Napakurap ang mga mata ko sa tanong niya sa akin. I looked at the dress and then back to his face again but I couldn't look straight into his eyes!
"W-Why?"
I tried my best not to sound nervous and worried because of his acts. Tangina! Bakit ba naman sa lahat ng tatanungin niya ay ako pa?! At bakit nasama si Rina rito sa usapan naming dalawa ha?!
He smiled at me and looked at the dress he picked up.
"What I mean is, will this dress suits Sabrina?" aniya kaya naguluhan lang ako lalo sa kaniya. "I mean, magkapareho kasi sila ng size at skin complexion ng anak ko." he told me.
That immediately broke my heart.
How come he would ask me that question?!
I mean, for pete's sake, hindi ba siya nahihiya na sa akin pa siya nagtanong ng ganiyang tanungan? Kasi para sa akin ay napaka-manhid niya kung ganoon.
He promised me before that the last lady he would fall in love was me yet he has another baby from another girl? Ni-hindi niya ba natanong sa sarili niya na maaaring nagbunga ang ginawa namin noon?
Tangina niya pala siya eh!
"Hey? Am I talking to someone?" he said to caught my attention.
Nang tawagin niya ako ay roon ko lang naalala na tulala na pala ako sa kaniyang harapan. I shook my head and diverted my gaze from him.
"Ahh... Yeah, that's nice for your daughter." I told him and looked at the other guy who was looking also a dress for his daughter I guess.
"Miss, can I ask for a bigger size of this dress?" tanong sa akin ng lalaki kaya naman kaagad akong dumalo sa kaniya.
I was about to walk away from Octav but he grabbed my arms. Nang dahil sa ginawa niya ay muntik pa akong ma-out balance! "What the fuck?!" inis kong asik kay Octav saka dali-daling umalis sa pagkakasalo niya.
My heart beats fast like before when I was still in college. Tangina! I shouldn't feel this, especially that he has his own family already!
"Miss? Hanggang anong oras kayo magtititigan ng lalaking iyan?" inis na tanong sa akin ng customer kaya naman ay nag-bow ako sa kaniya at saka naghanap ng bigger size na hinahanap niya.
Nang pagbalik ko ay napairap ako dahil nandoon pa rin si Octav sa kaninang pwesto niya. He was still looking for a dress. Gusto ko tuloy biglang mag-break na lang muna dahil hindi ako makakapag-trabaho nang maayos kapag nandito siya!
His presence is suffocating me for pete's sake!
"Ito Miss, may size 10 ba kayo nito para sa bata?" tanong na naman ng lalaki kanina kaya naman ay pumunta na ako sa kung saan niya ito kinuha at saka naghanap ng size 10.
When I finally found the size that he wants, mayroon na naman siyang pinapahanap sa aking size!
Nakakainis pa dahil mukhang nananadya pa siya!
But what I can do, right? I am sales lady!
Nang naghahanap na ako ng damit na small size ay may biglang umupo na rin sa tabi ko. He even copied every move I make. Sa inis ko ay tiningnan ko siya nang masama.
"Can't you mind your own business, Sir?" tanong ko sa lalaking ito.
But the thing he did was just smiled at me!
"Can I ask a favor from you?" tanong niya sa akin.
"Mamaya mo na ako kausapin." I told him and handed the dress that the guy wanted.
Ngunit labis na lang talaga ang inis ko nang humingi na naman siya ng ibang size. Labis pa ang gulat ko nang sumabat sa usapan namin si Octav.
He was madly angry!
"Wala ka bang sariling mga mata at kamay para maghanap ng kailangan mo?" inis na tanong ni Octav sa kaniya.
Sa gulat ko kay Octav ay kaagad kong kinurot ang kaniyang tagiliran at pinaningkitan siya ng aking mata. Ginawa ko na nga iyon pero mukhang hindi niha naman nakuha ang gusto kong sabihin.
"What?" he whispered to me but I still dared my eyes on him.
