"Kapag bumaba na ang lagnat ng anak n'yo Misis ay p'wede na kayong umuwi," bilin ni Doctora kaya napahinga ako nang maluwag.
Mabuti na lang at hindi naman masyadong seryoso ang lagay ng anak ko. Kakaunti lang naman ang babayaran sa hospital at kaya naman iyon ng natatago kong pera.
I smiled at the doctor, "Salamat po, Doc." ani ko kaya naman ay tumango siya sa akin at saka umalis na ng ward.
I looked at my daughter who was now peacefully sleeping on her hospital bed. Nilagnat lang daw si Sabrina dahil iyon daw ay parang tinatawag na lagnat-laki. Isa pa ay naambunan din siya kagabi kaya natipon ang lagnat niya. Ayaw niya rin kasing magpalagay ng bimpo na binasa ng maligamgam na tubig na may alcohol kaya mas lalo pang lumala iyon, lalo na at hindi pa siya umiinom ng gamot kanina. On the other hand, she was vomiting because of too much bad bacteria on her tummy.
Ang mahirap kasi kay Sabrina kapag nilalagnat siya ay ayaw niyang uminom ng gamot. Ayaw niya ring nilalagyan ng bimpo ang noo niya kaya naman mas lalong lumalala ang kalagayan niya. Ang hirap niya ring pakainin at painumin ng gatas kaya sobra talaga siyang nanghihina.
She was a jolly daughter of mine but when she was sick, everyone was her enemy. Ewan ko nga kung bakit siya nagpakarga kay Octav kanina nang papasok kami sa emergency eh.
Siguro ay lukso ng dugo?
Ewan ko ba basta ganoon na lang ang nangyari kanina.
***
"Is he my Daddy, Mommy?" tanong ni Sabrina sa akin.
I paused for seconds because of her question. I didn't expected that she was going to ask me a question like that. Dahil ba unang kakakilala niya pa lang kay Octav kahapon?
"We're here," Octav announced.
That made me took a deep sigh. Halos hindi na pala ako huminga nang tanungin ako ni Sabrina Reginald!
I'm sorry, Sabrina but I couldn't answer your question for now.
Ayaw kong sabihin na hindi dahil alam kong darating ang oras na malalaman niya rin naman ang totoo.
"Let's go, mahal." I told Sabrina.
Ngunit imbes na mapadali ang pagbaba naming dalawa sa kotse ay siniksik niya ang kaniyang sarili sa akin. "I don't want Doctors, Mommy! They are hurting me!" she shouted.
Hinaplos ko na lang ang kaniyang likod ngunit wala iyong epekto sa kaniya. She even pushed herself to mine. Hindi tuloy ako makagalaw nang maayos dahil sa kaniya.
Malaki pa naman niya!
While I was convincing Sabrina to let go of me, so that we could go out of the car, Octav get out of his car and opened the door in our side. "Sabrina, I already told you that you'll be okay when we brought you to the hospital." wika ko sa kaniya pero ayaw niya pa rin.
Galaw pa nang galaw ang kaniyang paa kaya ayaw niya talaga. "I'll eat apple instead!" she insisted that made me smiled.
Napangiti na rin si Octav dahil sa sinabi ni Sabrina kaya napailing na lang ako. "How can you eat apple if you're not even drinking your milk?" tanong ko sa kaniya kaya naman ay umiyak na naman siya.
"Tita Trisha gave me apple a while ago! I don't want to be here! They will tusok me!" giit niya pa.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Kahit na nanghihina siya ay nakasimangot siya sa akin, "Hindi ba, an apple a day, makes doctor away? I already ate one!" she still insisted but I shook my head.
"It's not enough, Sabrina. Gusto mo bang hindi ka gumaling at manghihina ka na lang palagi?" tanong ko sa kaniya kaya umiling siya. "You ate an apple a while ago, right?" tanong ko pa kaya tumango naman siya ngayon.
"Listen to Mommy, mahal." I gently told her. Napatingin pa ako kay Octav na nanonood sa aming mag-ina ngunit napaiwas din ako kaagad ng tingin. "Kumain ka na ng apple kanina pero sumuka ka pa rin, hindi ba? Meaning the apple you ate earlier was not effective, so you need to see a doctor, right?" tanong ko pa sa kaniya.
