walk as what the famous model do it. Ginaya nga iyon ni Rina ngunit muntik na siyang matumba nang pag-ikot niya.

We spent the whole day together celebrating my daughter's birthday. Binigyan ko pa rin naman ng regalo si Sabrina kahit na hindi naman niya talaga iyon kailangan. Ang dami niya nang laruan na bigay ng mga Ninang at Ninong niya pati na ang damit. But of course, I want her to feel that she deserves the things that we all giving to her.

Nang kinahapunan ay umuwi rin kami kaagad. Two years has passed by until I didn't realized that it was already the day that I am going to take our Mechanical Engineering Board Exam again.

Labis ang kabang naramdaman ko noon ngunit nabawasan nang mabasa ko ang mga mensahe sa akin nila Haisely. And most especially, the good luck by my very own beautiful daughter, Sabrina. I was very nervous that time but I really tried my best to answer each and every question on the exam.

Pakatapos no'n ay pansamantala pa rin akong nagtatrabaho para may pangbili ng gatas ang anak ko. Mama is hekping me also with my finance, especially the rent of the house.

"Sabrina, may laruan ka pa sa bahay, hindi ba?" I calmly told her.

She pouted and put back the barbie doll on the shelf. Naawa ako kaya naman ay pinagpantay ko ang mukha naming dalawa at ngumiti sa kaniya.

"Mommy is not angry, okay?" tanong ko sa kaniya kaya kaagad naman siyang tumango. "I just don't want to buy you another toys because you still have one in our house. Do you understand, anak?" I gently asked her.

Tumango siya sa akin at hinalikan ko naman ang kaniyang noo. Hindi naman niya nakuha ang gusto niyang laruan na naman ay kinuhanan ko na lang siya ng litrato na kasama ang gusto niyang mabili kapag nasira na ang kaniyang laruan.

"Do you want this, baby?" I heard someone asked Sabrina.

Napatingin ako sa nagsalita at labis ang gulat ko nang makita ko siya matapos ang maraming taon. He changed a lot, from his body build unto his face. He also looked matured now.

Tumango ang anak ko sa kaniya kaya naman ay hinawakan ko ang kamay ni Sabrina nang mahigpit. Damn! How will I face him after so many years?

"Anak mo ba, Ate?" tanong sa akin ni Melgie kaya tumango ako sa kaniya nang marahan.

He smiled at me and so I smiled back. But my heart was beating faster after facing him right now.

"She looks so beautiful," aniya kaya ngumiti ako sa kaniya.

"Thank you po. Mommy is beautiful also," ani Sabrina kaya napangiti sa kaniya si Melgie.

"Get the toy that you want and I'll pay it for you," ani Melgie na ikinagulat at kinaalerto ko.

Kaagad naman na sinunod ng inosente kong anak si Melgie ngunit kaagad ko rin iyong binalik sa lalagyan. "H-Huwag na, Melgie. Salamat na lang," kinakabahan kong aniya.

Damn! So this is how it feel?

To face the one of his family members!

Melgie is Sabrina's Tito but they didn't know about it both!

"Sige na, Ate. Mura lang naman ang gusto niyang laruan," pagpupumilit ni Melgie kaya naman ay wala na akong nagawa kung hindi ay pagbigyan siya. "Nakakaawa ang bata eh, at saka Christmas naman na ngayon kaya ayos lang." aniya kaya tumango na lang ako.

Pumunta kaagad kami sa counter para bayaran ni Melgie ang biniling barbie doll para kay Rina. I thanked him but inside me was still uncomfortable of his presence. Sinong mag-aakala na sa laki ni mall na ito ay magkikita pa kami rito?

"Thank you po!" Rina also thanked Melgie for buying her gift.

"Salamat talaga, Melgie. Babawi na lang ako sa susunod," sambit ko sa kaniya.

"Okay lang 'yon. Saka ka na bumawi kapag Registered Engineer ka na," aniya kaya ngumiti ako sa kaniya.

I didn't know that he was updated about me huh? Sabagay ay friends naman yata sila ng mga kaibigan ko.

To tell you why, I blocked him on facebook after breaking up with his brother.

"Paano ba 'yan? I gotta go," aniya kaya ngumiti ako at tumango sa kaniya. "Ingat kayo ni Sabrina," dagdag niya pa saka siya tuluyang naglakad paalis.

"He's too kind, Mommy!" ngiting-ngiti sabi ng anak ko kaya tumango ako sa kaniya.

Melgie and Octav are too kind, Sabrina.

"Oh? Sino 'yon?" tanong ni Haisely sa akin nang magkita-kita muli kami.

Nandito kasi sila sa mall at sa totoo ay magkakasama kami ngunit ang sabi nila ay may pupuntahan lang daw sila saglit.

"Isn't it Melgie Marquez?" Ralph asked and I simply nod at him.

"Tara na at mag-grocery," wika ko kay Sabrina at iniwasan ng tingin si Ralph dahil alam ko na ang nasa isip nila.

"Kailan nga ulit ang kasal ninyong dalawa ni Azi, Haisely?" tanong ni Kennedy kay Haisely kaya napatingin din ako sa kaniya.

"Next year pa. Pinag-iisipan namin na baka sa February na lang." sagot niya kaya tumango kami. "Brides Maid kayo ha," aniya kaya tumango kami kaagad sa kaniya.

"Kahit kami pa ang humatid sa 'yo sa altar ayos lang," ani Ken kaya nairapan siya ni Haisely.

"Supermarket tayo, mamimili lang ako ng food stocks sa bahay," tugon ko sa kanila at iniba ang usapan.

"Ikaw Sav, kailan ka ikakasal?" tanong sa akin ni Ken at halata mo namang namimikon na naman siya.

"Ikaw, Ken? Kailan ka mamamatay?" I mocked her that made her rolled eyes on me.

At dahil ako ang nag-aya na pumunta sa Supermarket ay hinayaan na lang nila akong mamili ng mga pagkain namin. Mama was not with us since she was om duty today. I also needed to bring Sabrina with us because I have been busy the past few days due to my work.

Gusto ko namang bigyan siya ng panahon para kami ang magkasama. Pero ang masama lang ay mas kino-consider niyang kasama sila Kennedy katulad ngayon. She was now with Kennedy, Haisely and Ralph becaue I am here busy buying for our food stocks.

But I was surprised to saw Haisely beside me. Mukhang may pinagtataguan pa siya na kung sino dahil tumingin pa siya sa paligid naming dalawa.

"Is there any problem, Haisely?" tanong ko sa kaniya nang naguguluhan.

She took a deep breath that made me nervous of what she wanted to say.

"U-Uuwi si O-Octav sa kasal naming dalawa ni Azi, Sav." she muttered and stared straight into my eyes.

Kumalabog ang puso ko nang marinig ang kaniyang balita. Damn! I forgot about that thing!

I forgot that Azi and Octav are cousins, so there were really a possibility that we will meet.

"T-That's good, I guess?" hindi ko siguradong saad.

Hinawakan ni Haisely and balikat ko at seryoso pa rin akong tiningnan sa mga mata.

"Octav is Azi's Best Man on our wedding, Sav."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.