I faced the guy and forced a smile at him, "I'm sorry, Sir. We'll get rid this man beside me," I told him. "May you excused me first, Sir." I said and dragged Octav with me.
Mabuti na lang at break time ko kaya may dahilan ako para makipag-usap sa kaniya. Damn him! Mawawalan pa ako ng trabaho nang dahil sa kaniya!
"Wait me here," I told him so that I can changed my uniform first.
Binilin ko na lang tuloy iyong lalaki roon sa katrabaho ko. When I reached the spot of the mall wherein there were small numbers of people, I faced Octav.
"Ano bang problema mo?!" inis kong tanong sa kaniya.
Pero imbes na matakot siya sa akin ay nginitian niya lang ako na parang hindi ako sa kaniya galit.
Tangina! Ano ba ang gusto nitong iparating sa akin?!
"What?!" he said and controlled himself not to laugh. That made me rolled my eyes on him. "Ano ang mali ko kung pinagtanggol lang naman kita roon sa mangagamit na 'yon?" he exclaimed.
"Ah talaga? At ano naman kita para umasta ka nang ganoon ha?" I madly said to him.
Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niya ngayong wala naman siya sa disposisyon para gawin ang ganoong bagay. It was my job to attend the guy who was seeking for my help and it has nothing to do with him. Kung iniinis niya lang ako dahil gusto niyang maghigante sa pakikipag-break ko sa kaniya noon, then he better clear it with me.
Handa akong tanggapin lahat ng pang-iinis niya sa akin kung ganoon dahil kasalanan ko naman.
Ang hindi lang naman makatarungan dito ay ang iinisin niya ako at makikialam pa siya sa trabaho ko. I am a sales lady and it was my job and responsibility!
Hindi lang naman iyon ang una kong experience sa mga naging customer ng mall. May mga reklamador pa dahil ang bagal ko lang kumilos. But damn this boy in front of me!
"Oh, bakit hindi ka makasagot ngayon?" I intently asked him. "Kung nagreklamo ang lalaking iyon nang dahil sa ginawa mo at nasisante ako, may magagawa ka ba?" tanong ko sa kaniya.
I breath heavily as I looked at him but diverted my gaze immediately. He didn't answer my questions rather we went silent for a few seconds. Na tila may anghel na dumaan sa gitna naming dalawa kaya kami natahimik.
Huminga pa akong muli nang malalim para mawala ang awkwardness na naramdaman ko bigla. Damn! Now I am anxious, asking myself if I got too far from him.
Nagtama ang mga mata naming dalawa. Huminga siya nang malalim at saka tiningnan nang diretso ang aking mga mata.
"Mayroon," he said but he almost whispered the single word he said.
Nagtitigan ang aming mata at parang may sariling mga isip iyon na manatili na makipagtitigan sa kaniya. I hate to admit that I missed staring at his eyes the way I used to be. Pero alam kong may bago na siyang katitigan ngayon. Hindi lang isang babae ang katitigan niya ngayon kung hindi ay ang asawa at ang anak niya na.
At pinapanalangin ko na kung dumating man ang panahon na maamin ko sa kaniya na anak niya nga si Sabrina Reginald ay tanggapin niya, mga magulang niya, kapatid at ng sarili niyang pamilya.
I saw how he closed his fist and breath heavily when my phone rang.
Kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa at saka tumalikod kay Octav ngunit inirapan ko pa siya bago ko iyon ginawa.
"Hello?" I answered.
"S-Sav, kasi..." kinakabahang saad ni Trisha sa kabilang linya.
"What is it?" I asked her calmly.
"Ang taas po kasi ng lagnat ni Rina at nagsusuka rin po siya kanina pa pong pag-alis mo," wika niya at tila ako binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.
Alam kong medyo mainit ang temperatura ni Rina kaninang pag-alis ko ng bahay. But I didn't expected that she have a serious situation like that!
"Can you hand over the phone to my daughter?" I commanded.