Hindi na siya sumagot sa akin at saka nakipagtitigan na lang sa akin. "Can we go now to the Doctor?" tanong ko sa kaniya.
Akala ko ay iiyak na naman siya at kukumbinsihin akong ayaw niya pero mabuti na lang at pumayag na siya. "Halika rito, Sabrina." Octav offered his hand to carry Sabrina.
Pumayag naman si Sabrina na kargahin niya na ikanagulat ko. Kung ibang lalaki ang kumakarga sa kaniya ay ayaw na ayaw niya ha?
Hinayaan ko na lang tuloy silang dalawa. Ako na lang ang nagbitbit ng bag ni Sabrina at nag-lock ng kotse ni Octav at ibinalik din sa kaniya ang susi. While they were walking, I was behind them. I took a quick photo of them and send it to our group chat.
Kaya ang nangyari ay ang ingay na sa gc namin. Out of nowhere, I found myself smiling while walking behind the two person I love the most.
Pakarating namin sa loob ng ER ay kaagad na tinanong kung anong nangyari kay Sabrina. After that, they let Sabrina laid on the one of the hospital bed.
"Do you want some water, mahal?"
"Opo."
Napatingin ako kay Octav nang sabihin niya ang salitang iyon na kaagad namang nag-iwas ng tingin sa akin at kunyaring nagsi-cellphone. Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya kahit na hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya dahil hindi naman siya ang kausap ko.
"Do you want to drink water, mahal?" I asked Sabrina and this time, she nodded at me.
Ilang minuto lang din ay tinawag na ang pangalan ni Sabrina na siyang kukuhanan na siya ng dugo para i-examine ng doctor. She was badly crying and grumpy because she saw a needle the doctor was holding.
"No, Mommy! I told you they will hurt me! Mommy, I don't like here! Let's go home!" sigaw niya sa loob ng ER.
Ako ang kumakarga sa kaniya kaya naman ay hindi ko mapigilan siya nang todo. Hindi tuloy siya makuhanan ng doctor ng dugo para i-examine.
"Will you mind if I carry you, Sabrina?" tanong ni Octav kay Sabrina kaya naman ang ginawa ng bata ay kaagad na nagpakarga sa kaniya.
Gulat pa ako nang sumusunod kaagad sa kaniya ang anak niya! Damn!
I felt so useless here! Nakakapangselos ha!
Octavius Reggie leaned on Sabrina Reginald's ear and whispered something on my daughter. Hindi ko alam kung anong gayuma ang mayroon siya at bigla na lang naging masunurin ang anak ko!
***
"Dare to drink some coffee?"
Napatingin ako sa kape at saka nilingon kung sino ang nag-alok ng kapeng iyon. Sino pa nga ba ang mag-aalok noon eh siya lang naman ang kasama ko papunta rito bukod kay Sabrina?
Eh 'di ang magaling niyang ama.
"Thanks," I said.
"Wala nang libre sa panahon ngayon, Sav." he said.
That made me looked at him with my brows furrowed. "What do you mean?" I asked him but then I realized what he meant by that.
Maingat kong hinawakan ang kape sa kabila kong kamay at saka akmang kukuha ng cash sa wallet ko nang hawakan ni Octav ang kamay ko. I was immediately fascinated by his warm touch that I was longing for the whole time.
And because of what he did, I paused but my heart beats faster as if there was a race inside it.
I looked at him when he was still holding my hand that he immediately get rid of my hand. Inayos niya ang kaniyang upo na siyang nasa kabilang side ng hospital bed ni Sabrina.
"Have a lunch with me, Sav." aniya kaya naman kaagad akong umalma sa gusto niyang mangyari.
"Nahihibang ka na ba!?" asik ko sa kaniya.
I glanced at the people who was also inside the ward and shut my mouth because my voice got louder. I diverted my gaze first to Sabrina and thank God because she was still peacefully sleeping. I glared at Octav who was now smiling at me.
"It's just a lunch with me, Sav. Just like before?" tanong niya kaya mas lalo ko siyang tiningnan nang masama at napaiwas ng tingin.
He wants to have lunch with me like before? For what? Wala naman iyong saysay ngayon at ayaw kong ako ang maging dahilan na mawalan siya ng pamilya pakatapos naming mag-lunch.
For pete's sake, he has his own family now!
Pagkatapos ay aayain niya akong makipag-lunch sa kaniya?
"And so? What will you gain if you have lunch with me?" tanong ko sa kaniya ngunit hindi naman siya nakapagsalita. He just looked at me, "Past is past, Octav." I added and rolled my eyes.
"Hmm..." he whispered. That made me look at him, "I'll gain your trust again?" tanong niya sa akin kaya umiling ako.
"There was no point on gaining my trust again, Octav." I told him.
Because right after I saw him at the park, I knew that I'll get crazy of him again. Na kahit kaunting gawin niya lang ay sa kaniya pa rin uuwi ang puso ko.
He was my home but I was not his.
Isa pa, kung hindi ako sa kaniya nagtitiwala, eh 'di sana ay hindi rin sa kaniya magtitiwala si Sabrina. Eh kanina nga, kaunti na lang ay iisipin kong alam na ni Sabrina na si Octav ang Daddy niya.
"Why? Just a simple lunch with me, Sav." wika niya pa pero umiling ako. "At isa pa, you can't say no to your daughter, right?" tanong niya at tiningnan pa saglit si Sabrina.
"Ano ba kasi ang ginayuma mo sa anak nat... Ko?" I furiously told him.
Damn it!
I composed myself when I was about to spill it. Tangina! Bakit ba kasi nandito siya?
Why all of the people who would be my customer today will be him?
Bakit sa lahat ng kakilala ko ay siya pa kung p'wede namang si Ralph, hindi ba? Pinipeste talaga niya ako minsan!
"Hindi ko rin alam kung ano bang mayroon sa akin," he said smiling devilishly at me. "Siguro ay dahil gwapo ako kaya nahulog kaagad ang loob ng anak mo sa akin," he said that made me rolled my eyes on him.
"Gwapo my ass," I mocked him.
"Kung hindi ako gwapo, eh 'di sana ay hindi naging tayo noon hindi ba?" bigla niyang sabi kaya naman ay inirapan ko siya.
May pumasok sa pintuan ng ward. At first, I thought he was one of the relatives from other patients but then I realized that it was him. Ilang taon ko rin siyang hindi nakita ha?
Maybe three to four years already?
Ano naman kaya ang ginagawa ng isang 'to rito?
He smiled at me, so I was obliged to smile at him. Nang makarating siya sa tapat ng hospital bed ni Sabrina ay tiningnan niya ang anak ko.
"Long time, no see, Sav." he said smiling at me.
Napatingin siya sa lalaking nasa harapan ko kaya naman ay nagulat siya sa kaniyang nakita. He even looked at me with his curious eyes, but I just glared at him. Baka kung ano pa ang masabi niyang katotohanan.
I am not ready yet!
"Long time, no see, Sir Octav." Jimrey uttered.
Lumapit siya kay Octav at nakipagkamay. Octav even tapped his shoulder and smiled at him.
"Kumusta ang buhay sa barko, Sir?" tanong ni Jimrey sa kaniya.
"I'm doing great, but I always find missing my home here in the Philippines, especially here in Bicol." he said and took a glance at me.
Hindi ko alam kung anong mayroon at kailangan niya pang tumingin sa akin. Napaka-malisyosa ko na yatang tao kung pati iyon ay bibigyan ko ng ibang meaning.
"How about you, Jimrey? Kumusta ang buhay ng may pamilya?" tanong nito at saka tumingin sa akin.
Eh? What? Pamilya?
Yeah Jimrey already has his own family but damn! Hindi kami ang pamilya niya! Asawa ni Jimrey ang naging katrabaho niya kaya paanong magiging ako? Damn!
Did he guess that Jimrey was Sabrina's father?
"It's doing fine," Jimrey said and looked at me with his smiling face.
Tangina! Pati itong si Jimrey ay nakisabay na rin!
Pumunta si Jimrey sa tabi ko at saka ibinigay sa akin ang dala niyang prutas.
"I went home, but Trisha told me that Sabrina got sick so you are here at the hospital." wika sa akin ni Jim. He even grabbed my waist to be near at him.
Kung hindi ko lang talaga alam na may asawa at anak na siya ay iisipin kong may gusto pa rin siya sa akin! Mabuti na lang at nasa hospital kami at hindi nasa publikong lugar dahil wala sa aming makakakita sa pinag-gagawa niya rito.