"Okay po," aniya. "Baby, here's your Mommy Sav. She wants to talk to you." Narinig kong wika niya sa kabilang linya.
Lumapit sa akin si Octav ngunit nag-hand sign ako sa kaniya na teka lang. Nawalan na ako ng ganang makipagtalo sa kaniya. Napalitan ang galit ko ng takot at pangamba sa anak ko...
Sa anak naming dalawa.
"Is there a problem, Sav?" he asked but I didn't answer him.
"Hawak niya na Sav ang cellphone," wika ni Rina sa kabilang linya.
I breath heavily and calmed myself, "Baby, how are you?" I asked but she didn't answer.
May narinig lang akong parang bulong sa kabilang linta pero hindi ko naman iyon naintindihan. Napakamot ako sa aking ulo, "Can you tell Mommy, kung ano ang masakit sa 'yo?" tanong ko muli.
"M-Mommy..." she whispered on the other line but this time, it was louder. "My head hurts and my t-tummy..." she whispered again.
"Can you give the phone to Tita Trisha?" tanong ko sa kaniya kaya naman ay narinig ko na ang boses ni Trisha sa kabilang linya. "Pinainom mo na ba 'yan ng gamot?"
"Opo, pero ganoon pa rin siya. Hindi rin siya umiinom ng gatas niya at panay inom lang siya ng tubig." she explained to me.
Napatango ako sa sagot niya, "Just keep an eye on my daughter, Trisha. If the case worsen, call me immediately, okay?" tanong ko sa kaniya ngunit narinig ko na lang ang kaniyang sigaw sa kabilang linya.
P-Parang may nabasag na baso...
"Hey?! What's that?!" taaranta kong tanong sa kabilang linya pero hindi na niya ako nasagot.
"Sabrina, kaya mo pa ba? Kung hindi mo na kaya ay dadalhin ka na lang namin sa hospital." I heard Trisha said on the other line.
"Uuwi ako riyan at a-absent na lang muna ako sa trabaho ngayong hapon. Don't end the call," I intently said on the phone even if there was no certainty if she heard it.
Nagpaalam na lang muna ako sa aming manager sa text pero kailangan ko pa ring mag-submit ng letter of excuse sa kaniya para hindi ako matanggal sa trabaho. The manager replied on me but I knew her that she might forget it.
"Anong nangyari sa anak... Mo?" tanong sa akin ni Octav.
Doon ko lang naalala na nasa iisang lugar pa pala kaming dalawa. I looked at him and looked around and looked at him again.
"I'll drive you home," aniya kaya naman ay tumango kaagad ako sa kaniya at saka kinuha na muna ang mga importante kong gamit sa locker room baming mga sales lady at saka pumunta sa parking lot ng mall.
Octav drive me home as what he pleaded earlier. Kailangan ko pa sa kaniyang ituro ang daan kung saan ang bahay namin dahil hindi niya pa naman iyon napupuntahan.
Nang datnan ko silang dalawa sa bahay ay nakahiga lang si Rina sa upuang kutson sa sala. I immediately went to her and checked her temperature using my bare hands.
Nang ilagay ko roon ang likod ng palad ko ay halos mapaso na ako sa taas ng lagnat niya. I shook my head and breath heavily.
"Anong nangyari kanina?" tanong ko kay Trisha nang harapin ko na siya.
"Sumuka po muli siya kanina nang kausap pa kita." she explained, so I nodded at her. "Sino siya, Sav?" tanong sa akin ni Trisha.
She even pointed out the person who she was talking about. Tiningnan ko ang sinasabi niya at napahinga nang malalim. I didn't answer her question and watched Octav on how she put the back of his hand gently.
I never imagined that he would do that without me telling him the truth.
Tumingin siya sa akin kaya naman ay napaiwas ako ng aking mga mata sa kaniya. Instead of answering his question, I faced Trisha.
"Ilang beses na ba siya sumuka ngayong araw?" tanong ko sa kaniya.