"Yeah, bumaba naman na ang lagnat niya kaya makakauwi na siya mamaya." ani ko sa kaniya saka siya tumango.
"I'm going now," Octav said and smiled at me. Pero bago pa siya makatalikod sa akin ay kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa at nilahad iyon sa akin. "Can I have your number. I mean, in case of emergency?" he asked.
Tumingin ako kay Jimrey sa hindi ko malamang dahilan. Tumango naman siya sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ay itipa roon sa cellphone ni Octav ang number ko.
"Uhmm..." I whispered and looked at Octavius. He stared at me, "Payag na ako." I said.
That made him smiled and snapped his fingers, "Alright, Sav. I'll text or call you later, so you can message me when and what time." aniya kaya tumango ako sa kaniya.
Nang makaalis siya ay kaagad na umalis si Jimrey sa tabi koat lumipat sa kaninang pwesto ni Octav. I glared at him but he jist scratched his head.
"Alam mo bang mapapatay ako ng asawa ko sa ginawa kong iyon kanina?" tanong niya at natawa pa sa akin.
"Bago pa niya iyon magagawa ay ako na ang gagawa," I mocked him and rolled my eyes.
"Kailan mo balak sabihin sa kaniya na may anak kayo?" tanong niya sa akin pero nagkibit-balikat lang ako.
"Sooner," I said and forced a smile. "By the way, kailan ka pa umuwi rito sa Pilipinas?" tanong ko dahil naka-base na sila ngayon sa ibang bansa.
"Kahapon lang," sagot niya kaya napatango ako. "I was with my family here. Nandito kami para magbakasyon at babalik naman kami sa susunod na buwan." dagdag niya pa.
Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Jim hanggang sa magising na si Sabrina. Hindi pa nakilala ni Rina si Jim kaya naman ay lumalayao siya rito. Ilang oras lang din ang lumipas hanggang sa p'wede na kaming makauwi dahil bumaba na ang lagnat ni Sabrina.
Jimrey drove us home. Umalis din siya kaagad kahit na sabi ko sa kaniya ay maghahanda muna ako ng miryenda.
Ilang araw lang din ang lumipas at naging maayos na ang pakiramdam ni Sabrina. Octavius also texted me on my phone like what he said. Ako naman ay tinext na rin sa kaniya kaagad iyong sabi niya na makikipag-lunch sa aming dalawa ni Sabrina. Day off ko naman iyon kaya hindi ko kailangang mag-alala para sa oras.
Umuwi na rin muna si Trisha sa bahay nila kaya kaming tatlo lang talaga ang magkakasama.
"Tao po?"
Katok niya pa lang sa pinto ng bahay kaya naman ay si Sabrina na ang nagbukas para sa kaniya.
"Tito Octav!" tuwang-tuwa na sabi ni Sabrina nang pagbuksan niya ang pinto.
I felt awkwardness when I heard Sabrina called Octav as Tito. For heaven's sake, it was his real Dad!
"Are you ready?" tanong ni Octav sa kaniya at nakangiti namang tumango ang anak namin sa kaniya.
Tapos naman na akong mag-ayos kaya ako na lang ang nagdala ng gamit naming dalawa ni Sabrina. I just wore my backpack and put Sabrina's belongings. Palagi akong may dalang extrang damit para sa kaniya dahil masyado siyang malikot at kung saan-saan nagsusuot-suot.
Si Octav na rin ang kumarga sa kaniya dahil nagpakarga siya. Ewan ko nga talaga kung ano pa ang binulong sa kaniya ni Octav noong ma-hospital siya. Pagpasok namin sa kotse ay kaagad kaming umalis. Octav also opened the radio but I immediately felt awkward when the song on the radio reminds me of what we did five years ago.
"Oh, kay gandang pagmasdan
Ang iyong mga mata
Kumikinang-kinang
'Di ko maintindihan
Ang iyong mga tingin
Labis ang mga ningning
Langit ay bumaba
Bumababa pala ang tala.." kanta mula sa radyo.
I could still clearly remember what happened that time and how much I was happy during those times.
"Sav?" tawag sa akin ni Octav kaya napatingin ako sa kaniya. "Ayos ka lang ba? P'wede namang kami munang dalawa ng anak mo ang magsama kung hindi ka okay," he said but I shook my head.