"Halos limang beses na po, Sav." she answered and looked at Rina. "Mabuti na nga lang at umiinom naman siya ng tubig kahit papa'no dahil baka na-dehydrate na siya kung hindi niya ako sinusunod. Iyon nga lang ay ayaw niya talagang uminom ng gatas niya." mahaba niyang litanya kaya tumango na lang nuli ako sa kaniya
Umupo ako sa sofang hinihigaan ni Sabrina at saka siya hinalikan sa kaniyang mukha. I gently wake her up and the moment she opened her eyes, she smiled at me as if she wasn't enduring any pain.
"Mommy is already here, baby." I smiled at her. "You'll be okay now. Dadalhin ka namin sa hospital, okay?" paalam ko sa kaniya ngunit umiling naman siya.
"Doctors are great in saving patient, Sabrina."
Napatingin ako sa nagsalita kaya naman ganoon din sa kaniya si Sabrina. Hinang-hina na si Sabrina dahil sigurado akong marami na siyang nasuka. She was not also drinking her milk.
"They will tusok me!" Sabrina shouted and hugged me.
Hinaplos ko tuloy ang kaniyang likod at saka siya hinalikan ang kaniyang ulo. Kinalas ko ang kaniyang pagkakayakap sa akin at saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"We will go to the Doctor, so that you will be okay? Para mawala na ang lagnat mo," I gently told her.
Ang mapupungay niyang mga mata ay tumingin din sa akin pabalik at saka dahan-dahang tumango. "Kapag gumaling ka, we'll go to Jollibee and we'll eat your favorite fries and fried chiken, okay?"
Tumango siyang muli, "But you'll promise Mommy that you're going to follow Mommy and what the doctor said?" paalala ko at saka tumango na naman siya sa akin.
Tiningnan ko si Trisha at tinanguan siya, "Paki-ayos na muna ang kaniyang gamit, Trisha." utos ko sa kaniya. "Stay still here," I told Sabrina and put her back on the sofa.
Tumayo ako saka tiningnan si Octav ngunit napaiwas din kaagad ako ng tingin nang sakto rin palang nakatingin siya sa akin. "Uhm... Do you want some coffee?" tanong ko kay Octav pero umiling siya.
"Huwag na. We are in a hurry," he said, so I nodded.
When Trisha prepared all Sabrina's belongings including her milk, I carried again Sabrina. Isinuot ko rin sa akin ang bag ni Rina ngunit kinuha naman iyon ni Octav sa akin kaya hinayaan ko na lang.
Malapit lang naman ang hospital sa bahay ngunit mga kinse minuto pa ang aabutin bago kami roon makarating. On the way to the hospital, Sabrina was just sleep on my shoulder. Ang gaan-gaan na rin niya kaya hindi ako masyadong nabibigatan.
Nagising lang siya si Sabrina noong sa kalagitnaan na ng byahe. "Do you want milk?" I asked her but she just shook her head.
"Bakit ba kasi dinala n'yo pa siya kagabi roon sa park?" tanong ni Octav habang ang mga mata niya ay nasa kalsada na ngayon.
I looked at him and Sabrina did the same way, "Because she wants it," I simply answered him.
Inirapan ko pa siya pero hindi ko na lang pinahalata kay Sabrina. Ano bang pakealam niya hindi ba? Dinala ko lang naman ang anak namin doon dahil gusto niya iyon.
"You did not bring umbrella with you yesterday, kaya siguro nagkalagnat ang anak mo," he exclaimed but I just took a deep sigh.
"Just drive, will you? Nandito na at hindi naman na mababago." I rolled my eyes on him and diverted my gaze to Sabrina who was just silently watching us argue.
Ngunit nang tingnan ko siya ay sabay ng kaniyang tanong na hindi ko inaasahan. I was out of words when she asked me that question. Nakangiti pa siya sa akin habang tinatanong niya iyon kaya mukha akong napipi at nawalan ng bibig.
"Is he my Daddy, Mommy?"