Napatingin pa ako sa radyo ng kaniyang kotse ngunit umiwas din ako kaagad doon. "Mommy, hindi ba palagi iyang pinapakinggan mong kanta? Will you sing it for me?" Sabrina asked.
I looked at Sabrina and shook my head, "Nakakahiya k- sa kaniya," I told Sabrina but she just pouted at me.
"Wala ka namang hiya, Mommy eh!" pagpupumilit niya pa kaya napahinga ako nang maluwag.
"May hiya ako 'no!" giit ko kay Sabrina at pinangdilatan siya.
"Sige na. Just pretend that I'm not here with you," Octav said that made Sabrina happy and excited.
Bakit ba kasi sa lahat ng tugtog sa radyo ay iyan pa ang pinatugtog nila? Wala bang mas latest na kanta riyan?
"Tumingin ka sa 'king mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig..." pagsabay ko sa kanta kaya naman natuwa si Rina.
I took a quick glance at Octav but I immediately diverted my gaze because he also glanced at me.
That day Sabrina had fun with us. Hindi ko pa man nasasabi kay Octav at Sabrina ang totoo pero nagkaroon na sila ng quality time sa isa't isa. Para kaming isang pamilyang masaya, but I always got anxious of what will happen if Octav's wife would know about this.
Pakiramdam ko ay kabit ako at sinasabit ko lang anak namin sa pamilya niya. I hate that feeling, so the next days, I distanced myself from him. Madalas ko siyang nakikita sa isang mall pero lumalayo na ako kaagad sa pwesto nila. There was also times when I saw him with Tita, Tito and Melgie, so I hide myself from them.
But today, ang iniisip ko ay ang resulta sa board exam namin. Kagabi pa ako kabado dahil baka na-legwak na naman ang pangalan ko. My friends also filed a live for absence today for us to see the result together.
"Handa ka na ba, Sav?" tanong sa akin ni Haisely pero hindi ko siya sinagot at tiningnan ko lang siya sa kaniyang mga mata.
"Tara na!" Ken said and opened her laptop.
Pumunta sa gawi niya sila Haisely, Ralph pati na rin si Jimrey. I smiled at them and didn't move on my seat because I am afraid of what would be the result.
"Savannah Caroline Teodoro." Ken said and as what I saw, they are already scanning on the surnames. "Teodoro, Teodoro, Teodoro, Savannah Caroline." wika niya at patuloy na nakatingin sa screen ng laptop niya.
Naka kandong din sa kaniya si Sabrina na excited din at mukhang sabik na makita ang pangalan ko roon. The hell, my toes are getting weaker. Sa bawat segundong lumilipas na wala pa akong nakikitang reaksyon nila ay mas lalo akong pinanghihinaan ng loob.
I closed my eyes and held my hand together, praying for a positive result that I passed the exam. Wala akong narinig na sinabi ng mga kaibigan ko kaya naman ay ibinuka ko na ang aking mga mata.
But to my surprise, Kennedy popped the balloons and shouted.
"Congratulations, Savannah!" Ken shouted and hugged me tightly.
"My gosh! Engineer ka na, Sav!" ani Haisely.
Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko sa mga sinabi nila. I felt neutral but I knew how much I am happy to heard those words from them.
"T-Totoo ba?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanila.
"You made it, Sav. You are now an Engineer Savannah Caroline Teodoro." Ralph said and gave me also a hug.
"Paano ba 'yan, Engr. Teodoro?" nakangiting tanong sa akin ni Jimrey at nakaabang ang mga kamay para bigyan ako ng yakap.
Pumunta ako sa upuan at kinuha ang laptop ni Kennedy para tingnan kung totoo nga iyon. I want to see it myself. I want certainty.
Kaagad na bumuhos ang mga kuha sa mata ko nang makita ang aking pangalan doon.
Teodoro, Savannah Caroline - PASSED
"Mommy, I told you!" tuwang-tuwang sabi sa akin ni Sabrina at niyakap ako nang mahigpit. "Congratulations, Mommy. Engineer ka na!" dagdag niya pa.
Niyakap ko pabalik ang aking anak at saka hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo. Tulo pa rin nang tulo ang luha ko sa sobrang saya ko. I made it!
I made it!
May kumatok sa pintuan ng bahay namin kaya naman ay sabay-sabay kaming napatingin doon. What I saw was the man behind my success but he don't know about it.
"Tito Octav!" wika ni Sabrina at saka tumakbo papunta sa gawi niya si Rina. "Engineer na po ang Mommy ko!" dagdag niya pa.
I wiped away my tears and looked at my friends. Tumango sila sa akin at si Haisely naman ay nginuso si Octav na siyang nakatayo sa may hamba ng pinto.
"One small family yarn," Ken whispered on my ears when I was walking to Octav.
"Looks like you are having a feast?" tanong ni Octav sa akin kaya tumango ako. "Congratulations, Sav, my former student." aniya at saka ngumiti sa akin.
I also smiled at him and get the gift he prepared.
"Teka lang! Mag-oorder ako ng mga pagkain!" wika ni Ken ngunit kaagad siyang pinigilan ni Octav.
"No need, Ken. I already brought foods for us." aniya at sabay ng pagpasok nila Melgie at Jimrey na may dala-dalamg pagkain. "Nabanggit sa akin ni Sabrina na nag-exam ka kaya naman ay inabangan ko kagabi ang Board Exam Result," he said and winked at me.
That answered my question, so I nodded at him.
Kaya naman ang nangyari ay nagkaroon ng kasiyahan sa loob ng apartment namin. Kinabihan ay dumating na si Mama kaya niyakap ko siya kaagad.
"Ma, Engineer na ako! May Engineer ka nang anak!" naluluha kong sambit sa kaniya.
"Sabi ko naman sa 'yo na papasa ka eh!" aniya kaya tumango ako habang inaalo niya ako.
Mga ilang minuto lang din nang dumating si Mama ay dumating na rin sila Tita kasama sila Ate Glez at Rhea. They congratulated me, but not the same as before when both of my cousins always rolling their eyes on me. Ngayon kasi ay nakangiti sila sa akin.
Maldita pa rin naman sila sa akin pero hindi na katulad noon.
Nagtuloy-tuloy ang kasiyahan namin sa bahay. May dala-dala pang pagkain sila Tita kaya mas lalong dumami ang pagkain. They also told me that we are still going to celebrate it in a beach.
Kaya ang masayang-masaya?
Walang iba kung hindi si Sabrina Reginald.
Lumabas ako ng bahay at hinanap sila Ralph dahil may tumatawag sa kaniyang cellphone. But the thing is, I heard they were talking about me.
Kasama niya sila Octav, Melgie at Jimrey.
"Kailan mo balak sabihin ang totoo kay Ate Savannah, Kuya?" tanong ni Melgie sa kapatid niya.
Nagtago ako sa pader ng bahay upang hindi nila mahalata na nandoon ako at nakikinig sila.
What truth Melgie was talking about?
"Sav also thought that you already have your own family, and that includes the lady with you the first you saw each other again." ani naman ngayon ni Jim.
"I am waiting for the perfect timing, guys. Kalmahan n'yo lang at sasabihin ko naman sa kaniya." ani Octav sa kanila.
"Sabrina was also longing for the love of her father, Octav. Baka sa oras na sabihin mo kay Sav ang totoo na alam mong may anak na kayo ay mayroon na siyang nahanap na iba?" Ralph said that made my world upside down.
Hindi maproseso ng utak ko ang sunod-sunod na mga sinabi nila.
Katotohanan?
H-He knows everything?
"Nagpapadala ka palagi ng pera sa akin para sa panggastos ng anak mo, Octav kaya dapat nang malaman nila ang totoo. All these years, you have been supporting Savannah and your daughter for their finance." dagdag pa ni Ralph.
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong paniwalaan.
"I think this is the perfect time for her to know the truth, Octav that you know everything she hide from you." Jim said.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko na siyang kinagimbal nilang apat.
"Y-You k-know everything?"
Gulat silang napatingin sa akin at tila binuhusan sila ng malamig na tubig.
Now I know how it feels to hide something from you.
Naglakad palapit sa akin si Octav ngunit pinigilan ko siya, "Yes, Sav. I know everything from the very beginning. Alam ko ang lahat. Alam kong may anak tayong dalawa at iyon ay si Sabrina Reginald."